I Can Fight Him Back (BoyXBoy)

By junjouheart

884K 29.1K 1.3K

........ More

I Can Fight Him Back
Fight Back I
Fight Back II
Fight Back III
Fight Back IV
Fight Back V
Fight VI [ 1 ]
Fight VI [ 2 ]
Fight VII
Fight VIII
Fight IX [ 1 ]
Fight IX [ 2 ]
Fight X [ 1 ]
Fight X [ 2 ]
Fight XI
Fight XII
Fight XIII
Fight XIV
Fight XV
Fight XVI
Fight XVII
XVIII
Fight XIX
Fight XX
Fight XXI
Fight XXII
Fight XXIII
Fight XXIV
SEASON 2: FIRST
S2: Second
S2: Third
S2: Fourth
S2: Sixth
S2: Seventh
S2: Eight
S2: Ninth
S2: Tenth
S2: Eleventh
S2: Twelfth
S2: Thirteenth
S2: Fourteenth
S2: Fifteenth
S2: Sixteenth
S2: Seventeenth ( I )
S2: Seventeenth ( II )
S2: Eighteenth
S2: Nineteenth ( I )
S2: Nineteenth ( Last )
ANNOUNCEMENT!
Blake Permejo

S2: Fifth

11.4K 442 41
By junjouheart

Wala akong magawa ngayon. Isang linggo pa lang nakakalipas simula ng umalis si Cyrax. Minsan nga lang sya nakakatawag tapos sandali lang pero okay lang. Atleast tumatawag pa rin sya.

" REEEENNNNNNNNN! " napabalikwas ako sa kama ko ng marinig ko ang sigaw ng dalawang ugok.

" Ano ginagawa nyo dito? " tanong ko.

" Nandito kami para bantayan ka. Aba'y baka magpakamatay ka " sabi ni Thea kaya binalibag ko sya ng unan kaya sapol yung nasa likod na si... DARWIN?!!

" Sorry, pero anong ginagawa mo dito? " takhang tanong ko saka tinakpan ng kumot ang hita ko. Nakaboxer lang kasi ako. Nakakahiya.

" Sasauli ko sana yung notes na hiniram ko. Inaya kasi nila akong dalawa " paliwang sa akin ni Darwin.

Tiningnan ko naman yung dalawa at nakangiti ng malapad. Talagang galawang malupit ang ginagawa nila para mapalapit kay Darwin.

" Ren, mag-ayos ka. May pupuntahan tayo " sabi ni Lane

" Saan? " tanong ko.

" Inaya kasi tayo ni Darwin " nakangiti ng malapad si Thea.

" May bubuksan kasi si Mama na bagong branch ng korean cuisine sa may mall. Mag-aya daw ako ng mga bago kong kaibigan. Eh kayo lang naman ang malapit sa akin. " sabi nya na halatang nahihiya.

" Sige. Sige. Bihis lang ako " sabi ko.

Makalabas muna ng bahay saka nakakahiya kay Darwin kasi kami lang pala ang ininvite nya. Pero ang totoo nyan kaya gusto kong sumama kasi nagugutom na ako at bigla akong natakam sa korean cuisine. Sabi kasi nila masarap ang bibimbap at bulgogi kaya susulitin ko na.

~

Ang saraaaapppppp!

Ang raming inihanda ng Mom ni Darwin para sa amin at ang pinakamaganda pa ay libre. Walang bayad kaya eto kaming tatlo, dinaig pa namin ang hindi kumain ng isang linggo. Ang sarap naman kasi ng Bossam (Steamed Pork W/ Vegetables); Buldak ( Spicy Chicken); Bulgogi ( Grilled Marinated Beef) ; Jogaetang ( Clam Soup W/ Vegetables ) at marami pang iba kaya sinusulit namin kasi first time lang namin kumain ng korean dishes.

" Sabihin nyo lang sa akin kung may gusto pa kayong kainin para maipahanda ko kay Mom. Wag kayong mahihiya " sabi ni Darwin kaya nagkatinginan kaming tatlo na puno ng laman ang bibig at natawa na lang.

Matapos naming kumain busog na busog kami kaya nagpahinga muna kami. Napagdesisyon rin kasi naming mamasyal na rin sa mall dahil matagal na rin kaming di nakapagbonding plus may kasama na kaming bago.

" Mom aalis na po kami " paalam ni Darwin ng makalapit kami sa may counter.

" Tita Vicky, salamat po sa pagkain. Ang sarap po ng luto " sabi ni Thea.

" Oo nga po ang sarap sarap. Babalik po ako dito kasama parents ko " saad naman ni Lane.

" Ako rin po sasama ko sila Mama. Thank you po sa pagkain " syempre sabi ko rin.

" Salamat sa inyo dahil nagustuhan nyo at specially dahil naging kaibigan kayo ng anak ko. Ingat na lang kayo sa pamamasyal " nakangiting sabi ni Tita Vicky.

Lumabas na kami sa restuarant nila at nag-umpisang mamasyal. Pumunta kami sa iba't-ibang store, sa timezone, sa blue magic, sa mga food court halos malibot na namin ang buong mall. Syempre di mawawala ang picture para remembrance.

" Guys, cr lang ako. Wait nyo ako " nagmamadali kong sabi saka tumakbo patungong cr at umihi.

Lumabas rin naman ako kaagad ng makita ko si Cyrax? Si Cyrax ba 'yung nakasuit?

" Diba nasa Japan sya " sabi ko sa sarili ko.

Pumasok na lang ako sa loob ng store kung saan ko sya nakita pero pagpasok ko wala naman sya doon. Baka hindi sya 'yon. Baka namamalikmata lang ako kasi masyado ko lang sya namimiss.

Bumalik na ako kaagad kila Thea para ituloy ang pamamasyal namin. Napagpasyahan na rin naming umuwi ng mapagod na kami at walang mapuntahan. Syempre diretso ako sa kwarto para humiga dahil napagod ako ng bigla ko na namang maalala yung nakita ko kanina.

" Imposible talagang si Cyrax 'yon dahil hindi sya magsisinungaling sa akin. " sabi ko sa sarili ko bago ako nakawin ng antok.






~

Lumipas ang ilang araw na wala namang special na nangyari bukod sa pagpapahirap ng mga prof sa amin palibhasa malapit na sembreak namin. Lagi pa rin namang tumatawag si Cyrax pero hindi katagalan.

" Rentot " napalingon ako kay Darwin tsaka sinamaan ng tingin.

Close na kami pati rin naman kila Thea at Lane, close na sya. Mabait, gentleman, hindi bored kasama at nakakatawa sya pero mapangbwisit nga lang.

" Bakit Darwintot? " ganti ko sa kanya.

Lumapit naman sya sa akin saka bumulong. Kuminang naman ang mata ko sa sinabi nya.

" Oy 'yung dalawa nagsosolo. Daya! " napatingin ako sa dalawa na nagsalita.

" Wala. May sinabi lang sya na hindi naman importante " sabi ko sa kanila saka bumulong kay Darwin. " Mamayang uwian " sabi ko sa kanya.








~

Magkasama na kami ni Darwin patungo sa isang cake shop. Birthday kasi ngayon ni Thea kaya sosorpresahin namin sya. Kasabwat namin si Lane kaya iyon binabantayan sya para hindi pa makauwi.

" Punta muna tayo kay Mom. Balikan na lang natin yung cake kasi may ipapadala si Mom para dagdag suprise kay Thea. " sabi ni Darwin kaya sumunod na ako sa kanya.

Naglalakad na kami patungo sa restaurant nila. " Hala! nakalimutan kong kunin yung number baka hindi ibigay yung cake. Mauna ka muna sunod na lang ako " sabi ni Darwin

" De hintayin mo na lang yung cake para isang alisan na lang. Ikaw na lang ang hihintayin ko sa restau ng Mom mo " suhestyon ko na ikinapayag nya.

Nagdiretso na ako sa restaurant. Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko kaagad ang pamilya ni Cyrax na kumakain pero bakit nila kasama si Tracy? Wag nilang sabihin na may malaking share rin si Tracy sa bill ng kakainin nila. Asar naman oh!

Naasar lang ako sa nakita ko kaya dumiretso na ako sa counter ng may mabangga akong waiter. Shemay naman oh.

" Sorry po Sir " hingi ng tawad sa akin ng lalake.

" Anong nangyari dito? " napatingin ako kay Tita Vicky. " Oh my gosh, Ren are you ok? " lapit sa akin ni Tita Vicky.

" Ah eh ayos lang ho ako. Ako po yung may kasalanan. Di ko po napansin na may kasalubong ako " agad kong dipensa kasi baka pagalitan nila yung waiter.

" Mom, anong nangyari kay Ren? " dumating na si Darwin.

Lumapit sya kaagad sa akin saka pinunasan ang basa sa damit ko.

" Pumasok na kayo sa loob at ako na ang bahala dito " sabi Tita Vicky.

Hinila na ako ni Darwin papasok sa loob. Pinahiram nya ako kaagad ng damit na kakasya sa akin. Naghintay kami para kunin pa namin yung ibibigay ni Tita Vicky. After na maibigay nya, doon na kami sa isang exit lumabas which is yung staff lang ang dumadaan doon. Okayvna 'yon kaysa naman pupunta pa ako mismo sa exitan. Nakakahiya dahil sa nangyari kanina.






~

" Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you. HAPPY BIRTHDAY ALTHEA! " sabay sabay naming bati.

" Mga gagsti talaga kayo! Nakakaasar kayo! Thank you " naiiyak na sabi ni Thea.

" Ayiee nasurprise talaga sya. Blow mo na 'yung candle tas magwish ka " sabi ko sa kanya. Pumikit na sya at nagwish na at blinow na ang candle.

Nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan at binigay ang kanya-kanyang regalo.

Ring. Ring. Ring.

" Guys sasagutin ko lang ang tawag. Balik rin ako kaagad " paalam ko sa kanila saka lumabas ng room. Sinagot ko rin naman kaagad ang tawag

" Hello Hubby. I miss you " agad kong sabi.

[ Nasaan ka ngayon? ] eh? Bakit nya itinatanong?

" Nasa school "

[ Sino kasama mo? ]

" Si Thea, Lane saka si Darwin "

[ Sino si Darwin? ]

" New classmate ko. Wait nga lang...bakit puro ka tanong? Ano meron? " takha kong tanong.

[ Wala lang. I just miss you.... and I love you. I trust you Ren. Lahat ng sinasabi mo sa akin pinagkakatiwalaan ko dahil sabi mo ako lang ang mahal mo ] sabi nito sa akin.

" I love you too. Magtiwala ka lang sa akin dahil ikaw lang ang mahal ko talaga . I love you so much " sabi ko sa kanya.

[ Sige ibaba ko na. By the way bukas na ako uuwi ]

" Talag--toot toot toot "

Ay kabastos! Hindi muna ko pinatapos ng pagsasalita bago ako patayan. Kyaahh! Uuwi na sya bukas. Dapat ready ako bukas kasi yayakapin ko sya ng mahigpit na mahigpit at hahalikan ko sya ng maraming-marami. Excited na ako.




~

This is the day!

Tumatakbo na ako papasok sa loob ng bahay. Pagkarating ko sa sala ay agad kong nakita ko si Cyrax na nakaupo sa sofa kaya sumampa ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

" Namiss kita ng sobra sobra " saka hinalikan ng paulit-ulit. Napansin ko naman na parang nahihiya sya.

" Jusko ang anak ko " napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Mama, Papa at Terence kaya napaayos ako ng upo sa tabi ni Cyrax. Nakayuko ako habang iniisip yung ginawa ko kanina

" Kuya Ren kung babae ka lang siguro nabuntis ka na ng maaga " napatingin ako kay Terence.

" Hindi rin. Sabi nga ni Jennilyn Mercado, no wedding, no loving. " sabi ko sa kanya.

" Tama 'yan anak. Nga pala Cyrax dito kana kumain ng hapunan. Magluluto ako ng marami dahil sa mga pasalubong mo sa amin " sabi ni Mama

" Sige po Tita " sang-ayon ni Cyrax.

Tumungo naman kami kaagad sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto may nakita akong mga paper bag sa kama ko kaya agad ko iyon pinuntahan. Binuksan ko ang mga pasalubong nya. Damit, pagkain, sapatos at may music box na yung design ay japanese girl na nakasuot ng damit pangjapan.

" Nagustuhan mo? " tanong ni Cyrax.

Lumapit ako sa kanya. Tumingkayad ako para mahalikan sya. Hinawakan nya ako sa bewang at mas lalong diniinan ang pagkahalik sa akin. Namiss ko labi nya, katawan nya at lalong-lalo na sya.




~

" Kailan tayo babalik sa bahay? " magkatabi kami ngayon sa kama ko dahil kanina pa kami tapos kumain ng hapunan. Nakaunan ako sa dibdib nya habang sya yakap yakap ako.

" Malapit na. Siguro kapag sembreak nyo na babalik na tayo sa bahay at ayos na ang lahat " sabay halik nya sa ulo ko.

Tumango na lang ako bilang sagot saka pumikit. Malapit na talaga kaming magsama uli, I mean titira na uli kami sa iisang bahay.



~

Paggising ko ng umaga wala na si Cyrax. Nakaramdam ako ng lungkot kasi magkahiwalay na naman kami pero ayos lang kasi sa sembreak lagi ko na syang kasama. Nagprepare na lang ako para pumasok na.

" Ganda ng ngiti. Ano meron? " bungad sa akin Thea.

" Dumating na si Cyrax kagabi " malapad kong ngiti.

" Kaya pala " sabi nila tsaka bumalik sa kani-kanilang gawain. Dahil masaya ako, wala lang.

Nakarinig na naman ako ng sigawan mula sa room ngunit hindi ko na nilingon. Si Darwin lang naman ang tinitilian ng ganyan ng mga kaklase ko. Feeling artista na man sya.

" Good morning Rentot " bati nya sa akin pero binelatan ko lang sya. Binati nya rin si Thea at Lane. " Nga pala Ren, may nagpapabigay sa'yo nito. " napatingin naman ako sa inabot nyang envelope.

" Sino? " tanong ko habang tinitingnan yung envelope. Para ngang invitation.

" Tracy daw ang pangalan nya. Matalik na kaibigan mo daw sya " sabi ni Darwin na halos ikasuka ko.

Kailan ko naging kaibigan ang unyanggong palakang dimonyitang aspalto na babaeng mukhang bakla na 'yon. Aba'y mandiri sana sya sa sinabi nya.

Itinago ko na lang yung envelope sa bag ko at hindi ko na pinagkaabalahang tingnan. Iba na ang nag-iingat baka may masama syang nilagay doon.




~

Sa tingin nyo ano kaya yung invitation?

Btw, thanks for reading my story ^_^. Super appreciate ko talaga ang pagcomment at pagvovote nyo. Kamsa kamsa :)

junjouheart

Continue Reading

You'll Also Like

72K 2.8K 53
Summer is my favorite time of the year. Because of the sun, the atmosphere, the freedom... and you. Si Ali, isang 17 year old teenager na naniniwalan...
30.5K 763 41
kaaway sa street kaaway sa school kaaway kung saan saan Ang kabaliktaran ng childhood friend... Childhood Enemy
280K 9.3K 44
Hadreus Matte. A sweet, loving and adorable boy who live a simple life but he needs to earn money for his mother who is sick. Kung ano-anong trabaho...
Wattpad App - Unlock exclusive features