S2: Fifth

10K 405 41
                                    

Wala akong magawa ngayon. Isang linggo pa lang nakakalipas simula ng umalis si Cyrax. Minsan nga lang sya nakakatawag tapos sandali lang pero okay lang. Atleast tumatawag pa rin sya.

" REEEENNNNNNNNN! " napabalikwas ako sa kama ko ng marinig ko ang sigaw ng dalawang ugok.

" Ano ginagawa nyo dito? " tanong ko.

" Nandito kami para bantayan ka. Aba'y baka magpakamatay ka " sabi ni Thea kaya binalibag ko sya ng unan kaya sapol yung nasa likod na si... DARWIN?!!

" Sorry, pero anong ginagawa mo dito? " takhang tanong ko saka tinakpan ng kumot ang hita ko. Nakaboxer lang kasi ako. Nakakahiya.

" Sasauli ko sana yung notes na hiniram ko. Inaya kasi nila akong dalawa " paliwang sa akin ni Darwin.

Tiningnan ko naman yung dalawa at nakangiti ng malapad. Talagang galawang malupit ang ginagawa nila para mapalapit kay Darwin.

" Ren, mag-ayos ka. May pupuntahan tayo " sabi ni Lane

" Saan? " tanong ko.

" Inaya kasi tayo ni Darwin " nakangiti ng malapad si Thea.

" May bubuksan kasi si Mama na bagong branch ng korean cuisine sa may mall. Mag-aya daw ako ng mga bago kong kaibigan. Eh kayo lang naman ang malapit sa akin. " sabi nya na halatang nahihiya.

" Sige. Sige. Bihis lang ako " sabi ko.

Makalabas muna ng bahay saka nakakahiya kay Darwin kasi kami lang pala ang ininvite nya. Pero ang totoo nyan kaya gusto kong sumama kasi nagugutom na ako at bigla akong natakam sa korean cuisine. Sabi kasi nila masarap ang bibimbap at bulgogi kaya susulitin ko na.

~

Ang saraaaapppppp!

Ang raming inihanda ng Mom ni Darwin para sa amin at ang pinakamaganda pa ay libre. Walang bayad kaya eto kaming tatlo, dinaig pa namin ang hindi kumain ng isang linggo. Ang sarap naman kasi ng Bossam (Steamed Pork W/ Vegetables); Buldak ( Spicy Chicken); Bulgogi ( Grilled Marinated Beef) ; Jogaetang ( Clam Soup W/ Vegetables ) at marami pang iba kaya sinusulit namin kasi first time lang namin kumain ng korean dishes.

" Sabihin nyo lang sa akin kung may gusto pa kayong kainin para maipahanda ko kay Mom. Wag kayong mahihiya " sabi ni Darwin kaya nagkatinginan kaming tatlo na puno ng laman ang bibig at natawa na lang.

Matapos naming kumain busog na busog kami kaya nagpahinga muna kami. Napagdesisyon rin kasi naming mamasyal na rin sa mall dahil matagal na rin kaming di nakapagbonding plus may kasama na kaming bago.

" Mom aalis na po kami " paalam ni Darwin ng makalapit kami sa may counter.

" Tita Vicky, salamat po sa pagkain. Ang sarap po ng luto " sabi ni Thea.

" Oo nga po ang sarap sarap. Babalik po ako dito kasama parents ko " saad naman ni Lane.

" Ako rin po sasama ko sila Mama. Thank you po sa pagkain " syempre sabi ko rin.

" Salamat sa inyo dahil nagustuhan nyo at specially dahil naging kaibigan kayo ng anak ko. Ingat na lang kayo sa pamamasyal " nakangiting sabi ni Tita Vicky.

Lumabas na kami sa restuarant nila at nag-umpisang mamasyal. Pumunta kami sa iba't-ibang store, sa timezone, sa blue magic, sa mga food court halos malibot na namin ang buong mall. Syempre di mawawala ang picture para remembrance.

" Guys, cr lang ako. Wait nyo ako " nagmamadali kong sabi saka tumakbo patungong cr at umihi.

Lumabas rin naman ako kaagad ng makita ko si Cyrax? Si Cyrax ba 'yung nakasuit?

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon