This Nerdy Girl is Mine (COMP...

By GitaristangAlien

1.2M 28.3K 3.8K

Sya ang pinaka weird na babaeng nakilala ko From: May 21,2015 To: Dec. 31, 2015 wew! Medyo natagalan pala ba... More

Annoucement
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
BONUS CHAPTER
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Authors Note
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 12 REPEAT.
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
BONUS CHAPTER
CHAPTER 22 Part 1
CHAPTER 22 Part 2
CHAPTER 23
CHAPTER 24 Part 1
CHAPTER 24 Part 2
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
Authors note
CHAPTER 31
CHAPTER 32
BONUS CHAPTER :)
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
EPILOGUE
Authors Note:
Authors Note:
Authors Note

CHAPTER 15

26.5K 689 78
By GitaristangAlien

Kate's POV

"Good morning class. May bago nga pala kayong classmate si Miss Haide Forest." Sabi nung professor namin.

Hindi ko na tiningnan kung sino sya.

Nakatingin lang ako sa isang sulok na malayo ang iniisip.

Wala naman akong pakialam sa bagong salta ngayon. Isa lang ang iniisip ko. Si Nicole lang at si Nicole pa rin.

Naramdaman ko na may tumabi sakin kasi may vacant chair sa tabi ko.

Pero Hindi ko na binigyan pang pansin kung sino sya dahil hindi naman siguro sya makakatulong.

"Hi!"

Napabuntong hininga ako.

Napansin ko nalang na may kamay na harap ko at itinataas baba nya para maagaw ang atensyon ko.

Napatingin ako sa katabi ko.

Pagkatingin ko.

Ako ---> o________O

Sya ---> ^_________^

"Hi" sabi nya sa akin. At saka sya ngumiti.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat Kong maging reaksyon ngayon!

I saw her before.

Hindi ako pwedeng magkamali.

This girl beside me is the girl I saw last night.

Yung babaeng ito.

Sya yung babaeng kumakanta sa may music room.

"H-hi!" Sabi ko.

"I'm Haide Forest ikaw?" Pakilala nya sa akin.

"Uhmm. I'm Katelyn Merris. Kate nalang for short." Sabi ko rin.

Iniabot nya ang kamay nya sa akin. At saka rin ako nakipag shake hands sa kanya.

Nakangiti lang sya.

Nung nakita ko sya sa music room mukha syang suplada pero mabait pala sya. At sa nakikita ko ngayon mukhang masayahin syang tao.

"Haide. Ikaw ba yung nasa music room kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Haha. Oo ako nga yun. At ikaw yata yung natakot sakin kagabi kaya iniwan mo ako." Sabi nya na natatawa pa.

"Hindi aa. Hindi ako natakot sayo ang iniisip ko lang kasi baka gusto mong mapag isa. Bakit ka nga pala nasa music room kagabi?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Eh kasi may audition next week para sa music play. Nagpa praktis ako. Sabi kasi nung guard pwede ko pa naman daw gamitin yun kasi estudyante na rin ako dito." Paliwanag nya.

May music play pala next week :3 bakit ba hindi ko alam?

Kunsabagay hindi naman ako interesado kasi hindi naman ako magaling kumanta. Hehe.

"Ahh. Okay. Hehe" sabi ko.

"Okay lang ba na maging magkaibigan tayo?" Tanong nya sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Oo naman :)" sabi ko.

Hinawakan nya kamay ko.

"Pwede kaba pumunta sa audition ko? Pwede mo ba akong panuorin?" Tanong nya sakin.

"Ahh. Bakit?" Tanong ko.

"Para magkaroon ako ng lakas na loob at inspirasyon para makapasok sa music play. Gusto kong sumali talaga e. Isa yun sa pangarap ko." Sabi nya.

Tumango nalang ako

"Sige ba!" Sagot ko.

Teka ? Music play?

Si Nicole kaya sasali sa music play?

Maganda din ang boses nya. Isa na din sya sa mga ginagamit ng school kapag pagkanta lang ang pag uusapan.

Well. Parehong maganda ang boses ni Nicole saka ni Haide. Mahirap e identify kung kaninong boses ang lamang kasi parehong maganda e. Parehong may dating sa tao ang malumanay nilang boses.

Napalingon ako at napatingin Kay Nicole sa may likuran.

Ayun magkatabi na naman si Cheska at Nicole.

Bigla napakunot ang noo ko. At saka ako nanahimik at napa crossed arms.

Napansin kong napatingin si Haide kay Nicole saka sa akin. Pabalik balik ang tingin nya sa aming dalawa ni Nicole.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Haide

Ngumiti ako nang pilit sa kanya.

"Yeah! Okay lang ako" sagot ko sa kanya.

Natapos na ang klase namin.

At wala ako sa mood para mag gala ngayon. Gusto ko lang mapag isa at magmukmok muna sa ngayon sa kwarto ko at manuod ng movies.

Inaayos ko na ang mga gamit ko. At pati na rin si Haide.

"Kate?" Sabay nang dalawang boses.

Alam ko si Haide yung isa kaya napalingon ako sa may likuran ko.

"Nicole?" Sabi ko.

"May lakad kaba ngayon?" Tanong nya sakin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tara! May pupuntahan tayo :)" sabi nya.

Napakunot ang noo ko.

"Saan?" Tanong ko.

"Ano ba yan! Dami pang tanong. Tara naaaa!!!" Sabi nya saka nya hinawakan ang kamay ko.

Napahawak din ako sa kamay nya.

"Sandali lang!" Sabi ko.

"Bakit?" Tanong nya na may halong pagtataka.

Lumingon ako pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Nicole.

"Haide. Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko Kay Haide

Ngumiti sya sa akin at saka umiling "Wala yun :) ingat kayo ^___^"

Tumango nalang ako sa kanya.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng room ni Nicole.

Ang sarap sa feeling na hawak ko ang kamay nya ngayon.

Nakalabas kami ng school.

"Teka? Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta!" Sabi nya.

Pinara nya ang jeep na parating.

"Mag cocommute tayo?" Tanong ko sa kanya.

" Oo :)" sabi nya.

"May sasakyan naman ako bakit kailangan pa natin mag commute?" Tanong ko ulit.

"Ang dami mong satsat. Sakay na! Hehe." Sabi nya.

Napilitan ako na sumakay ng jeep kahit ayoko talaga!

Magbabayad na sana ako sa jeep nang mapansin ko na nakapag bayad na pala si Nicole.

Ano bang nakain ng babaeng to?

Maya maya lang ay nakarating kami.

Hinila nya ako.

Hawak nya na naman ang kamay ko.

Nasa isang pasyalan kami ngayon.

May mga rides.

May mga nagpipicnic.

May mga lovers. May mga family bonding din.

Pumasok kami sa sakayan nang mga rides.

"Sakay tayo! :)" pag yayaya nya sa akin.

"Saan?" Tanong ko.

Ngumiti sya at saka itinuro ang rides na nasa likuran ko.

Napalingon ako at saka napalunok

Roller Coaster.

Seryoso sya?

Papatayin nya ba ako?

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok.

Magkatabi kami sa upuan

"Teka lang! Ano kasiiii . Nicole" sabi ko.

Pero parang hindi nya ako naririnig. Tuwang tuwa sya.

Nakita kong nakangiti sya. Kaya napangiti nalang ako.

"Ito na Kate. Magsisimula na. yeheeeey!" Sabi nya. Habang ang lawak ng ngiti nya.

"Ha?"

"Kumapit ka ng mabuti Kate :)"

"Ha?"

Naramdaman ko nalang ang pag galaw na nang kinauupuan namin.

"Waah! Te-teka lang. Aalis muna ako. waah! Wa-waaait!" Sabi ko.

Kaso ano pa bang magagawa ko?

Dire-diretso na ang roller coaster na sinasakyan namin kaya .....

"Waaaaaaaa!!!!" Sigaw ko.

"Waaaah!! Hahahahahah." Sabi ni Nicole.

Napapikit ako pero rinig na rinig ko pa rin ang tawa ni Nicole na halatang sobrang nag eenjoy sya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Nicole sa kamay ko.

"Sumigaw ka Kate para mawala yang takot mo" sabi nya.

Sumigaw nalang ako.

"Waaaaaaaa!!!" Malakas na sigaw ko. Na pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sakin dahil sa pagsigaw ko.

At sa wakas natapos na din ang pag ikot ng roller coaster.

Tawa nang tawa si Nicole.

"Ang saya nun. enjoooy talaga :)" sabi nya.

Tumango nalang ako.

Bigla kasi akong nahilo tapos pakiramdam ko yung mga lamang loob ko nawala sa pwesto lahat :3

Pakiramdam ko na shuffle yung mga lamang loob ko.

"Tara! Dun tayoooo!" Yaya nya na naman.

Wala nalang ako nagawa at sumunod sa kanya.

Kahit sobrang hilo ako sige nalang. Sumama nalang ako sa kanya.

Pagkatapos ng tatlong nakakahilong rides.

Tinuro ko sa kanya yung rides na may kabayo. At may upuan na hugis pumpkin.

"Pwede ba dun?" Tanong ko.

"Sige dun tayo :)" sabi ni Nicole.

Sumakay kami at tabi kaming naupo dun sa upuan na hugis pumpkin.

Nung umikot na yung sinasakyan namin. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at saka itinaas ang kamay namin saka sya sumigaw

"Wooooooh!" Sigaw nya. "HAHAHAHAHA" Tawa nya pa.

Napangiti nalang ako sakanya.

Kahit sobrang weird talaga ng babaeng to. Kakaiba talaga sya sa lahat.

Natapos na kami dun at napag desisyunan namin na lumabas na doon at naglakad lakad.

"Ang saya nu?" Tanong nya habang nakangiti sakin.

"Yeah!" Sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

"Waaaah!" Sabi nya at saka hinila.

Napatingin ako. Hinila nya ako sa bilihan ng cotton candy.

"Kuya pabili nga pong tatlo." Sabi nya.
"Bakit tatlo?" Tanong ko.

"Dalawa sakin isa sayo. Gusto mo ba dalawa din sayo?" Tanong nya.

"No! Okay na sakin isa." Sabi ko "Nag iisa ka lang kasi sa puso ko" mahina Kong sabi.

"Ha?" Tanong nya.

"Wala po :)" sabi ko at saka ko pinisil ang ilong nya.

"Araaaay!" Sabi nya saka napahawak sya sa ilong nya. Natawa nalang ako sa expression ng mukha nya.

Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa school para balikan ang sasakyan ko.

Pagkakuha namin ng sasakyan ay inihatid ko na sya sa bahay nya.

Pababa na sana sya ng sasakyan ko Nang bigla ko syang tinawag

"Nicole?"

"Hmm?"

"Thank you!" Sabi ko.

"Wala yun. Next time libre mo naman huh?" Sabi nya.

Natawa ako sa sinabi nya.

"Okay. Sige. Next time treat ko na. Hehe" sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya.

"Okay!" Sabi nya.

Bigla syang lumapit sakin at saka nya ako hinalikan sa pisngi ko.

Natulala ako at hindi makapaniwala.

"Bye! :)" kumaway sya at saka bumaba ng kotse ko.

Naiwan akong tulala at napahawak ako sa pisngi ko.

She kissed me.

Napangiti nalang ako.

At saka ko pinaandar ang kotse ko Nang may ngiti sa labi ko.

Authors note:
Sino po gusto ng dedication for the next chapter?

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
376K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
53.4K 3.3K 61
"What if, one day when you wake up you have a child with your long time crush?" Christian Dale as an Inter-dimentional Traveller!! Came from Are You...
626K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...