S2: Thirteenth

10.5K 411 28
                                    

REN POV

Nandito na kami sa may Amusement Park. Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad akong napamangha dahil sa rami ng rides. Ang kinuha pa naming ticket ay rides all you can.

" Ren, ren " napatingin ako kay Blake. " Your smile...it's creepy " saad nito. Napatingin ako sa kanya.


" Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasasakyan ang mga rides. Halika na! " hila ko sa kanya patungo sa unang rides na sasakyan namin.

" Isip bata " rinig ko pang sabi ni Cyrax pero hindi ko muna sya pinansin dahil ang goal ko ngayong araw, sakyan lahat ng rides dito.






~

" WAAAAHHHHHHHHH!.WOAAAHHHHH!!! " sabay naming sigaw ni Blake. Nandito kami ngayon sa may Vikings. Hanep nakakalaglag puso ang pagduyan na galaw.

Napatingin naman ako kay Cyrax. Ayon poker face ang mukha. Manhid ba ito at hindi nararamdaman yung lula o hindi talaga sya nag-eenjoy. Ang KJ nya kahit kailan.

Matapos namin sa Vikings ay sa bump car kami nagpunta. Sunod ang Surf Dance at ang huli ang Jungle Splash kaya basang-basa kami kaya napagpasyahan naming bumili muna ng damit at nagpalit. Ang cute nga namin kasi para kaming isang pamilya.

" I'm hungry " nakangusong sabi ni Blake saka umupo sa daan.

" Hanap tayo ng makakainan " kinarga ko sya pero napakabigat na bata. Muntikan pa nga ako maliyad mabuti naalalayan ako ni Cyrax at sya na ang nagbuhat.

" Thank you Hubby " nakangiti kong sabi pero biglang nag-iba ang expression ng mukha nya kaya kaagad kong binawa ang sinabi ko. " I mean masarap kumain ng Honey.. Hehe tama honey " sabi ko saka nauna ng naglakad.

Hindi naman sya nagtanong kaya dumiretso na kami sa isang kainan. Umorder kami ng pizza, coke at fries samantalang si Blake ang paborito nyang fried chicken.

" Ren, can you take a picture of us. Lets take a selfie to have a remembrance. This is the happiest day of my life " sabi ni Blake pero tumingin muna ako kay Cyrax. Tumango naman sya kaya nilabas ko na ang phone ko at nilagay sa camera.

" Tingin na dito. One. Two. Three.click! " nagtake na ako ng picture. Syempre hindi lang isang beses kundi marami. Ang gara lang kasi, ni isa sa isang picture, hindi nakangiti si Cyrax at yung iba naman hindi nakatingin sa camera.

" Ren may I see the picture " galak na sabi ni Blake kaya inabot ko. Nagpaalam naman akong magsi-cr muna. Pagkapasok ko sa cr agad akong napatingin sa salamin.

" Wag kang mag-alala Ren. Maaalala ka nya. Mahal ka nya kaya matatandaan ka nya. Go Ren " cheer ko sa sarili ko para hindi mawalan ng pag-asa.

Bumalik naman ako kila Cyrax ng makita kong hawak nya ang phone ko. Tinitingnan nya siguro yung mga nakasibangot nyang mukha para matawa sa sarili nya. Lumapit na ako sa kanila at umupo.

" Who's this? " nakakunot noong tanong ni Cyrax ng pinakita nya ang picture ko dati na nakablonde pa at mahaba pa.

" Ako. Bakit? " sabay agaw ko ng cellphone ko at itinago ito sa bulsa ko.

" Seriously ikaw? Eh babae 'yon. Nag-i-ilusyon ka bang maging babae ka? " sabi nya.

" Eh ako nga 'yon. Kung ayaw mong maniwala de wag. Hindi naman kita pinipilit " inis kong sabi. Sya ang dahilan kung bakit hindi na mahaba ang buhok. Asar lang!

" Talagang hindi ako maniniwala " sagot nya pero di ko na lang sya pinansin at tinuon na lang ang pansin sa pagkain ko.

" Tito Cyrax, that was Ren before when he still have a blond long hair. Everytime you look at him, you said he was the most beautiful guy you've ever met then now, why don't you believe at him " nabilaukan ako sa pinagsasabi ni Blake.

Napatingin naman ako kay Cyrax na seryosong nakatingin sa akin pero agad akong umiwas. Naghihintay ako na magtanong pa sya ng iba pero wala. Walang tanong, walang reaction kahit negative, wala eh kaya hindi na rin ako nagsalita.



Matapos naming kumain ay namasyal uli kami. Sumakay na naman kami sa iba't-ibang rides at attraction hanggang sa sumapit na ang paglubog ng araw kaya napagpasyahan naming sumakay ng Giant Star Wheel, yung ferris wheel.

" Wow " agad akong napapamangha sa mga nakikita ko pataas. Ang ganda ng paligid ng amusement park kapag gabi na. Ang daming ilaw na nagbibigay ng attraction sa mga mata ng mga tao.

" Ren, I'm sleepy " napalingon naman ako kay Blake. Umupo kami sa may upuan at pinahiga ko ang ulo nya sa lap ko at agad na pumikit. Katapat ko lang si Cyrax ng upuang alam kong nakatingin sya sa akin.

EENNNGGKKKKK..BOOOOMMM!



Napatingin ako sa may kalangitan ng makarinig ako ng putukan. Mabilis kong inayos ng higa si Blake saka tumayo para masilip pa lalo ang mga fireworks. Shemay! Naaalala ko na naman sya. Wag kang iiyak!

" Isip bata " napatingin ako sa nasa gilid ko. " Dinaig mo pa ang batang ngayon lang nakakita ng fireworks " sabi nito sa akin.

Tumingin naman ako uli sa kalangitan. " May nagregalo na sa akin ng fireworks na mas makulay pa sa nakikita mo ngayon. Sayang nga eh dahil mukhang pati ang bagay na 'yon ay nakalimutan nya " panghihinayang kong sabi.

Hindi ko na sya narinig na magsalita pa hanggang sa matapos na ang fireworks display at makababa na rin kami. Buhat buhat nya si Blake dahil tulog na ito. Inilapag nya naman ito sa likod habang nakadantay sa mga hita ko ang ulo nya at pinaandar na ang kotse para ihatid ako sa bahay. Nang makarating ako sa bahay ay bumaba na ako. Nagtaka nga ako kung bakit bumaba pa si Cyrax.

" Salamat. Sige ingat kayo sa pag-uwi " sabi ko saka sya tinalikuran para mabuksan ang gate namin ng biglang hawakan ako ni Cyrax.

" Sino ka ba talaga? Yung picture mo sa cellphone mo, kung ikaw man 'yon bakit kamukha mo si Ren sa panaginip ko? Bakit Ren rin ang tawag sa'yo? Kanina tinawag mo akong Hubby, 'yon ba talaga ang tawag mo sa akin? Sino ka ba sa buhay ko? Minahal ba kita? " ang raming tanong nya ngunit ni isa wala akong masagot dahil nangako ako sa Lolo nya na maalala ako ni Cyrax na hindi ko kailangan ipaalala sa kanya

" Umuwi na kayo baka hinahanap na sya ni Ate Trixie. Sige ingat kayo sa pag-uwi " tinapik ko na lang sya sa braso at pumasok sa loob.

Nang maisara ko na ang pinto ay agad kong hinawakan ang bibig ko para pigilan ang iyak ko. Gusto ko syang yakapin o halikan kanina pero mas gusto ko syang sampalin para matauhan sya at maalala na ako. Leshe lang! Bakit kasi ako nangako sa Lolo nya! Haii. Malapit na. Konti na lang, maaalala nya na ako.












~
PAKIBASA PLEASE :)
→ May other story akong gagawin, entitled " HIS ALTER " its about the Dissociative identity disorder (previously known as
multiple personality disorder) in short may split personality or maraming katauhan... What do you thinks guys? Of course boyxboy pa rin sya then nakagawa na ako ng cover. Tingnan nyo sa may multimedia yung picture...





And next chapter, malalaman nyo na ang reason ano ba talaga ang nangyari kung bakit nawala ang memory nya.... thanks for reading and enjoy...





junjouHeart

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon