Chapter 37: 23rd floor

2.1K 59 1
                                    

Joey's POV

Naging masaya ang birthday ni Weaver. Halata sa kanya ang kaligayahan habang nag s-swimming kasama ang mga anak ni Ram at Princess. May iilan kaming inimbitahan na mga kabataan sa mga kapit bahay namin sa Condo. Kinagabihan ay mabilis nakatulog ang anak ko dahil sa pagod. Matapos ko siyang ilagay sa kanyang kwarto ay sumalampak na ako sa sarili kong kama. Narinig ko pang may kumatok sa may pintuan pero hindi ko iyon nilingon. Bumukas iyon at narinig ko ang pagpasok ng kung sino.

"Joey, anak..." Narinig kong sabi ni Inay sa kung saan. Mariin muna akong pumikit bago ko siya lingunin at umupo sa may kama.

"Po?" Tanong ko. Umupo si Inay sa may dulo ng kama.

"Si Filtrix nasa labas na." Aniya. Seryoso ang mukha niya na para bang may gusto siyang sabihin sa akin o tanungin. Pinanliitan ko ng mata ang ina ko. "Kayo na ba?" Tanong niya. Gumapang naman ang kakaibang kirot sa puso ko. Ganitong ganito rin noon kung tanungin ako ni Inay tungkol kay Tyrelle.

Tyrelle... I wonder where he is right now? What's he's doing? Why is he back? Or maybe he's back a long time a go at ngayon lang siya nagpakita sa akin. Does he know about my son?

Sinabunutan ko ang sarili ko para matigil na sa mga iniisip. Umiling ako kay Inay bilang sagot sa tanong niya at saka mag kibit balikat. "Hindi pa po Nay, hindi ko alam. Ewan ko ba." Sabi ko naguguluhan.

"Anak, alam ko naman na masakit ang nangyari sayo noon. Pero kailangan ni Weaver ng ama at sa tingin ko si Filtrix na ang tamang tao." Nagbuntong hininga ako sa sinabi ni Inay. Hindi ko mapigilang sumang ayon sa kanya dahil totoo... Kailangan ni Weaver ng Ama at si Filtrix ang pinaka malapit sa amin ngayon. He loves my son like his own. Do i need to give a shot for our relationship to move on to the next level?

Gumapang muli ang kirot sa puso ko dahil ang imahe ng isang lalaki ang pumasok sa aking isipan. The way he said those words when i was signing the albums he brought. I still love you. I have waited long enough for this moment. You're beautiful. Aaminin ko, paulit ulit iyong pumapasok sa isipan ko. It's like i'm haunted by those words. Totoo ba ang mga sinabi niya?

"O siya matutulog na ako. Lumabas ka na diyan at naghihintay na ang bisita mo sa may salas." Nagising ako sa panaginip ng mga tanong. Nagbuntong hininga ako at lumabas na si Inay. Sandali ako nag hilamos bago hinarap si Filtrix.

"Sweetheart..." Bungad niya sa akin sabay lahad ng malaking bouquet of flowers. Ngumiti ako sa kanya at saka inabot ang mga iyon.

Sabay kaming umupo sa sofa at ang kanyang mga braso ay nasa likuran ko dahil nakapatong ito sa may uluhan ng sofa. Our bodies are like inches away. I felt an electricity run my system but not the same electricity i felt when i'm with... Shît! Ano ba Joey, you're being unfair to Filtrix! Pagalit ko sa sarili ko.

He held my hand like he always do. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. His chunky eyes smiled at me.

"I'm sorry, i wasn't able to attend Weaver's party. Sobrang busy sa bagong tayong store." Aniya at saka pinisil ang kamay ko.

"It's okay. Pinaliwanag ko naman kay Weav kung bakit di ka nakapunta, naintindihan naman niya."

"I promise, babawi ako sa kanya. We'll go swimming at the Mansion with her Tita Fylona and Lola Flora." I smiled after he said that. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa pamilya ni Filtrix sa pagmamahal na binibigay nila sa anak ko. They love Weaver so much. Kapag nandoon si Weaver sa kanila ay akala mo kadugo nila ang anak ko sa sobrang alaga. I'm just thankful that Weaver experienced a love from somebody else's family that i'm sure he can't experience from his own father's family.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon