HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

346M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 111 : INTERHIGH

5.9M 115K 370K
By maxinejiji

MAX'S POV

♫ ♪ 'Been running from this feeling for so long.. Telling my heart I didn't need it.. Pretending I was better off alone.. But I know that it's just a lie.. So afraid to take a chance again.. So afraid of what I feel inside.. But I need to be next to you.. Oh I, oh I.. I need to share every breath of you.. Oh I, oh I.. I need to know I can see you smile each morning.. Look into your eyes each night for the rest of my life.. Here with you, near with you, oh I.. I need to be next to you.. Need to be next to you..' ♪ ♫

Nagising ang diwa ko sa malakas na kanta'ng yun na nanuot ang mga linya sa isip ko..

Tss.. ang aga aga..

Hindi ko na kailangang magtanong dahil paniguradong isa lang sa magkapatid yan.. pareho silang mahilig magpatugtog kaya hindi na dapat ako nagtataka..

Kahoy lang kasi ang dibisyon ng mga bahay dahilan para marinig mo ang bawat malalakas na ingay..

♫ ♪ 'Right here with you is right where I belong.. I lose my mind if I can't see you.. Without you there's nothing in this life .. That would make life worth living for.. I can't make it if you're not there.. I can't fight what I feel any more.. Cause I need to be next to you.. Oh I, oh I.. I need to share every breath of you.. Oh I, oh I.. I need to know I can see you smile this morning.. Look into your eyes each night for the rest of my life.. Here with you, near with you, oh I.. I need to be next to you..' ♪ ♫

Good morning Thursday!

Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana..

Tumingin ako sa orasan na nasa side table ko.. 7:00 am pa lang pero masyado ng maliwanag.

Agad akong bumangon at uminom ng tubig..

~TOK!TOK!TOK!~

"Max gising ka na??" si Naih.

"Oo.." malakas na sagot ko.

"Maligo ka na.."

"Geh.." sagot ko habang nakaupo sa gilid ng kama..

♫ ♪ 'I need to have your arms next to mine for all the time.. Holding for all my life.. I need to be next to you.. I need to be next to you.. Oh I, oh I.. Need to be, need to be next to you.. Share every breath of you.. I need to feel you in my arms, baby, in my arms baby.. I need to be next to you..' ♪ ♫

Muli kong inalala yung mga napag-usapan namin ni Sensui kagabi.. at ang isa sa kanyang mga sinabi..

"Tch.. para matuto.. Baka para magkatuluyan tayo??"

"Tss.. kapag nangyari yun.. Maniniwala na ako sa karma.." ngingisi ngising bulong ko pa. "Karma natin sa isa't isa.."

Bumangon ako at saka naligo..

Maya maya lang ay bumaba na ako.

Nakita kong nakaupo si Yaz sa sofa habang nagbubuntingting ng laptop nya habang nakaheadset at si Naih naman ay nakasimangot habang nagpreprepare ng breakfast. Tumingin agad sya sakin nung tuluyan na akong makababa.

"Tss.. bakit ganyan ang itsura mo?" mahinang tanong ko sa kanya at masama ang tinging isinensyas nya naman ang kapatid nya na agad ko namang sinulyapan bago tatawa tawa'ng tumingin sa kanya. "Bakit?"

"Psh.. anong bakit!?" inis na bulong nya at pumunta sa kusina, sinundan ko naman sya at nagtimpla ako ng kape. "Nakakainis.. hindi ko gustong nandito yang babae'ng yan!" singhal nya pa.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Ano ka ba?! Puro ka bakit! Bakit ka ng bakit! Alam mo naman! Hindi naman kami close di ba?! Kaya nga ako umalis samin at nagpunta dito dahil ayaw ko syang makasama! Tapos ngayon nandito sya! Psh!"

"Kapatid mo naman yan e.."

"Nandon na ako sa magkapatid kami e! Pero hindi ko nga sya gusto'ng nandito! Alam mo naman yung gap namin e!"

"Pero sana hindi mo ko sinisigawan di ba? Hindi tayo magkalayo.."

"Psh.." sumiring pang singhal nya at saka sumandal sa lababo at nagkrus ng braso. "Tatawagan ko si Daddy at sasabihin kong pabalikin na sa probinsya ang babae'ng yan! O kaya naman ay ipipilit kong paghanapin nila ng sariling matutuluyan! Basta ayaw ko syang makasama sa iisang bubong lang!"

"Ang sungit mo.."

"A-Anong masungit!? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko ha?! Ayaw ko'ng nandito sya---dahil hindi kami okay! Hindi kami kailanman naging okay! At hindi na kami magiging okay! I don't like her and I hate her! Tapos magsasama pa kami sa iisang bubong!? Anong gagawin nya dito?! Aasarin ako buong magdamag!?"

"Wala ka naman magdamag e.."

"Oo nga!"

"Edi ayos lang yun.."

"Ay jusko Maxpein! Ano ba?! Sino ba saming dalawa ang kaibigan mo ha?!"

"Ikaw.."

"Oh e bakit parang mas kampi ka pa sa kanya?! Nakakainis na ah!"

"Tss.. hindi ko sya kinakampihan.."

"Ewan sayo!"

"Woi.. hindi porket magkaaway kayo e sasawsaw nako.. Hindi ko sya kinakampihan.. hindi lang talaga tama na magalit ako sa kanya dahil kaaway mo sya.."

"Ganon na rin yun e!"

"Magkaiba yun timang.. kung galit ka sa kanya e wag mo nakong idamay.. Tama sya.. bisita sya dito.."

"Letse! Hindi sya bisita! Abala sya! Abala!"

"Marinig ka nun.."

"Pake ko! Totoo naman e! Ipapamukha ko sa kanya kung paanong pinagmukha nya akong peste sa sarili naming bahay noon! Kala nya ah!"

"Para kang bata.."

"Talaga! Di bale ng mag-ugaling bata basta magantihan ko sya.."

"Tss.. hindi mo ba naisip na baka may dahilan sya kaya sya nandito?"

"Psh! Oo.. naisip ko yan! At ang nakikita kong dahilan ay ang bwisitin ako!"

"Hindi ba nabubuset Ate mo sayo??"

"Huh?! Hindi nga kami close di ba?! I hate her nga di ba?! Kaya nga kami ganito dahil ayaw namin sa isa't isa! Ano ka ba Max!? Kumain ka na nga! Lutang ka na e!" inis na talagang sigaw nya sakin.

"Kaya nga.. hindi kayo close at ayaw nya rin sayo.. You both hate each other.. Edi sana naisip mo rin kung anong nararadaman nya matapos nyang lumapit sayo.."

"Psh! Anong ibig mong sabihin?!"

"Kung ayaw nyo pareho sa isa't isa e.. ano sa tingin mo ang dahilan nya para ikaw mismo ang puntahan nya?? Tss.. Mahirap para sa isang tao ang lunukin ang pride nya at lumapit sa mismong kaaway nya.."

"So!?"

"Baka may pinagdadaanan sya kaya naman kahit alam nyang hindi kayo close.. at ayaw nyo sa isa't isa.. ikaw pa rin ang nilapitan nya.. Dahil baka ikaw lang ang pwedeng makatulong sa kanya ngayon.."

"Ano namang problema yun!? At ano namang maitutulong ko don!?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba sya?" blangko ang mukhang tanong ko pa.

"O e bakit nangangaral ka pa dyan e hindi mo naman pala masasagot lahat!? Tse! Basta---ayaw kong nandito sya! Tapos!"

"Bahala ka.." bulong ko pa at saka binitbit ang kape ko at pumunta sa dining table.

Hindi pa rin natinag si Yaz sa ginagawa nya.

Maya maya pa ay lumabas na rin si Naih mula sa kusina dala ang iba pang pagkain.

"Hoy! Ate! Kakain na!" sigaw ni Naih sa kanya pero hindi sya narinig nito. "Hoy! Ate!" sigaw pa ulit ni Naih pero deadma.

"Lapitan mo na.." sagot ko.

"Aba! Bahala syang magutom dyan! Ano!? Ang lagay e lalapitan ko pa sya---makakain lang!? Ano sya senyorita!!?"

O.A. talaga..

"Hoy Ate!" sigaw na naman nya pero hindi ito natinag. "Hayaan mo sya! Ang lakas na nung component e nagheadset pa! Baliw ang king ina!" singhal pa ni Naih at nagsimulang magsalin ng pagkain.

May nakita naman akong papel sa paanan ko. Kinuha ko yun at binasa ang nakasulat don.

To do list:
1. Grocery
2. Shopping
3. Salon
4. Buy a new phone
5. Watch Deib ♥

Napatingin agad ako kay Yaz dahil alam kong kanya yun..

Tss..

Nilamukos ko ang papel at saka ibinato sa kanya..

SAPUUUULLLL..

Tinamaan sya sa ulo..

"Oh my God---ano ba! Sinong bumato!!!" malakas na sigaw ni Yaz na lumingon pa samin saka tinanggal ang headset nya.

"Kakaen na.." malumanay na sagot ko at nanlaki naman agad ang mga mata nya.

"Oh is that so?" gulat na tanong nya at saka tumayo. "Bakit hindi nyo ko tinawag?"

Walang sumagot sa kanya hanggang sa makarating sya sa dining table.

"Hotdog.. Egg and R-Rice?!" si Yaz. Tumingin lang kami ni Naih sa kanya. "W-Walang bread??" nahihiya pang tanong nya. "I don't really eat rice in the morning e.." maarteng sabi nya pa.

"Wala kaming tinapay---hindi kami nakukuntento sa tinapay!" inis na sagot ni Naih sa kanya.

"Kailangang sumigaw?"

"Oo! Sa lakas ng sounds sa bahay na 'to---OO! Kailangang sumigaw! Wag ka ng magreklamo dahil nandito ka sa teritoryo namin! Kung anong nakahain.. yun ang kainin mo!"

"Psh! Whatever Zarnaih.." pang-aasar pa ni Yaz sa kanya.

"May plano ka namang maggrocery di ba?! Bilhin mo lahat ng kailangang meron sa loob ng isang bahay! Para kahit papano ay matuwa ako sayo!"

"Oh suuurrreee.. hahaha! Para naman kahit mukhang pangmahirap ang tinutuluyan ko e.. pangmayaman naman ang mga laman nito.. Hahahahahaha! So fetch!"

Nagtuloy na lang kami sa pagkain ng hindi nag-uusap..

Seryoso kaming kumakain ni Naih samantalang panay ang sayaw naman ni Yaz habang namamapak ng itlog at hotdog.

Hindi naman kami sobrang close ni Yaz pero masyado syang mabait sakin..

Wala rin naman akong dahilan para kaayawan sya at hindi gustohin..

Sa madaling salita.. ayos lang naman sya sakin..

"Anong oras ulit ang game ni Deib!?" nakangiting tanong pa ni Yaz.

"Hapon pa.." sagot ko.

"Mmm.. Marami pa akong gagawin ngayon morning e.. I guess before lunch nandoon na ako.. SIS right? Sana matandaan ko pa papunta don hahahaha!"

"Psh.. bakit kailangan mo pa kasing pumunta!?" si Naih.

"Look sister.. si Deib ang ipupunta ko at hindi ikaw! Don't worry!"

"Ahh yeah?! At sino namang may sabi sayong gusto kang makita ni Sensui!?"

"Sensui!?"

"Yun ang tawag namin sa kanya.." si Naih.

"Really?! Hahahahaha.. ang cuuuuttteeee!!!"

Anong cute don?

Hindi ako sumabat sa usapan nila at nakinig lang ako.

"Engot ka ba?! Kilala mo ba si Sensui ha?!" si Naih.

"Hindi.. hahahahahahaha!" si Yaz.

"Ahh talaga?! Hahahaha.. tawagin mo si Deib ng Sensui.. matutuwa yun sayo h-hehehehe.."

Napatingin ako kay Naih at hindi nya ako pinansin.

"Talaga?!" tuwa'ng tanong ni Yaz.

"Mmm.."

"Yiiieee sige sige hahahahaha! I'm so excited.. magaling ba talaga syang magbasketball ha?! Kasi nagresearch ako about him hahahaha.. MVP daw sya?!"

Gulat kaming napatingin ni Naih sa kanya!

"R-Research?!" sabay naming tanong ni Naih.

"Yeah.. Re...Seaaaarch! Research! You don't know research!?" maarte'ng tanong pa ni Yaz!

"Alam namen tanga!"

"Ugh! How could you!"

"I mean.. bakit kailangan mo pang magresearch!?" biglang seryosong tanong na naman ni Naih.

"Of course.. I want to know more of him.. hihihihihi.."

"Duh?! Pwede ka namang magtanong samin!"

"And you think I'm that stupid para tanongin ka!? Hello?! You're crazy at mas maganda ng sigurado yiiieee.."

Baliw na 'to..

"E sinabi ba nyang 'research' mo kung sino-sinong makakaaway mo kapag nilandi mo si Deib ha!?"

"Ugh... what do you mean?!"

"Kita mo! Baliw pala ah!?" pang-asar pa ni Naih sa kanya. Nanatili naman akong nakikinig lang sa kanilang dalawa. "Nasabi ba dyan sa research mo na maraming fans si Deib ha!?"

"H-Hindi.."

"Ha! Hindi naman pala e!"

"Edi sabihin mo na!"

"Hinde!!!! Research di ba?! Research!? Mamatay kakaresearch!"

"Ugh! You're so mean!"

"Yes! I am mean! Very very mean! Letse!"

"Wag nyo ngang gawin sa harapan ko yan.." pigil ang inis na sabi ko.

"S-Sorry.." sabay nilang sabi at saka kami sabay sabay na nagtuloy sa pagkain.

Ilang minuto lang ang nakalipas at paalis na rin kami ni Naih papuntang SIS.

"Galingan nyoooo!!! Susunod ako don!" hatid ni Yaz samin, tinanguan ko lang sya at hindi naman sya pinansin ni Naih. "Pakisabi kay Deib----aayyy! Ako na lang pala ang magsasabi.. pupunta naman ako don e heheheheheheh.. Galingan nyo ah!"

"Ingat ka.." sabi ko at saka pinaandar na ang motor ko na agad namang sinundan ni Naih.

SIS Parking Lot.

"Pano ba yan?! Mukhang may tama ang kapatid ko sa Deib mo!?" salubong ang kilay na tanong sakin ni Naih at nilingon ko lang sya. "Hoy! Sabi ko mukhang may gusto talaga si Zaimin kay Deib!"

"Oo.. narinig ko.." sagot ko habang inilalock ang motor ko.

"H-Huh?! At wala lang sayo!?"

"Tss.. ano ba dapat ang isagot ko?!"

"A-Ano nga ba??" taka ring tanong nya kaya naman nakataas ang labing tinignan ko lang sya sa mukha at saka nilampasan. Naglakad na ako papasok ng SIS. "H-Hoy.." habol nya sakin. "Wala ka talagang gusto kay Sensui!?"

"Wala.."

"Bakit?!"

"Anong bakit!?" inis na tanong ko.

"Psh.. wag ka ngang plastik! Gwapo si Sensui! Gwapo'ng gwapo! Hindi naman hahabulin at kababaliwan ng mga babae yun kung hinde! May gusto sya sayo at nakakakilig ang mga ginagawa nya sayo! Tapos wala lang sayo?!"

"Kailangan ko na bang pilitin??" sarkastikong tanong ko.

"Oo! Kung yan ang makakapagpalaya sayo---Oo!"

"Tss.. anong laya laya ang sinasabi mo dyan!?" inis na tanong ko.

"Psh.. come on Max.. Hangga't nakikita kong ganyan ka.. alam kong hindi ka okay.."

"Ang labo mo.."

"Hindi ba't si Randall lang naman ang dahilan kung bakit ka ganyan?!"

"Anong ganyan ba?"

"Cold.."

Hindi ko sya sinagot.

"Sige.. subukan mong tumangge.." nakangusong dagdag nya pa. "Hindi ka mamamatay Max kung susubukan mo! Swak naman kayo dahil pareho kayong may sapak! Mabait si Deib at ramdam kong totoo sya.. Oo aaminin ko.. medyo bumaliktad talaga yung tingin ko sa kanya at nawala ang pagkabadtrip ko sa kanya sa ganon ganon lang.. kasi tignan mo naman di ba?! Akala mo ba madali rin sa kanya yung ginagawa nya?! Duh?! Mortal enemies?! E halos magpatayan na kayong dalawa kakarambol tapos nauwi sa pagkakaron nya ng gusto sayo!? Wow yun Max! Elib!"

"So, ginusto ko yun??"

"Hindi nga.. Pero.. yung lakas ng loob ng isang Sensui para aminin sayo yung nararamdaman nya.. grabe--iba yun Max! Iba'ng iba! Iba'ng iba sa Sensui na nakilala natin! Sinong mag-aakalang isang Deib Lohr Enrile ang magkakagusto sayo di ba?!"

"Kung may gusto sya sakin.. kailangan ko na rin ba syang gustohin?!" inis na tanong ko!

"Haaayyyss ang hirap mong kausapin.. O sige.. sasagotin kita ng prangka.." sabi nya na huminto pa at pinigilan ako sa paglalakad at pilit na iniharap sa kanya. "Oo! Kailangan mo syang gustohin!! Kasi naman.. walang mawawala sayo kung susubukan mo.."

"Kung susubukan ko ng ganito ang lagay ko.. sa tingin mo.. hindi ako makakapanakit ng tao?" seryosong tanong ko sa kanya at natigilan naman sya. "Hindi lahat ng bagay kailangang minamadali Naih.. at ayokong magmadali.. dahil hindi natin alam.. baka ngayon, gusto nya ako.. at bukas makalawa.. may gusto na naman syang iba.." seryosong sabi ko pa at saka nagtuloy sa paglalakad. Maya maya lang ay ramdam ko na ang pagsunod nya.

"Naiintindihan naman kita e.. a-akala ko lang kasi.. k-kailangan mo ng tao'ng makakapagparealize sayo nung mga bagay na hindi mo nakikita.. S-Sorry.." mahinang usal nya.

"Naiintindihan rin naman kita e.. Salamat sa pag-intindi pero.. sa tingin ko mas tama'ng pagtuunan ko muna ng pansin ang nararamdaman ko.. bago ang nararamdaman ng ibang tao.."

"M-Meron pa ba?"

"Nang alin?"

"Meron ka pa ba talagang nararamdaman kay Randall??"

Hindi agad ako nakasagot sa kanya.

Nabigla ako sa tanong nya.

Kaya naman bahagya akong napangiti at saka deretsong tumingin sa nilalakaran namin.

"Hindi kita masasagot ng oo.. pero hindi ko rin masabing hindi.." totoo'ng sagot ko. "Ang alam ko lang.. may nagbago.. hindi na tulad nung noon ang nararamdaman ko kahit papano.."

"Haaayyss.." malakas na buntong-hininga nya. "Grabe namang pagmamahal yan.. nakakatakot.."

"Bakit naman?" natatawang tanong ko.

"E baka kasi.. m-magaya ako sayo e.."

"Tss.. bakit mo naman iisipin yun?!"

"Kasi di ba? Nangyari nga sayo e.. posible ring mangyari sakin.. Nakakatakot talagang magmahal.."

"Hindi kita masisisi kung ganyan ang nararamdaman at naiisip mo.. Dahil hindi ka pa naman nagkaboyfriend--tulad ko.." nakangiting sabi ko habang nakatingin pa rin ng deretso. "Pero hindi naman porket nangyari sa ibang tao ay mangyayari na sayo.. hindi porket nasaktan ang isang tao.. masasaktak ka na rin.. Hindi mo kasi mararamdaman ang tunay na pagmamahal kung hindi mo susubukan.."

"Alam ko.."

"At kahit na matakot ka.. hindi mapipigilan ng takot mo ang pagmamahal na nararamdaman mo.."

"Bakit naman?"

"Kasi.. yung mga kilos lang ang napipigilan ng takot.. at hindi ang nararamdaman.. Yung mga kilos lang na makakapagpakita sa mahal nating mahal nga natin sila.." sagot ko at bumuntong-hininga naman sya.

"Ibig mo bang sabihin.. k-kahit na pigilan ko ng takot ko yung nararamdaman ko.. w-walang mangyayari??"

"Mmm.. yan ang paniniwala ko.."

"At yung mga actions ko lang ang malelessen ganon ba?"

"Mmm..."

"So kapag nalessen ang actions ko.. p-parang h-hindi nya na malalaman na mahal ko sya ganon ba?!"

"Kilos lang naman ang nababasa ng mga mata para masabi ng isang tao'ng mahal mo sya hindi ba? Kilos lang rin ang makakapagpadama sa tao'ng mahal mo na mahal mo talaga sya.."

"Hindi rin.. Para sa'kin puso.."

"A-Anong puso??" tanong ko.

"Puso lang ang makakapagsabing mahal ko sya at puso ko lang rin ang makakapagparamdam sa kanyang mahal ko talaga sya.. Psh! Palibhasa wala kang puso!"

"Sige nga.."

"A-Anong sige nga?" gulat na tanong nya.

"Subukan mong pagsalitain ngayon sa harap ko yang puso mo at sabihin mo sa kanyang 'iparamdam' nya ngayon sakin ang tunay mong nararamdaman.. nang magkaalaman tayo.."

"H-Ha?! Ang hardcore mo! Nababaliw kana?!"

"Tss.. kaya nga sinasabi ko sayo'ng 'kilos'.. Kilos lang ang makakapagpasabi.. makakapagpakita.. makakapagparadam.. Kasi ang salita.. madaling paniwalan.. pero kilos ang pinagkakatiwalaan.. Naiintindihan mo?"

"Siguro.. anak ka ni Confucius?"

"Tss.. bahala ka sa buhay mo.." sabi ko at saka iniwan sya.

"Hoy! Confucius!!! Hintayin mo ko! Lao Tzu!!!" dinig kong sigaw nya pa. "Hintayin mo ko! Maxpein!!!" sigaw nya at nagtuloy pa rin ako. "H-Hoy!!! Do not do unto others what you do not want others to do unto you!!!!"

Abnoy..

Natatawa akong naglakad na lang patuloy sa room namin at mabilis naman syang humabol.

Inayos lang namin ang mga gamit namin at maya maya lang ay wala na kaming magawa.

"Agoncillo National High School ang kalaban nyo ngayon di ba?" dinig kong tanong ni Josh kay Naih.

"Mmm.. hehehehe.."

"I see.. galingan nyo ah?!"

"Oo naman hehehe.. kayo ba?!"

"Ovillo Grand High School International ang kalaban namin hehehe.." sagot ni Jigz.

"Ahh.. galingan nyo rin hehe.. kelangan nating manalo.."

"Oo kaya wag ka ng magpapatalo ha!"

"N-Natsambahan lang ako hehehe.. joke! Oo na! Di bale.. kapag nakalaban naman natin ang SIS ulit.. paniguradong mananalo na tayo hehe.. kasama ko na si Max e.."

"Sino naman kayang makakasama ni Sam nun?!" si Josh.

"Hindi ko alam e.. pero kasi may isa pang magaling don.. match ko naman kaya okies lang.."

"Sige magyabang ka hahahaha kapag ikaw natalo.."

"Hindi na uy!"

"Hahahahaha.."

Hindi na ako nakinig sa kanila at naglakad ako palabas..

Alam kong kahilera lang ng room namin ang room ng LU.. kaya hindi na ako magtataka kung makakasalubong ko dito si Gonza.. at hindi nga nagtagal ay natanaw ko na sya.. kausap yung Jermayne na parati nya ring kasama..

Bahagya pa akong lumapit sa likuran nila..

"Pero sagot nila yung hospital bills mo?!" tanong nung Jermayne sa kanya.

"Psh.. ano pa nga ba? Bigtime e.. ang alam ko ay magkakakaibigan rin sila nung mga may ari nitong SIS.. Sabagay.. hindi na ako magtataka! Ang mga mayayaman.. gusto mayayaman rin ang kaibigan!"

"Nagkataon lang siguro.."

"Hindi rin.."

"Nagpasalamat ka ba naman don sa ginawa nilang pagbabayad nung bills mo?!"

"Hindi!"

"Ha!? Bakit?! Nakakahiya ka pre!"

"E ni hindi man lang nga sila nag-abalang tignan kung okay na ako e! Nalaman ko na lang bayad na ako!"

"Ha?!"

"Oo!"

"Grabe.."

"Psh.. sinabi mo pa.."

"Pero hahahaha bakit ka nga naman nila bibigyan ng panahon para tignan.. sino ka ba? Hahahaha.."

"Ako lang naman si Kev Gonza ng Luna.."

"Luna.. Oo pre! Luna! Kev Gonza ng Luna na pag-aari mismo nila!"

"Psh.." singhal ni Gonza sa kanya. "Hindi ko pa rin malilimutan yung ginawa nila kay Nanay.."

"Ayan ka na naman pre e.. sa Nanay mo nga parang balewala lang e.. bakit ikaw ganyan ka pa rin!?"

"Psh.. alam mo naman e.. bakit nagtatanong ka pa!? Yung Nanay ko.. k-kahit ganon yun.. mahal ako nun.. mahal na mahal! Kaya naman hindi ako papayag na gaganunin lang sya ng mga mayayaman na Moon na yan!"

"E bakit?! Sayo ba ginawa ha!? Ni hindi mo nga nakita kung anong nangyari sa kanila e.. at saka pre.. ano ka ba!? Hindi mo dapat pinuproblema ang problema ng iba.. kung ako sayo.. ang isipin mo na lang.. maswerte tayo at nakapasok tayo ng libre sa school na pag-aari nila.. na nakakapag-aral tayo ng walang bayad! Psh! Hindi lahat nabibigyan ng ganon kagandang opurtunidad bro.."

"Alam ko naman yun e.. Pero ang utang ay utang.."

"A-Anong utang?! Wala silang utang sayo gunggong! Nagtanim ka lang talaga ng sarili mong sama ng loob! Wala namang ginagawa yung mga tao sayo hahahaha!"

"Hindi mo kasi naiintindihan pre.."

"Hindi ko talaga maiintindihan dahil sa paningin ko ay maayos naman ang pamilya mo.. utak mo lang talaga ang hindi.."

"Psh.. pwede bang wag ka na nga lang kumontra?! Suportahan mo na lang ako dahil kaibigan kita! Gusto ko lang malaman kung bakit nila ginawa sa Nanay ko yun at bukod dun wala na!"

Hindi ko na tinapos pa ang usapan nila at naglakad na ako pabalik sa room namin..

DEIB'S POV

"Good morning Handsome!" sigaw ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng banyo ko.

Naiisip ko pa lang kung gano kasarap ang tulog ko kagabi.. hindi ko na mapigilang ngumiti..

Taguro.. Taguro.. Taguro.. Taguro.. Ano bang ginawa mo para makaramdam ako ng ganito!?

Tumingin ako sa gilid ko at para akong may nakitang mga puso..

Tuminign ako sa itaas at may nakita akong mga bituin..

Tumingin ako sa baba at nakita ko ang sarili ko sa tiles..

Nababaliw ka na ngang talaga Deib hehehehe..

Bumuntong-hininga ako ng malakas..

Sobrang saya nang pakiramdam ko..

Wala pa man akong ginagawa.. pakiramdam ko napakasuccessful na ng araw na 'to..

Pumikit ako at saka nanalangin..

Lord.. salamat sa ganitong pakiramdam.. Salamat ng maraming marami..

Habang naliligo ay nag-isip isip pa ako.. Nagplano ako kung anong pinakamagandang gawin ko.. para mapasaya ko si Taguro.. Isang surprise na hinding hindi nya makakalimutan..

Mabilis akong naligo at saka bumaba para magbreakfast..

"Grabe naman yang pabango mo!" sigaw ni Noona pagkababa'ng pagkababa ko!

Panira ng happiness! Tch! Badvibes.. hindi dapat dikitan at tularan! Hehehehe!

Naglakad ako papalapit sa kanila at hindi ako tumabi kay Noona.

"Good morning Dad! Mom! Manang!" bati ko sa kanila!

"Good mornig iho.." si Manang.

"Morning Son.." si Dad.

"Good morrrning baby hihihihi.. sitdown.. sitdown.." si Mom.

"Bakit naman umaalingasaw ka ha!?" si Noona na naman.

"Ahh hehehe.. n-naparami lang siguro.." malumanay na sagot ko at nagtaas naman agad sya ng kilay.

Hindi dapat patulan Deib.. hindi dapat.. Hehehehehe..

"Naparami!? Grabe naman sa dami?! Naibuhos mo ba?!"

"H-Hahahahaha.. s-siguro nga.. s-sobrang amoy ba? Hahahahahaha.."

"Oo.. at sa sobrang amoy mo e nakakahilo na!"

"E bakit ba ang aga aga nangingialam ka?" pigil ang inis na tanong ko.

"Dahil grabe ka magpabango! Hindi na ako magtataka kung higupin yan ng balat mo at mangamoy pati urine mo!!"

"Tch! Nakakadiri ka! Alam mo ng kumakain e----"

"Ang arte mo! Sa susunod nga wag kang magpapabango ng ganyan karami!"

"It's Notorious by Ralph Lauren Noona.. Tch! Palibhasa.. sanay ka na sa mga amoy kemikal.."

"Enough.." biglang singit ni Mom.

"Tch.. ang aga aga e.. sungit sungit---"

"I said enough.." pigil na naman sakin ni Mom.

"Ang bango bango ko kaya hehehe.. di ba Mom?!" tanong ko pa.

"Kumain ka na.."

Nagtataka akong napatingin kay Mom dahil biglang sumeryoso sya.

Hindi ko naman yun pinansin at kumain na lang ako.

Maya maya pa..

"Papasok nako.. Mom.. Dad.. Manang.. Noona.." sabi ko na kumaway pa sa kanila.

"Take care Son.." si Dad. "Anong oras pala ang game mo?"

"Hapon pa Dad.."

"I see.. baka hindi muna kami makapunta ng Mommy mo kasi sasama kami kay Chairman.."

"Sige Dad.. hehehehehe.."

"Mukhang masaya'ng masaya ka ngayon ah?" si Manang.

"Slight lang Manang.. hehehe.."

"Kwentuhan mo ako iho ha?"

"Oo naman yes Manang!"

"Aasahan ko yan Deblor!"

"Yeeeess!!!" sigaw ko pa at saka muling kumaway sa kanila at dumeretso na sa kotse ko..

Nandon na kaya sya???

Hindi ko mapigilang hindi isipin si Taguro hehehehe..

"Baka kapag kinantahan kita.. hehehe.. matulala ka?!" parang tangang tanong ko pa habang nakatingin sa manibela. At saka ngingisi ngising pinaandar yun.

SIS Parking Lot.

Bago bumaba ay tinignan ko pa muna ang sarili ko sa salamin at inayos ng konti ang buhok ko..

"Ngayon ko lang nakita ang sarili kong ganito kagwapo.. tsk tsk tsk.." mayabang na sabi ko pa sa sarili ko. "Kung pwede lang tumibok ang puso ko para sa inyong lahat ginawa ko na.. pero wala e.. hahaha.. sabi lang nya.. tag-u-ro.. tag-u-ro.. tag-u-ro.. hahahahaha! Paksheeet.." nababaliw ng sabi ko at saka tuluyang bumaba.

Kinuha ko ang bag ko sa compartment at saka nakangiting isinara ang kotse ko at saka sisipol sipol na naglakad sa paradahan ng mga bike at motor..

Sinilip ko kung nandon ang motor nila Taguro..

Nandyan na nga sya.. heheheheheh..

"Napakagandang simula para isang magandang umaga Deib.. hehehehehe.." bulong ko pa at saka masayang naglakad papasok ng SIS..

"Yiiieee gurls.. si Deib.."

"OMG.. ang gwapo nya talaga.."

"Lalo na sa malapit ano?"

"Sobra.. haaayyss.."

"Gusto ko syang hawakan.. huhuhuhu.."

"Ang hirap nyang abutin haaayyss.."

'Wag kayong mag-alala girls.. meron dyang nakalaan para sa inyo.. Hindi man sya sing gwapo ko.. paniguradong mamahalin naman kayo ng todo hehehehe.. Sorry.. I'm taken.. hahahahahahaha!'

Nginitian ko lang sila at saka ako nagtuloy sa paglalakad..

"Kyaaaaaaaaaaa!"

"Nginitian nya ako!"

"Ano ka ba! Hindi ikaw! Ako!"

"Ako kaya!"

"Ako!"

"Ako sabi e!"

"Ako nga kasi!"

"Sakin nga e!"

"Sakin!"

"Ambisyosa!"

"Ilusyonada!"

Tch.. ang puso ko ay nakalaan na sa iba.. Kaya wag na kayong mag-away hehehehe..

Maya maya pa ay nasa room na ako ng basketball team namin.

"Yun oh! Ang aga!" salubong sakin ni Chris. Wala pa sina Lee at Tob.

"Morning brad.." si Remson.

"Aga mo yata Deib?! Ikaw ba yan!?" si Ivan.

"Hahahahaha.. ngayon lang ba talaga ako napaaga ha?!" natatawang tanong ko sa kanila.

"Mukhang good mood pa boy oh!? Hahahaha.. anong meron ha?!" natatawang tanong sakin ni Chris.

"Masaya lang ako sa resulta ng game natin kahapon hehehe.." palusot ko.

"Psh hahahaha..yun ba talaga!?" nanunuksong tanong pa nya.

"Eeeehhh meron pa bang iba?!" nanunuksong tanong ko rin.

"Hahahahaha nampucha brad! Iba ngitian natin ah?! Mukhang nakamove on na ah?!" si Ivan.

"Hoy Ivan! Manahimik ka na nga lang?!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Hahahahaha.. pero brad nakamove on ka na?!"

"Matagal na!" sigaw ko sa kanya at saka ko inilapag ang gamit ko at naglakad palabas ng room.

"San ka punta?!" habol sakin ni Dublin.

"Dito dito lang hehehe.. haharapin ang pangarap hahahaha.."

"Pucha.. baliw na si Deib brad!"

"Hahahaha.. inlove ampucha.."

"Sinabi mo pa.."

Hindi ko na sinagot pa ang mga sinasabi nila at nakangiti na lang akong naglakad papunta sa hallway at hinahanap kung saan ang room nila Taguro.

San kaya dito ang room nila? Hehehehehehe..

Dinerederetso ko lang ang hallway na yun at isa-isang tinitignan ang bawat rooms na nadaraanan ko.

"OMG.. saan kaya ang punta nya?!"

"Bakit kaya wala sila Lee at Tob!?"

"Ang aga pa kasi.. quarter lang oh.."

"Ang gwapo ni Deib.."

"Sana dito na lang sya nag-aral ano?!"

"Lois! Si Deib oh!"

"Kyaaaahh! Oo nga hehehehe.. gwapo!"

"Look Yoseyna! Its Enrile!"

"Waaaaaa!! Sya nga! Ngayon ko lang sya nakita ng malapitan!"

"Waaaaaa! Waaaaaaaa! Waaaaaa! OMG! OMG! Sachiko! Mukhang dito ang punta nya!"

"OMG! Chimes! Mukhang dito nga!"

Hindi ko na pinansin yung mga babae'ng taga-SIS na nagsisigawan.. Basta na lang ako nagtuloy sa nilalakaran ko hanggang sa makarating ako sa kalagitnaan..

"R-Rhumzell?" mahinang tanong ko.

OO! Si Rhumzell nga! Ang kapatid ni Randall!

Nakahinto sya sa gitna ng hallway at blangko ang mukhang nakatingin sakin!

"Why... po?" walang emosyong tanong nya!

"W-What are you doing here?" tanong ko. At luminga linga naman sya sa kinatatayuan nya.

"I study here.." kakamot kamot pa ng ulo'ng sagot nya.

"H-Ha?? A-Ahh.. hahahaha.."

"This is our building.."

"A-Ahh.. hehehhehehe.." napapahiyang tawa ko.

"How about you... po? Why are you here.. po?"

Bakit ba ganyan sya magsalita?! Parang napipilitang pang mangu-po!? Tch!

"Ahh hehehe.. sportsfest kasi namin ngayon.. player ako ng school namin sa Basketball.."

"I see.."

"Do you want to watch me?"

"No.."

"H-Ha??"

"I have Spanish Class.."

"I s-see.. hehehehe.. O-Okay.. go to your class now.."

"Okay.. see you around.. po.."

"T-Take care.."

"Thanks.." blangko pa rin ang mukhang sagot nya at saka nilampasan ako.

Kunot-noo ko namang sinundan sya ng paningin at iiling iling na pinagmasdan sya.

Tsk.. Bakit ganon yun!? Tch!

Nung makita ko syang umakyat sa hagdan ay saka ako nagtuloy sa paghahanap ko at maya maya pa ay..

Huli ka!!!! Hehehehehehe.. Nahanap rin kita sa wakas!!!!

Hindi ko nakita si Taguro.. hehehehe..

Pero nakita ko si Parrot!

Kaya naman mabilis akong naglakad papunta don sa natanaw kong room na pinasukan nya at saka sumilip sa may bintana..

Abala si Parrot sa pag-aayos nung mga gamit nya habang kausap yung dalawa pa nilang kasama..

Tumiad pa ako dahil baka sakaling nasa likod lang nung bintana na sinisilipan ko si Taguro kaya hindi ko sya nakikita..

Nasan yun!? Tsk..

"Ehem..."

Dahan dahan akong lumingon at..

Taguro...

Nagtama ang paningin namin ni Taguro..

Magkakrus ang mga braso nya at mukhang nagtatakang nakatingin sakin.

"H-Hehehehe.. s-sinisilip ko kung nandon ka sa loob.. n-nandito ka pala.." napapahiyang sabi ko at tumingin naman muna sya sa loob ng room nila at saka walang emosyong tumingin sakin.

"Kumain ka na??" tanong ko ulit, tumango naman muna sya bago magsalita.

"Kanina bago umalis ng bahay.."

"A-Ahh.. hehehehe.."

"Ikaw?"

"Mmm.. bago rin umalis ng bahay hehehe.."

"Mmm.. e bakit nandito ka?"

Tch! Ayaw mo ba akong makita!?

"E-Eh---"

"Ang aga aga gusto mo nakong makita.." bulong nya pero dinig na dinig ko kaya naman napangiti ako bigla!

"Sabi ko naman sayo.. gusto kitang makasama magdamag ngayon hehehe.." pahina ng pahinang sagot ko. Hindi naman sya sumagot at nanatiling nakatingin lang sakin.

"Yun oh! Ang aga naten ah!?"

Nilingon ko si Parrot at nakangiti naman agad sya sakin! Naiilang naman akong ngumiti rin sa kanya.

"A-Ahh hehehehe.. G-Good morning.."

"Psh! Makagood morning ah!? Ano?? Masaya ba ha??" nanunuksong tanong nya.

"H-Ha?? Ang alin?"

"Ang gising mo.. hehehe.."

"A-Ahh oo.. hehehe.."

"Nakanampucha.. ayos yan! Hehehehehe! Nakakaganda ng laro yan hehehehe.."

"Oo nga e.. don't worry parating na rin si Lee.."

"H-Hehehehe.." kabadong tawa ko pa.

"Assssshole.."

"A-Ano?!"

"Hehehehehe.. wala! Sige na.. tuloy mo na yan.."

Siraulo'ng to..

Pagbaling ko kay Taguro ay nakatingin pa rin sya sakin at blangko pa rin ang mukha nya!

Nakakailang namang tumingin to!

"B-Bakit??" naiilang na tanong ko.

"Nakaisip ka na ba ng kanta mo sakin?" seryosong tanong nya.

"H-Hindi pa e.." sagot ko.

"Mmm.. bakit hindi ka pa nag-isip?"

"Hahahahaha.. naubos oras ko kaiisip sayo e hehehehe.."

"Tss.."

"Totoo hehehe.. nakatulog ako kaiisip sayo.."

"Tara dun.." yaya nya na sumenyas pa.

Agad naman akong sumunod sa kanya.

"S-Saan tayo pupunta??" tanong ko pero hindi nya ako sinagot.. Nagderederetso lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa garden ng SIS. "A-Anong meron dito?" tanong ko habang nakatingin sa bermuda.

"Dito ang tambayan ko noon.." sagot nya. Napatingin ako sa kanya at saka ko tinignan ang paligid.

Maaliwalas..

Malinis..

Maraming halaman..

Mahangin..

Masarap ngang tambayan..

"Twing hindi ko gusto ang Lecturer ko.. magdadahilan akong masakit ang ulo at saka ako tatambay dito.." dagdag nya pa.

"A-Ano namang ginagawa mo dito?"

"Natutulog.."

"N-Natutulog?!"

"Mmmm.."

"Bakit!? Oras ng klase!?" gulat na tanong ko.

"Lagi kasi akong puyat noon e.." natatawa pang tanong nya.

"Bakit??"

"Bakit ako puyat?"

"Oo.."

"Mmm.. napupuyat ako kaiisip sa future ko.."

"Ha?! Ang weird.. Bakit naman??"

"Kasi.. hindi ko nakikita ang sarili ko'ng nakatayo sa posisyon ng gusto kong maging ako.."

"H-Hindi ko naintindihan.." napapahiyang sagot ko at natawa naman sya.

"Noon kasi.. gusto kong magtrabaho sa opisina.. First year high school ako non dito nung makita ko ang isa sa mga Lec turer kong nakaupo sa table nya at nagchecheck ng papel.. sabi ko sa sarili ko.. paglaki ko.. gusto kong magtrabaho sa opisina.."

"Oh e anong nangyari?"

"Nagbago ang gusto ko.."

"H-Ha?! Bakit!?"

"Hehehe.. Dinala kasi ako ni Maxwell sa isang Chinese Restaurant at nasarapan ako sa pagkain.. Nagpumilit akong makita yung tunay na Chef pero ang sabi nung Manager nung Resto e hindi daw pwedeng magpakita ang Chef sa mga customers.. kaya simula nun.. sabi ko sa sarili ko.. gusto ko ng maging Chef.."

"Hahahahaha! Ang wirdo mo.." natatawang sabi ko sa kanya at natawa rin naman sya. Umupo sya sa isang upuang bato don at tumingala sa puno. Nanatili naman akong nakatayo at nakatingala rin sa puno'ng tinitignan nya.

"Pero ilang araw lang ang lumipas nung dalhin naman ako ni Mokz sa isang Coffee Shop.. Nakita ko kung paanong tinimpla nung barista yung Moonlight Coffee kung tawagin nila.. nung matikman ko na.. pakiramdam ko wala na akong maalala.. Sobrang sarap.. hanggang ngayon nga alam ko pa rin ang lasa.."

"Edi nagustohan mo namang maging barista?!" natatawang tanong ko pa.

"Mmm.." natatawang tango rin nya.

"Hahahahaha.."

"Ang sabi ko pa e.. magtatayo ako ng sarili ko ring Coffee Shop at kukunin ko yung barista na yon para ituro sakin yung Moonlight Coffee na ginawa nya.."

"Hahahahaha.. ang wirdo mo.." natatawa talagang sambit ko. "Eh.. ngayon? Ano ng gusto mo?"

"Hmm.. gusto kong maging doktor.."

"E di ba.. magme-Med ka naman kamo??"

"Mmm.."

"Yun naman pala e.."

"Pero hindi ko parin nakikita ang sarili ko bilang isang doktor.."

"H-Ha? Bakit?!"

"Yun ang sinasabi ko.. napupuyat ako noon kaiisip ng future ko dahil.. hindi ko nakikita ang sarili ko'ng nakatayo sa posisyon ng gusto kong maging ako.." sagot nya at saka muling tumingin sakin. Nagkatinginan kami. "Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado kung anong gusto ko.."

Hindi ako nakapagsalita at ayun na naman ang nagkakarerang kabog ng puso ko!!

"Sa ganitong araw.. gusto kong maging businesswoman.. sa ganong araw.. gusto ko nang maging pilot.. minsan ko na ring pinangarap maging pintor.. Tss.. Pero maski isa sa mga yun.. hindi ko maimagine ang sarili ko.." nakangiti munit seryosong sabi nya na nakatingin na sa mga bermuda na tinutuka nung mga ibong nakadapo doon. "Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang businesswoman.. pilot.. painter.. office clerk.. chef.. barista.. o kahit doktor pa.." biglang lumungkot ang mukha nya. "Minsan nga pakiramdam ko.. mamamatay ako ng maaaga kaya hindi ko nakikita ang future ko na ginagawa ang gusto ko---"

"W-Wag ka namang magsalita ng ganyan.." pigil ko sa kanya! Tumingin naman sya sakin at natawa.

"Pakiramdam lang naman.." natatawang sagot nya.

"O-Oo nga pero.. w-wag ka pa ring magsalita ng ganon.." nakangusong sagot ko.

"Tss.. e sa yun ang totoo e.. minsan talaga ay pakiramdam ko.. mamamatay ako ng maaga kaya hindi ko nakikita ang future ko.." bumuntong-hininga sya. "May nabasa kasi akong libro.. ang sabi nung author nun.. nakita nya daw ang sarili nya bilang manunulat.. bata palang sya.. May napanood naman ako at ang sabi nung dentista ay bata pa lang sya alam nya ng para don sya.. Narinig ko sa radyo'ng sabi nung mamamahayag na noon pa man.. nasa puso nya na ang maghatid ng balita.. Lahat sila.. maliit pa lang.. alam na ang mga bagay na gusto nila.. Pero ako.. kakaiba masyado.." natatawa pang sagot nya. "Simula pagkabata ko.. alam ko lahat ng gusto ko.. pero lahat rin ng gusto ko, madaling nagbabago.. Gusto kong maramdaman yung pakiramdam na sinasabi nila.. gusto kong makita yung mga nakikita nila.."

Mas kumabog ang dibdib ko nung biglang tumingin sya sakin!!!

"Gusto kong gustohin kung ano mang meron ako ngayon.." mahinahong dagdag nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"B-Bakit hindi mo gawin?" tanong ko habang kinakain ng kaba ko ang boses ko!

"Dahil ayokong dumating yung araw na.. magustohan ko sya.. Pero sya naman ang may gusto ng iba.."

Hindi ako nakasagot..

Pilit kong inintindi yung mga salitang binitawan nya at pilit na ipinasok ito sa utak ko..

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko..

Pakiramdam ko ay sinasabi nya saking natatakot syang dumating sa punto'ng magkakagusto naman ako sa iba.

Bakit ko naman gagawin yun!? Tch!

"S-Sinasabi mo bang natatakot kang magkagusto ako sa iba??" pilit pinapalakas ang loob na tanong ko.

"H-Hindi naman sa ganon.."

"Tch.. parang ganon na rin yun.." nakasimangot na sagot ko. "Dahil ba nagkagusto si Randall sa iba??"

"Pano naman sya napasali sa usapan?"

"E h-hindi ba't.. n-nagkagusto sya sa iba?? Sa tingin mo ba magkakaganon rin ako!?"

"Si Kim rin naman ang gusto mo noon.. ako na ngayon.. Walang pinagkaiba.. di ba??"

Ang galing talagang magpaikot nitong bwisit na 'to e! Parati akong naiiwang nakanganga! Think Deib! Think!

"Tch! Hindi porket nagustohan kita matapos ni Kim ay may kasunod ka pa! Pano ka nakakasigurong magkakagusto pa nga ako sa iba?! Nakita mo na ba yung future ha!? E hindi mo nga kamo nakikita!" inis na sabi ko sa mismong mukha nya at natawa naman sya.

"Hindi nga.. hindi ko makita ang sarili kong kasama ka e.."

"S-Siraulo ka ah!" inis na sabi ko.

"Biro lang.." natatawa pang sabi nya.

"Tch! Hindi ko maintindihan kung kailan ka seryoso at kailan hindi! Badtrip ka!"

"Tss.. lagi naman akong seryoso.. minsan lang akong magbiro.. nagagalit ka pa.."

"Kasi wrong timing ka!"

"Tss.."

"Look.. Gusto kita ngayon at yun lang ang mahalaga! Saka mo na isipin yung mga susunod pa dahil kahit don rin ang punta nun.. mananatili pa rin tayo sa kung anong meron ngayon!"

"Oh!? Bakit!?" parang naghahamon pang tanong ko.

"Akalain mong naiisip mo yun!?"

"Tch! Oo naman! Matalino rin 'to!"

"Tss.. sige nga.. What are the branches of Biology??" nakangising tanong nya at pinandilatan ko naman sya!

"M-Manahimik ka nga! Seryoso sabi ako e!"

"Hahahahaha.. sige na sige na.. nagbibiro lang e.."

"Tch! Alamin mo kasi yung proper timing! Kapag salubong ang kilay ko.. wag kang magbibiro.."

"Tss.. kapag kinikilig ka.. don lang kita bibiruin--ganon ba?"

"A-Anong kinikilig?!"

"Kunyari pa.." bulong nya.

"H-Hoy---"

"Wag ka ngang maingay.. kalalaki mong tao kung makasigaw ka.."

"E-Eh kasi ikaw.." nakangusong sabi ko. "Bakit ba ganyan ka?! Bakit ganyan ang pagkatao mo!?"

"Tanong mo sa dugo ko.." nakangising sagot nya.

"Aaiiisshh!" gigil na singhal ko. "Kung hindi ka lang talaga si Taguro----kanina pa kita binatukan!"

"Hindi naman talaga ako si Taguro e.. ikaw lang tumawag sakin nun tss.."

"Oo.. at ako lang ang pwedeng tumawag sayo nun!"

"Tss.. kaya pala halos lahat tinatawag akong ganun!?"

"P-Pero sakin nanggaling yung original! Ako nagbigay sayo nung palayaw na yun.."

"Palayaw your face.."

"Edi bansag!" inis na sabi ko at hindi naman na sya sumagot. Naupo ako sa tabi nya at saka tumingin sa kanya. Hindi naman sya lumingon sakin at nanatili syang nakatingin sa bermuda. "M-Max.." tawag ko sa kanya.

"Mmm??" nakangiting tanong nya na hindi man lang lumingon sakin.

"P-Pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga e.."

"Tch! Umayos ka naman.."

"Sige.." nakangising sagot nya.

"A-Anong naramdaman mo nung m-malaman mong m-may g-gusto ako sayo??" uutal-utal na tanong ko at bahagya naman syang natawa pero nananatiling nakatingin ng deretso sa bermuda.

"Nagulat syempre.."

"Yun lang?!"

"Hmmm.. ano pa nga ba?" kunwaring tanong nya pa at saka umayos ng pagkakaupo. Nakapandikwatro sya habang nakatuon ang dalawang kamay nya sa bandang likod nya at nakatingin naman sa mga ibong lumilipad sa harap namin. "Nung una.. syempre.. nagulat ako.. Hindi makapaniwala.. Tss.. yung mortal na kaaway ko.. nagpropropose sa harap ko.. ang weird!"

"H-Hoy! A-Anong weird don!?"

"Yung magkagusto ka sakin.." sagot nya na biglang tumingin sa mga mata ko.

Napalunok ako ng dalawang beses at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Napabuntong-hininga ako nung alisin nya ang paningin nya sakin.

Kinakabahan ako twing titingin ka sakin! Badtrip!

"Parang hindi kasi nangyayari sa reyalidad yung.. magkaaway.. tapos magkakagusto yung isa don sa isa.. parang ang labo.. Inaway-away mo ko.. pinatid.. tinulak.. dinikitan ng bubble gum---naranasan ko pang magpaikli ng buhok dahil sayo.. Tss.." natawa pa sya kunwari. "Parang nakakaloko lang.. Anong nangyari ginawa ko sayo para magkagusto ka sakin?" tumingin ulit sya sakin. "Inasar rin naman kita.. Tss.. halos araw-araw nga parang umuusok ka twing makikita mo ko.. Pano nangyari'ng nagustuhan ng isang gwapo ang isang 'cute na cute' lang??"

"A-Ano kamo??" nabibingi kunwaring tanong ko.

"Pano kakong nangyari'ng nagustuhan ng isang gwapo ang isang 'cute na cute' lang??"

"Sino may sabi sayong c-cute ka?!"

"Tss.. sinabihan mo na nga ako ng hindi maganda e.. cute na nga lang.. ayaw pa?!"

"S-Sinabi ko bang h-hindi ka maganda?!"

"Ilang beses na.."

"B-Binabawi ko na.."

"Tss.." natatawang singhal nya.

"H-Hindi na pala! Lumalaki lang ang ulo mo kapag napupuri ka e!" singhal ko pero tumawa lang sya. "E ngayon.. n-naniniwala ka na sa sinasabi ko?" lakas loob na tanong ko.

"Oo naman.."

"T-Talaga??" nangingiting tanong ko pero bumuntong-hininga lang sya. "M-Masaya ka ba?"

"San?" seryosong tanong nya habang nakatingin sa iba. Kinabahan ako bigla at parang nilalamukos ang dibdib ko.

Bakit ganito na ang nararamdaman ko!?

"M-Masaya ka ba nung m-malaman mong gusto kita?"

"Hindi.."

Natinag ako sa deretsong sagot nyang yun!!!!

"B-Bakit??"

"Dahil nakalimutan ko na kung pano maging masaya.."

Hindi ako nakasagot sa kanya..

Yung mga ngiti.. ngisi.. tawa.. at saya na nakikita ko sa mga mata nya kanina..

Nawala isa-isa..

Nakaramdam ako ng dahan dahan munit patindi ng patindi'ng lungkot..

Napatingin ako sa mga mata nya kahit sa iba sya nakatingin..

Nakadilat lang ang mga mata nya pero.. parang malungkot pa rin..

Parang biglang pinisil ang puso ko.. pisil na naging dahilan para manakit ang dibdib ko..

Bakit ganon Taguro?? Bakit hanggang ngayon ganyan pa rin ang nararamdaman mo?? Kaya ba ganyan na lang ka-cold ang personality mo?? Dahil hanggang ngayon.. nandyan pa rin yung sakit ng nakaraan sa puso mo?!

Nanatili akong nakatingin sa kanya at pinagmamasdan ang paghinga nya..

Mababaw na paghinga hanggang sa malalim na paghinga.. pinagmasdan ko sya.. Pero anumang gawin nya.. nananatili ang tamlay sa mga mata nya.. Na hindi magawang itago ng simple'ng ngiti sa mukha nya..

Paulit-ulit pa muna akong lumunok bago nagkaron ng lakas ng loob na magsalita..

Kahit hindi sya nakatingin sakin ay deretso akong tumingin sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya..

"M-Mararamdaman mo lang siguro ulit yung tunay na kasiyahan kapag nagawa mo ng kalimutan yung t-tao'ng n-naging dahilan kung bakit ka nasaktan.." mahinang sambit ko at ngumiti naman sya bago tumingin sakin.

"Hindi yung tao ang gusto kong kalimutan.." nakangiti munit seryosong sagot nya.

"H-Ha??" gulat na tanong ko sa kanya. "E a-ano??"

"Yung nararamdaman ko.. yun ang gusto kong kalimutan.."

Naiwan na naman akong tulala..

Para akong binuhusan ng yelo sa buong katawan ko..

Mas bumilis ang tibok ng puso ko..

Ngayon alam ko na ang sagot sa tanong ko..

At hindi ko na kailangang lokohin ang sarili ko..

Mahal nya pa nga si Randall..

Gusto kong umalis pero hindi ko magawa.. Hindi ko magawang igalaw alinmang parte ng katawan ko..

Nananakit ang dibdib ko at parang lumalangoy sa loob ko ang puso ko.. Pakiramdam ko kusang gumagalaw ito kaya masakit ang dulot nito..

Parang bumagsak ang mundo ko..

Ramdam ko ang lungkot na bumalot sa pagkatao ko..

Bakit kailangan mong sabihin sakin 'to Taguro?? Hindi ka ba pwedeng magsinungaling na lang para hindi mo ko masaktan?!

Namasa ang mga mata ko at pinigilan ko ang luha ko..

Malayong malayo sya kay Kim.. kaya hindi ko na kailangang ikumpara..

Pero sana.. sana lang talaga.. Sa una ko lang maramdaman ang sakit Taguro.. at puro pagmamahal na ang kasunod nito..

Pasimple akong bumuntong-hininga sa tagiliran ko taliwas sa kinauupuan nya.. Lihim ko ring pinunasan ang luhang namumuo sa mga mata ko..

"S-Sorry.." biglang usal ko habang pinipigilan ang damdamin ko. "S-Sorry kung s-sarili ko lang ang inisip ko.. h-hindi ko kasi naisip na m-magkaiba tayo ng nararamdaman.. A-Akala ko kasi.." huminga pa ako ng malalim. "A-Akala ko kasi.. kaya ka ganyan sakin kasi kahit papano may n-nararamdaman ka rin.. nagkamali pala ako.." tumingin ako sa mga mata nya at tumingin rin sya sakin. "I-I'm not asking you to like me back b-but please.. please respect my feelings for you.." pigil ang luhang mas nilakasan ko pa ang loob ko. "..it may not mean anything to you.. b-but it m-means sooo much to me.." ramdam ko na ang pagtulo ng mga luha ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatayo mula sa kinauupuan ko at wala sa sariling naglakad papalayo..

Don't be sorry for being honest Deib.. Never apologiza for showing your feelings.. Do not regret being who you truly are.. Ngayon lang yan.. marerealize nya rin kung ano ka kapag wala ka na..

Badtrip! Nagyaya pa sya don sa lugar na maraming puno! Ganon lang rin pala ang sasabihin nya! Tch!

Nagderederetso ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang gate ng SIS!

Nababadtrip ako! Mayadong halu-halo ang nararamdaman ko..

Inis..

Galit..

Lungkot..

Panghihinayang..

Sakit..

Para akong nakalutang habang naglalakad ng mabilis.. Wala akong maramdamang pagod at wala na rin akong marinig na ingay..

Wala sa sariling nagtuloy lang ako sa paglalakad at walang pakialam kung san man ako umabot..

Pakiramdam ko ay ganon na lang kadali para sa kanyang saktan ako.. kaya madali rin para sa kanyang sabihin lahat ng sinabi nya..

Hirap na hirap akong sabihin sayo lahat ng nararamdaman ko alam mo ba yun Taguro ha?! Dahil bukod sa hambog ka na! Manhid ka pa! Badtrip!

"Woi!"

Dinig ko ang sigaw ni Taguro pero nagtuloy ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa!

"Woi! Sensui!" parang lalaki pang sigaw nya!

MAX'S POV

Badtrip.. hindi pa ko tapos sa mga litanya ko.. linayasan na ko!

"Tsk.. hindi ko man lang nabitiwan yung pamatay na linya ko.. buset.." bulong ko pa at saka inis na sinundan sya! "Woi!" sigaw ko pero hindi sya lumingon! Nagtuloy tuloy lang sya sa paglalakad papalabas ng SIS! "Woi! Sensui!" tawag ko pa pero mas binilisan nya pa ang paglalakad hanggang sa tuluyang makalabas sya!

Buraot! Kalalaking tao.. sya pa may lakas ng loob magwalk-out! Tss!

"Geh lang.. mag-inarte ka.. pagbibigyan kita hanggang alas nuebe trenta.."

"Woi! Ano ba!" sigaw ko ulit pero naglakad sya ng naglakad..

San ba punta neto!

Akala ko ay maaabutan ko na sya kung pupunta sya sa kotse nya pero nagkamali ako!

Dumeretso sya hanggang sa makalampas sya ng Parking Lot!

Lakad takbo na ang ginawa ko dahil umabot na sya sa gilid ng highway at...

Mas napatakbo ako nung bigla syang umastang tatawid sa high way ng hindi man lang pinansin ang isang malaking truck na dadaan!

"S-Sensui!!!!" malakas na sigaw ko!

Mabilis ko syang hinila sa braso at nung mahila ko sya ng tuluyan ay napadikit ang katawan nya sa katawan ko..

Dinig na dinig ko ang malakas na paglunok ko..

Magkadikit ang katawan namin at mga kamay lang ang nasa pagitan..

Nakatingin kami sa isa't isa at dun lang ako natinag..

Parang wala sa sariling nakatingin sya sakin..

Blangko ang mukha nya at parang iiyak na ang mga mata nya..

Ano bang nangyayari dito???

"Ano bang ginagawa mo!?" inis na tanong ko.

"Bitiwan mo ko.." mahinahong sabi nya.

"Tss.. magpapakasagasa ka ba?!" sarkastikong tanong ko.

"Wala ka namang pakialam di ba??"

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nya.. pinagmasdan ko pa ang mukha nya at talagang walang nagbago sa itsura nya..

Ang kaninang alaskador na Sensui ay parang sumapi sa ibang tao kaya parang nawalan ng buhay ang Sensui'ng nasa harap ko..

"A-Ano bang n-nangyayari sayo??" mahinahong tanong ko.

"Bitiwan mo ko sabi.."

"Tss.. dahil ba don sa sinabi ko??"

"Bitiwan mo ko---" hindi nya natapos ang sasabihin nya matapos ko syang binitiwan.

"Nagkakaganyan ka ba dahil don sa sinabi ko??"

"E wala ka namang pakialam sakin di ba?"

"Tss.. wala akong sinabing ganon.."

"Oo.. dahil pinaramdam mo lang.." malumanay na sambit nya na parang iiyak na. Hindi naman ako nakasagot sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit kailangang marinig ko pa lahat yun e.. Alam mo ba kung gano kaganda yung araw ko pagkagising ko??" salubong ang kilay at maluha-luha'ng tanong nya. "Sana pala naging malungkot na lang ako para hindi ganito ang kasunod.."

"Arte.. Ano bang nangyayari sayo---"

"Nasasaktan ako okay?! Nasasaktan ako sa sinabi mo! Ganyan ka ba talaga katanga?!"

Hindi ako nakasagot!

"Masyado kang manhid e!" mahinang sigaw nya pa at napalinga naman ako sa paligid. Walang estudyante at tanging ang mga pasahero lang ng mga dumadaang jeep at pampublikong sasakyang ang nanonood samin. "Sana kung wala kang nararamdaman sakin.. edi fine! Okay lang! Pero wag mo naman sana ipamuka sakin na hindi mo ko gusto! Kailan ko lang sinabi sayo yung nararadaman ko---konting pang-intindi naman! Hindi na tayo tulad nung dati e! Dati wala akong pakialam sa mga sinasabi mo pero ngayon lahat ng sinasabi mo tumatatak sa isip ko at ang nakakainis pa.. tumatagos lahat yun sa puso ko!"

"Ayaw mo sakin.. sige, ayos lang! Hindi ka masaya sakin.. sige, ayos lang! May nararamdaman ka pa kay Randall.. sige, ayos lang! Pero konting preno naman Taguro.. hindi na ako sing tigas nung Sensui na kinakanti mo noon! Dahil ngayon malambot nako.. konting salita mo naiiwan sa pagkatao ko.. Kaya isang masakit na salita mo.. parang dinudurog ang puso ko.."

Hindi ako nakapagsalita..

Pilit ko ring itinago ang iba't ibang emosyon na nararamdaman ko para hindi nya yun makita..

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa mga sinabi ko..

Nasa ganon akong kalagayan ng biglang...

Inalis nya ang pagkakahawak ko sa braso nya at mabilis na tumawid!!!

"A-Ano ba! A-Ano ba! Ano ba!" sigaw nya na hinahawi ang kamay ko matapos ko syang hilahin sa kwelyo ng batok nya dahilan para maipit ang leeg nya!

"Magpapakamatay ka ba talaga?!" inis na tanong ko!

"Oo! Ayoko ng mabuhay!"

"Tsa! A-Ano!?"

"Bitiwan mo nga kasi ako!"

Gunggong!

"Tss.. kalalaki mo'ng tao daig mo pa ang babae kung umarte!" inis na sigaw ko!

"Oh e anong paki mo!? Hindi mo ko gusto---wala kang nararamdaman sakin---hindi ka masaya sakin!? Anong ginagawa mo ngayon!?"

"Wala akong gusto sayo pero hindi ibig sabihin nun ay hindi nako magkakagusto sayo naiintindihan mo?!"

"Tss.. dun ka nga!" inis kong ibinato sya sa side kung saan hindi ka makakatawid basta basta! "Kung desidido ka talagang magpakamatay---akina susi mo! Hintayin moko!"

"B-Bakit?!"

"Ako ang babangga sayo!"

"Taguro naman.." nakangusong sabi nya.

"Para kang bata.. para kang bakla!"

"H-Hoy! F-Foul na yun ah!"

"Tss.. foul?! E yung ginawa mo ngayon lang?! Anong tawag mo dun?! Defense!? Bugarets ka ba?! Tuktukan kaya kita?!"

"E pano kasi.. kung magsalita ka parang ikaw naman ang pinakamaganda'ng babae sa buong Laguna! Nagkagusto lang ako sayo.. mas yumabang ka na! Alam mo ba kung gano kahirap umamin sayo ha?! Lahat ng sinabi ko sayo pinag-iisipan ko at humuhugot ako ng lakas ng loob para masabi isa-isa yung mga salitang yun---tapos ganon lang yung isasagot mo?! Hindi pa man kita nililigawan para'ng basted nako! Pakshet!!!"

"Hahahahahahahahahah.." hindi ko napigilan ang tawa ko at nagulat naman sya! Inis syang tumingin sakin at natigilan naman ako!

Minsan na nga lang tumawa.. galit pa..

"A-Anong nakakatawa?!" galit na tanong nya.

"E pakiramdam ko kasi mali lagi ang intindi mo sa sinasabi ko sayo e.."

"O e anong nakakatawa dun?!"

"Dahil ang tanga mo.." seryoso biglang sagot ko.

"M-Mas tanga ka! K-Kasi hindi mo nakikita yung e-effort ko!"

"Tss.. Edi maghanap ka ng babae'ng sasagotin ka dahil sa effort mo.." natatawang tanong ko at mas kumunot ang noo nya saka mabilis na tumalikod. "Teeeeka.." mabilis na pigil ko sa kanya. "Hindi pako tapos e!"

"Ano ba! Kanina mo pa ako pinapahiya ah! Bakas gusto mong magtira?! Para may matira sa sarili ko!?" sarkastikong tanong nya at sumeryoso naman na ako.

"Hindi ako nagsisisi'ng sinabi ko lahat sayo yun.." malumanay na sagot ko. "Dahil mas gugustohin kong masaktan ka sa pagiging totoo ko kesa naman.. pasayahin ka ng mga kasinungalingan ko.."

"Taguro.."

"Kaya ngayon.. makikiusap muna ako sayo.." malumanay pang dagdag ko. "Ingatan mo naman ang sarili mo.."

"Tch.. Iniingatan ko naman ang sarili ko ah!?"

"Tss.. kaya pala?!"

"E-Eh kasi......" sya ang kusang pumutol sa sinasabi nya at saka ngumuso pa.

Parang bata..

"Sige.. gawin mo ng lahat ng gusto mo.. sabihin mo ng lahat ng gusto mo.. Bahala ka sa buhay mo.. Pero please.. wag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo dahil.. a-ayokong magakaron ng obligasyon sayo.." seryosong sabi ko at saka tinalikuran sya.

Pero..

"Teka.." humabol sya.

Hinawakan nya ako sa braso at pumwesto sa harapan ko pa. Tumingala ako sa kanya dahilan para magtama'ng muli ang paningin namin.

"Ibig mo bang sabihin e..." ngumisi pa sya. "..hahayaan mo kong gawin lahat ng gusto ko??"

"Bahala ka nga sa kako buhay mo.." malumanay na sagot ko. "Gawin mo lahat maliban sa ganito kabaho'ng trip mo.."

"S-Sorry na.."

"Hindi porket nagawa kitang iligtas sa gulo.. ibig sabihin magagawa na kitang iligtas kapag nanganib ang buhay mo.. Tao lang ako Sensui.. hindi ako superhero.."

"O-Oo nga.. kaya nga sorry na e.."

"Sige na.. papasok na ako.. May game ako.."

"Sorry.."

"Okay na nga.."

"Baka galit ka pa e?"

"Sigurado ka ba?" nakanguso'ng tanong nya pa.

"Oo.. kulet.." bulong ko pa.

"Hindi ako makulet.. naniniguro lang ako dahil ayokong magalit ka sakin.. H-Hindi ko yata kakayanin.."

"Wag kang mag-alala dahil hindi ako nagagalit basta basta.. pero hindi rin ganun kalawak ang pang-intindi ko para hindi pansinin ang mga mali ng ginagawa mo.."

"Galit ka e.."

"O sige na.. ayos na okay?? Pumasok na tayo.." sabi ko na umastang maglalakad na pero pinigil nya na naman ako.

Malelate ako e!

"Ano?" pigil ang inis na tanong ko.

"Wala kang gusto sakin pero hindi ibig sabihin non.. h-hindi ka na magkakagusto sakin??"

"E-Eh!?" takang tanong ko at saka ko muling naisip yung sinabi ko. Napailing pa ako bago muling tumingin sa kanya.

"Edi may chance pala talagang magkagusto ka sakin??" halatang pigil ang ngiti'ng tanong nya pa.

"Tss.. hindi ako Dyosa para tanggihan ka.. masyado kang gwapo.. kaya nga pangarap ka ng maraming babae.."

"Oh e bakit hindi mo ko magustohan?"

"Sapilitan!?"

"H-Hindi naman.. p-pero posible??"

"Oo naman.." sagot ko at ngumiti naman sya ng todo.

Parang tanga naman kausap 'to.. masyado'ng showy.. masyadong expressive.. Kung yung ibang babae ako malamang hinimatay nako sa mga pinagsasasabi nito..

"Sinabi ko na dati at sasabihin ko ulit.. hindi ka mahirap gustohin.. pero hindi rin madali.."

"Edi padadaliin ko.."

"Sinabi ko na rin kanina at sasabihin ko.. ulet.." bumuntong-hininga pa ako. "Bahala ka sa buhay mo.. gawin mo lahat ng gusto mo.. wag lang yung ganito dahil ayoko ng mabaho'ng trip.."

Huminga sya ng malalim.. at saka muling ngumiti sakin..

"Deal.." malumanay ring sabi nya. "Then I will stay.. If you push me away.. I'll stay beside you.. If your words are hurting me.. still I'll stay beside you.. I'll stay beside you.. no matter how hard it is to be with you.." malumanay na sabi nya.

Natigilan ako pero nakarecover rin agad. Tumingin pa rin ako sa mga mata nya.

"I won't make you fall in love with me.. but don't blame if you accidentally 'fall' in love with me too.."

"Tss.. Never excpect.. never assume.. never ask.. never demand.. Just let it be.. If it's meant to be, it will happen.." madiing sagot ko at saka naglakad papalayo.

Ang daming sinasabi.. masyadong mushy.. Fall in love---fall in love.. Kapag ako na-late, kotong ka sakin..

Derederetso akong naglakad at hindi ko naramdaman ang pagsunod nya.. Nagtuloy na lang ako at hindi na lumingon pa..

Nung makarating ako sa gate..

~BROOOOOOOOOOMMMM!~

Napalingon ako sa pinanggalingan ko..

Nakita ko ang kotse ni Sensui na mabilis na tumakbo..

San ang punta nun!?

Napatingin pa ako sa side ko at saka muling tumingi sa dinaanan nya..

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at wala naman akong naramdamang kaba..

Napabuntong-hininga ako bago muling bumaling sa nilalakaran ko..

Tss.. akala ko ba manonood sya? Bugaret..

"Noona!"

Napatingin ako deretso sa dadaanan ko pa.

"Maxrill.." sambit ko sa pangalan nya.

"Noona, annyeong!" nakangiting sabi nya. Ngumiti rin naman ako at saka lumapit sa kanya at sumabay.

"Jal jinae?" nakangiting tanong ko.

*Translation: How are you?*

"Gwaenchanna.. dangsin??"

*Translation: I'm fine.. you?*

"Naddo gwaenchanna.." nakangiting sagot ko. "Where are you going?"

"I'll watch your game.."

"Alone?"

"Mmm.. Andwe??"

"Dwe.." nakangiting sagot ko pa.

"I'll join you then.." nakangiti ring sagot nya.

"Kumain ka na?"

"Mmm.. we ate breakfast before leaving the house.. Mom and Dad went somewhere with Hwejang-nim.. hajiman nan yeojeonhi baegopeuda.."

*Translation: But I'm still hungry..*

"Geureom.. mogo boja.."

*Translation: Then.. let's eat..*

"Doni eopsseo.." nakangusong sagot nya.

*Translation: I have no money..*

"Gwaenchanna.." nakangiting sabi ko at tumngin sa relos ko. 20 minutes left.

Dumaan muna kami sa room namin at tinawag ko si Naih. Saka kami sabay sabay na nagtungo sa Canteen......... at PINAGKAGULUHAN.

"Waaaaaaaaa!"

"Kyaaaaaaaaa!"

"Yaaaaaaaa!"

"Bakit kasama nya yang cute na yan!?"

"OMG... hindi kaya?!"

"Ano ka ba! Baka friends lang sila!"

"Uyyy hindi ah.. kapatid ni Pein yan.."

"Ahh talaga?!"

"Mmm.. si Maxwell ang panganay.. bunso yan.. Gitna si Pein.."

"Ahh.. hahahaha! Akala ko may something sila e.."

"Ngek.. ang bata kaya nyan para kay Pein!"

"E bakit naman si Gonza!? Di ba?! May gusto sa kanya si Gonza!"

"Si Gonza.. maliit lang yun pero magkasing edad lang siguro sila!"

"Hindi kaya.. nung dito si Pein nag-aaral samin.. kabatch ko sya.."

"Ahh talaga?! Samin kasi sa BIS third year sila ni Naih.."

"Ahh ganon ba!?"

"Mmm.."

"Pero magkaheight naman sila ni Gonza di ba?!"

"Oo nga.. hehehe.. pero kasi hindi ako sanay.. nung sila pa kasi ni Kuya Randall.. bagay na bagay sila.."

Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan ng mga students na nandon. Inakay ko si Maxrill papunta sa line.

"What do you want to have?" tanong ako at yumuko naman sya sa mga desserts at maya maya ay nagturo. Mabilis ko namang in-order yun sa server at ako na rin ang nagbitbit pabalik sa upuan.

"Andami naman nyan?" tanong ni Naih.

"Nagugutom daw sya e.." sagot ko.

"Woooow ang sweet naman hehehe.."

"Here's yours.." nakangiting abot ni Maxrill ng cake at juice kay Naih.

"Woooow! Meron rin ako.. kamsahabnida.."

"Noona.. yeogi.." abot naman nya ng sakin. Saka kami sabay sabay na kumain.

"Anong pinagkakaabalahan mo Maxrill?? I mean.. bukod sa pagsama sama sa Lolo Mokz mo.. anong ginagawa mo??" tanong ni Naih sa kanya.

"Nothing.. Psh.. I'm so bored.."

"E bakit kasi hindi ka nalang parating pumunta dito??"

"I'm always here.. with Mokz.."

"Ahh talaga?? Madalang ko na kasi kayong makita..."

"Because you're busy.."

"Hehehehehe.. star player e.." biro pa ni Naih sa kanya. "Sige.. next time gala tayo.."

"Yeah?? Cool! I'm excited!"

Nginitian sya ni Naih at saka ngumiti sakin.

"Bakit nga ba hindi natin igala si Maxrill, Max??" tanong sakin ni Naih.

"San naman natin sya dadalin?"

"Kahit saan.. hindi man lang sya makagala dito satin.. Psh! Parati na lang si Mokz ang kasama nya.."

"Okay na yun.. para nagmamature sya.. bumabata naman si Mokz.." biro ko pa.

"But why don't we go on a trip sometime, Noona?" nakangusong tanong ni Maxrill sa kanya. "I'll ask Maxwell.. hehehehe.."

Saan naman?? Tss..

"Pagkatapos na lang ng interhigh Maxrill hehehehe.." si Naih.

"When?"

"Siguro mga 2 weeks pa hehehe.."

"Tsh.."

"Malapit na yun.. ilang tulog na lang hehehehe.."

Nagkwentuhan pa sila at nagtuloy sa pagkain.

Naaawa rin ako kay Maxrill dahil hindi sya tulad namin ni Maxwell na lumaki dito sa Pilipinas. Malaya rin kaming nakakapunta kung saan namin gusto hindi tulad nya, kailangan pa parati ng pahintulot ng ermats nya bago makaalis ng bahay nila. Wala sya masyadong kaibigan at hindi maalam sa normal na buhay. Habulin ng chicks pero wala namang magustohan. Mahilig maglaro pero walang kalaro. Gusto'ng gumala pero walang kasama.

Boring..

Ang boring ng buhay nya dahil pinapakialaman ng ermats nya..

Bagay na hindi ko pinangarap makuha..

Pinagmasdan ko lang sya habang parang bata'ng kumakain..

Cute pa rin at malambing..

"Magpaalam ka kay Mokz.." biglang sabi ko. "Don ka sa bahay namin matulog.."

"Eh??"

"Mmm.."

"Hwakssilya!?"

*Translation: Are you sure?*

"Mmm.." sagot ko.

"Heheheheheh.. arasseo.."

"Yiiieee kelan naman yan!?" tanong ni Naih.

"Tonight.."

"Aahhh hahahaha.. I'm excited.." nakangiting sabi pa ni Maxrill.

"Kaso pano yun?! May asungot sa bahay??" tanong ni Naih.

"Okay lang yun.." sagot ko.

"Saan sya matutulog?"

"Sa tabi ko.."

"Yiiieee ang sweet.."

"Hehehehe.."

Nagtuloy lang kami sa kwentuhan habang kumakain.. nung matapos ay nagtuloy kami ni Naih kasama si Maxrill, sa Gym kung saan marami at maiingay na ang mga tao..

Tulad ng dati ay nag-announce muna ang announcer at kinausap kami ng referee.. Maya maya pa ay nakipagkamay na kami sa kalaban..

Si Naih ang magbebreak ng bola kaya naman naupo na ako sa gilid ng mesa.

"Hi Maxpein!" bati sakin nung isang kalaban. Dalawang dipa ang pagitan namin sa isa't isa.

"Hi.." kaswal na sagot ko.

"I'm Aubrey.. your fan.." nakangiting sabi nya kaya nailang naman ako at bahagyang ngumiti.

"A-Ahh.. hehe.." wala akong maisip na sasabihin.

"Hehehehe.. hindi na kami actually umaasa na mananalo kami sa inyo ni Zarnaih.. pero yung makalaban kayo ngayon dito sa interhigh.. its really an honor.."

*LUNOK!*

Mas nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi nya..

Parang artista naman ang datingan amp..

"Hehehehe.. ang weird ba??" tanong nya pa. "Ang totoo kasi.. h-hindi naman talaga kami player ng billiards.. idol namin talaga si Sam kaya naman nag-aral kami nung kasama ko ngayon.. si Clemerry.. hehe.. pareho kaming taga-Agoncillo.."

"I s-see.."

"Mmm.. medyo hindi namin nagustohan ang ugali ni Sam hehehe.. h-hindi naman sa binabackstab ko sya pero.. yun ang totoo.. Mas nagustohan rin kasi namin ni Clemerry ang ugali nyo ni Zarnaih.. kasi kahit na sikat kayo.. parang mas nahihiya pa kayo kapag may nagsisisigaw ng pangalan nyo hehe.. Napakahumble nyo at approachable.. Thank you.. hehehehe.."

"S-Saan??" takang tanong ko.

"For inspiring us.. hehehe.. Nakakainspire kasi ang tulad nyo.. Sabi ko nga.. dadating ang panahon na magiging katulad nyo rin kami hehehe.."

"A-Ahh hehehe.. Oo naman.. magagawa nyo yan.. Lahat ng kaya namin, magagawa nyo panigurado o baka nga mas mahigitan nyo pa e.."

"Hehehehe malabo yun.. masyado kayong magagaling.."

"Hindi rin.. dati rin kaming dumaan sa walang alam.. Wala namang ipinanganak na marunong na agad magbilyar.. Lahat.. natuto lang.."

"See?? Napakahumble mo talaga hehehe.. I admire you for that.."

"T-Thanks.."

"Kaya naman kahit matalo kami okay lang hehehe.. kayo naman ang kalaban e hehehe.."

"Pero hangga't kaya mong ipanalo.. gawin mo.."

"H-Ha?? O-Oo nga hehehe.."

"Kasi hindi ka magiging magaling kung hindi mo matatalo ang mga tao'ng kasalukuyang mas magaling sayo.. Gagaling ka rin.. maniwala ka sakin.."

"Talaga??"

"Mmm.." nakangiting tango ko. "Dahil bago ako manalo ng ilang beses dito.. Ilang libo'ng talo muna ang pinagdaanan ko.."

"Wooow.. seryoso?"

"Oo naman.."

"Wow.. motivating.." namamanghang sagot nya at nginitian ko naman sya at saka ako tumayo.

My turn..

Habang hinihintay ko ang referee magset ng bola ay iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng Gym..

Hinanap ko si Sensui..

San naman kaya pumunta yun? Tss.. akala ko ba manonood sya??

"Clear.." dinig kong sabi ng referee kaya naman muli kong ibinalik sa mesa ang atensyon ko.

Sinipat kung nasa tamang ayos ang mga bola.. saka pumwesto at nagsimulang tumira..

Tumakbo ang oras at halos hindi na nakatayo sina Aubrey at Clemerry.. Senyales na panalo na kami..

"1-9??? Whew.. hahaha.. I knew it Max.." nakangiting sabi sakin ni Aubrey.

"Tsamba lang.." nahihiyang sagot ko.

"Anggaling nyo naman tsumamba kung ganon? Hehehehe.. pero okay lang.. okay lang talaga.." nakangiting sabi nya pa at ramdam ko naman ang sinseridad nya. "Masaya talaga kami at nakalaro namin kayo.."

"Salamat rin.. Masaya rin kami at nakalaro namin kayo.."

"At sana ay hindi ito ang huli.." dagdag nya pa at tumango naman ako.

"Minsan.. tambay tayo sa bilyaran dyan makalampas ng Pav Mall?? Alam nyo yun? Dun kasi kami tambay e.. hehehe.." sabat ni Naih.

"Ahh talaga?? Yung The Barb ba yun??" tanong nung Clemerry.

"Mmm.."

"Wooowww.. e magagaling yata yung tambay don e??"

"Magagaling rin naman kayo ah?"

"Wushuuu hehehe.. ano ba naman kami ni Aubrey sa inyo??"

"Maniwala kayo samin.. dumaan rin kami sa ganyan.. Kung ano man kami ngayon.. kaya nyo pang higitan yun pagdating ng panahon.."

"Talaga??"

"Oo naman! Tiwala lang at trabaho.. hehehe.."

"Ang bait nyo naman.. Hehehehe.." si Aubrey.

"Oo nga.. nakakainspire kayo.." si Clemerry.

"Kasi mababait rin kayo.." sagot ni Naih.

"Salamat talaga.. Maxpein.. Zarnaih.."

"Salamat rin.. Aubrey and Clemerry.."

"Sa uulitin.."

"Sige lang.."

"See you na lang sa TB!"

"Hehehehe.. sige hihintayin namin kayo.."

"Max.. salamat ulit.." baling nila sakin.

"See you around.." nakangiting sagot ko at saka pinanood silang makalayo.

"Ang sarap rin pala sa pakiramdam nung minsan napupuri ka ng tao ano??" baling ni Naih sakin.

"Mmm.. wag lang talaga aakyat sa ulo.."

"Woooohhhhooowww!!! At talagang sayo pa nanggaling yan ah!?"

"Ang alin naman??"

"Na wag lang aakyat sa ulo yung mga papuri ng iba!? Psh hahahaha.. nakakatawa! Talagang sa isang 'hambog' pa.. hahaha! Come on Max!"

"Tss.. Siraulo.." bulong ko pa.

"Hmmm.. pansin ko lang.. kanina ka pa mukhang wala sa hulog ah? Okay ka lang ba?"

"Mmm.."

"Weehh??"

"Oo nga.."

"Wokeeeyy.." sabi nya at saka kami sabay na nakinig sa sinasabi ng announcer.

Nung matapos yun ay saka namin sabay na inayos ang mga gamit namin..

"What a very nice game.."

Sabay kaming napalingon ni Naih sa pinanggalingan ng boses na yun ni Samantha.

"A very very nice game hahahaha.. funny!" dagdag nya pa.

"Psh.. Ano na naman yun Sam??" si Naih.

"Wala naman.. nakakatuwa lang tignan na ang saya saya nyo matapos nyong manalo.." sarkastikong sagot ni Sam sa kanya.

"E hindi naman siguro uso yung magmukmok matapos manalo di ba???" sarkastiko ring sagot ni Naih sa kanya.

"Tsh.. you're stupid Naih.."

"Wooow ah!? Ako pa talaga?! Ano na naman bang iyayabang mo samin?!" inis na tanong ni Naih sa kanya.

"Oh.. A loser is asking me?? Mmm.. ano nga ba??" nag-isip pa kunwaring tanong nya.

"Psh! Iilan ilang panalo akala mo Champion na kung makaasta 'to.." bulong ni Naih at saka taas ang kilay na humarap sa kanya. "Wish ko lang talaga ay may marating ka dyan sa kayabangan mo Samantha!"

"Meron na Zarnaih.."

"Let's go.." yaya ko kay Naih.

"Oh.. aren't you going to say hi to me before leaving Maxpein?" sarkastikong tanong ni Sam sakin kaya naman blangko ang mukhang tinignan ko sya.

"Hi.." sabi ko at saka binitbit ang gamit ko paalis.

"Bye.." dinig ko pang pang-aasar ni Naih sa kanya bago sumunod sakin. "King inang yun.. minsan na nga lang sumulpot nang-aasar pa.."

"Nakikipag-asaran ka pa kasi.."

"Psh! Bakit ikaw?! Hindi!?"

"Hindi naman kasing lakas ng trip mo.."

"Nakakainis kasi sya e.."

"Minsan.. para hindi na lumaki ang gulo.. ginagamitan na lang ng kapangyarihan ng deadma ang mga tao.. Try mo.. ng mabawasan ang stress mo.." seryosong sabi ko sa kanya at nginusuan nya naman ako.

"Ang sungit mo.."

Nagtuloy lang kami sa paglalakad pero bago pa man kami tuluyang makalapit sa pwesto kung saan namin iniwan si Maxrill..

"Dessssttiiinnnyyyyy!!!!!"

Hindi ko sya nilingon pero huminto ako.

"Oh my goodness.. ayan na naman sya.." bulong ni Naih sa harap ko habang nakatingin sa likuran ko.

"Hi!" si Gonza na mabilis na pumunta sa harap ko. "Sayang hindi ko napanood.. pero masaya ako nanalo kayo hehehehehehe.."

"Kumusta ang laro mo?" seryosong tanong ko.

"Ayun.. panalo! Hahahaha!"

"Congrats.."

"Congrats rin hehehe.. Hoy bungangera.. congrats ah!" baling nya kay Naih.

"A-Anong bungangera?!"

"Ayan.. yan ang bungangera hehehehe!" turo nya kay Naih!

"Kesa naman sayo! Baduy!"

"Huh? Anong baduy!?"

"Yan! Yan ang baduy! Ugh! Jologs! Una na ko dun Max!" paalam nya sakin at tinanguan ko naman sya.

"Ikaw muna bahala sa kanya.." bulong ko na inginuso pa si Maxrill.

"Sige.." sagot nya at tumango lang ulit ako at saka bumaling kay Gonza.

"Destiny talaga tayo no?? Hehehehe.. panalo ka.. panalo rin ako hehehe.."

"Kaya mo naman palang manalo kahit hindi mo ko nakikita.." pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.

"Oo naman hahahaha.."

"May laro ka pa mamaya??"

"Oo e.. Ala una.."

"Ahh.."

"Ikaw?"

"Wala na.. Galingan mo ah?"

"Oo naman! Manood ka ah!?"

"Sige.."

"Mmm.. Naglunch ka na?? Lunch tayo.. treat ko.."

"Hindi na.. may sasabayan kasi ako---"

"Sino?!"

"Si Enrile!?" dagdag tanong nya pa.

"H-Hindi---"

"Sus.."

"Hindi nga.."

"May gusto ba sayo yun??"

"Bakit mo naitanong??" takang tanong ko.

"Nararadaman ko kasi.."

"Baka sayo may gusto.." natatawang sagot ko.

"H-Ha!?" salubong ang kulay na tanong nya.

"Nararamdaman mo kamo e.. baka sayo may gusto.."

"Tsh! Yak!"

"Biro lang.."

"Oh e ano na?? Hindi ka talaga sasabay saking maglunch??"

"Hindi na.. mauna ka na.."

"Haaayyy sayang naman.. nanghingi pa naman ako ng malaking baon kay Nanay hehehehe.."

"Itabi mo na lang.."

"Ano pa nga ba? Hehehehe.. sa sarili ko matipid ako pero para sayo.. magwawaldas ako.. heheheh.."

"Pahalagahan mo ang pera'ng bigay nang Nanay mo.. hindi mo alam kung saan nya kinuha yan.."

"A-Ang seryoso mo naman?? Biro lang e.." nag-aalalang sabi nya at nginitian ko naman sya.

"Sige na.. pumunta ka na sa mga teammates mo at maglunch ka na.. May laro ka pa mamaya.."

"Hehehehe.. sige sige.. Okay ka lang dyan??"

"Mmm.. may mga kasama naman ako.."

"Si Enrile na naman!?"

"Tss.. ni hindi ko nga nakita yun e.."

"Ahh talaga?? Akala ko sya na naman e.."

"Sige na.. magkita na lang tayo mamaya.."

"Talaga!?"

"Oo.." nakangiting sagot ko at saka tinapik ang balikat nya. "Una nako.."

"S-Sige.. don na rin ako sa team mates ko.. Kita tayo mamaya ha?! Hihintayin kita!"

"Sige.." sabi ko at saka tumalikod na.

Lumapit ako kila Naih at Maxrill.

"Ang lakas ng tama sayo nun e noh??" inis na tanong sakin ni Naih at hindi ko naman sya sinagot. Muli kong nilingon si Gonza habang papalabas ng Gym na yun..

Tignan ko lang kung masabi mo pa lahat yan kapag nakilala mo ko..

"Maaaaaaaaaxxx!!!" dinig kong sigaw ni Michiko kaya sya naman ang nilingon ko mula sa kanan. Kasama nya sina Lee, Tob, Migz at BJ na parepareho ring nakangiti habang naglalakad papalapit samin.

"Nice.. ang lulupet talaga.." nakangiting salubong ni Migz. "Congrats!"

"Congrats!" sabay sabay na bati nila samin..

"Salamat.." sabay naming sagot ni Naih.

"Wala bang libre dyan!? Hahahaha.." si BJ.

"Oo nga!" si Michiko.

"Wala si Sensui e.. hehehehe walang manlilibre----teka! Nasaan nga ba yun!?" si Naih.

"Akala nga namin kasama nyo e?! Hindi nyo ba kasama??" si Tob.

"Hindi.." sagot ni Naih sa kanya na tumingin pa sakin. "Hindi mo ba kasama??"

"Tss.. ikaw ang kasama ko di ba??"

"Ngeh!? E nasan yun!?"

"Malay ko.. bakit ako tinatanong mo.."

"Ayy.." nakangiwing usal nya na tumingin pa ng masama sakin. "Kaya naman pala ganyan ka.. kasi wala sya.."

"Eh??"

"Uuuuuyyyy!!!!" panunukso nilang lahat maliban kina Lee at Naih.

"Tss.. hanep.."

"Tob.. call him.. Baka kung nasaan na yun.." nag-aalalang sabi ni Lee kay Tob na inilabas naman agad ang cellphone nya at nagdial.

Maya maya pa..

"H-Hindi sinasagot e.. nasaan naman kaya yun!?" si Tob.

Napaisip rin ako dahil ilang oras na rin ang nakalipas mula nung magkita kami kanina.. Nakita ko syang umalis gamit ang sasakyan nya pero hindi ko naman alam kung saan ang punta nya..

Nakaramdam rin tuloy ako ng kaunting pag-aalala..

Okay naman kami bago kami maghiwalay di ba?? Tss.. san sya nagpunta?!

Wag nya sabihing hindi nya pa rin nagustohan yung huli kong sinabi sa kanya!?

Lilinga linga sila sa kabuuan ng Gym at halata ang pag-aalala sa mukha nila..

Kaya naman nung magkaron ako ng tyansa ay kinausap ko sina Lee at Tob.

"Kanina'ng umaga magkasama kami.. N-Nagkaron kami ng konting pagtatalo pero naayos naman namin at okay kami bago kami maghiwalay.." malumanay na sabi ko sa kanilang dalawa.

"E nasan naman na kaya yun ngayon??" nag-aalala talagang tanong ni Tob na nakatingin sa labas ng Gym. Si Lee naman ay kinokontak pa rin si Sensui.

"He's not answering.." si Lee.

"Kanina matapos naming mag-usap ay nakita ko syang umalis dala ang kotse nya.. h-hindi naman ako nag-alala dahil okay naman nga kami bago kami maghiwalay.. Okay na okay ang usapan namin.." naguiguilty'ng kwento ko pa.

Peste.. Kapag may nangyaring masama sayo.. kargo pa kita! Ako ang sisisihin dahil ako huli mong kasama! Tsk!

"Susubukan kong tawagan si Dein.." sabat ni Lee na nag-umpisa ng tumawag at maya maya lang ay may kausap na. Lumapit naman sakin si Tob.

"Y-Yung pinag-usapan nyo ba.. p-pwedeng maging d-dahilan para m-masaktan sya??" pabulong na tanong ni Tob sakin at natigilan naman ako..

"O-Oo.." kabadong tanong ko.

"Aww.." bulong nya at bakas na naman ang pag-aalala sa mukha nya. "B-Baka kaya wala sya??"

"Pero Tob.. n-nagsasabi ako ng totoo.. o-okay kami bago kami maghiwalay.."

"Gano naman ka-okay??"

Hindi agad ako nakasagot.. Inalala ko yung mga bagay na napag-usapan namin kanina..

"Then I will stay.. If you push me away.. I'll stay beside you.. If your words are hurting me.. still I'll stay beside you.. I'll stay beside you.. no matter how hard it is to be with you.. I won't make you fall in love with me.. but don't blame if you 'fall' in love with me too.."

Narinig ko na naman sa pandinig ko ang huling linyang sinabi nya..

"O-Okay.. as in okay.." sagot ko kay Tob. Napabuntong-hininga naman sya.

"S-Siguro nga ay tama ang nasa isip ko.."

"A-Ano yun?"

"Na baka m-may nasabi kang n-nakapanakit sa kanya kahit pa okay pa yung naging huling usapan nyo.. B-Baka gusto nya lang mapag-isa.." seryosong sagot ni Tob at napalunok naman ako. Hindi agad ako nakasagot dahil biglang dumating si Lee.

"Parating na si Dein.." si Lee.

"Ha?! Bakit!?" si Tob.

"E-Eh sinabi ko sa kanyang h-hindi natin makita si Deib e.. n-nag-alala rin sya kaya ayun.. dadating daw sila ni R-Randall.."

"S-Sana hindi mo na lang sinabi dre.."

"Nag-aalala ako kay Deib e.."

"Oo nga pero.. ssshhhkk.. Pano na 'to??"

"Bakit?"

"P-Pano kung nandyan lang yun??"

"Saan??"

"Somewhere.. somewhere kung saan pwede syang mapag-isa.."

"What do you mean??"

"Kilala natin si Deib dre.. kapag gusto nyang mapag-isa.. umaalis sya ng walang sabi sabi at hindi nya sinasagot ang phone nya.. Naalala mo ba nung huling ginawa nya satin 'to?? Psh.. mukha tayong tanga kahahanap.. nagnature tripping lang pala si gago.."

"Pero pano kung hindi na yun ganon ngayon??" nag-aalala talagang tanong ni Lee.

"Ganon pa rin yun.. maniwala ka sakin.." sagot ni Tob sa kanya na bahagya pang tumingin sakin.

Nakaramdam ako lalo ng matinding guilt..

Ganon ba talaga sya!? Tss.. Okay naman kami bago kami maghiwalay... tapos nagdamdam pa rin sya?! Para saan pa yung mga magagandang sinabi nya?! Tss.. abnormal!

Hindi ako mapakali at nag-aalala na rin ako..

Hindi ako lumayo kila Lee at Tob dahil nagbabakasakali rin akong sumagot na si Sensui sa kanila..

Hindi ko na rin halos naasikaso si Maxrill at buti na lang ay nalilibang sya kila BJ at Migz..

Si Michiko naman ay abala kay Tob at si Naih ay walang humpay ang pakikipag-asaran kay Lee..

Nasan na ba yung gunggong na yun?! Kasasabi ko lang na wag gagawa ng kahit anong ikapapahamak nya tapos.. tsk!

Dumaan kami sa room ng team nila pero wala talaga sya kahit nandon naman ang gamit nya.

Ang sabi ng mga teammates nila ay hindi rin naman daw nila sya nakita..

Habang tumatakbo ang oras ay mas lalo akong nag-aalala..

Tsk.. bakit ko ba kasi sinabi yung mga yun e!?

Wala pa naman akong alam na posible'ng lugar na pupuntahan nya..

Nung mabakante si Tob ay muli ko syang nilapitan at kinausap ng masinsinan.

"A-Ahh Tob.." bulong ko sa kanya. Bakas pa rin sa mukha nya ang pag-aalala..

"Mmm??"

"Mmm.. m-may alam ka bang lugar na pwede nyang puntahan??" tanong ko at nag-isip naman sya.

"Sshhkk.. h-hindi naman kasi kami gala e.. Wala kaming permanenteng tambayan.. Bukod kasi sa court ng sari-sarili naming village ay yung Mall lang namin at sa mga Coffee Shop ang madalas naming tambayan.. Kadalasan naman kasi ay nasa school kami kaya hindi rin kami talaga nakakatamabay.."

"Tingin mo.. n-nasa Mall kaya sya??"

"Malabo.. Kasi kung tama man yung hinala kong gusto nya siguro'ng mapag-isa.. m-malabong sa Mall yun magpunta.." seryoso munit malungkot na sagot nya. Napatango naman ako at naiwan na namang nag-iisip.

Nasan ka na ba kasi!? Tsk.. pinag-aalala mo naman ako e..

Nag-isip isip pa ako at maya maya ay lumapit kay Maxrill.

"Jamshiman.. gidaryeo.. eh?" malumanay na usal ko kay Maxrill.

*Translation: Wait for me.. okay?*

"Eodiga?"

*Translation: Where are you going?*

"Kattaolke.."

*Translation: I'll be back..*

"Arasseo.." malungkot namang sagot nya at saka ako tumayo at naglakad papalabas pero hinabol naman ako ni Lee.

"Where are you going?"

"I'll try to find him.."

"But.. we have no idea where he is?"

"I'll try my best.."

"M-Max.."

"Don't worry.." nakangiting sabi ko na tinapik pa sya sa balikat.

"Hoy.. san punta mo!?" habol sakin ni Naih at nilapitan ko naman sya at dinukot sa bulsa nya ang cellphone nya.

"Pahiram muna.. Kayo muna bahala kay Maxrill.." nakangiting sabi ko at saka mabilis na iniwan sila.

"H-Hoy! San ka pupunta!" sigaw nya pa pero hindi ko na sya sinagot at patakbo na akong lumabas ng SIS Campus.

Siguraduhin mo lang talagang may maganda'ng dahilan ka kung bakit mo ginawa 'to dahil kung hindi.. di ka na talaga makakaulit sakin..

Mabilis akong sumakay sa motor ko at pinaandar yun.

Maya maya pa ay nasa BIS na ako.

Mabilis akong pumunta sa Ospital at pumasok sa E.R.

"Excuse me.." baling ko sa isang nurse.

"Good morning.. I am Nurse Gracel.. may I help you??"

Bahagya pa akong natigilan sa iniasta'ng yun ng nurse at saka iiling iling na nagtanong.

"A-Ahh.. I w-wanna know if you have a patient named D-Deib Lohr Enrile??"

"Oh.. Mr. Enrile---?"

"Yes!" sagot ko agad habang kabado pa.

"No.. he's not here.. We have no patient name---"

"Are you sure??"

"Yes Ma'am.."

Hindi ko naiwasang lingunin ang mga hospital bed na nandoon at sa sampung nakikita ko ay dalawa lang sa mga yun ang may tao.. Sinilip ko naman pero hindi si Deib ang mga yun..

"T-Thank you.." sabi ko sa nurse at saka umalis..

Pumasok ako sa loob ng BIS..

"M-Ma'am saan po sila??" sita sakin ng guard.

"Ahh.. Kuya.. Kilala mo ba si Deib Lohr Enrile??"

"Yes Ma'am.."

"Nakita mo ba syang dumaan dito??"

"Hindi po Ma'am.."

"Sigurado ka??"

"Yes Ma'am.."

"Mmm.. p-pwede ba akong pumasok?"

"Bakit Ma'am??"

"Mmm.. estudyante ako ng school na 'to.. Third year high school student ako.." sabi ko na ipinakita pa sa kanya ang I.D. ko.. "Hahanapin ko lang sana si Deib.."

"Pero Ma'am.. puro College lang ang nandito ngayon at wala ang lahat ng mga high school students and faculties.. lahat sila ay nasa SIS ngayon.."

"Oo.. isa na ako don.. Pero susubukan ko lang sanang hanapin b-baka nandyan kasi sya e.."

"Ano naman po ang gagawin nya dito Ma'am?"

"Malay ko! Hindi ko naman sya kasama di ba!?" inis na tanong ko at nagulat naman sya! "Papapasukin mo ba ako o hindi!"

"P-Pero kasi M-Ma'am h-hindi naman 'to oras ng klase---"

"Kapag may nangyari'ng masama kay Enrile.. lagot ka sakin!"

"S-Sige M-Ma'am.. s-sasamahan ko na lang po kayong maghanap.." mabilis na sabi nya pero tinabig ko na sya at nilampasan.

"Hindi na.. dyan ka na lang.. Baka malusutan ka pa dyan.." masama ang tinging sabi ko sa kanya at saka tumakbo papasok sa loob.

Pumunta ako sa lahat ng Buildings ng Secondary pero lahat ng gate sa groundfloor pa lang ay nakalock kaya paniguradong walang tao sa loob nun.. Tanging yung Computer Building lang ang bukas kaya naman iniisa isa kong tignan ang mga rooms pero wala akong Sensui'ng nakita. Matapos don ay pumunta ako sa Library dahil bukas naman yun at inisa-isa ko ring tignan ang bawat table dahil baka sakaling nandon sya..

Saan naman kaya nagsuot yun!?

Nang masuyod ko ang kabuuan ng Library ay saka ako nagtingin sa Gym.. Canteen.. Field.. at kung saan saan pang pwede nyang puntahan sa loob ng BIS pero bigo ako..

Habol habol ang hiningang naglakad ako pabalik sa Parking ng BIS..

"M-Ma'am nakita nyo po ba sya??" tanong sakin nung guard at umiling naman ako. "Ganon po ba?? Gusto nyo po bang itawag ko na sa----"

"Hindi na.." pigil ko sa kanya. "Baka maalarma pa sila.. Mahahanap ko rin sya.. n-nagkasalisi kasi kami.." pagsisinungaling ko pa.

"Ganon po ba? S-Sige po.. pero kung may maitutulong naman po ako.. sabihan nyo lang po ako.."

"Sige.. salamat.." seryosong sabi ko at saka sya iniwan.

Bumalik ako sa motor ko at pinaandar yun pero bago pa man ako makalampas sa BIS compound ay napansin ko ang BIS Coffee Shop. Muli kong ipinark sa harap nun ang motor ko at saka ako pumasok..

"Good morning Ma'am!" masigasig na bati sakin nung waitress.

"Dumaan ba dito si Deib??"

"Po??"

"Si Deib.. dumaan ba sya dito?"

"Deib Enrile po?"

"Oo.."

"Hindi po.."

"Sigurado ka??"

"Mmm.. opo.. wala po talaga.. Bibihira nga po ang customer ngayon kasi sportsfest ng mga schools.. nakakainis nga e, sana pala hindi na lang kami nagbukas.. Yung boss ko naman kasi------"

"Thank you.." sabi ko at saka iniwan sya.

Tinanong lang.. nagkwento na.. Tss..

Mabilis ko na namang pinaandar ang motor ko at pabalik na sana ako ng SIS nung biglang maalala ko ang TB!

'Nakapunta na sya dati dun kaya hindi imposible'ng maisipan nyang pumunta ngayon..'

Nakaramdam ako ng kaunting pag-asa habang tinatahak ang daan papunta sa TB.

Sana nga nandon na sya.. Nag-aalala nako sobra..

Nung makarating ako doon ay tinignan ko muna ang Parking..

Bumagsak agad ang balikat ko nung hindi ko makita doon ang sasakyan nya..

Gayunpaman ay hindi ako nawalan ng pag-asa..

Kung sakali mang nandito ka.. at totoo'ng nasaktan kita dahil sa mga sinabi ko.. Ipapangako ko sayo'ng hinding hindi ko na uulitin yun.. Wag mo lang ako pag-aalalahanin ng sobra..

Pero pumasok pa rin ako para makasiguro..

"Oh?!" gulat na reaksyon ni Barb matapos nya akong makitang pumasok.

"Si Sensui.. dumaan ba dito?" agad na tanong ko.

"Si pogi? Hindi.. bakit??"

Hindi ako nakasagot at nanlulumong napaupo sa isa sa mga table na nandun..

Oo.. Sa table ako naupo..

Nasaan na ba yun!? Saan ba kita hahanapin?! Bakit umaalis ka ng walang paalam!? Tsk..

Naglabasan naman sina Jep, Beka at Boy.

"Aba'y tama nga ang dinig ko! Nandito ang bakla'ng Makspeyn!" si Beka.

"Bakit ganyan ang itsura mo!?" si Boy. "San ka nanggaling?!"

Hindi ko naman sila sinagot.

"Hinahanap nya dito si Pogi.." si Barb.

"Sinong pogi?" si Jep.

"Si Deib.. yun bang si Sensui?? Si pogi.."

"E wala naman sya dito di ba??"

"Oo nga.."

"Oy Max.. okay ka lang ba??" baling sakin ni Jep at tumingin naman ako sa kanya.

"Napapagod nako kahahanap sa kanya e.." bagsak ang balikat na sagot ko.

"Bumaba ka nga dyan at maupo ka ng ayos dito.." sabi ni Barb na hinila pa ang upuan at inalalayan ako pababa ng table.

"Ano bang nangyari?" tanong na naman ni Jep.

Napailing naman ako at nag-isip kung dapat ko bang sabihin sa kanila.

"Nako... iba na yan ahhh!?" seryoso munit mapanuksong tanong ni Barb at iniiwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

"L.Q.???" si Jep.

"Tss.. hindi ah.." sagot ko.

"Oh e ano ngang nangyari???"

Hindi agad ako nakasagot.. napabuntong-hininga pa ako at saka salubong ang kilay na tumingin ng deretso isa-isa sa kanila.

"Ano?! Baka may naghihintay sa sagot mo!?" si Jep ulit.

"M-May nasabi yata akong h-hindi maganda.." napapatungo'ng sagot ko.

"Kaya hindi mo sya makita ngayon, ganon ba??" tanong ni Jep at tumango naman ako. "Nako.. L.Q. nga.." nakangiwing sabi nya pa sa ibang bakla at saka muling bumaling sakin. "E sinubukan mo na bang tawagan??"

"H-Hindi nya sinasagot e.." sagot ko.

"Akalain mong nagawa mo syang tawagan e wala ka namang selpon!" si Beka.

"Tss.. sinubukan syang tawagan nung iba nya pang kaibigan.. Nung hindi sya sumasagot e saka lang ako nagsimulang maghanap.."

"Oh e bakit ikaw lang ang naghahanap??" si Barb.

"E-Eh kasi n-nasa SIS silang lahat e.."

"O e bakit hindi ka nagpasama?! Mas mapapadali ang paghahanap mo kung kasama mo sila at kanya kanya kayo ng punta sa lugar na pinupuntahan nya.."

Hindi naman ako sumagot sa kanya.

Bakit nga ba ako lang ang umalis!? Tsk!

"Bukod ba dito sa TB e may alam kang tinatambayan nya??" tanong ulit ni Jep at umiling naman ako. "Aba e mahirap yan.. dito nga sa TB ay madalang sya e.. Kung ganyang hindi mo alam kung saan saan ang mga lugar na posoble nyan paglagian e sinasabi ko na sayo ngayon pa lang.. Bumalik ka na at papagurin mo lang ang sarili mo..."

"Oo nga naman Max.. Hayaan mo.. tatawagan agad namin si Naih kapag dumaan sya dito.." si Barb.

"Nasakin ang phone ni Naih.."

"O sige.. tatawag na lang kami dyan.. Bumalik ka na sa interhigh nyo at baka may laro ka pa.."

"Wala na.."

"Ahh ganon ba?? Edi o sige.. hanapin mo.. Kaso.. saan??" si Jep.

"Nako mahirap yan.. mahirap hanapin ang tao'ng hindi mo naman alam kung saan mo hahanapin.." si Beka.

"Lalo na kung hindi mo naman sigurado kung dapat mo nga bang hanapin.." si Barb.

"Goodluck naman sayo bakla.." si Boy.

Hindi ako sumagot sa kanila..

Eto na ang pangalawang beses na nagpahanap ka ah?? Hindi ka na talaga makakaulit pa.. Tsk!

Naisip ko mang baka pumunta sya sa bahay ay ramdam ko pa ring imposible yun.. Alam kong ayaw nyang makasama si Yaz at wala rin naman don si Yaz.. Kaya kung pumunta man sya don ay paniguradong aalis rin sya..

Tinignan ko pa muna ang cellphone ni Naih kung may text na pero wala maski isa..

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.. Nag-aalala ako at naiinis kasabay nito.. Naguiguilty ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya kanina pero pakiramdam ko ay tama lang yung ginawa ko.. At malakas rin naman ang pakiramdam kong okay kami bago kami magkahiwalay..

Pero bakit natatakpan lahat ng pag-aalala ko ang ibang sinasabi ng isip ko??

Badtrip naman oh.. Magpakita ka na Sensui..

Nagpaalam ako sa kanilang lahat sa TB at wala sa sariling muling sumakay sa motor ko..

Pero sa pagkakatao'ng ito.. dahan dahan ang pagmamaneho ko at panay ang linga ko sa dinadaanan ko dahil baka sakaling doon ko lang sya makita..

Sana makita na kita.. magpakita ka na.. Ayoko sa lahat ay yung nag-aalala..

DEIB'S POV

Matapos naming mag-usap ni Taguro ay gumaan pa ang pakiramdam ko..

Wirdo pero totoo hahahahaha!

Kasi nasabi ko sa kanya ang lahat ng gusto ko..

Naipakita ko ang inis at galit na naramdaman ko..

Naiparamdam ko sa kanya ang panandaliang saya ko..

At gayun na rin ang lungkot at sakit na dinanas ko dahil sa mga pinagsasasabi nya!

Badtrip!

Ngayon ay hindi ko na kailangang magtanong..

Mahal nya pa nga si Randall.. Pero sa tingin ko.. hindi na rin naman yun sing tatag nung dati hehehehe! Dahil kung mahal nya pa talaga si Randall tulad nung dati.. kahit may girlfriend yun.. ipaglalaban nya yun! Ang tapang tapang e..

Kaya naman malakas ang loob kong ipaglaban ang nararamdaman ko dahil ramdam kong may laban naman ako..

Ipapakita ko sayo'ng kaya kong gawin ang lahat.. mabura lang yang nararadaman mo.. heheheheh..

Ang totoo..

Nakapag-isip na ako ng gusto kong gawin at kantahin para kay Taguro..

Kaya naman ganon na lang ang inis ko nang dahil sa mga pinagsasasabi nya!

Mabilis kong kinuha ang kotse ko at dumeretso ako sa Mall..

Maghahanap ako ng bulaklak na ibibigay ko sa kana pra sweet hahahahahaha!

Kailangang masiguro kong magugustohan mo ang panghaharanang gagawin ko sayo Taguro hehehe..

Mabilis akong pumasok sa Mall nila Tob pagkarating ko at saka ako pumunta sa Music Store.

"Good morning Sir.." bati sakin nung Assistant.

"Good morning.. Meron ba kayong Minus One nitong kantang 'to??" tanong ko habang iniaabot ang isang piraso ng papel kung saan ko isinulat kanina ang title at artist nung kantang hinahanap ko..

"I'll take a look Sir.." nakangiti pang sabi nung Assistant at tinanguan ko naman muna sya bago sya tumalikod sakin at pumunta sa isang lugar nung Store.

Nag-ikot naman ako at nagtingin tingin ng mga albums ng ibang artista..

Jeniffer Lopez.. Christina Aguilera.. Mandy Moore.. N'Sync.. Britney---ayun!!!

"Britney Spears.." nakangiting bulong ko pa habang hawak hawak ang album nya. "Akin ka na.. hehehehe.."

Kumuha rin ako ng No Strings Attached Album ng N'Sync at saka ako naglakad papunta sa Counter.

"I'll take these too.." nakangiting sabi ko pa sa Assistant.

"Yes Sir.. And here's what you're looking for.." abot nya ng isa pang CD. Kinuha ko naman yn at saka tinignan. "Its a compilation of Minus One songs for this year Sir.."

"I see.. thank you.."

"Would you like to have a try Sir?"

"No.. thank you.. I'll take it.."

"Okay Sir.." nakangiting sabi nya pa at saka pinunch lahat ng kinuha ko. "Here Sir.."

"Thank you.."

"Welcome Sir.. Please come again.."

"I will.."

"Thank you Sir.."

Yun lang at masaya'ng lumabas ako ng Music Store.

Hehehehehe.. araw-araw kong patutugtugin yang Sometimes na yan.. hanggang masaulo ko hehehehe! Bading na kung bading! Gusto ko talaga 'to e hahahahaha!

Kahit mag-isa lang ako ay hindi ko maiwasang maglakad ng nakangiti..

Nagtitingin tingin pa rin ako sa mga botique at stores na nadadaanan ko kahit na wala naman akong gusto'ng tignan o bilhin sa mga yun..

Maraming tumitingin sakin at ginagantihan ang mga ngiti ko at bukal sa loob ko namang sinuklian rin sila ng ngiti ko..

Masaya ako e.. Hawa hawa na hehehehe..

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nagtitingin sa iba't ibang stores na nadaraanan ko..

Hanggang sa mapadaan ako sa isang grocery store..

Pumasok ako doon at muling nagtingin tingin..

Nung makarating ako sa pwesto ng mga drinks ay agad kong nakita ang bungkos ng Yakult!

Hehehehehehe! Naalala kita!!!

Nakangiting inalala ko pa yung una't huling beses na nakita ko syang umiinom ng Yakult!

Ang sama lang ng ginawa ko sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasan ang mapangiti..

Mukha akong tanga pero masaya talaga hahahaha!

Saan ko naman kaya makikita yung mga Stick-O dito?! Tch!

Nakailang ikot na ako at hindi ko alam kung saan ko makikita yung paborito'ng pagkain na yun ni Taguro!

"Do you need help Sir?" nakangiting tanong sakin nung isang Staff.

"Ahh yeah.. Saan ko makikita dito yung Stick-O?"

"Stick-O Sir??" parang nagtataka pang tanong nya.

Para yan sa babae'ng mahal ko..

"Yes.." kaswal na sagot ko.

"T-This way Sir.."

"Thank you.."

At nakita ko nga ang hilera ng iba't ibang kulay ng Stick-O.

Nakangiti akong tinignan yun isa-isa at saka kumuha ng bawat isang kulay at inilagay yun sa cart ko.

Hehehehe.. mamaya ko na lang 'to ibibigay kapag pauwi na hehehe.. Panghuling surpresa ka.. Simple.. pero cute.. Hehehehehehe!!!!

Kagat kagat ko pa ang dila ko habang nakangiting pumunta sa counter..

Haaaaayyy.. maswerte kang talaga dahil sayo ko lang naramdaman 'to.. Lahat ng kakornihang alam ko.. nagagawa ko na.. Tch! Pero okay lang hehehehe.. Kung susuklian mo naman ng kahit konting ngiti e.. ayos na!!!!

Sana magustohan nya 'to----

Natigilan ako sa pagtulak ng cart ko nung magtama ang paningin namin ni Maxwell!!!

Anong ginagawa nya dito!?

Pareho kaming nagtatakang napatingin sa isa't isa!!!!

Awkward badtrip! Bakit ba ganyan ang tingin nya?!

"A-Ahh Sir???" tawag sakin nung cashier kaya naman dali dali akong bumalik sa wisyo.

"Ahh yeah.. s-sorry.." sambit ko pa saka isa-isang inilagay sa harap nya ang pinamili kong Stick-O at Yakult..

Kitang kita ko pa sa gilid ng mga mata ko kung paanong naglakad si Maxwell papalapit sa pwesto ko.

Tch! Jahe naman! Badtrip!

Tatangu-tango syang tinignan isa-isa ang pagbabalot nung bagger.

"Ang dami naman nyan??" takang tanong nya na tumingin muna sa mga pinamili ko bago tumingin sakin!

Blangko ang mukha nya pero bakas sa mga mata nya ang pagtataka!

"A-Ahh hahaha.. i-ireregalo ko.."

"I see.."

"Mmm.."

"Paborito nya siguro yan.."

Malamang! Bibilhin ko ba naman yan kung hindi!

"A-Ahh hehehehe.." naisagot ko na lang.

"Wala ka bang laro??"

"Ahh hehehe mamaya pa.."

"I see.. so I guess you won't mind if I join you??"

Why?!

"A-Ahh yeah.. s-sure.." sagot ko nalang.

Okay lang yan Deib.. hindi mo naman sasabihin sa kanyang may gusto ka sa kapatid nya e.. hindi mo rin naman kailangang sabihin di ba?! Hehehehe.. hayaan mo ng panahon ang magsabi sa kanya hehehehe.. Paniguradong hindi ka naman nya mahahalata..

Nung matapos kong magbayad ay saka ko inilagay muli sa cart ang lahat ng pinamili ko at saka sumabay maglakad sa kanya..

"Saan na ang punta mo nyan?" tanong nya pa habang tinutulak rin ang cart nya.

"A-Ahh hehehe.. m-may bibilhin pa ako.."

"I see.. sige sasamahan na kita.."

"H-Ha??"

"I thought you won't mind if I join you??"

"A-Ahh yeah yeah.. o-of course.."

"Mmm.. so where are you going??"

Sasabihin ko ba?! Tsk! Bahala na!

"Sa F-Flower Botique.." naiilang na sagot ko! Agad naman syang nilingon ako! "O-Of course to b-buy flowers.." dagdag ko pa at tumango naman sya.

"Okay.."

Ang weird lang nung pakiramdam!

Naiilang ako na hindi ko maintindihan!

Hindi naman kami okay na okay pero hindi rin naman kami magkaaway! Pero bakit ang awkward nung dating para sakin!?

Siguro dahil ngayon lang naman kami nagkasama ng solo! Tsk!

"Sa SIS rin naman ang punta ko kaya sabay na tayo.." sabi nya pa habang naglalakad na kami papunta sa Flower Shop.

"M-May dala akong sasakyan.."

"Mmm.. ako rin naman.."

"I see.."

"Para kanino ang bulaklak??" tanong nya.

"H-Ha??"

"Of course for the person you like.." nakangising sagot rin nya..

Sariling tanong---sariling sagot!? Tch! Pamilya talaga kayo ng weird!

"Here.." sabi nya at saka huminto.. Napatingin naman ako sa harap namin. "Sila ang may pinakafresh na bulaklak dito sa buong Mall.."

"H-How did you know??"

"I just know.." nakangising sagot nya at saka naunang maglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya.

"Welcome Sir.." nakangiting bati agad samin nung seller.

"Go ahead.. Pumili ka na.." nakangiting sabi pa sakin ni Maxwell at tinanguan ko naman sya at saka ako iiling iling na umikot sa kabuuan nung store.

Pano ako makakapili ng maayos nito!? Tsk! Bakit naman kasi dito nya pa napiling mamili! Nagkita pa tuloy kami! Badtrip! Nakakahiya! Ano na lang sasabihin nya kapag nalaman nyang kapatid nya ang pagbibigyan ko ng mga 'to!? Jahe!

"Here.."

"W-What this??" tanong ko nung iabot nya sakin ang isang papel.

"List of flowers that are available here.."

"I see.. t-thank you.." sagot ko pa at saka tinignan yun.

Hindi ko naman kailangan 'to!

Inilapag ko na lang sa kung saan yung list na inabot nya at saka nagtingin sa mga bulaklak.. Sumunod na naman sya!

"Would you mind if I help you??"

"H-Ha??"

"Of course you know Tulips.." biglang sabi nya habang nakaturo sa mga Tulips, mabilis naman akong tumango. "Tulip is one of the most cultivated flowers in the world as it is distributed from Southern Europe to Africa to Asia. Most of its hybrids are grown in pots and are a popular fresh-cut flowers.."

"Mmm.. This is Oriental Poppy.." nakangiting sabi nya na inamoy pa yun at saka ipinakita sakin. Namamangha naman akong inabot yun. "This plant thrives during droughts and summers because it totally sheds it foliage. The flower also comes in white, pink, red and mutlicolored.."

"I s-see.."

"Plumeria.." nakangiti na namang usal nya. "One of the sweetest flower you can ever smell.." sabay amoy ng bulaklak saka iniabot sakin at ako naman ang umamoy. Mabango nga! "The scent are very light and sweet.. isn't it?? You will likely to smell it again and again due to its unexplainable sweet scent. The flowers are very white with a little touch of yellow.."

"M-Mabango nga.."

"Mmm.." nakangiting tango nya pa. "This one's called Bleeding Heart.." biglang usal nya habang hinahawakan yung tangkay ng maliit na halaman na may hugis puso'ng nakabaliktad. Nagulat ako nung biglang matawa pa sya. "I don't think you would've wanna buy it.."

"A-Ahh hahahaha yeah.." natawa ring sagot ko.

Pangalan pa lang, pangit na hahahaha!

"Of course.. you're familiar with Roses.. Dahlia.. Daisy.. Delphinium.. Orchid.. Dicentra.. Callas.." nakangiting sabi nya pa na lumingon pa sakin!

Kalalaking tao andaming alam sa bulaklak!!!!

Gulat akong napatingin sa kanya at parang nabasa nya naman ang laman ng isip ko kaya bigla syang natawa!

"Don't get me wrong.." pigil ang tawa'ng sabi nya pa saka tumingin ulit sa mga bulaklak. "Hobby ng Lola ko ang magtanim ng flowers nung nabubuhay pa sya.."

"P-Pareho tayo.." sagot ko na inalala pa ang Lola ko ring pumanaw na.

"Really?"

"Mmm.."

"That's nice.." tatangu-tango pang usal nya.

"P-Pero h-hindi naman ako naging maalam sa bulaklak!" nakangusong sumbat ko pa.

"Hahahaha.. then we're different.. kasi ako.. marami akong nalaman tungkol sa bulaklak.."

Bading pa ata 'to..

"I said don't get me wrong.." nakangisi pang sabi nya.

"H-Hehehe.. d-don't worry.." palusot ko pa. "Tinuruan ka ng Lola mo??"

"Mmm.. actually.. saming tatlo'ng magkakakapatid.. ako lang ang naturuan nya pagdating sa bulaklak.."

"B-Bakit??"

"Si Pein.. ayaw nya ng gardening.. Pero mahilig yun sa nature-tripping.. Tsh.. she's weird.. Si Maxrill naman, mas lalong hindi interesado sa flowers.. Bihira kasi talaga sating mga lalaki yon.."

"E-Exactly.."

"Hahahaha.. pero ako natuto?" sabi nya na parang nag-isip pa. "Wala namang masama.. ang totoo.. nakakatulong pa nga.. Nakakawala ng stress.." nakangiting sabi nya na yumuko pa at inamoy ang isang bulaklak na nandon. "Here.. I suggest you to buy this.."

"W-What's this?" tanong ko.

"Juliet Rose.."

*LUNOK!*

"W-What's special about this flower??" tanong ko na inamoy amoy pa yun at mabango nga!

"Its uniqueness??" natawa pa kunwaring tanong nya. "Its unique and expensive.. very very expensive.. This particular flower took about 15 years to become a full grown flower and is the only of its kind flower in the world.." namamangha pang sabi nya at saka muling inamoy yun. "It can't be seen anywhere.. Baka nga sa buong Laguna.. dito mo lang makita ang mga yan ng ganyan kafresh.."

"Tama po sya.." biglang sabat nung seller na nakangiting lumapit pa samin. "Kami lang po ang meron nyan sa buong Laguna.."

"T-Talaga??"

"Yes Sir.."

Saglit ko pang pinagmasdan yun at unti-unti nga akong namangha sa ganda nun!

Angganda nga hehehehe.. bagay kay Taguro..

"For sure.. she'll like it.."

Napatingin akong muli kay Maxwell at nakangiti pa rin sya sakin!

"H-How can you be so sure??"

"Because I know her.."

"H-Ha??"

"Hahahahaha.. I know girls too well.. Simple'ng rose nga lang.. kinikilig na sila.. Yun pa kayang rare?? Tsh.. Go ahead.. buy it.."

"Y-Yeah.. Yeah.. hahaha.. I-I'll take it.." pigil ang tuwa'ng sabi ko sa seller at saka sya nakangiting tumango sakin.

"Just a minute Sir.."

"Thank you.."

Nung makaalis ang seller ay nagtingin tingin pa muli ako sa bulaklak na nandoon dahil nakakamangha naman talaga silang pagmasdan..

Gulat akong napatingin sa relos ko at...

"Demmit!" wala sa sariling sigaw ko.

"Why?" takang tanong naman ni Maxwell!

Hindi ko sya sinagot at napatingin lang ako sa kanya!

Hindi ko napanood ang laro ni Taguro!!! Badtrip!!!! Bakit ba kasi hindi ko naisip na alanganing oras na yung alis ko kanina?! Badtrip talaga oh!

"Hey? Is there a problem??" tanong ulit nya.

"I-It's okay.." inis na sagot ko at napabuntong-hininga pa.

Nung iabot sakin nung seller ang flowers ay binayaran ko agad sya.... ng MALAKI..

Ang totoo ay hindi ko rin inaasahan ang presyo pero.. wala naman sakin yun..

Basta para kay Taguro..

Pagdating sa Parking Lot nung Mall ay mas nagmadali na ako.

"O-Okay lang ba'ng mauna na ako? N-Nagmamadali talaga ako e??"

"Okay.." parang gulat pa ring tanong nya.

"Salamat talaga.. Thank you.."

"Mmm.. welcome.. and goodluck.." nakangiting sagot nya at nginitian ko naman sya saka mabilis na pumasok sa kotse!

Kahit magmadali ako ngayon wala na! Huli na! Hindi ko na sya mapapanood dahil malamang tapos na ang game nya! Badtrip!

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at ilang minuto lang ay nasa SIS nako! Kinausap ko ang guard na pagbuksan ako ng gate dahil ipapasok ko ang kotse ko at mabilis nya namang ginawa yun!

Pagdating na pagdating ko dun ay tinawagan ko agad sina Tob at Lee! Saka ako nagpatulong!

MAX'S POV

Anong oras na..

Hindi ko pa rin sya makita..

Wala akong choice kung hindi ang bumalik ng SIS..

Bago pa man ako tuluyang makarating sa room kung saan ko iniwan sila Naih kanina ay tumunog ang cellphone ni Naih.. Mabilis kong kinuha yun..

~Maxrill Calling. . . ~

Saka ko yun sinagot..

"Yoboseyo??"

"Eodieya??"

"I'm coming.. just a minute.."

"Arasseo----"

"Hello Max!?"

"Oh Naih?" sagot ko nung biglang agawin nya ang telepono kay Maxrill.

"Nasan ka na?"

"Parating na.. naglalakad nako e.."

"Dumeretso ka dito sa Gym.. Bilisan mo.. nandito na si Deib.."

"T-Talaga??"

"Oo!"

"S-Sige.." sagot ko at saka ko ibinaba ang cellphone. Saglit pa akong napahinto sa paglalakad ko dahil sa hindi maipaliwanag na bilis ng tibok ng puso ko.

King inang.. kung san san kita hinanap tapos mauunahan mo pa pala akong bumalik?! Tsk!

Inis akong nagtuloy sa paglalakad at salubong ang kilay kong pinasok ang Gym pero..

*BLINK!*BLINK!*BLINK!*

WALANG TAO!!!!

Naglakad pa ako hanggang sa gitna nung Gym pero wala talagang tao!

Siraulo talagang Naih yun!

Inis kong inilabas ang cellphone nya nung biglang..

Napatingala ako ng bigla kong marinig ang parang tunog ng gitara... Mahina pero parang malakas..

*CHECK OUT THE MULTIMEDIA!*

♫ ♪ "I don't know what he does to make you cry.. But I'll be there to make you smile.. I do have a fancy car.. but to get to you I'd walk a thousand miles..." ♪ ♫

Sensui????

♫ ♪ "I don't care if he buys you nice things.. Does his gifts come from the heart?? I don't know.. But if you were my girl.. I'd make it so we'd never be apart..." ♪ ♫

♫ ♪ "But my love is all I have to give.. Without you I don't think I can live.. I wish I could give the world to you, but.. Love is all I have to give.." ♪ ♫

♫ ♪ "When you talk-does it seem like he's not even listening to a word you say? That's okay babe, just tell me your problems.. I'll try my best to kiss them all away.. Does he leave when you need him the most? Does his friends get all your time? Baby please, I'm on my knees.. Praying for the day that you'll be mine!! But my love is all I have to give.. Without you I don't think I can live.. I wish I could give the world to you, but.. Love is all I have to give.." ♪ ♫

♫ ♪ "To you, hey girl, I don't want you to cry no more-inside.. All the money in the world could never add up to all the love.. I have inside, I Love You.. And I will give it to you.. All I can give, all I can give.. Everything I have is for you.. But love is all I have to give.. But my love is all I have to give.. Without you I don't think I can live.. I wish I could give the world to you, but.. Love is all I have to give.." ♪ ♫

Parang huminto ang paligid ko at si Sensui lang ang nakikita ko at boses nya lang ang naririnig ko..

Kumakanta sya ngayon sa harap ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko..

Nanatili akong nakatayo pero alam ko kung panong unti-unting nanghihina ang tuhod ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 143K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2K 82 9
Outbreak Series #1 [ the virus called numero : jevo & sia ] tvcn, 013024 | claudenella, 2024.
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!