The Camp: He's My Secret Agen...

由 MsButterfly

3.8M 60.7K 2.6K

Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookst... 更多

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard
CHAPTER 1 ~ Queen of Sarcasm ~
CHAPTER 2 ~ Disney ~
CHAPTER 3 ~ Wheel Of Fate ~
CHAPTER 4 ~ Let Go ~
CHAPTER 5 ~ Mission? ~
CHAPTER 6 ~ Irresistible ~
CHAPTER 7 ~ Drink ~
CHAPTER 9 ~ Find Me ~
CHAPTER 10 ~ Trick or Treat ~
CHAPTER 11 ~ Lips ~
SPECIAL CHAPTER: Original Elites To The Rescue!
CHAPTER 12 ~ Lips Party ~
CHAPTER 13 ~ Crazy ~
CHAPTER 14 ~ Aquarium ~
CHAPTER 15 ~ Awesome ~
CHAPTER 16 ~ Someone ~
CHAPTER 17 ~ Sizes ~
PLEASE READ THIS BEFORE THE UPDATE
CHAPTER 18 ~ Cosmopolitan ~
CHAPTER 19 ~ Four Hours ~
CHAPTER 20 ~ Doll ~
CHAPTER 21 ~ Alex ~
CHAPTER 22 ~ Distraction ~
CHAPTER 23 ~ One Of Them ~
CHAPTER 24 ~ Done ~
CHAPTER 25 ~ Agony ~
CHAPTER 26 ~ Warm ~
CHAPTER 27 ~ Beautiful ~
CHAPTER 28 ~ Happy ~
CHAPTER 29 ~ Secret ~
CHAPTER 30 ~ Attack ~
CHAPTER 31 ~ Future ~
CHAPTER 32 ~ A Beginning of Another Life ~
CHAPTER 33 ~ Huehuehue ~
CHAPTER 34 ~ Cassandra and Andreige ~
EPILOGUE

CHAPTER 8 ~ Hangover ~

98K 1.4K 26
由 MsButterfly

CHAPTER 8

CASSANDRA'S POV

"Okay! Wake up! Wake up!"

Alam ko kung kaninong boses yan. Obviously kay Andreige dahil siya lang naman ang kasama ko dito at idagdag pa na siya ang may-ari ng bahay na to. Ang weird naman siguro kung ibang boses ang marinig ko at hindi yung sa may-ari diba?

-_________-

Bakit ko ba binabara ang sarili ko?

Whatever. Gusto ko lang matulog maghapon hanggang sa hindi na umiikot ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nag overnight ako sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom. Kagabi kasi nilunod ko ang bahay-alak ko ng mga cocktail drinks na hindi ko na matandaan ang pangalan. Hindi naman ako pinigilan ni Andreige sa kadahilanang hindi niya ako mapipigilan dahil mas nauna pa siyang tumumba sakin.

Sinundo pa tuloy kami ni Craige.

"Wake up!"

"Your worst than any loud alarm clock in the world."-me

Narinig kong tumawa siya. Nagtalukbong ako ng kumot pero hinila niya lang ulit iyon. May training pa kasi ako mamaya. Kailangan kong araw-araw mag train dahil kailangan na naming simulan ang totoong mission namin.

"Come on, Cassie dear."-andreige

"My head feels like it's cracking but I know it's just my imagination and the result of my actions last night kaya okay lang sakin. Pero kapag ininis mo ako I'll make sure I'll crack your head and I assure you it wont be in your imagination."

"That's scary but you need to wake up. We're gonna shoot today."

"Will I be able to shoot people?"-me

"No."

"Will I shoot you?"

"Ammm...no?"

Hindi ko na siya sinagot dahil siguro naman nakuha na niya ang ibig kong sabihin. Naramdaman kong tinapik na naman niya ako at binuksan ko na ang mga mata ko. Obviously wala sa bokabularyo ni Andreige ang salitang common sense.

"WHAT?"-me

Ngumiti lang siya at parang hindi apektado sa mood ko ngayon. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay na animo hinihintay kung anong gagawin ko. I rolled my eyes at him then binagsak ko ang katawan ko sa kama at pumikit ulit.

"Since hindi gumana ang democratic technique ko tatawagan ko na ang mga parents ng chikiting bilang last card ko-"

"I'm awake!"-me

Tumayo ako at nagmamadaling umalis ng kama. Wala akong balak magkaroon ng stampede dito kapag dumating ang mga chikiting.

Tumawa si Andreige at binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Silaban ko kaya ang kwarto mo?"-me

"Then I'll sleep here with you."

Okay, that's a bad idea. Lumapit ako sa walk in closet at kinuha ko ang towel at robe ko na naiwan ko don kagabi. Naglakad na ako papunta sa banyo pero huminto muna ako sa tapat ni Andreige na mukhang walang balak umalis.

"Are you planning to watch me bath?"-me

"Pwede?"

"No. Hindi ako matutulog sa bathroom kaya pwede ka ng lumabas at magkalat ng lagim sa kung saan."

"But you might-"

"Do you want me to flush you in the toilet or drown you in the bath tub? Sabihin mo lang mabait naman ako at masunurin."

Kumunot ang noo niya at nag pout siya. It's a weird combination but he still looks good. Kung ibang lalaki ang gumawa ng ekspresyon na iyan baka nagmuka silang constipated na alien.

"You know panglimang beses mo na akong binigyan ng death threat."-andreige

"Really? Yung pang six totoo na kaya kung ako sayo aalis na ako-"

Bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay bigla na lang niya akong hinalikan. Naitulak ko siya ng wala sa oras. Hello? Kagigising ko lang kaya. Ngumiti siya at kinindatan ako bago pasipol-sipol na lumabas ng kwarto ko.

-_______-

Weird guy.

Pumasok na ako sa bathroom at nagtanggal ng damit. Tumapat ako sa shower stand at binuksan ko na iyon...baka sakaling magising ako kapag tinamaan ako ng tubig.

Nakapikit na tumingala ako at inabot ko ang bottle ng shampoo.

...

...

Damn.

Nakalimutan kong kumuha ng bago. Bumuntong-hininga ako at isinuot ko ang robe ko at lumabas ng bathroom. Binuksan ko ang pinto. Mukhang nasa baba na si Andreige.

"Andreige!"

"Yes?"

"Can you please hand me a shampoo?"

"Why?"

I rolled my eyes. Ang kulit talaga ng isang to. Wala talaga ako sa mood ngayon at umaariba na naman ang katarayan na nasa kasuluksulukan ng kaluluwa ko.

"I dunno, maybe I need to use it to brush my teeth? Duh! Of course I need it to wash my hair!"-me

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nakapamewang na naghintay ako sa tapat ng pintuan ko. Nang makarinig ako ng yabag ay napabuntong-hininga ako.

Finally.

Napaangat ang kilay ko ng makita kong may dala siyang tinapay, baso ng tubig at shampoo. Nagtatakang tinignan ko siya.

"Balak mo bang ipalaman ang shampoo sa tinapay?"-me

Pinisil niya ang ilong ko at nginitian ako.

"Of course not, silly."

Bago pa ako makasagot ay sinubuan na niya ako ng toast bread. I rolled my eyes at nginuya ko iyon. Pinaubos niya sa akin iyon pagkatapos ay may kinuha siya sa bulsa niya na gamot...for headache siguro. Akmang kukunin ko na sa kaniya iyon pero isinubo lang niya sakin ang gamot at inabot sakin ang tubig. I sighed and drink it.

"Happy?"-me

"Definitely."

Nakangiting binigay na niya sa akin ang bote ng shampoo. Hinablot ko sa kamay niya yon at pumasok na ako sa loob. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Damn.

This is bad.

PINAUNA ko na si Andreige sa training area. My morning ritual pa kasi ako at kasalukuyan pa akong naghahanap ng damit na isusuot para sa training. Hindi naman ibig sabihin na papagurin lang ako maghapon eh hindi na ako magdadamit ng maayos.

Buti na lang sumunod si Andreige. Tinalo pa namin ang nasa courtroom kapag nagtatalo kami.

Nag-iinit na kinuha ko ang itim ko na tights at shirt na kulay gray. It hugged my body kaya maganda tignan. Itinali ko ang buhok ko pataas.

After an hour nasa tapat na ako ng training room. Pumasok ako at naabutan ko si Andreige na sumasayaw ng Gentleman kasama si Wynd at Ice. Nakita kong hinihilot ni Craige ang sentido niya habang nakatingin don sa tatlo.

"Cassie!"-andreige

Itinulak ko ang noo niya gamit ng hintuturo ko ng humahagibis na lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako.

"No."-me

"But-"

"Maraming tao."

Ngumiti si Andreige. Lumingon-lingon siya at tinignan nya ang mga agents na nakatingin sa amin ngayon. Itinaas niya ang kamay niya at nag wave-wave.

"Close your eyes!"-andreige

Napangiwi ako ng sumunod naman ang mga agents pati na si Craige na sumunod na lang sa sinabi ni Andreige na tono pa ng Eternal Flame. Tumingin sakin si Andreige na ngiting-ngiti.

"Give me your hand darling!"

Kinuha niya ang kamay ko habang kumekembot-kembot pa siya. I sighed and give him my hand.

"Andreige-"

"Do you feel my heart beating! Do you understand-"

Pinutol ko na ang sasabihin niya at hinalikan ko siya. Saglit lang nagtagal iyon at kusa na akong lumayo sa kaniya. 

"Coast is clear."-me

Binuksan na ng mga agents ang mga mata nila habang ako naman ay tumuloy na sa isang room dito sa training room. Kita parin ang labas mula sa loob at kita parin ng mga nasa labas ang loob dahil glass wall lang ang pagitan nito at sa sparring area.

Hinarap ko si Craige ng nasa loob na kami.

"Sinigurado mo na ba na kapatid mo si Andreige?"-me

"Yes, apparently mukhang kapatid ko nga siya. Baka ako ang ampon dahil ako lang ang nag-iisang matino sa kanila."

"Susumbong kita kay Mama, kuya!"

Si Paige yon. Nandito din pala siya loob at kasalukuyang kumakain ng gummy bears sa isang tabi. I grimace and rolled my eyes. Pumasok narin si Andreige na ngiting-ngiti na animo kagigising lang sa Christmas morning.

"Ako ang magtuturo kay Cassie!"-andreige

"Marunong ako."-me

"Kahit na."

Kumuha siya ng baril at inayos iyon pagkatapos ay nilagyan niya ako ng shooting earmuffs. Siya narin ang naglagay sakin ng eye protection. Pumuwesto siya sa likod ko at ipinahawak sakin yung baril habang nakahawak din siya roon.

...

...

"Andreige."-me

"Yes, dear?"

"Can you scoot away?"

"No, dear. I need to teach you how to shoot properly. Kailangan mo ng magaling na private instructor katulad ko. I can teach you how to sing, how to dance, how to-"

"I'm currently holding a gun and I don't know what's that got to do with dancing and singing."-me

Pumalatak si Andreige na animo na aawa sa akin na hindi mo maintindihan. Inusog niya ako ng konti at kinuha sakin yung baril at iwinave niya pa ang isa niyang kamay sa tapat ng baril na animo may lalabas na rabbit doon.

Nakatingin lang ako sa kaniya at inalis ko muna yung earmuf ko. Pumuwesto si Andreige at itinutok niya iyon sa target. Seryosong-seryoso ang mukha niya.

Hmm..mukhang may gagawin naring seryoso ang isang to-

"I'm bulletproof! Nothing to looooseee! Fire away, fire away!"

Ibinalik ko ang earmuffs sa tenga ko. Hindi dahil sa kinalabit na ni Andreige ang gatilyo kundi dahil sumasakit ang ulo ko sa boses niya.

Nang nakangising tumigil siya ay lumapit na ako sa kaniya. Mukhang na-hit niya yung target. Tinignan ko yung shooting board niya. Napatingin ako kay Craige at halos sabay kaming napailing.

Korteng heart yung ginawa niya.

"Akin na nga yan bago pa kami bumagsak na lang bigla ni Craige sa iyo dahil sa highblood."-me

...

...

Nakangiting inabot naman yon sa akin ni Andreige at bumalik na siya sa pwesto niya sa likod ko. He's close to my back...too close.

-__________-

Paano ako makakapag concentrate nito?

"Andreige."

"Yes, dear?"

"Can you move beside the target?"-me

"Why?"

"I think I can shoot better if you're beside it."

"But you might hit me."-andreige

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng matamis. Alam kong kilalang-kilala na niya ang ngiting yon dahil ilang beses ko ng ginamit sa kaniya iyon.

"Exactly."

Piningot siya ni Craige at inilayo sakin. Nakahinga ako ng maluwag at umayos na ako ng tayo. I hold the gun using my right hand and use the other one to support my right hand. I took a deep breath and looked at my target.

The target.

My father said before na kapag daw may hawak ako ng baril at kailangan kong patamaan ang target ay kailangan daw na puro positive thoughts lang ang iisipin ko. And I agree with him.

The board move and I pulled the trigger. Mukhang walang balak si Craige na siyang may hawak ng control na padaliin ang gagawin ko. Pero tama naman siya...once I'm in the real world, I won't find my target standing still while waiting for me to hit him.

I rotate my body slightly, my eyes focused on the target. I shut everything out around me. My head, ears and eyes are all focus in one thing.

Hitting the target.

I can only see the center of the target board. Nandoon lang ang atensyon ko. Other part of me is currently counting the bullets. I'm nearly out of it.

Mabilis na pinalitan ko ang baril na hawak ko. Itinaas ko ang kamay ko at the same time na tumapat ulit sa harapan ko ang bagong target.

Then I started shooting again.

...

...

I sighed in relief ng narinig ko ang pagtawag ni Craige. Sumasakit na rin ang kamay ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakaangat ang sulok ng labi niya habang ngiting-ngiti naman si Andreige.

"Wow."-wynd

"Right. Wow."-ice

Pinakita sakin ni Craige sa tablet na hawak niya ang mga tinamaan ko. Napangiti narin ako ng makita kong lahat ay tinamaan ko.

"This one was nearly out of the target but it's a good shot."-craige

Tumango ako.

Mukhang kailangan ko pang magpractice.

Pumasok si Warren at lumabas na sila Paige, Wynd, Ice at Craige. May hawak siyang itim na folder na nagiging familiar na sakin. I think kapag black ang folder ay BHO mission yon. Na explain na sakin ni Thea yon dati..na kapag CAMP mission daw ay long time mission.

So...the mission about the drug lords is a long time mission.

"Again?"-andreige

"Yes. This one is harder than Cassie's trial mission. Confidential ang new client natin pero nag background check narin ako tungkol sa kaniya incase na may balak siyang gawin sa taong pinapakuha niya sa atin. He want us to get Jenny Reyes out of prison."-warren

Napasinghap ako.

Is that even legal?

"Parte ng government ang client natin. It looks like may gustong pumatay kay Reyes na siyang nag-iisang witness sa nangyaring krimen nitong linggo na ito."-warren

I think alam ko ang sinasabi niyang krimen. Nabalita iyon. Tungkol iyon sa mga bigla na lang pagkamatay ng mga matataas na opisyal sa police, mga may katungkulan sa army at ilang nasa media. Nahuli na ang suspect na si Gerardo Sebastian dahil sa ginawang pagkanta ng kasamahan niya na si Reyes pero humahanap pa sila ng malalim na dahilan dahil gusto nilang malaman kung sino ang nag-utos kay Gerardo.

Nasa court trial pa sila and under observation.

"May isa tayong contact sa loob ng pulisya na magpapasok ng isang bangkay kapalit ni Reyes. Sinugurado na naming hindi sasablay kapag chineck kung si Reyes nga iyon."-warren

"Papalabasin na patay siya?"-me

"Yes. It will be hitting two birds in one stone. Hindi na mahahanap ng nagtangkang pumatay kay Reyes ng mga nakalipas na araw si Reyes at pwede pa itong magamit bilang panakot kay Gerardo para sabihin kung sino ang nag-utos sa kanila dahil siya lang ang nakakaalam kung sino talaga."

Napatingin ako kay Andreige.

Looks like we will kick some butt.

Awesome

^____^

繼續閱讀

You'll Also Like

6.4M 109K 36
(PUBLISHED BY LIB) His Secret Agent Pretend Wife, now a published book under LIB creatives. Php 129. Available at all Precious Pages branches, Nation...
3.6M 89.8K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...
25.9M 515K 43
Past is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1
26.8K 558 24
WARNING: Extreme sexual content, language, themes Single since birth sina Angela, Patricia at Dondie. Angela is a passionate activist. Patricia is a...