Simula

7.8K 148 4
                                    

Tyrelle's Pov

"Pare let's drink to that!" lahat kami ay itinaas ang aming mga baso ng sabihin iyon ng matalik kong kaibigan na si Elvis.

We are celebrating our highschool graduation ngayon. Anim na taon sa elementarya at anim na taon sa high school. I thought i'm done serving my parents with high grades pero hindi pa pala. I still have four years to fulfill my service.

Pagod na akong maging perfect son sa kanila. I just want to live my life to its fullest and this night would be the first night of plenty nights of happiness.

"Cheers!" sigaw ng lahat.

We are at my friends bar right now. Ngayon lang yata ako naging malaya sa loob ng napakahabang panahon. I need to get drunk tonight!

Matapos kong inumin ang halos ika-anim kong bote ng beer ay hindi ko mapigilan ang pabalik balik sa banyo para iihi ang nainom ko. Lalo tuloy akong tinamaan ng alak dahil sa palakad-lakad ko.

"Pare, balik ako. Banyo lang ulit." Paalam ko kay elvis na siyang may-ari ng bar na ito.Tumango naman siya pati na rin ang tatlo ko pang kaibigan na sina Karlo, Leon at Brix.

Halos pagewang gewang na akong maglakad papunta sa banyo. Napansin kong halos malapit na rin mapuno ang mga upuan at medyo nagiging crowded na ito. Narinig ko rin na nagpalit na ulit ng banda na tutugtog sa stage dahil tapos na ang set ng naunang banda kanina.

Tumunog ang medyo classic na kantang ANAK. Habang jumijingle ay napapa-headbang naman ako dahil sa malumanay pero may pag ka rock version ng kanta. Maganda ang boses ng vocalist. I never knew that the song ANAK can be more interesting with a female version.

Bumalik ako sa aming lamesa at halos nanlalabo na ang mga mata ko at hindi ko na maaninag kung sino ang kumakanta sa harapan at kung anong itsura nito. Nagkibitbalikat na lamang ako at hinayaan siyang kumanta ng kumanta doon. May nabangga pa ako sa labas ng banyo dahil sa pabalik balik ko doon.

I gulped my seventh bottle for tonight.

"San ka naman mag co-college ha Leon?" Tanong ni Elvis na ngayon ay sinisindihan ang sa tingin ko'y pang isang daan na niyang sigarilyo. Sigurado akong lung cancer ang uwi niya sa ginagawa.

"I'll follow my dad's footsteps at sa Ateneo pa rin ako. Bakit kasi kailangan mag iba kayo ng school? Pwede naman maging Atenista tayo forever!" Natatawang sagot ni Leon.

Napailing na lang ako sa mga sinasabi niya. Patuloy sila sa pag uusap kung saang school sila mag aaral at anong kurso. Si Elvis ay Business Ad daw dahil may business na siya at lilipat na siya ng UP. Si Leon ay sa Ateneo pa rin kung saan ang aming alma-mater at mag aabugasya siya tulad ng kanyang ama. Ito namang si Karlo ang pinaka maloko sa amin at mag ma-macho dancer na lang daw siya nang mapagkakitaan naman daw ang kanyang magandang katawan. Lokong ito!

Habang sila ay nagtatawanan at nagpa-plano ng kani-kanilang future ay hindi ko naman magawang ngumiti at magsaya.Dahil ako sa aking sarili ay wala pang kahit na anong plano sa ngayon. Matagal akong naging sunod-sunuran sa aking mga magulang. Lahat ng gusto nila ay ginagawa ko. Now that i'm old enough to decide for my self ay pinili kong huwag munang magmadali. Kaya ng tanungin ako ng tatlo kung saan ako mag-aaral at kung anong kurso ang gusto ko ay nagkibit balikat na lang ako.

"Maybe his parents already planned his future before he could plan it." Sabi ni Karlo na hindi ko naman ikinatuwa. Nilagok ko lang ng dire-diretso ang alak sa bote na hawak ko ngayon.

"They cannot decide for me anymore. I'm in-charge of my own life now. Tandaan niyo yan." Nagtawanan sila sa sinabi ko na para bang napaka impossible nitong mangyari. Nagtaas ako ng bote upang makipag-cheers at iyon naman ang ginawa nila.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now