The Fall of Alexander the Gre...

By patyeah

10.6M 214K 14.7K

Blythe knows how charming she can be and she uses that to her advantage. When she heard that a hot new neighb... More

The Monteverde Series
PUBLISHED
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
Finale
Epilogue

38

165K 3.8K 396
By patyeah

Chapter Thirty Eight


ALEXANDER

"Kuya Alex, nauna na pong umalis si Ate Blythe. Nakita namin nakasimangot siya, inaway mo ba 'yon? Kasi kapag inaway mo lagot ka sa amin." Nakakunot ang noo sa akin ng batang si Trent. Halatang nag-aalala siya para kay Blythe. Tipid akong ngumiti bago ginulo ang buhok ng batang lalaki.

"Hindi kami nag-away. Masama lang gising no'n, namiss niya kasi ako."

"Parang hindi naman." Umupo siya sa bench sa gilid ko. "Mukhang badtrip sa'yo, e."

"Hindi na 'yon badtrip bukas."

Nabibwisit ako sa mga pinagsasabi sa akin ni Blythe kanina.

Dad once told me that I'll know it's true love when the woman gives me constant headaches, but still manages to make my heart flutter. It's like that with her.

Headaches and butterflies all at once.

"Salamat po sa cake, Kuya. Next time uli dalhan mo kami ha?" Nginitian ko si Trent.

"S'yempre naman! Pumayag kaya kayong tumulong sa surpresa ko para sa Ate niyo. Kaya dapat may regalo rin ako sa inyo. Tsaka sabi niyo sa 'kin paborito niyo ang cake. Tinandaan ko 'yun." Sa totoo lang ay naantig ako sa kanila. Kapag iniisip ko na dati ay ganyan rin si Blythe ay parang nanghihina ako sa lungkot. Simula noong araw na nalaman kong ampon siya ay pinangako ko sa sarili ko na palagi akong tutulong sa mga orphanage, not just because she came from one, but because she made me realize how tough and cheerful these kids are despite everything.

"Basta po para kay Ate Blythe. Mahal namin 'yon, e."

"Mahal na mahal ko rin siya," nakangiti kong sagot.

Ang tagal ng apat na araw. Hindi ako sanay na walang maingay sa paligid. Hindi ako sanay na walang nangungulit sa akin. Hindi ako sanay na gigising ako at hindi siya ang unang nasisilayan ko. She might not miss me, but I do.

I miss every inch of her.

There's a small bit of consolation in knowing the longing ends tomorrow.

I still can't believe she thought I would cheat on her. Pero may parte sa akin na naiintindihan siya, dahil kung ako ang nasa sitwasyon na 'yun, hindi ba ganoon din ang maari kong maisip?

I intend to change that belief of hers tonight.

She'll be crying so bad, but this time, this is because of joy.


***


BLYTHE


"Blythe Oenone Dominguez!"

Napabalikwas ako sa lakas ng sigaw ni Amanda na halos dumagundong sa loob ng condo. Napatayo ako sa kama at sinalubong siya habang papasok ng kuwarto ko. Mula sa kinatatayuan ay nakikita ko ang nandidilat niyang mga mata.

"Amanda, what the hell? Hindi ka ba marunong kumatok?"

"Hindi ka ba marunong magcheck ng phone?" She glared at me. Tumayo ako at hinagilap ang phone ko sa bag. Nang buksan ko ito ay napanganga ako sa 23 missed calls at 15 messages. It all came from her. Kaya naman pala kung makapagtaas siya sa akin ng kilay ay parang ang laki ng kasalanang nagawa ko. Agad akong nakaramdam ng pag-aalala.

"Are Mom and Dad okay? I'm sorry hindi ko nasagot. Shit... Are they okay?" Nagsisimula na akong magpanic. Namumutla na ako habang naghihintay ng sagot niya, pero lalo lang niya akong tinaasan ng kilay.

"What are you saying? Of course they are okay."

Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti naman. Bakit ka ba kasi galit na galit? And why did you blow up my phone if it wasn't an emergency? And why are you wearing a formal dress? Galing ka ba sa party, Mands?"

"Ano'ng party sinasabi mo r'yan? May family dinner tayo ngayon!" She was shrieking as if it was a big deal. "How come you forgot? At talagang nakapajama ka na at 7 pm in the evening?"

"I'm sorry, okay? Magbibihis na ako, kumalma ka nga." Tumalikod ako at pumili ng isang pulang dress. It was plain and simple and I paired it with my favorite pair of Prada stilletos. Pinandilatan niya akong muli bago kami lumabas ng condo. She brought her own car with her, which was a red Pagani. Iniwan ko na lang ang sasakyan ko at tahimik habang nakapangalumbabang nakatingin sa labas.

Mandy was not even uttering a single word and I chose to zip my mouth. Nakarating kami agad sa venue, habang naglalakad kami sa hallway ay bigla na lang siyang nagsalita.

"You almost gave us all a heart attack. Muntik na talagang masira ang plano." She straightened her dress before leading me to the end of the hallway where there was a set of steel double doors.

"It's just dinner. Calm down. You act as if I failed to attend Mom and Dad's anniversary." Itinulak ko ang steel doors at pumasok. Sobrang dilim. Kumapit ako agad sa braso ni Amanda at kasunod non ay malakas na tilian.

Light flickered and my mouth dropped open when I saw how big the place was. Napanganga ako sa gulat.

"What the hell is happening, Amanda?" Naguguluhan at kinakabahang tanong ko. She smiled instead of answering me. Everyone important in my life is here, okay, scratch that. Nandito ang lahat ng bata sa ampunan, ang mga empleyado ko, si Roselynne at ang boyfriend niya. Si Mom, Dad, and shit... Alexander's whole family, except for Daze, was here. Litong lito ako. Hindi ko alam kung anong mayroon. Maraming lobo sa lapag, may mahabang mesang punong-puno ng pagkain sa magkabilang gilid, puno rin ng mesa at mga upuan at may stage pa sa dulo.

Naghuhurumentado ang puso ko habang hinahanap si Alexander ng mga mata ko. Nanginginig na ako nang biglang magputukan ang kulay sa langit. Fireworks exploded in the peaceful night sky and everyone can see it through the glass ceiling. Hanggang sa bigla na lang tumugtog ang kantang The Woman I Love ni Jason Mraz. Alexander always sings this one for me and I found myself tearing up.

Unti unting nagform ng straight line ang mga bata. Lahat sila ay naglabas ng isang pula na rosas sa mga likod nila. Isa-isa ko itong kinuha hanggang sa napuno ng isang bungkos ang mga bisig ko. The last kid was Kyla. But instead of a red rose, she was holding a piece of paper.

I opened it and read.


Sorry, love.

I'm sorry for all my shortcomings. I'm sorry if you ever thought I cheated. I'm sorry for hurting you and making you cry. I want you to know that you are the best thing that ever happened to me and that I will do everything, anything, to make you happy.

Roses are red, your hair is blue

You might not believe me

But I really do love you.

-A


Itinupi ko ang papel at natutop ko ang bibig ko. I was shaking and preventing myself from crying. I was looking for his face in the crowd but he wasn't there. They were just staring at me smiling and then all of a sudden they all shouted,

"Happy Birthday, Blythe!"

I looked at Mandy who was still beside me. I was confused.

"Ano? Anong kalokohan 'to? Hindi ko birthday, loko kayo. Four months pa. Nasaan si Alexander at nang mapingot ko siya? Kalahating taon kami pero hindi noiya alam kung kailan ang birthday ko!" Pero humihikbi na ako habang sinasabi ko 'yun. I just want to see Alexander.

Hinugot ni Amanda ang buhok ko. "Just relax, okay?"

"Kahit sila Mom and Dad nakalimutan birthday ko?"

She rolled her eyes. "This is harder than I thought."

Nagsiupuan na ang mga bisita at dinala ako ni Amanda sa table namin nila Mom. They hugged me tight and greeted me a happy birthday.

"Dad, ano ba ang nangyayari? You know it's not my birthday!" giit ko. Maya maya lang ay biglang umilaw ang stage. Napanganga ako ng makitang nagsilabasan mula rito ang dalawang lalaking nakaitim na tuxedo. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Clint and Maxwell ang pangalan ng dalawa at sila ang pinaka matalik na kaibigan ni Alexander.

Then there he is.

Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko ang itsura niya. He was dressed in a red tuxedo and his hair was brushed up. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Mukha siyang isang prinsipe na bumaba sa kaharian.

Clint gave him a microphone and he looked at me. "Matagal mo na akong kinukulit sa pagsasayaw. So, I decided that for your birthday, I'm going to finally do it. Hit it, Pa!" Ngumisi si Dad at may pinindot sa remote na hawak niya. Pumainlang ang tugtog na budots at namumula ang mukha na nagsayaw siya sa harap.

Naiiyak na ako. Sa saya at sa kakatawa.

Even DOJ can't give this man any justice.

When the music ended, he jumped out of the stage and walked toward me. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Binato siya ni Zade ng bimpo at madalian niya itong ipinunas sa buong mukha niya. Then he smiled at me, sheepish.

"Happy birthday," he whispered.

"Hindi ko nga birthd—"

He suddenly kissed me. Naghiyawan ang mga tao sa loob. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, but it turns out I don't have to.Alexander held my hand and I let him. Nagsalita siya gamit ang isang malakas na boses.

"Everyone, thank you all for coming here today! Hihiramin ko lang muna siya saglit."

Pagkatapos no'n ay nagmamadali niya akong hinila palayo. I said nothing, halatang pinaghandaan niya talaga ito kaya hindi na ako kumontra. Nang makarating kami sa garden ay huminto kami. Humarap siya sakin.

"I love you, birthday girl."

"Hindi ko birthday," mahinang sabi ko. "Matagal pa ang February 2."

"No, Blythe." Hinawakan niya ang kamay ko at hinagkan ito. His eyes were swimming with emotions. "February 2 'yung araw na nakita ka ng mga madre sa labas ng ampunan. Today, is your real birthday. The exact day that you were born. So happy 25th birthday, love."

Wala akong masabi. Today is the 28th of October. Nanlabo ang mga mata ko at nanginig ang balikat ko habang nakatingin ako sa kanya. Ilang taon kong icinecelebrate ang February 2, ilang taon kong inisip kung kelan ba talaga ang tunay kong kaarawan. October 28 was just a regular day for me back then. I kept on thinking what I did during all the October 28s that passed by. Maybe I was at home watching movies the whole day, or I was inside my office working my ass off. Napahikbi ako.

"Ito ba 'yung inaasikaso mo kaya lagi kang busy?" I asked. Sumagi ito sa isipan ko kanina at kanina pa ako hindi pinatatahimik ng tanong na 'yon.

Binitiwan niya ang kamay ko at namulsa. "Yes."

"I thought you cheated on me. Akala ko... Akala ko gusto mo 'yung Helena kasi—" Nagkakandautal utal ako. Bumuhos na ng tuluyan ang mga luha ko. Pinunasan niya ang mga ito.

"I never liked her. 'Yung araw na nakita mo ay 'yung araw na binigay ko sa kanya 'yung bayad ko dahil sa serbisyo niya. She's a private investigator, love. Hindi ko siya babae o kung ano pa man."

Nakagat ko yung labi ko.

I gave him a fierce kiss which he gladly answered with the same intensity. My heart is pouring from all the love he is showering me. And I feel thankful... And ashamed at the same damn time.

"I'm sorry for jumping into conclusions." I whispered.

"With the kind of kiss that you gave me, how could I not forgive you?" He asked, eyes widening.

Hinalikan ko na lang siya uli pero hinawakan niya ang bewang ko. "We'll continue this later. The surprise isn't over yet." He murmured against my lips.

Nanlaki ang mata ko. "It's not?"

He smiled. "C'mon." And he took my hand again and led me deeper into the garden.

"Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng ito."

"But I want to. I want you to feel complete."

My heart melted. "I am complete. Ikaw ang kumukumpleto sa akin."

He shook his head. "No. You're not. Not yet, love. There is still a missing piece in your life."

Nang makarating kami sa dulo ay may naaninag akong samu't saring ilaw at dalawang pigura. When we went closer, recognition dripped from my every pore. Nakatayo sa harap ko yung matandang nanghula sa akin sa Quiapo at yung anak niya na nadatnan ko sa tent noong pangalawang beses akong pumunta. The woman beside the fortune teller was teary-eyed while looking at me.

Alexander whispered in my ear.

"Alam kong makukumpleto ka lang kapag nakilala mo na 'yung tunay mong pamilya."

Lumunok ako para kalmahin ang sarili ko pero wala itong nagawa.

"Surprise..." Alexander murmured and I sobbed.



Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 123K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and...
1.7M 54.1K 36
We understand how dangerous a mask can be, we become what we pretend to be. The mask becomes our own skin, until we are consumed by the lies and the...
2.4K 551 32
When they met, Elliezabeth Mayumi seems like she already found the missing half piece of her life. REGENERATE BAND SERIES 1 [08-14-20]
324K 8.1K 53
Stacey Liberty Del Mundo was born to be a model. Bata pa lang ay magaling na siyang rumampa at mag project sa camera. But it wasn't that easy for her...