Chapter 15: never fail

2.4K 67 1
                                    

Tyrelle's POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng halikan ko si Joey. Naiinis ako sa sarili ko. I haven't felt this way before. I felt so jealous when i saw that guy kissed Joey. I know i shouldn't feel this way because i'm still courting her at hindi pa siya sa akin. But i can't help it! Hindi pa ako nagselos ng ganito.

The kiss last for awhile. She kissed me back and that even made me fell for her. She's good at it and it made my knees trembled. Nang matapos ang halik ay pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa pero pinilit ko ang sarili kong tingnan siya. She was holding her lower lip at nakatingin lang sa kawalan. Pakiramdam ko tuloy, i crossed something that more than friends can only reach.

"I'm sorry." I needed to apologized because what i did was wrong. It's beyond her limit.

She looked at me slowly and i can see from here how her lipstick ruined because of what i did. Pinunasan ko ang lampas lampas na lipstick niya sa gilid ng kanyang labi. I saw how she closed her eyes of what i did. Matapos ko punasan iyon ay pinasadahan niya ang sarili sa rear view mirror. Naglagay siya muli ng lipstick at pakiramdam ko ay pinapatay ako ng kanyang katahimikan.


"I'm sorry Joey, that was beyond mistake. I'm still courting you and what i did was way out of courtship." Mahinahon kong sambit. She looked at me and she smiled.


"Ayos lang yun." Aniya.




Joey's POV

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang halik na iyon. When Tyrelle said that it was a mistake, i can't agree to him. It felt so right. Ang mahalaga lang naman ay ang masaya ka hindi ba? And that kiss made me happy.

Hindi na namin muli pinag usapan ang halik na nangyari hanggang sa makarating kami sa Parañaque. Pakiramdam ko ang haba haba ng naging byahe namin dahil walang nagsasalita sa aming dalawa. Magkasunod pa rin ang oner ni Atan at ang sasakyan ni Tyrelle. Nang huminto ang oner at nag park na ay ganoon na din ang ginawa namin. Nang makalabas kami sa sasakyan ay kita nag hihintay na rin ang mga kabanda ko sa amin.

"Tagal niyo naman yata sumunod kanina?" Tanong ni Gerry ng sinalubong niya kami.

"Ah, kasi... May inayos pa siya sa loob eh." Pagsisinungaling ko.

"Inayos?" Tanong niya muli. Tinanguan ko lang siya. Nang tawagin na kami ni Atan ay saka pa lang kami naglakad papunta sa kanila.

Pinasadahan ko ang bagong bar ni Sir Elvis. Hindi iyon ganoon kalaki tulad ng bar niya sa may Quezon City. Marami-rami na rin ang mga tao at may malaking ribbon doon sa may pintuan. Pumasok kami sa loob at nang makita kami ni Sir Elvis ay lumapit siya sa amin. Nag fist bump sila ni Tyrelle at halatang nagulat ito dahil narito at kasama namin ang kanyang kaibigan.

"You never told me about this expansion? Iba na talaga ang businessman." Sabi ni Tyrelle sa kaibigan. Natawa lang si Sir Elvis at inumwestra kami sa lamesang nakalaan para sa amin.


"Mabilis ang pangyayari Pare, biglaan ang lahat. Karlos and Leon are still out of the country sayang wala sila rito." Umupo na kami lahat sa upuan at nakisalo sa amin si Sir Elvis. Nagtawag siya ng waiter.

"You didn't even bother to invite me." Matawa tawang anunsiyo ni Tyrelle. Kami ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila ng dumating ang waiter.

"Go ahead guys, order anything." Nang marinig ni Ram ang sinabi ni Sir Elvis ay agad itong nag order ng alak. Napailing na lamang ako. "I thought you're out of the country too. I saw tita yesterday at sabi niya ay mag iibang bansa daw kayo. Akala ko nandoon ka na." Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Tiningnan ko ag reaksyon ni Tyrelle at halatang nagulat siya. Siguro ay hindi pa niya alam ang tungkol dito.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now