Chapter 3: minamalas

3K 71 1
                                    

Joey's POV

Matapos ang aking shift ay umuwi na ako sa bahay. Kailangan ko pang maglaba dahil halos wala na akong susuotin, hindi naman pwedeng maglaba si Inay dahil may sakit pa siya. Halos patapos na rin ako magsampay ng tumunog ang aking cellphone. Inabot iyon sa akin ng aking kapatid na ngayon ay nakangiti lamang saakin. Ginulo ko ang kanyang buhok at pinunas ko ang aking kamay sa aking short bago sagutin ang tawag.


"Hello, Gab? Napatawag ka?" Kapit bahay ko si Gab, isa siyang beki, siya rin ang nagbibigay sa akin ng kung ano anong raket paminsan minsan. Car shows, Singing Gig o kaya ay Pagiging Promo Girl. Malaking tulong iyon sa akin dahil kahit kaonting oras lang ay libo kaagad ang kita. Kaya na excite ako ng mapatawag si Gab. Panigurado may raket ito para sa akin.


"Girl! Pwede ka ba mamaya? 8pm to 11pm? Bar  hopping para sa bagong labas ngayong brand ng alak?" Naexcite ako sa aking narinig. Kailangan ko ng pera dahil kailangan ko muli mag ipon para sa panibagong gitara.

"Magkano ang talent fee?" Inipit ko ang telepono sa aking balikat at aking tenga. Pinagpatuloy ko ang pagsasampay habang kausap siya.


"2k girl! Ano gora?" Pwede na rin siguro iyon. Sa apat na oras wala kang mahahanap na dalawang libo. Kaya ay sumang ayon na ako kay Gab. Kailangan ko pang tawagn si Gerry kung anong oras ang Gig mamaya sa bar. Kahit pagod na ang aking katawan sa kakatrabaho ay ayos lang. Pati ang isip ko ay napapagod na rin kakaisip sa ninakaw kong gitara.


Matapos kong maglaba ay natulog muna ako kahit sandali para may lakas ako mamaya. Hindi rin pwedeng palagi akong ganito ka pagod dahil maaapektuhan ang boses ko, puhunan ko ito at kailangan ko itong alagaan.


Nang magising ako ay halos mag aalas siyete na. Nagmadali na akong naligo at nag ayos ng sarili. Naglagay ako ng makapal na lipstick para naman bumagay sa mga bar na pupuntahan namin. Nagpaalam na kaagad ako kina Inay matapos kong mag ayos.


Nang nasa jeep na ako ay nararamdaman ko ang tinginan ng mga tao sa akin. Siguro dahil sa napaka kapal na lipstick ko sa aking labi. Pinasadahan ko ang aking suot. Naka maong na pantalon at tshirt naman ako, naka-chuck. Hinigpitan ko ang paghawak sa aking bag kung saan nasa loob ang aking heels. Pakiramdam ko kasi eh ano mang oras may tatakbo muli ng aking gamit. Hindi ko maiwasang hindi mag isip ng kung ano ano dahil nangyari na iyon sa aking gitara.


Nang makarating ako sa meeting place ay agad akong dinaluhan ni Gab. Alam kong tatlong libo ang TF ngayon pero dahil may kaltas siya ay dalawang libo lamang ang mapupunta sa akin.

"Girl, kanina pa kita hinihintay. Magbihis ka na." Inabot niya sa akin ang kulay yellow na dress na may print sa harapan, brand ito ng alak na aming ibebenta ngayong gabi. "Nagdala ka ba ng heels?" Tanong niya at tumango ako. "Oh siya sige. Don ka sa banyo mag bihis dali. Maya maya aalis na!"

Dumiretso ako sa banyo upang mag bihis. Pinagtinginan ako ng mga babaeng naroon. Tiningnan ko ang damit na hawak ko ngayon na inabot sa akin ni Gab kanina at ang suot ng mga babae na narito. Pareho ito, malamang ay sila ang mga magiging kasama ko. May mga pamilyar na mukha din akong nakita. Pumasok na ako sa bakanteng cubicle at saka nagbihis.


Matapos kong magbihis ay halos lumuwa na ang kaluluwa ko sa damit na aking suot. Sobrang ikli nito at ang dibdib ko ay lalabas na. Nagbuntong hininga na lamang ako. Kelan ba ako masasanay sa mga ganitong kasuotan? Eh ganito naman talaga ang mga kasuotan sa ganitong trabaho. Lumabas na ako ng cubicle at saka nag retouched ng aking make up.


"Tabi nga!" Halos matapilok ako dahil sa pag gitgit na ginawa ng babae sa akin. Napaka taas pa naman ng heels ko, pwede akong mapilayan kapag natapilok ako. Matamaan ko siyang nilingon.


Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon