Chapter 12: everything

2.6K 75 1
                                    

Joey's POV

Nang magising ako kinabukasan ay bumungad sa akin ang boses ni Tyrelle sa kusina. Nasa loob pa lamang ako ng kwarto ko ay rinig ko na ang boses niya. May kinikwento siya kay Ina'y ng lumabas ako mula sa loob. Lumingon sila sa akin at sandaling tumahimik at bumalik ulit sa pinag uusapan nila. I looked at Tyrelle. Damang dama niya ang bawat salita niya na para bang sa matagal na panahon ay ngayon lang may nakinig sa mga kwento niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Pumasok na ako sa banyo at saka naligo.

Matapos ko maligo ay ako na lang pala ang hinihintay nila sa hapag. Umupo na ako katabi ni Tyrelle. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang samut saring pagkain sa lamesa.

"Dinala mo lahat ng ito?" Tanong ko sa aking katabi at malaking ngisi lamang ang ibinigay niya sa akin sabay tango. "Fiesta ba?"

Natawa si Inay sa sinabi ko pati na rin si Alyana. Totoo naman kasi eh. Mukhang may fiesta dahil napaka raming pagkain. May pancakes, toasted bread at mga silog silog pa na may ibat ibang ulam. I don't think all of these will fit in our stomachs.

Kumain na kami. Habang kumakain ay panay pa rin ang daldal ni Tyrelle. This time ay si Alyana naman ang kinikwentuhan niya. Naiisip ko tuloy na mukhang may magandang maidudulot din naman ang pagbisita ng mokong na ito rito at may nakakausap at nagkikwento kay Alyana baka dahil doon ay mapabilis ang paggaling niya.

Matapos namin kumain ay nagprisinta pa si Lalim na siya na raw ang maghuhugas ng pinggan, pero syempre hindi ako pumayag.

"Umupo ka na lang diyan at manuod. Baka basagin mo pa mga pinggan namin, halata namang hindi ka marunong." Panunuya ko sa kanya at nag umpisa ng maghugas. Pero panay pa rin ang pangungulit niya at ayaw ako tantanan sa lababo.

"Marunong kaya ako." Aniya pero hindi ako naniniwalang marunong siya. Panay naman ang pang-gigitgit niya sa akin at pangungulit habang naghuhugas ako.

"Ang kulit mo! O siya sige, ayan..." Binanlawan ko ang mga kamay ko na puno ng sabon at inimwestra sa kanya ang lababo. Makulit siya eh kaya ayan pagbibigyan ko siya. Malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin at mukhang tuwang tuwa pa siya ng magsimula na niyang gawin ang mga hugasin. Aba't marunong nga akong loko. Napatango tango na lang ako habang pinagmamasdan siyang naghuhugas.

"Pwede bang mag request ng kanta galing sa bokalista ng WrongEnd?" Tinaas taas niya ang kilay niya ng paulit ulit. I rolled my eyes at him. Umiling ako at pinipigilan ang matawa ng mag puppy eyes pa siya. He's cute pero mukha siyang cute na damulag. "Sige na naman. Para ganahan ako maghugas." Pangungulit niyang muli.

"Mahal kaya ang TF ko." Sabi ko, halos matawa na.

"Utang muna. Sige na." I stamped my feet a sign of defeat.

"Anong kanta?"

"Hmmm... Anong kanta ang kakantahin mo na para sa akin lang?" Busy pa rin siya sa pagsasabon ng mga pinggan at mga kubyertos. Kung ako siguro ang naghugas kanina pa tapos ito, pero dahil siya ay akala mo isang taon hindi nahugasan ang pinggan namin at ganun kadumi para hugasan niyang maigi ang mga ito.

"Wait... Kunin ko lang ang gitara ko."




Tyrelle's POV

Bumalik siya dala ang gitara niya. Umupo siya sa gilid ng sink kung saan ay makikita ko pa rin siya habang hinuhugasan ko ang mga pinggan na ginamit namin kanina.

She tied her hair before she wore the strap of her guitar. Ang kaonting takas ng kanyang buhok ay nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. My attraction for this lady is getting higher with just one swift move. Parang bumagal ang lahat ng mag umpisa na siyang maggitara. Every time she's playing the guitar it feels like the guitar and her are one. Na iisa sila at sabay silang ginawa sa mundong ito. They are perfect together. And when that sweet and angelic rocking voice starts to fill the air, all my body hair starts to rise.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon