Fight XI

18.6K 585 14
                                    

Ang saya-saya ko ngayon. Bakit? Wala lang masaya lang ako. Dapat ba may dahilan. Hahaha.

" Kuya Ren, aalis po ako " paalam uli ni Terrence.

Aba'y noong nakaraang araw, dalawang araw syang di umuwi at pinayagan ko naman dahil nasa kaibigan nya daw sya. Palibhasa sinusulit kasi wala sila Mama at Papa.

" Mag-ingat ka. Wag masyadong gabihin " paalala ko sa kanya.

" Yes, Kuya. I love you " sabay halik nito sa pisngi ko. Napansin ko rin lately na ang saya nya palagi.

Pumanik na lang ako sa kwarto ko at nagbukas ng computer. Nag-online kaagad ng fb at ang raming message. Inopen ko ang mga messages para sa akin.

From: Luka Rit
HINDI KAYO BAGAY NI CYRAX! ANG PANGET MONG BAKLA KA!!

Wow. Kung makapangit si Ate parang ang ganda nya. Mukha ngang namamalimos ang itsura nya sa profile picture nya. Buwiset!

From: Kirina Landipa
STAY AWAY FROM CYRAX. HINDI KAYO BAGAY! PARA LANG SYA SA BABAE AT HINDI SA KATULAD MONG BAKLA! STAY AWAY!

From: Modess De Maregla.
ANG PANGET MO! WAG KA NG LUMAPIT KAY CYRAX. ISA SYANG VILLARUBIA AT IKAW! ISANG DUKHA! MAHIRAP KA! KAYA KO PA NGANG BILHIN PAGKATAO MO!

From: Maar Teh
REMEMBER HINDI KA BABAE! HINDI MO MAPAPALIGAYA SI CYRAX TULAD NG NAGAGAWA NAMING MGA BABAE. YUCKK KA! BAKLA!

Nagbasa pa ako ng maraming message na halos umabot ng isang daan at nakacapslock. Lahat iyon ay binasa ko. Hindi ko alam kung paano ko natagalan na basahin yung maraming masasakit na salita na ibinabato nila sa akin.

From: Victor Santiago.
Is your life happy with Cyrax?  Enjoy those moment with him. Make him smile because someday you will be the reason of his miserable life.

Namutla ako sa nabasa ko. Ito lang ang message na hindi ako nilait pero halata ang totoong pagbabanta nya. Anong ibig sabihin nya?

Nireplyan ko sya kaagad.

> Ano po ibig nyong sabihin?

Ilang sandali lang ay naging online sya. Nagtatype sya at kinakabahan ako sa irereply nya.

From: Victor Santiago.
Mamamatay ka.

> Kuya wag kang manakot ng ganyan. Inaano po ba kayo?

From: Victor Santiago.
Kabisado ko lahat ng feature ng mukha lalong-lalo na ang buhok mo na kulay blonde na may kahabaan. Kapag nakita kita, papatayin kita para maging miserable ang buhay ni Cyrax.

> Bye na po

From: Victor Santiago.
Mag-ingat ka. Malay mo paglabas mo sa school nyo may bumaril na lang sa'yo.

Then may minessage sa aking picture. Mas lalo akong kinabahan dahil nakalagay sa isang papel ang pangalan ko at nakasulat ito sa dugo. Naglog-out na ako kaagad dahil di ko na nakaya ang kaba at takot na nararamdaman ko. Bakit may nagbabanta sa akin?

~

Papasok na ako sa school. Binura ko na lang sa isip ko yung naging chat ko dun aa Victor na 'yon. Hindi ko dapat iyon intindihan dahil baka pinagtitripan nya lang ako. Tama! Trip nya lang ako.

" REEENNN! " sigaw ni Thea habang tumatakbong papalapit sa akin. Bigla nya akong hinila at dinala sa isang lugar na hindi masyadong dinadaanan ng estudyante.

Hingal na hingal sya habang nakahawak sa dibdib nya. Problema naman nya?

" Uy pasok na tayo. Baka malate pa tayo " yaya ko sa kanya saka sya nilagpasan pero bigla nya akong hinawakan.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Where stories live. Discover now