Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 33

454K 13.4K 4.2K
By alyloony

Chapter 33


[Timi's POV]


Hanga talaga ako sa self control nang lalaking katabi ko sa kama. Biruin niyo, may katabi siyang drop dead gorgeous na babae but still, wala siyang ginagawang kalokohan.

Good boy, matindi ang self control o sadyang takot lang gumawa ng first move? Hindi ko alam.

At hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

"Timi.."

Mas nagsumiksik sa akin si Ice at niyakap ako na parang unan.

I gently pushed him away, "hindi ako sanay matulog nang may naka-yakap sa akin ng ganyan."

"Eeeh! Wag kang magulo," hindi siya bumitiw at mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at tinitigan ang mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko. Nakapikit si Ice at mukhang patulog na.

Talagang dito na matutulog ang isang 'to ah? Tas talagang wala siyang planong gumawa ng kalokohan.

Hindi sa nag s-suggest ako ah! Pero napapaisip talaga ako kung dapat bang sinuot ko na lang yung lingerie o hindi eh.

Napatingin ako sa labi ni Ice. Walanghiyang labi 'yan oh. Kaya pala ang sarap humalik ng isang 'to. Tignan mo naman ang labi niya. Ang ganda. Ang pula. Ang kissable.

Pinagpala nga ata ako.

"Wag na wag kang magkaka drama ha? Ayokong magkakaroon ka ng ibang ka-kissing scene," bulong ko sa kanya.

Iminulat niya ang isa niyang mata at nginitian ako.

"Ipapaubaya ko na kay Jasper ang pag-a-artista," sabi niya.

Bakit ang gwapo nang isang 'to? Seryosong tanong. Paano ko nagawang pa-in-love-in ang ganitong ka-gwapong nilalang nang hindi ko ginagamitan ng gayuma?

I gently touched his lips.

"Good. Ayoko nang may ka-share."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ice at hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Ice.."

"Hmm?"

"Pwedeng patingin ng abs mo?"

He chuckled.

"Ikaw talaga Timi. You are making this harder for me."

Napatakip ako ng bibig, "oh my gosh, hard ka na?!"

Biglang napadilat ang dalawang mata ni Ice at pinitik niya ako sa noo.

"Aw! Bakit ba?!" sabi ko sabay himas ng noo ko.

"Napaka-pilya mo alam mo yun?"

I gave him an evil grin, "tinitignan ko lang kung gaano ba kahaba yang self control mo."

Napailing siya, "mahaba pero malapit nang maputol dahil sa'yo."

"Talaga?" ngiting-ngiti kong tanong.

"Matulog ka na."

"Ang gwapo mo Ice."

"I know."

"Tss, conceited."

Nginitian niya lang ako sabay pikit.

Talagang tutulugan ako nito ah?!

I gently touched his face.

Ang kinis. Nakaka-insecure talaga. Pero ang sarap sarap titigan.

"Timi.."

Biglang hinawakan ni Ice ang kamay ko at dumilat siya. He looked at me seriously.

"Seriously, you are making me crazy."

"Eh?"

"Why are you teasing me?"

Bigla siyang bumangon and the next thing I knew, he's already on top of me.

"I-Ice---?"

"Sabi ko sa'yo malapit nang maputol ang self control ko."

Seryosong-seryoso siyang nakatitig sa akin.

My heart skipped a beat.

Jusko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko lang sure kung dahil sa kaba o sa excitement.

Ang harot harot mo kasi Timi! Ayan tuloy 'di na nakapag-timpi!

At ngayon pa talaga ako nag dalawang isip kung ready na ba ulit ako o hindi?

Ay tokneneng naman oh.

Juskoday.

Bakit nung kay Stan naman hindi ako kinakabahan.

Pero kay Ice...?

Napalunok ako.

Hinawi ni Ice ang ilang strands ng buhok ko na nakatakip sa mukha ko. Titig na titig siya sa akin at para akong matutunaw sa tingin niya.

Holy cow! Ano na Timi? Ano?! Nganga ka ngayon? Speechless ka? Jusko dila nasaan ka? Ba't ka nag disappear?!

Napalunok ulit ako nang unti-unting ibinaba ni Ice ang mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya at para akong kinukuryente.

Shit shit shit. Ano ba! Ano baaaaa!

Napapikit ako.

Bahala na si Batman.

Buti na lang hindi ko sinuot yung lingerie! O yung bathrobe!

Naramdaman kong hinawakan ni Ice ang pisngi ko.

Para akong kinakapos agad ng hininga. Ano ba. Ni hindi pa niya ako hinahalikan, kinakapos na agad ako ng hininga?

Ano 'to? Dahil kay Ice naging hikain na rin ako?!

"Timi.." he whispered. Alam kong ang lapit-lapit ng labi niya sa tenga ko.

Parang nagtayuan lahat ng balahibo sa katawan ko.

"Natakot ka 'no?"

Bigla akong napadilat at nakita kong naka-ngisi siya.

Agad siyang umalis sa pagkakaibabaw sa akin habang tumatawa.

"Bwiset ka! Bwiset!" hinampas hampas ko ang braso niya.

"Aray! Ikaw, nabitin ka 'no?" tatawa-tawa niya pa ring tanong.

"So ginagantihan mo 'ko ha? Pagka ako ang pumaibabaw sa'yo, makikita mo!"

Pinanliitan niya ako ng mata habang nakangiti, "ano ang makikita ko, Timi?"

I grinned at him. "Ang langit," sabay wink.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ulit ng mahigpit.

"Ayan ka na naman eh. Sa susunod niyang 'di ko na mapipigilan kaya itigil mo na 'yan."

"Ba't mo ba pinipigilan?"

He looked at me at pinagtaasan ako ng kilay.

"Nagtatanong lang ako! Wag mong bigyan ng ibang meaning," depensa ko naman.

"Eh kasi, masyadong mabilis. Hindi pa nga alam nina mommy at daddy na tayo na, gagawa na agad ako ng kalokohan?"

Natapatawa ako ng mahina, "so kailangan muna ipaalam sa mommy at daddy mo na tayo na? Baby boy ka ba?"

"I am not talking about my parents. I'm talking about yours."

Natigilan ako bigla.

Tapos hinampas ko ulit siya sa braso.

"Aray! Bakit?"

"Nabibilisan ka eh ikaw nga kung tawagin mong mommy at daddy ang parents ko, akala mo kasal na tayo!"

Ngumisi siya, "doon na rin papunta yun."

"Excited ka ganun?"

"Oo. Sobra!"

Wow umamin!

"Pero kelan ako pwedeng mamanhikan kina mommy at daddy?" tanong niya.

"Excited ka nga talaga 'no? Wala pang 24 hours tayong mag-on, pamamanhikan na agad ang nasa isip mo?"

"O sige, kelan tayo pwedeng pumunta sa kanila para ipaalam ang relasyon natin?"

"I'll check my sched. Tignan mo rin ang schedule mo para maipag-tugma natin."

"Okay! ASAP ah?"

Napailing na lang ako habang nakangiti, "excited ka kasi pwede mo nang tigilan 'yang self control mo kapag nalaman na nila?"

He laughed.

"So tinawanan mo lang ako? Ayaw mong sagutin?"

"Matulog ka na, Timi."

"Sus. Nagiisip ka na nang plano 'no?"

Nginitian lang niya ako.

"Ice!!"

He chuckled at hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Basta hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na ayaw mong gawin, Timi. Don't worry okay?"

Napangiti ako at niyakap ko rin ng mahigpit si Ice.

"I love you," bulong ko sa kanya.

He kissed my forehead, "I love you too."

~*~

"Timi gising n---FUCK!"

Sabay kaming napabangon ni Ice sa kama nang may marinig kaming sumigaw. Sa harap namin ay nandoon si Ayen, Jasper at William na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa amin ni Ice.

AY KALABAW!!!

"What the hell are you doing here?! Paano kayo nakapasok sa condo ko?!" sigaw ko sa kanila.

"Anong ginagawa niyong dalawa?!" sigaw naman ni Ayen sabay tingin ng masama kay Ice.

"Shit ka pre. Kahapon lang natin napagusapan ang tungkol sa bataan, ginawa mo na agad?" sabi naman ni Jasper kay Ice.

"Mali ang iniisip niyo--!" depensa ni Jasper kaya lang agad na pinutol ni William ang sasabihin niya.

"Isang tanong, isang sagot, kayong dalawa na ba?" seryosong tanong ni Will.

Tumango kami pareho.

"At may nangyari na agad sa inyo?" duktong pa niya.

"Wala!" sabay naming sabi.

"Porket magkatabing natulog, may nangyari na agad?!" irita kong tanong.

"Well, lahat ng babaeng hindi ko kamag-anak na nakakatabi kong matulog ay may nangyayari talaga kaya you can't blame us, Timi!" sabat naman ni Jasper.

I rolled my eyes at him, "wag mong igaya si Ice sa'yo!"

"Oy! Ang sakit mong magsalita ah? Porket virgin si Ice at ako hindi?! Lalaki rin 'yan!"

Napalingon ako kay Ice.

"Virgin ka? Weh?"

"Oo," nakasimangot niyang sagot sa akin at pulang-pula ang buong mukha niya.

"Pre ba't mo naman nilaglag si Ice kay Timi!" bulong ni Will kay Jasper.

"Shut up!" iritang sabi ni Ice doon sa dalawa.

"That's not the point!" singit ni Ayen. "Ice, tumayo ka! Maguusap tayo ng masinsinan. Timi, dito ka lang sa kwarto mo!" utos niya sa amin.

"Aba hoy! Pamamahay ko 'to!"

"I don't care!" seryosong sabi ni Ayen at pareho niya kaming pinanlisikan ng mata.

"Pre sumama ka na lang sa amin ng mahinahon," sabi ni William sabay hatak sa braso ni Ice.

"Ikaw Timi, sumunod ka na lang kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinaliupan!" sabi naman ni Jasper sa akin at pinanlisikan din ako ng mata.

Hinila nila si Ice palabas ng kwarto ko without another word.

EDI WOW!

To be continued...


Author's Note:


Hallooo fallers, like what I've said sa previous notes ko, next na gagawan ko na ng story ay si Jasper. XD Iniba ko pala ang title ng story niya and for a change, tagalog naman ang title since lahat ata ng story ko puro english ang title.

Dalawang title ang nasa isip ko na hango sa OPM songs na swak sa plot.


1. Ikaw Pa Rin

2. Akin Ka Na Lang


Still can't decide kung alin sa dalawang 'yan ang gagamitin ko. XD What do you think? :)


Continue Reading

You'll Also Like

202K 11.6K 69
[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili...
1.9M 132K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.
526K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...