School 26 University

Oleh yohannymelon

296K 14.3K 646

Highest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. F... Lebih Banyak

School 26 University Announcement
Meet The Students
01- First Day, 21 Survivors
02- Hello Strongest 20
03- Brace Yourself
04- Sacrifice
*COMMERCIAL*
05- Again, 2nd Class Exam and Torture
06- Caution
07- At Your Service
08- Let's Get This Party Started
09- What The Hell
10- One To Go
11- Thanks Teacher
Meet Batch 2
12- Semi Finale
13- Back To Normal
*COMMERCIAL 2*
14- Hi Classmate, Can I Kill You?
15- Plastic
16- On Going Torture
17- Disqualified
18- Real Game Starts
19- Verification
20- Less Push
21- This Game Ends Tonight
22- Game Over
23- It's Not Fucking Over
Meet Batch 3
24- New Beginning
25- Friendship
26- The Camping
27- Campfire
28- DESPAIR
29- Zetsu Bo
30- Dark Side
31- Welcome Back Exam
32- Solve Your Way Out
33- Happy Happy
34- Game On Resort
35- Game 1(Don't Trust Anyone)
36- Game 2(Vertigo)
*COMMERCIAL 3*(DRAMA NI AUTHOR)
37- Game 3(Whispered Fear)
Year End Special: Celebrating Christmas With Carly
38- Game 4(Hiatus)
39- Game 5(Half Dead)
40- Game 6(No Escape)
Note
41- Game 7(Extension)
42- Game 8(Life Isn't Real)
43- Eat Or Die
45- Room Of Death
46- Death Mark
47- Paranoia
48- Miasma
49- Perfect Formula
50 - 마지막 부분
NOTE

44- Double Personality

1.3K 200 18
Oleh yohannymelon

   [Nicole's POV]



Matapos mangyari ang insidente nagpasiya muna akong pumunta sa cafeteria, 10:30 palang ng umaga at malapit na ring magtanghali. Naalala ko si Sakura "Saan kaya nagpunta si Sakura?" Tanong ko sa sarili ko. Nakarinig ako ng tawang nakakatakot at para bang naramdaman ko ang paghinga niya sa may batok ko



Kinakabahan ako, nanginginig. Gusto ko itong tignan pero natatakot ako, pinikit ko nalang ang mga mata ko at agad akong tumalikod. Pero nang binuksan ko na ang mga mata ko nagtaka nalang ako na wala naman palang tao



"Tama na ang pag-iisip ng kung ano-ano, tinatakot mo lang ang sarili mo Nicole" Sabi ko nalang sa sarili ko. Naisip ko na siguro guni-guni ko lang yun, nang makakuha na ako ng maiinom agad na akong dumiretso sa room ko, oo nga pala naalala ko magkaroom pala kami ni Sakura



Naglakad na ako papunta doon sakto pagbukas ko ng pintuan nakita kong nakatayo si Sakura sa may harapan ko. Muntik na akong napasigaw dahil sa gulat buti nalang pala at nandito siya, nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan anh braso ko at para bang may sasabihin



"Hindi na tayo ligtas dito, kilala ko na kung sino ang kapatid ni Amanda, kilala ko na rin kung sino si Amanda, at kilala ko na kung sino ang principal ng school na 'to" Sunod sunod na pagkasabi sa akin ni Sakura



"Te-teka, ano? Naguguluhan ako" Sabi ko sa kanya "Hindi pa patay si Kenneth, siguro isang decoy lang ang ginamit para gayahin ang katawan ni Kenneth" Sabi nito



"Pano ka nakakasigurong hindi pa patay si Kenneth?" Naguguluhang tanong ko sa kanya "Nakita ko siya, siya ang kapatid ni Amanda, Amanda Ahran Cho at siya din ang principal" Sabi nito, nanlaki nalang ang mga mata ko sa mga narinig



"Ang ibig mong sabihin hindi pa nga talaga patay si Kenneth, kaya pala napansin kong hindi gumagalaw at nagsasalita yung Kenneth na kasama natin kanina sa dining area" Sabi ko habang nakaface palm



Inabot ni Sakura ang isang papel at tinignan ko ito. Isang birth certificate? Nakalagay ang lahat ng information tungkol kay Ahran at nakita ko rin doon na totoo ngang kapatid siya ni Kenneth pero bakit sa amin naghihiganti si Kenneth? Wala naman kaming ginawa sa kanyang masama


"Galit na galit si Kenneth sa mga naunang batch sa atin, kwento kasi ni ate Carly na pinatay daw si Ahran ng killer noon pero wala silang nagawa noong humihingi nang tulong si Ahran sa kanila dahil wala silang kalaban-laban sa pumapatay at takot na takot talaga sila noon" Pagpapaliwanag sa akin ni Sakura "Pero ngayon pati tayo nadamay na, kahit wala tayong alam tungkol diyan sinasama na rin tayo ni Kenneth sa mga gusto niyang patayin" Dagdag pa nito



"Alam mo, kailangan na nating sabihin 'to sa iba bago pa lumala ang lahat. Ipaalam na natin sa kanila" Sabi ko nalang kay Sakura at tumango nalang siya. Pagkalabas namin ng kwarto laging gulat ko nang makita naming ang dilim



"Teka? Gabi na ba?" Kinakabahang tanong ko kay Sakura "Ewan ko na kung ano ang nangyayari" Sagot naman nito. Mukhang pinaglalaruan kami ni Kenneth ngayon, naalala ko na nasa loob kami ng campus siguro ay pati panahon at oras ay kaya nitong kontrolin, nakakatakot na talaga



Hindi nalang namin pinansin kung ano ang nangyayari, kahit madilim ay patuloy parin ang pagtawag namin sa mga hinahanap naming kasamahan. Nakita namin ang cafeteria na may ilaw, nakita namin na nandun silang lahat at masayang kumakain, agad naman kaming pumasok sa loob ng cafeteria para pagbantaan sila



"Guys, kailangan na nating umalis dito sa university. Masyado nang mapanganib" Sabi ko kaagad sa kanila habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo



"Bakit? Anong meron? Gusto man nating makatakas pero hindi natin kaya. Ang rules diba? Survivors lang ang makakalabas dito at sa tingin ko kapag natalo na natin ang principal doon na matatawag na game over" Sabi naman ni Kheo



"Huwag mong sabihing kilala mo na kung sino ang principal?" Naguguluhang tanong ni Jeirahlyn. Tumango nalang ako at halos kinilabutan ang lahat ng mga kasama ko



Ilang minuto ang lumipas, kwinento lahat ni Sakura kung ano ang nalalaman niya. "Gusto ko na talagang umuwi, ayoko na dito" Reklamo ni Vanessa at halos maiyak na siya



"Guys anong oras na ba? Bakit parang sobrang dilim sa labas?" Tanong ni Kheo sa amin "12 palang ng tanghali, pakiramdam ko kinokontrol ni Kenneth ang oras dito sa loob ng campus, pinaglalarun niya tayo" Sagot naman ni Sakura



"Natatakot ako" Sabi nalang ni Yeka habang nakaupo na nakapatong ang mga hita sa isang upuan. Ilang saglit lang ay biglang nawalan ng ilaw ang buong campus at may narinig kaming nakakatakot na tawa na nagmumula sa mga speaker na nasa canteen



"Lets end this ga-- Achoo!" Narinig naming sabi ni Kenneth pero hindi niya natuloy dahil nabahing siya. Matapos nun ay bumalik ang lahat ng ilaw sa buong campus at biglang lumabas ang sikat ng araw, habang ang iba ay takot na takot parin sa mga nangyayari



Nananatili parin kaming nakakulong dito sa loob ng cafeteria ng may biglang pumasok sa loob. Nanlaki lahat ng mga mata namin ng makitang si Kenneth?! "Anong nangyari?" Sabay tanong sa amin nun, naguluhan naman kami sa kanyang pagbago ng kilos dahil hindi naman siya ganyan kanina at halos gusto na niya kaming mapatay



Napapansin namin na ang inosente ng mukha niya, at para bang bagong gising dahil sa singkit na mata nito at mga nakatayong buhok nito. Tila walang gustong kumausap sa kanya dahil lahat kami ay gulat na gulat sa mga nangyari pinapanood lang namin siya na tahimik na kumakain ng lunch



"Ano sa tingin niyo ang nangyari sa kanya?" Pabulong na tanong sa amin ni Jeirahlyn "Abay malay ko? Maging ako nanibago sa kinikilos niya, hindi kaya patibong nanaman 'to?" Sagot naman ni Yeka, sabay-sabay naman kaming nag kibit balikat



Maya-maya'y nagkaroon ng lakas ng loob si Yin para kausapin si Kenneth, habang kami naman ay patuloy lang sa panonood at inoobserbahan kung may mangyayaring masama




[Yin's POV]



Napag-isipan kong kausapin si Kenneth dahil isa rin ako sa naguguluhan, nababaliw na ba siya? Bakit ibang-iba ang kinikilos niya sa ngayon. Para bang naging inosente siya matapos lang niyang bumahing. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, habang naglalakad ako hahawakan ko na sana ang balikat niya dahil nakatalikod siya ng bigla siyang nagsalita. Patay, napansin niya yata ako



"Kuya Yin? Bakit?" Mahinahong tanong nito sa akin. "Ah-eh, kasi, wala ka bang naaalala tungkol sa nangyari kanina?" Kinakabahang tanong ko sa kanya, hinihintay ko lang ang sagot niya dahil kumakain siya



"Wala naman, ang huling naalala ko lang ay nung nasa biyahe tayo pabalik dito sa university, tapos bumalik nalang ang alaala ko na nakatayo ako sa loob ng room ng principal at nasa harapan ko ang mikropono" Pagsagot nito, pinataas ko nalang ang buhok ko at halos manlamig na ako dahil sa kinakabahan



Matapos kumain ni Kenneth ay nagpaalam lang ito sa akin na magpapahinga nalang muna daw siya dahil sobra siyang napagod. Kakaiba talaga ang nangyari, seryosong wala talaga siyang naalala. Nag-iisip parin ako nang biglang lumapit sa akin si Sakura



"May double personality si Kenneth" Sabi ni Sakura na akin namang ikinagulat



"Ano? Pano mo nasabi?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya "Hindi mo ba napansin na sa pamamagitan ng pagbahing niya nag-iiba ang ugali niya. Sa susunod na bumahing ulit si Kenneth alam na nating babalik nanaman ang pagkademonyo niya" Paliwanag lang nito habang ako naman ay natameme lang sa mga sinabi ni Sakura



----------




Lumipas ang halos apat na oras ay wala namang masamang nangyari sa mga kasamahan namin, pinagdadasal ko sana na hindi na bumalik ang demonyong ugali ni Kenneth. Mag-uumpisa nanamang dumilim dahil parating na ang gabi



Nandito lang ako sa kwarto ko nakahiga, mula nang makarating kami dito sa school ay ngayon lang ako nagka oras magpahinga, sa tingin ko ganun din sa iba. Lahay kami ay pagod na pagod sa mga nangyari kanina



Mahimbing lang akong natutulog nang may nararamdaman akong parang may umuuga sa akin, pagkatingin ko si Sakura



"Oh, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya "Tara na sa cafeteria, sabay sabay na tayong kumain doon" Pagsagot niya, tumango nalang ako at agad na siyang lumabas ng aking kwarto



Ilang minuto ang lumipas ay lumabas narin ako ng kwarto at nakita ko sa labas na ang dilim na "Hay, matatapos nanaman ang isang araw" Sabi ko nalang sa aking sarili. Patuloy lang ang paglalakad ko nang biglag parang napansin kong may sumusunod sa akin dahil sa mga yapak na naririnig ko sa aking likuran



Nagdahan-dahan akong maglakad at pinapakinggan ang bawat yapak na naririnig ko, at meron ngang sumusunod sa akin. Kinabahan ako bigla nang may parang bakal itong nahulog, unti-unti ko itong nilingon at nagulat ako sa nangyari dahil si Kenneth bumalik nanaman siya sa dati. May dala-dala siyang itak, ang gulo nang mga buhok nito at namumula ang kanyang mata para siyang nakadroga



Agad akong kumaripas nang takbo papunta sa cafeteria, oo duwag na ako, ako na ang takot, pero ayoko munang mamatay sa ngayon, gusto ko munang makatulong sa iba. Nang makarating na ako ay agad kong nilock ang mga pintuan sa cafeteria habang ang iba naman ay takang-taka sa mga kinikilos ko



"Yin anong nangyari?" Tanong sa akin ni Carly, ako naman ay napalunok at kumukuha ng tiyempo para magsalita



"Bumalik nanaman ang dating Kenneth, hindi tayo ligtas ngayong gabi" Pagsagot ko, ilang segundo ang nakalipas ay nagpapatay sindi ang mga ilaw at biglang may nagsalita na nanggagaling sa speaker na nasa cafeteria



"Lets end this game" Narinig naming nagsalita si Kenneth saka ito tumawa na para bang baliw na baliw na, hindi ito pwedeng mangyari wala siyang ititira sa aming lahat. May nakita kaming usok na pumasok sa loob ng cafeteria



"Hindi, hindi maganda 'to. Isa yang sleeping gas" Agad na sabi ni Sakura, mabilis akong tumungo papuntang pintuan para buksan ito pero nang pagkahawak ko sa doorknob ay nakalock talaga ito, kagagawan nanaman ni Kenneth



Napuno ng sleeping gas ang buong cafeteria, ilang saglit lang ay nakita kong nagsitumbahan ang lahat ng kasamahan ko. Ako naman ay pilit paring tinatakpan ang ilong ko hanggang sa nakaramdam narin ako ng antok



Napaiyak nalang ako nang bigla rin akong tumumba gaya ng iba, wala akong nagawa para sa kanila. Nangyari nanaman ang kinakatakutan ko, naalala ko nung namatay ang kakambal ko pero nararamdaman ko na malapit ko na rin siyang makasama pa, yan lang ang naisip ko bago ako nakatulog



----------



Nagising ako sa isang napakadilim na kwarto, wala akong makita ni isang bagay. Naramdaman kong nakaupo ako at parang nakakadena ang mga paa at kamay ko, gumapang ako kahit saan kinapa kapa ang buong paligid pero may limit ang kadena kung gaano lang kalayo ang pwede kong mapuntahan



Nahawakan ko ang bandang tiyan ko, naramdaman kong parang bakal at may mga tali, meron ding nakasuot na mabigat na sumbrero sa akin. Ano 'tong mga to? Sabi ko nalang sa isip ko. Ilang saglit lang ay nagkaroon na ng ilaw sa loob ng kwarto



Nanalaki ang mata ko nang makita kong isang bomba pala ang nakadikit sa may tiyanan ko, at isang malaking machine ang nakalagay sa ulo ko. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong kwarto at may nakita akong isang speaker



"Sa wakas gising narin kayong lahat. Sa nakikita niyo, may tag-iisa kayong kwartong kinalalagyan at may bombang nakatali sa bandang tiyan niyo. Yang nakalagay na bakal diyan sa ulo niyo isa yang machine na kapag hindi niyo nagawa ang ipapagawa ko sa loob ng oras na binigay ko iipitin niyan ang ulo niyo hanggang sa mawalan na kayo ng buhay. Dalawa lang naman ang ipapagawa ko sa inyo kapag nalagpasan ninyo ang first challenge madedeactivate ang machine na nakalagay sa ulo niyo at kusa yang maaalis, pag nagawa niyo rin ang 2nd challenge madedeactivate ang bomba at makakalabas kayo ng kwartong yan at doon niyo ako makakalaban" Anunsiyo ni Kenneth sa amin. Baliw na talaga 'tong Kenneth na 'to, hanggang dito nalang ba ako? Pagod na din kasi ako sa totoo lang




-----END-----


SCHOOL STATUS


ATTENDANCE!


*BAUTISTA, CHARLYN

*CHO, KENNETH

*DOCTOR, JEIRAHLYN

*ENRIQUEZ, KHEO

*FACUN, JEANE

*GREEN, CARLY

*GUILLERMO, YEKA

*HELLIOT, NICOLE

*LEE, YIN

*NEGISHI, SAKURA

*PATRICIO, VANESSA



STUDENTS LEFT= 11



Author's Note:

Kailangan ko talaga ng comments niyo, wala man lang kasing nagcocomment sa mga previous chapters (─‿─)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

Confirm (COMPLETED) Oleh SY

Misteri / Thriller

220K 10.7K 99
If she confirmed your friend request, she will hunt you down. Genre: Paranormal/Mystery/Thriller •••EPISTOLARY Highest Rank # 7❤ Ended: April 26, 20...
1.8M 102K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
1K 69 6
Astrea lost everything in just a single day. She was traumatized by death and betrayal. All was hopeless but then Gildeon, her knight, reached for he...
537K 6.8K 26
A rumor had been spreading in Cody De Roxas' classroom, about a boy hidden in the past yet existing in the present. Now, how can Cody and his friends...