Fight XXII

13.2K 468 18
                                    

REN POV

Katatapos lang ng klase namin pero tinatamad pa akong lumabas ng room kasi ang init sa labas kaya nandito kami ni Thea nagkekwentuhan na kung ano lang mapag-usapan.

" By the way Ren, ilang months na ba kayo ni Cyrax? " tanong sa akin ni Thea.

" Di ko alam " sagot ko na ikinagulat nya.

" ANO?! Hindi ba kayo nagcecelebrate ng monthsary? "

" Hindi. Kailangan pa ba 'yon? " sagot ko sabay tingin nya sa akin.

Nakita ko sya na napapailing na lang sya. " Bakit ba gulat na gulat ka? Pwede namang hindi kayo magkaroon ng celebration every month. Diba ang importante naman mahal nyo ang isa't-isa " rason ko sa kanya.

" Lorence Vans. Natural na sa isang relasyon magcelebrate para malaman nila na kung gaano na sila nagtatagal sa isa't-isa. Saka rin naman magsaya kayo "

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Madalas kong naririnig yung monthsary sa mga ibang relasyon pero para sa akin ang corny ng ganon. Magcecelebrate sila tas maghihiwalay rin. Sayang yung effort na gagawin kung ganon rin ang mangyayari.

" Kailan ba naging kayo? " napatingin uli ako kay Thea.

" Hindi ko alam. Nakalimutan ko na " sagot ko saka nya ako binatukan kaya hinampas ko sya sa balikat.

Syempre isa rin syang sadista, ginantihan nya rin ako. Gaganti pa sana ako ng biglang may nagbukas ng pinto.

Napatingin kami ng sabay ni Thea sa pinto. Nagtatakang nakatingin sya sa amin kasi si Thea hawak hawak kwelyo ko samantalang ako, sabu-sabunot sya.

" Ah he..hello " bati nya sa akin kaya umayos na kami.

Tiningnan ko naman sya at agad umandar ang gay radar ko. Mukha rin syang babae pero lalaki sya, inshort kagaya ko syang dyosa pero mas dyosa ako.

" Ah hello rin girl. Anong kailangan mo? " tanong ni Thea. Hindi pa rin nya nahahalata na bakla ang kausap nya.

" Girl ka dyan? Uy magkalahi kami. Diba tama ako " tingin ko sa kanya na ikinatawa nya samantalang si Thea ay ikinagulat.

" Hmm... Dito ba yung klase ni Ms. Cruz? " tanong nya saka lumapit sa amin. " By the way, I'm Lane "

" I'm Ren naman at sya naman si Thea, ang unyanggo kong bestfriend " pakilala ko.

" Anong unyanggo? Ikaw naman butiki! " asar nya.." Nga pala kanina pa tapos ang klase ni Ms. Cruz. "

" Ganon ba? Papipirma ko lang kasi itong papel for transferee. Pwede bang makipagfriends kasi magiging new classmate nyo naman ako? " nakangiti nyang sabi.

" Sure! " masaya naming payag sa amin

Nakisali na rin sya sa usapan namin. Siguro mayaman sya kaya sya nakapagtransfer sa kalagitnaan ng semester, de sya na!. Pero komportable akong kausap sya siguro dahil sa pareho kaming dyosa. Mukha rin syang babae, mahaba ang buhok nya hanggang balikat, singkit ang mata, matangos na maliit na ilong at manipis ang labi. Katulad ko, suot lalaki pa rin sya.

" Sige next time gimik tayo " payag ko.

Bigla namang nagring ang cellphone ko. Kilala nyo na kung sino ang tumatawag.

" Hello....sige sige... " sabay end call ko. " Alis na tayo. Naghihintay sa akin si Cyrax sa place nya. Sama kayo lalo ka na Lane para maipakilala kita sa kanya " masaya kong sabi.

" Sino ba yung Cyrax? Kapatid mo?  " tanong ni Lane

" No. Boyfriend ko. Diba ang dyosa ko " natatawa kong sabi.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon