Chapter 27: collateral damage

1.8K 53 1
                                    

Joey's POV

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Gail isang araw matapos ang unang subject namin.

Nilingon ko siya at tipid na nginitian. Hindi ko masabing okay ako dahil hindi ako okay. Ilang araw na rin hindi kami nagkikita ni Tyrelle dahil palagi siyang sinusundo ng driver nila at sa kanilang bahay siya na umuuwi. Kahit na palagi naman kaming nagtetext at palagi niya akong tinatawagan ay hindi pa rin sapat iyon sa akin. I want to see him!

"Umm, Gail?"

"Yes?" Hinarap ko siya at ngumiti ako.

"I won't attend the next subject. Please cover for me? Sabihan mo ko pag may ginawa kayo." Agad kong inayos ang mga gamit ko at pinasok sa loob ng bag ko. Nakita kong nagtataka si Gail at tumango na lang. "I just need to see Tyrelle." Sabi ko at binigyan siya mahigpit na yakap at agad na kumaripas palabas ng room.


Hindi ko alam kung nasaan ang classroom niya pero magbabakasakali ako. Pinasadahan ko ng mabuti ang matayog na building ng business ad department. Niyakap ko ang sarili ko at ang baunan na hawak hawak ko. Gusto kong ibigay sa kanya ang ulam na pinabaon ni Inay para sa kanya. Nagsimula na akong maglakad lakad at hanapin siya sa bawat classroom.

Sa unang classroom na pinuntahan ko ay halos maghiyawan ang mga estudyanteng lalaki ng sumilip ako kaya tumakbo ako palayo doon. Hinabol ko ang hininga ko at pinunasan ang pawis na tumutulo galing sa noo ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako sumilip muli sa pangalawang classroom.

"Yes iha?" Tanong ng isang guro sa akin. Hysterical akong umiling at tumakbo muli. Ano ba kasi tong pumasok sa utak ko. I can just text him pero hindi ko ginagawa.

Kailangan ko muna yatang magbanyo bago ko ipagpatuloy ang paghahanap ko. Pumasok ako sa pinaka malapit na banyo doon sa business ad department. Inayos ko ang sarili ko at pinasadahan ang sarili sa salamin. Look Joey, Makikita mo rin siya. I convinced my self pero nawawalan na ako ng pag asa. Dahil sa tuwing sisilip ako sa kada room ay tumatakbo naman ako palayo. Huminga ako ng malalim bago lumabas at magbakasakali muli.


I was shocked when i saw Tyrelle waiting outside the restroom. Nakasandal siya sa dingding at nasa kanyang bulsa ang dalawang kamay. Pagod siyang ngumiti sa akin ng makita ako. Gusto ko siyang yakapin kaya iyon ang ginawa ko. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya ng maramdaman kong hindi niya ako niyayakap pabalik. I can hear his heart beat from here at gusto kong malaman kung ako pa rin ba ang tinitibok nito. I smiled when i felt his hands hugging me back.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya at humiwalay sa pagkakayakap. Hindi muna ako sumagot at madiin muna siyang tinitigan. Namiss ko ang makita siya, namiss ko ang mga hawak niya. Namiss ko siya. "You skipped your class?" Tanong niyang muli. Tumango ako.


"I want to give you this." Sabay pakita ko sa kanya ng baunan. Tiningnan niya lang ito na para bang nandidiri siya dito kaya binawi ko ito sa ere. "I guess you're not interested." Malungkot na sabi ko.

Ang kanyang nakakunot na noo ay agad na lumambot. He looked at me with his apologetic eyes. Kung ano man ang gusto niyang ihingi ng sorry ay patatawarin ko siya. Iyon bang hindi niya pagpapakita sa akin ng ilang linggo? Yun bang hindi niya pag sipot kapag may usapan kami? Iyon bang hindi niya man lang ako magawang daanan sa classroom ko kahit vacant niya? I forgive him... Just give me the old Tyrelle.

Kinuha niya sa akin ang baonan. Tamad siyang humilig sa dingding at hinilot ang gitna ng kayang kilay. Am i giving him headaches?

"Bakit kailangan mo hindi pumasok para iabot lang saakin ito?" Ramdam ko ang iritasyon sa boses niya. Kinurot ang puso ko. Nasasaktan ako kahit sa simpleng tanong na iyon. "You need to study hard and don't waste whatever is in your hands right now Joey!" Tumaas ang boses niya.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon