Ang GirlFriend Kong Rakista (...

By LovelyEstorgeo

119K 3.1K 88

Tyrelle Jess Fahtmoss's life is almost perfect. He got the perfect looks, perfect parents and the perfect fri... More

Chapter 1: taste of alcohol
Chapter 2: gap
Chapter 3: minamalas
Chapter 4: beat me
Chapter 5: i won
Chapter 6: Joeylina
Chapter 7: that fast
Chapter 8: burnt
Chapter 9: snores
Chapter 10: used to love
Chapter 11: damn cigarettes
Chapter 12: everything
Chapter 13: useless
Chapter 14: end it
Chapter 15: never fail
Chapter 16: right here waiting
Chapter 17: good fight
Chapter 18: ikaw
Chapter 19: naaakit
Chapter 20: salamat
Chapter 21: siguro
Chapter 22: your body
Chapter 23: don't and won't
Chapter 24: i'm sorry
Chapter 25: meet her
Chapter 26: never lied
Chapter 27: collateral damage
Chapter 28: my guard down
Chapter 29: whole
Chapter 30: dragged
Chapter 31: he lied
Chapter 32: bagay na bagay
Chapter 33: what ifs
Chapter 34: clearly
Chapter 35: he's back
Chapter 36: Weaver
Chapter 37: 23rd floor
Chapter 38: cake
Chapter 39: can't escape
Chapter 40: a chance
Chapter 41: fought
Chapter 42: i love you
Chapter 43: fight
Chapter 44: gone
Chapter 45: scared
Wakas

Simula

7.8K 148 4
By LovelyEstorgeo

Tyrelle's Pov

"Pare let's drink to that!" lahat kami ay itinaas ang aming mga baso ng sabihin iyon ng matalik kong kaibigan na si Elvis.

We are celebrating our highschool graduation ngayon. Anim na taon sa elementarya at anim na taon sa high school. I thought i'm done serving my parents with high grades pero hindi pa pala. I still have four years to fulfill my service.

Pagod na akong maging perfect son sa kanila. I just want to live my life to its fullest and this night would be the first night of plenty nights of happiness.

"Cheers!" sigaw ng lahat.

We are at my friends bar right now. Ngayon lang yata ako naging malaya sa loob ng napakahabang panahon. I need to get drunk tonight!

Matapos kong inumin ang halos ika-anim kong bote ng beer ay hindi ko mapigilan ang pabalik balik sa banyo para iihi ang nainom ko. Lalo tuloy akong tinamaan ng alak dahil sa palakad-lakad ko.

"Pare, balik ako. Banyo lang ulit." Paalam ko kay elvis na siyang may-ari ng bar na ito.Tumango naman siya pati na rin ang tatlo ko pang kaibigan na sina Karlo, Leon at Brix.

Halos pagewang gewang na akong maglakad papunta sa banyo. Napansin kong halos malapit na rin mapuno ang mga upuan at medyo nagiging crowded na ito. Narinig ko rin na nagpalit na ulit ng banda na tutugtog sa stage dahil tapos na ang set ng naunang banda kanina.

Tumunog ang medyo classic na kantang ANAK. Habang jumijingle ay napapa-headbang naman ako dahil sa malumanay pero may pag ka rock version ng kanta. Maganda ang boses ng vocalist. I never knew that the song ANAK can be more interesting with a female version.

Bumalik ako sa aming lamesa at halos nanlalabo na ang mga mata ko at hindi ko na maaninag kung sino ang kumakanta sa harapan at kung anong itsura nito. Nagkibitbalikat na lamang ako at hinayaan siyang kumanta ng kumanta doon. May nabangga pa ako sa labas ng banyo dahil sa pabalik balik ko doon.

I gulped my seventh bottle for tonight.

"San ka naman mag co-college ha Leon?" Tanong ni Elvis na ngayon ay sinisindihan ang sa tingin ko'y pang isang daan na niyang sigarilyo. Sigurado akong lung cancer ang uwi niya sa ginagawa.

"I'll follow my dad's footsteps at sa Ateneo pa rin ako. Bakit kasi kailangan mag iba kayo ng school? Pwede naman maging Atenista tayo forever!" Natatawang sagot ni Leon.

Napailing na lang ako sa mga sinasabi niya. Patuloy sila sa pag uusap kung saang school sila mag aaral at anong kurso. Si Elvis ay Business Ad daw dahil may business na siya at lilipat na siya ng UP. Si Leon ay sa Ateneo pa rin kung saan ang aming alma-mater at mag aabugasya siya tulad ng kanyang ama. Ito namang si Karlo ang pinaka maloko sa amin at mag ma-macho dancer na lang daw siya nang mapagkakitaan naman daw ang kanyang magandang katawan. Lokong ito!

Habang sila ay nagtatawanan at nagpa-plano ng kani-kanilang future ay hindi ko naman magawang ngumiti at magsaya.Dahil ako sa aking sarili ay wala pang kahit na anong plano sa ngayon. Matagal akong naging sunod-sunuran sa aking mga magulang. Lahat ng gusto nila ay ginagawa ko. Now that i'm old enough to decide for my self ay pinili kong huwag munang magmadali. Kaya ng tanungin ako ng tatlo kung saan ako mag-aaral at kung anong kurso ang gusto ko ay nagkibit balikat na lang ako.

"Maybe his parents already planned his future before he could plan it." Sabi ni Karlo na hindi ko naman ikinatuwa. Nilagok ko lang ng dire-diretso ang alak sa bote na hawak ko ngayon.

"They cannot decide for me anymore. I'm in-charge of my own life now. Tandaan niyo yan." Nagtawanan sila sa sinabi ko na para bang napaka impossible nitong mangyari. Nagtaas ako ng bote upang makipag-cheers at iyon naman ang ginawa nila.

"Pare bagong banda ba yan?" Narinig kong tanong ni Leon sa kay Elvis. Tumango lang si Elvis at diretso ang tingin sa harapan kung saan ang stage. Malabo na ang paningin ko upang makita pa ang tinutukoy nila.

"Yeah, it's their first night dito sa bar. Magaling diba?" ani ni Elvis.

Tumugtog naman ang instrumental music. Tumindig ang balahibo ko ng marinig ang unang bigkas ng bokalista sa unang stanza ng kantang OO ng Updharmadown. Mahinahon ang bersyon nito di tulad ng orihinal. Nakakatindig balahibo ang boses ng kumakanta at talagang napahanga ako.

"She's pretty pare." Narinig kong sabi ni Karlo. Tumuro siya sa harapan ng stage. Kung hindi ako nagkakamali ay ang bokalista ang tinutukoy nila.

Binatukan naman siya ni Leon ng marinig ito. "May Angeline ka na pumipretty-pretty ka pa diyan!"

Pilit kong inaninag ang sinasabi nilang maganda. Hindi ko talaga iyon makita dahil sa dami ng alak na nainom ko.




Joey's Pov

"Nay please lang naman huwag ka nang tumanggap ng labada oh. Di pa nga gumagaling iyang ubo mo, lalong lalala iyan." Nilingon ko ang aking inay na ngayon ay nagtutupi ng mga damit na galing sa sampayan na kanyang nilabhan. Ang mga damit na iyon ay mga damit ng aming kapitbahay.

Umubo si Inay at patuloy pa rin sa pagtutupi. Hay naku! Kung sa patigasan din naman kasi ng ulo ay nagmana ako dito sa nanay ko. Kapag sinabing bawal lalong ginagawa.

Pinunasan ko ang aking gitara na halos tatlong buwan kong pinag ipunan.Pangarap kong magkaroon ng sarili kong gitara at sa wakas ay natupad iyon. Namasukan akong part time service crew sa isang sikat na fast food chain para makaipon ng pera. Hindi kasi sapat ang pakanta-kanta sa gabi para sa aking pag aaral at para sa baon ng aking kapatid na si Alyana.

Si nanay at kaming dalawang magkapatid na lang ang natira ng nasunugan kami sa aming dating bahay noon. Namatay ang tatay ko at ang aking kuya sa sunog na iyon.

"May pinag iipunan ako." Bigla na lang lumabas sa bibig ni nanay iyon. Akala ko ay wala siyang balak na pansinin ako. Kanina pa ako nag sasalita rito hindi siya kumikibo.

"Ano ba ang pinag-iipunan ninyo? Kung ano man yan ako na ang bibili nyan Nay. May bagong raket kami ng banda ngayon. Susubukan kami para mamaya sa isang bar pag nagustuhan kami ay pwede kaming maging regular doon." Sabi ko ng may tuwa.

"Walang yumayaman sa pabanda banda anak. Pinag iipunan ko ang pang kolehiyo mo." Tumigil si Inay sa kanyang ginagawa at ganoon na din ang ginawa ko. Inilapag ko ang aking gitara upang lapitan si Inay.

"Wala na po akong balak na mag kolehiyo inay. Si Alyana na po ang magpapatuloy sa pangarap ko na yan. Ngayon na nakagraduate na ako sa high school, ako na ang bahala sa inyong dalawa. Okay ba yun?" Matapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang pamumula ng mga mata ni inay na para bang ilang sandali na lang ay iiyak na siya.

"Kung nabubuhay lang sana ang tatay mo at ang kuya Emman mo hindi sana tayo ganito." Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha niya at wala akong magawa kundi ang yakapin siya at patahanin.

Ayoko sa lahat ay makita na umiiyak ang aking ina. Parang pinipiga ang malambot kong puso kapag nakikita siyang ganyan. Siguro ay hindi pa rin siya nakaka move on sa nangyaring trahedya noon. Kaya nangako ako sa sarili ko namagsisikap ako para sa kanila. Pagtatapusin ko ng pag aaral ang aking kapatid at ipapagamot siya. Gagalingan ko pa sa pagkanta. Sumikat ang banda namin ay hindi ang prayoridad ko sa ngayon. Kumita kami sa pagbabanda ay iyon ang mahalaga.

Matapos namin maghapunan ay narinig ko na ang busina ng motorsiklo ng kabanda kong si Gerry. Siya ang drummer namin at nag-iisa kong ex boyfriend. Hiniwalayan ko siya dahil ayokong maapektuhan ang banda sa tuwing may LQ kami. Pinagsantabi ko na rin muna ang pag-ibig para mas lalong pagtuunan ng pansin ang sarili ko pati na rin ang aking pamilya.

"Nay alis na ako ha? Pagdasal niyo na makuha kami at maging regular sa bar na tutugtugan namin mamaya." Hinalikan ko sa noo si nanay at ang kapatid kong si Alyana. Nakangiti lang ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita dahil sa trauma sa nangyaring sunog.

"Mag-ingat ka." Ani ni inay na kita pa rin ang pamamaga ng mata dahil sa pag iyak niya kanina.

"Mahal, kanina pa sina Atan at Ram doon sa bar. Tayo na lang ang hinihintay." Binatukan ko si Gerry at umangkas sa likod ng kanyang motorsiklo.

"Mahal ka diyan! Isang taon na tayong hiwalay Gerry. Sabi ko naman sayo tigilan mo na ang kakatawag ng Mahal sa akin." Sinuot ko ang iniabot niya saaking helmet at naramdaman ko ang pag taas baba ng kanyang balikat dahil sa pagtawa. "Tawa tawa ka pa diyan! Babatukan uli kita, kita mo!"

Umiling iling lang siya habang tumatawa kaya naman ay natawa na rin ako. Mahal ko si Gerry pero hindi sapat ang pagmamahal ko para unahin siya at ang relasyon namin. "Sorry naman. Nasanay lang ako Mahal, ay este Joey." Lihim na lamang akong napangiti sa kanyang sinabi.

Nang makarating kami sa bar ay nagulat ako sa laki nito. Akala ko ay pipitchugin na bar lamang kami tutugtog pero maganda ang bar na ito. Sa labas pa lang ay mukhang malaki na ito sa loob. Mukhang puro mayayaman ang pumupunta. Natanaw ko naman ang aming bass guitarist na si Atan at may hawak ng keyboards na si Ram. Kumaway ako para makita nila kami at nagtagumpay naman ako doon. Hinintay ko munang makapag park ng kanyang motorsiklo si Gerry at saka kami lumapit sa aming mga kabanda.

Nag-fist bump kami na lagi naming ginagawa sa tuwing nagkikita-kita. Meron kaming personal na fist bump na ginawa namin na eksklusibo lamang para sa aming banda.

"Dalawang set pa iyong bandang tumutugtog, tapos tayo na ang susunod." Ani ni Ram at inumpisahan na naming pag usapan ang mga napili naming mga kanta mamaya. Anim na kanta kami ngayong gabi para lamang malaman kung pasado ba kami sa mamahalin na bar na ito. Ang kanta ni Freddie Aguilar ang napili naming first song na may personal na bersyon ako dito. Tiyak sa kantang ito ay mapapa-oo na namin ang may ari. Sana nga!

Pinaupo na kami ng manager ng bar sa aming lamesa na kabilang sa bar. Habang tumatakbo ang oras ay padami ng padami na rin ang mga tao. Lalo akong ginagapangan ng kaba.

Nag served ang waiter sa amin ng isang set ng Redhorse Stallion. Sabi nga ni Gerry ay pampagana dawa iyon sa pagtugtog. Ininom ko at inilagok ang aking unang bote. Sanay ako sa inuman dahil sa pabanda banda na ginagawa ko. Mas nauuna pa ngang malasing itong mga kabanda ko kesa sa akin eh. Sa aking pangatlong bote ay nakaramdam ako ng pagbabanyo. Kailangan ko umihi dahil huling kanta na ng tumutugtog na banda at kami na ang susunod.

"CR lang muna ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Hoy! Next na tayo Joey!" sigaw ni Ram sa akin kaya nag madali na akong pumunta sa banyo.

Nagmadali akong umihi at pinasadahan ang aking suot sa salamin. Maong jeans at three fourths na loose black top na may halter sa balikat kaya exposed ito at kitang kita ang aking colarbones. Hinawakan ko ang itim na rubber necklace na ginawa ni Alyana at niregalo niya sa akin noong nakaraang kaarawan ko. May half moon itong pendant kaya hinaplos haplos ko ito bago inayos ang buhok kong magulo. Sinuklay ko ito gamit ang aking daliri at medyo binasa ng tubig. Ayan at medyo wet look na ako.

Nagmadali akong lumabas ng banyo at halos tumilapon ako dahil sa pagkakabunggo ko sa lalaking ito. Hindi na siya makatayo ng maayos at mapupungay na ang kanyang mga mata. Kasi naman eh, kung hindi na kayang uminom ay tumigil na. Umiling iling na lang ako sa kawalan. Hinintay ko siyang humingi ng tawad sa nangyari pero mukhang susuka pa yata ito. Akma siyang susuka kaya napa atras ako ng bahagya, natawa siya sa ginawa ko at ngumiti ito. Lumabas ang kanyang malalim na dimple sa kaliwang pisngi. His dimple made me smile too. It reminded me of my kuya Emman. Ganyan na ganyan ka lalim ang dimple niya sa kanyang right cheek.

Tinitigan ko siya ng matagal na para bang kinakabisa ang kanyang mukha. He looked so exhausted and drunk but still he managed to be that handsome. Bumalik ako sa huwisyo ng hatakin ako ni Atan sa aking kinatatayuan.

"Ano ba ang ginagawa mo? Tayo na ang tutugtog!" Aniya at napalingon muli ako sa lalaking may malalim na dimple. He really reminds me of my kuya.

Continue Reading

You'll Also Like

17.8K 661 64
Louise Sevilla is a free soul with a hard shell. Kaya imbes na makapagtapos ng pag-aaral ay mas pinili niyang magtrabaho na at mag-ipon para matupad...
162K 9K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.7K 172 53
The Royal Series #2 Princess Laurice Enicka Vandella, known as Princess Lauren by many, is the second child of the Royal Family of Great Crystal. Vie...
128K 5.5K 28
(UNEDITED) La Muerte Series #2 Thaliah Magdalene Ross someone who almost has a perfect life... Loving parents, true friends, can buy all she wants, h...