Fight Back I

35K 1K 108
                                    

REN POV


Patungo na kami sa pilahan ng counter para magbayad ng tuition fee dahil tapos na kaming magpa-assessment. Sa sobrang haba ng pila, hindi  na namin makita ang dulo ng kasamahan ko.

" Ren, eto na pala ang pila ng babae. Sige pila na ako " sabi ni Thea tsaka pumili sa dulo ng pila for girls.

" Sige text mo na lang ako kung saan tayo magkikita. Bye " paalam ko sa kanya at hinanap ang dulo ng pila ng boys.

Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko pero hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang hanggang nasa dulo na ako. Pumila na ako at tumayo ng maayos.

" Naku, hindi po dyan ang pilahan nyo " lapit sa akin ng guard na syang nagbabantay ng pila para walang sumingit.

Tumingin naman ako sa kanya upang siguradihin na ako ang kinakausap nya. Hindi nga ako nagkamali dahil ako nga.

" Doon po kayo " turo nya sa pilahan ng mga babae.

" Tama si Kuyang Guard, ateng maganda. " sabi naman nung assistant na nagtatatak para sa number ng counter.

Ah alam ko na! Iniisip nila na babae ako. Hai.

" Lalaki po ako " sabi ko sa kanila at nginitian sila.

" LALAKI KA?! " sabay nilang sabi na medyo napalakas dahilan para tumingin sa amin ang lahat.

Tinakpan ko naman ng assessment paper ang mukha ko para itago dahil nakakahiya. Bakit kailangan pa kasing isigaw eh? Pwede namang magulat na lang sila.

" Sorry akala kasi namin babae ka " hingi ng tawad ng Assistant.

" Ayos lang " sabi ko na lang.

Sanay na naman kasi akong pagkamalan na babae. Biniyayain kasi ako ng magandang pagmumukha at balingkinitang katawan dahilan para akalain nilang babae ako. Syempre nagpapasalamat ako dahil umayon ito sa aking katauhan. Si sailor moon kasi ako. Charot!

Tinatakan nya na ang paper ko at umalis na. Kahit papaano ay mabilis ang proseso sa counter. Kanina nasa dulo ako, ngayon nasa pang una na ako sa tatawagin. Nakakaramdam na tuloy ako ng gutom.

Nagulat na lang ako ng may biglang sumingit sa harap ko na apat na lalaking matatangkad. Halos balikat lang ako nila kaya kulang na lang daganan nila ako sa pagsingit.

" Excuse me, ako ang una " sabi ko pero hindi nila ako pinansin. Aba'y literal akong minamaliit ng mga ito!

Kaya ang ginawa ko, inunahan ko rin sila kaya ako na ang una sa pila. Akala nila maiisahan nila ako porket first year pa lang ako. No way!

" Babae, hindi dito ang pila mo kaya wag kang manguna " narinig ko mula sa likod ko.

" Oo nga. Oh baka gusto mong sama ka na lang sa akin, ikaw ang uunahin ko " nangilabot ako doon sa sinabi ng isa pero di ko na lang sya pinansin.

" Alis " tipid na sabi ng nasa likod ko mismo.

Dahil sa sobra na akong naasar ay hinarap ko na sila habang nakapameywang. Tumingala ako sa nasa harap ko at napalunok.

Shems! Ang gwapo nya. Yung mata nyang parang hinihigop ang pagkatao ko. Ang ilong nyang matangos na gusto ng magtago ng ilong ko dahil sa hiya. Kutis nyang dinaig pa ata ang balat ko sa kinis at walang kapeklat-peklat. Ang labi nya na parang ang sarap halikan at ang jaw nya na parang nakakahiwa kapag hahawakan.

Naku! I think nahanap ko na ang definition ng perfect. O kaya naman isa syang anghel na ibinigay sa akin sa pagiging mabuting nilalang ko....

Naku Ren! Itigil mo ang pagtitig sa kanya. Baka isipin nya na pinagnanasahan mo ang mukha nya, kahit totoo. Hindi dapat pahalata saka may kaaway pala ako. Nakalimutan ko na.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Where stories live. Discover now