Fight Back III

20.9K 743 22
                                    

CYRAX - REN GANDA CONTRACT

Ako si ________ ay pumapayag sa mga kasunduan na gagawin o sasabihin ni ________ . Kung sino man ang lumabag o magreklamo sa kasunduang ito ay may karampatang parusa na nais ipagawa ni ________ na hindi aangal.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Signed by: ________

Date: _______

Nakagawa na ako ng kontrata. Nag-effort pa talaga akong magtype at syempre tagalog na ang ginamit ko baka kasi magkamali pa ako ng grammar, laitin pa ako ni Kumag.

Nandito na pala kami sa tambayan ng grupo nya. Masasabi kong maganda ang lugar nila ng barkada nya. Parang nasa bahay lang ako dahil kumpleto lahat ng gamit. Ang pinagkaiba lang, mas mamahalin ang gamit nila at high-tech.

Sunod siguro lahat sila sa luho. Kung sabagay, mayayaman naman sila kaya nagagawa nila ang mga bagay na gugustuhin nila. Samantalang ako, maganda lang. Char!

Kaming dalawa lang ang nandito sa may sala. Di naman kalayuan ang mga  kasamahan nya mula sa amin kung saan ay mga naglalaro ng billiard o umiinom sa may mini bar.

" Tapos ka na ba? " naiinip kong tanong habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng mini table dito.

Nakaupo na kasi ako sa lapag. Bukod sa malinis sa paningin ko, mukhang mamahalin ang animal printed na carpet na ipinatong sa may ibabaw ng lamesa. Madama man lang ang carpet ng mga mayayaman.

Hindi nya sinagot ang tanong ko pero bigla nyang inilapag ang kontratang ginawa ko na sinagutan nya. Binasa ko naman ang mga sinulat nya sa may space per number.

" Seryoso ka ba sa sinulat mo dito? " tanong ko sa kanya.

" Oo. May reklamo ka? " sabay de quatro nito habang nakaupo sa sofa.

" Oo. Parang isa lang ang pinagawa mo sa akin tsaka masyadong literal ito... Lahat ng gusto kong ipagawa ko sa kanya ay dapat nyang sundin. Tas yung number two. Dapat nyang sundin ang number one. Inulit mo lang sa number three. Sundin ang number two. Tamad ka bang magsulat? " reklamo ko sa kanya.

" Nagrereklamo ka naman pala. Ano kayang parusa ang ipapagawa ko sa'yo? " nag-isip pa sya ng kunyari.

Sa sobrang inis ko sa kanya ay nilukot ko 'yung papel at binato sa mukha nya kaya sapol sya. Sinamaan nya ako ng tingin pero binelatan ko lang sya.

" Sinusubukan mo ba talaga ako?! " bulyaw nya sabay tayo mula sa pagkaupo.

" Oo " sabay tayo ko rin pero nanliit ako. Hanggang dibdib nya lang ako kaya tumaas ako sa may sofa kaya mas matangkad na ako sa kanya.

Nagtitigan kami ng masama pero naputol lang ang tinginan namin ng may tumawag sa cellphone ko.

" Hello bunso...oh?....Sige... Dalawa.... Sige sige... Byiee " sabay end call ko.

Tiningnan ko uli si Cyrax pero nakaupo na pala sya habang umiinom ng wine. Feeling mayaman pero mayaman nga talaga sya. Dapat pala feeling gwapo, gwapo naman talaga. Charot!

" Aalis na ako " sabay baba ko sa sofa at sinukbit ang bag ko.

" Sinabi ko na ba? " baling nya sa akin.

" May pupuntahan pa ako saka kanina pa ako nandito. Wag kang mag-alala magkikita pa naman tayo bukas. Mamimiss rin kita " pang-aasar ko sa kanya.

" Baka hindi na rin dahil paglabas mo dyan may babaril sa makapal mong mukha " sagot nito sa akin.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon