I Can Fight Him Back (BoyXBoy)

By junjouheart

764K 26.5K 1.3K

........ More

I Can Fight Him Back
Fight Back I
Fight Back II
Fight Back III
Fight Back IV
Fight Back V
Fight VI [ 1 ]
Fight VI [ 2 ]
Fight VII
Fight VIII
Fight IX [ 1 ]
Fight IX [ 2 ]
Fight X [ 1 ]
Fight X [ 2 ]
Fight XI
Fight XII
Fight XIII
Fight XIV
Fight XV
Fight XVI
Fight XVII
XVIII
Fight XIX
Fight XX
Fight XXI
Fight XXII
Fight XXIII
SEASON 2: FIRST
S2: Second
S2: Third
S2: Fourth
S2: Fifth
S2: Sixth
S2: Seventh
S2: Eight
S2: Ninth
S2: Tenth
S2: Eleventh
S2: Twelfth
S2: Thirteenth
S2: Fourteenth
S2: Fifteenth
S2: Sixteenth
S2: Seventeenth ( I )
S2: Seventeenth ( II )
S2: Eighteenth
S2: Nineteenth ( I )
S2: Nineteenth ( Last )
ANNOUNCEMENT!
Blake Permejo

Fight XXIV

14.2K 525 36
By junjouheart

REN POV

Nakarating kami dito sa La Union ng alas dose pero agad namang umalis si Cyrax pagkaraan kumain. Nagmamadali kasi syang umalis dahil may gagawin sya sa kompanya ng Dad nya, sabi nya. Pinag-uwi na lang sya nila Mama ng daing dahil masarap ang daing daw dito sa La Union. Feel naman na kakain ng ganon ang mayayaman.

" Ren musta na pag-aaral mo? Hindi ka ba pasaway kay Cyrax? " tanong ni Mama sa akin.

" Mama, hindi ba pwedeng tanong mo sa akin, Hindi ka ba kinakawawa ni Cyrax? Mukhang ako ba ang nang-aapi " reklamo ko kay Mama. Ang bait-bait ko kaya diba? Ang kokontra babatukan ko.

" Hindi rin Kuya Ren " epal ni Terence. " Mukhang prinsesang-prinsesa ka sa lagay nyong dalawa ni Kuya Cyrax " nangingiti pa si Terence.

" Ewan ko sa inyo pinagkakaisahan nyo ako. Ipasyal mo na nga lang ako dito sa bagong lugar natin. Mukhang mababait ang mga tao dito " sabi ko sa kanila.

Sinamahan ako ni Terence para maglibot malapit sa bahay. Tahimik ang lugar, malinis, mapayapa tsaka walang kausok-usok ang simoy ng hangin. Ang sarap mamahinga sa lugar na ganito.

" Terence! Terence! " napatingin ako sa tumatawag sa kapatid ko.

Hinila ako bigla ni Terence papalapit sa bilihin ng mga kakanin. Duon ko lang napansin na may naglalaro pala ng basketball.

" Uy Franco. Problemo mo kung makatawag ka sa pangalan ko. Namiss mo ako " pagbibiro ni Terence kaya natawa silang dalawa.

Samantalang ako wala lang. Meron na rin palang nakasundo si Terence ng gantong kabilis. Mabuti naman dahil hindi na ako mag-aalala na binubully o nag-iisa lang sya.

" Sino 'yang kasama mo? Ate mo? Pakilala mo naman ako " rinig kong bulong ni Franco sa kanya.

" Franco, sya ang kapatid na sinasabi ko. Si Kuya Ren. Kuya Ren sya naman ang una kong naging kaibigan dito " pakilala ni Terence sa amin na halatang gulat sa sinabi nya.

" Ku...kuya? " hindi makapaniwalang sabi ni Franco. " KUYA?! AS IN KUYA NA LALAKI?! " sigaw ni Franco. Hindi Kuyang babae.

" May problema kung Kuya nya ako " tanong ko.

Umiling lang sya kaya hindi ko na sya pinansin. Tumingin na lang ako sa mga naglalaro.

~

Dumating ang sabado kaya ngayong araw ay uuwi na ako. Hinihintay ko na lang si Cyrax na sunduin ako. Naging masaya ang pananatili ko dito sa bagong lugar namin. Mababait lahat ng tao. Siguro ganito talaga kapag nasa probinsya.

" Anak, anong oras ka ba susunduin ni Cyrax? " tanong ni Mama.

" Sabi po nya kasi bago maggabi. Tinatawagan ko po sya pero patay po phone nya " sagot ko kay Mom.

Kinakabahan na nga ako dito pero ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano. Syempre malayo ang La Union sa city kaya baka natraffic sya. Oo tama natraffic lang sya.

Dumating ang alas sais pero wala pa rin si Cyrax kaya napagpasyahan ko ng magpahatid kila Mama sa bus station. Kinukulit na kasi ako ni Mama na umuwi dahil baka hindi ko daw maabutan yung huling byahe ng bus Mabuti na lamang naabutan

" Ingat ka anak sa byahe. Tawagin mo kami kapag nakauwi ka na. Kami na bahala kay Cyrax kung magkasalisi man kayo " paalam sa akin ni Mama.

" Opo Mama. Kayo rin po mag-ingat. Pakisabi na lang po kay Papa na wag masyadong magtatrabaho ng sobra sa oras. I love you Mama " hinalikan ko na sya sa pisngi.

Sumakay na ako ng bus. Tiningnan ko sa bintana si Mama saka ako kumaway. Sumandal naman ako sa upuan ko saka huminga ng malalim. Umalis na kaagad ang bus kahit hindi pa ito puno. Ano kaya nangyari kay Cyrax? Sana hindi sya mapahamak.

~

Alas onse na ako nakauwi ng condo kaya mabilis akong tumungo sa unit ni Cyrax. Pumasok ako kaagad doon pero wala sya sa loob. Umupo ako sa sofa saka sinubukang tawagan sya. Nag-aalala talaga ako dahil baka kung ano na ang nangyari na sa kanya.

Ding dong!

Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto baka si Cyrax na iyan. Talagang babatukan ko sya pag nakita ko sya.

" Mabuti may balak ka-- oh ikaw pala Thea " gulat ko ng makita ko sya sa harap ng pinto na umiiyak.

" Ren... " bigla nya akong niyakap. " Ren si Cyrax... " agad na nagpintig ng mabilis at mabigat ang puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Cyrax. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magtanong kung bakit kasi baka hindi maganda ang isasagot nya sa akin.

" Ho...hoy Thea.. Wa..wag mo ng i..tuloy ang ma..samang bi..biro na yan " sabi ko sa kanya na nagsisimula ng tumulo ang luha.

" Naaksidente sya " nabingi ako sa sinabi ni Thea.

Tama ba yung narinig ko o mali lang ang pandinig ko. " Dapat susunduin ka na nya habang kami plinaplano na ang surprise nya sa'yo para bukas. Katawagan ko sya kaso biglang naputol ang linya pero bago mapatay ang tawag, may narinig pa akong malakas na pagsabog. I'm sorry Ren... Sorry Ren dapat hindi ko na sya tinawagan.. " naiiyak na rin si Thea.

" Da..dalhin mo a...ako sa kan..ya " pinilit kong magsalita ng maayos. Sinundan ko na lang si Thea pababa ng condo.

Wala akong maisip ngayon. Kaya pala ako kinakabahan kanina may nangyari na palang masama. Isang napakasamang pangyayari.

" Tama na Ren. Magiging okay lang si Cyrax. Kapit lang " pagpapatahan sa akin ni Thea ng makasakay kami sa Taxi.

" Paano kung....hindi!...hindi ko kayang mawala sya sa akin. Mahal na mahal ko sya kaya hindi pa dapat sya mawala sa akin. Papakasalan pa nya ako. Diba Thea buhay pa sya? " pangungumbinsi ko sa kanya.

" Sorry. Hindi ko alam. Masyadong malakas ang pagkabagok ng ulo nya kaya di alam kung kailan sya magigising o baka hindi na ka--- "

" NO! MAGIGISING PA SYA! GIGISING SYA PARA SA AKIN! " sigaw ko dahil ayaw kong mawalan ng pag-asa.

Kalahating oras rin ang naging byahe namin. Hindi ko na masyadong maaninagan ang nilalakaran ko dahil na rin sa panlalabo ng mata ko dahil sa mga luha ko. Naningkit na rin ito dahil sa kakaiyak sa loob ng taxi.

" Nasan na sya? Gusto ko syang makita " iyak ko na namang muli.

Sumakay kami ni Thea sa loob ng elevator. Mas lalong nanginginig ang buong katawan ko dahil ayaw kong makita sya sa isang kalagayan na dapat hindi nya mararanasan.

Ting!

Biglang bukas ng elevator at bigla akong tinulak ni Thea papalabas ng elevator kaya tiningnan ko sya. Nagpupunas sya ng luha saka biglang nagpeace sign.

" Sorry. Peace peace tayo " nakangiti nitong sabi sa akin at nagsara na uli ang elevator.

Napatingin naman ako sa paanan ko ng may nakita akong picture naming dalawa ni Cyrax. Tiningnan ko rin ang iba at puro picture ko at picture na magkasama kami ni Cyrax kaya mas lalo akong naiyak. Eto na ba ang huling alaala sa akin ni Cyrax.

Sinundan ko ang picture na nasa lapag habang umiiyak. Dire-diretso lang ako hanggang sa makita ko ang hagdan patungo sa rooftop. Sa hagdan may mga kandila at lights na nagbibigay ng liwanag. Sa rooftop kaya nila pinaglalamayan si Cyrax? Bakit doon?

Tinuloy ko na ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinto ng rooftop. Kinakabahan akong buksan dahil ayaw kong masaktan sa makita ko pero nilakasan ko ang loob ko. Pinihit ko na ang knob saka dahan-dahan binuksan ang pinto. Pagtingin ko sa paligid, napamangha ako kaagad. Ang ganda ng paligid. Puro lights, candle, sa gitna may table and may light music pa. Ganito ba pag patay ang mayayaman?

" Lorence Vans " narinig ko ang pangalan ko kaya agad ko iyon hinanap kung saan nagmumula. Paikot-ikot ang paningin ko at magtama ang matang nais kong makita.

" Babe " tawag nyang muli sa akin kaya patakbong akong pumunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Sobrang higpit.

" I hate you. I hate you " mahina kong sabi habang yakap- yakap sya.

" I love you, too " sagot nito. " Do you like? " napatingin ako sa kanya.

" I hate you. Bakit kailangan pa sabihin mong naaksidente ka? Hindi ba pwedeng sabihin mo na pumunta na lang ako sa ganitong lugar. Sobra akong nag-aalala dahil sa sinabi ni Thea. Akala ko.....Cyrax " niyakap ko sya uli.

" I'm sorry. Gusto ko lang naman na masurprise talaga kita. Pati nga ang Mama mo at si Terence kasabwat ko sa gagawin kong ito " sabi nya na ikinatingin ko.

" Kaya pala kanina, pilit akong pinapapunta sa bus station " bigla kong naalala iyon.

" Yes. Besides, I heard you over the phone. I love you Ren. " sabi nya sabay halik sa noo ko.

" Masaya ka na? Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa mga sinasabi sa akin ni Thea. Sino pa kadamay mo dito? "

" Si Lane. Yung bus. Itong buong building ni Dad " sabi nya. " Pero hindi naman importante 'yon. Halika na " yaya nya sa akin patungo sa table na nasa gitna.

Feeling ko nasa isa akong palabas dahil sa plano nya. Hindi ko alam na maloloko nya ako.

" Ren, do you know how lucky I am when I met you? Akala ko ayos na ang lahat sa akin pero ng makilala kita, mas naging maayos. Natuto akong pahalagahan ang taong mahahalaga sa akin at isa ka na doon sa mga mahahalaga. I never though that I will fall in love in a gay. I never imagine that in my life. True, love have no gender " sabi ni Cyrax na ikinamula ng mukha ko. Pinigil ko naman ang kilig na nararamdaman ko dahil sa sinabi nya.

Tumayo naman sya bigla saka lumapit sa akin. Mas lalo akong nagulat sa sunod nyang ginawa. Lumuhod sya sa harap ko.

" I can't promise that I'll be a perfect guy for you but I can promise to you that my love for you will never end. I'll do my best to make you happy and give the world that you want. Lorence Vans Diezmo, will you marry me? " tanong nya pagkatapos ay inilabas ang isang singsing sa bulsa.

Hindi na naman ako makapagsalita at nag-unahan ang luha ko hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa saya. Masyado pa akong bata para sa isang pangyayaring ito pero dahil sa mga sinabi nya, nawala lahat ng pangamba ko.


" Babe sasagot ka ba? Nangangawit na akong nakaluhod " reklamo ni Cyrax. Ano ba yan?! Ang ganda na ng atmosphere.

" Eh sabihin ko kayang ayaw ko. May magagawa ka ba? " reklamo ko rin.

" Alam mo hanggang ngayon kinakalaban mo pa rin ako. Sa oras na maging asawa kita, sisiguraduhin kong you will never fight back to me " sabi nito sa akin kaya nagdalawang isip uli ako baka kasi bugbugin nya lang ako.

" Lorence Vans Diezmo. Babe. Ren. Will you marry me? " ulit ni Cyrax kaya natauhan na ako.

" Yes. I will marry you Cyrax Villarubia " masaya kong sabi.

Tumayo na sya sa kinaluluhudan nya at sinuot sa akin ang singsing. Ganon rin naman ang sa kanya saka nya ako hinalikan. Bigla naman nya akong hinila.

" Saan tayo pupunta? " takhang tanong ko.

" Maghohoneymoon na tayo " sabi nito na ikinahinto ko.

Oh my V! Hindi pa nga kasal, honeymoon kaagad? Hindi pwede! " Joke lang. May ipapakita lang ako sa'yo " nakangiti nitong sabi sa akin kaya sumunod na lang ako.

Tumungo kami sa isang pwesto na kitang kita ang kalangitan na puro bituin kaya ang gandang pagmasdan.. Nakayakap sa akin sa likod si Cyrax.

" Babe " bulong nya sa tenga ko.

" Hmm? "

" Can you promise na ako lang ang mamahalin mo at wala ng iba? Dahil ako naipangako ko na sa sarili ko na ikaw lang at wala ng iba " sincere nitong sabi na ikinangiti ko.

" Don't worry Cyrax ikaw lang at wala ng iba " sagot ko sa kanya na mas lalong ikinahigpit ng yakap nya.

Ilang sandali lang, ang mga bituin na nasa langit ay natakpan ng mga makukulay na fireworks. Iba't-ibang kulay at porma na nabubuo nito.

" I hope you like it. " sabi ni Cyrax.

" Para sa akin ito? " hindi ko makapaniwalang sabi. Dati pinapangarap ko lang na meron ring magbibigay sa akin ng isang fireworks display tapos ngayon eto na. Natupad na.

" Thea told me about this " dagdag pa nya sa sinabi nya. Humarap ako sa kanya tapos ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

" I love you Hubby. I love you so much " sabay halik sa kanya.


~

Salamat po sa mga sumuporta po sa story ko pero hindi pa po ito ang end, END PA LANG ITO NG SEASON 1. Yup may season 2 at dito ko rin po ipopost.

About saan ang season2?
--> After one year na ang kaganapan. hindi pa sila kasal dito ( ikekwento ko kung bakit ) at Syempre mga bagong pagsubok na dadating sa relasyon nila at marami pang iba.

May mga bago bang character?
Of course yes. May bagong pagseselosan ( spoiled >_< ) . May bagong mga kaibigan at marami pang iba.

Kung may tanong pa kayo, leave a comment na lang po.

Kaya patuloy pa po kayo sa pagbabasa ng story ko dahil kapag maraming nagbabasa at nagvovote, ginaganahan akong mag-update. Maraming maraming thank you sa inyo.

PS. DITO KO RIN IPOPOST ANG SEASON 2. AYAW KONG GUMAWA PA NG BOOK 2 XD HAHAHA

junjouHeart

Continue Reading

You'll Also Like

43K 2.9K 92
In the midst of saying goodbye to his loved one, Kane promises to focus on improving himself. Little does he know, his journey takes him to the glamo...
737K 21.6K 47
#1 out of 7.19k stories in boyxboy. Updated on April 12, 2020 12:25AM #7 out of 4.38K stories in boyxboy #1 out of 185 stories in ManxMan Updated in...
27K 1.6K 50
Keith Mendel the friendliest guy on the squad, who is secretly in love with his childhood bestfriend Axcel. He doesn't want to ruin their friendship...
2.5K 308 42
Si Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito n...