CHAPTER 103 : INTERHIGH

4.9M 108K 249K
                                    

MAX'S POV

"Puwede bang tigilan mo 'yang pagtingin tingin mo sa 'min dalawa? Ang OA mo, eh. Tss." Saway ko kay Sensui dahil panay pa rin ang linga niya sa 'ming dalawa ni Daddy. "Tss. Kinausap mo 'tong taong 'to nang hindi nalalaman kung sino siya? Abnoy ka talaga, eh, 'no?" Sita ko pa sa kaniya.

"Eh, h-hindi ko naman a-alam na Daddy mo pa siya."

Hindi niya alam?

"Tss. Hindi mo pa rin dapat kinakausap ang taong hindi mo kilala, Sensui, bata pa lang ay itinuturo na 'yan. Hindi ka ba dumaan sa pagkabata? O hanggang ngayon ay bata ka pa rin?" Pang-aasar ko sa kaniya at sumama naman ang tingin niya habang nakanguso. "Hindi ba kami magkamukha sa paningin mo?"

Hindi agad siya nakasagot. Animong gulat pa ring pinagmasdan kaming dalawa ni Dad.

"H-Hindi ko napansin, eh," nakanguso pa ring tugon niya.

"Tss. Sa itinagal tagal mong nakatitig sa mukha ko, hindi mo pa napansin?"

"Hoy, Taguro--hindi sabi kita tinititigan!"

"Okay," palihim na nakangising tugon ko 'tsaka bumaling kay Dad. "Bakit naman kasi hindi mo sinabi sa kaniyang anak mo ako?" Taas-kilay na tanong ko.

Naramdaman ko namang humarap sa 'min si Sensui at tumutok sa isasagot ni Dad.

'Mukha siyang bata at mukha siyang tanga. Cute nga lang. Tss.'

"Sinabi ko naman sa kaniyang nandito ako para sa anak ko," inosenteng tanong ni Dad na nilingon pa siya. "Hindi ba, hijo?"

"Eh, sinabi naman pala sa 'yo, eh," pigil ang tawang baling ko kay Sensui.

"S-Sinabi niya nga pero hindi niya naman sinabing ikaw ang anak niya," napapahiya pa ring tugon ni Sensui.

"Eh, hindi mo naman pala sinabi sa kaniyang ako ang anak mo, Dad," baling ko kay Dad.

"Hindi niya rin naman kasi tinanong," natatawang tugon ni Dad.

"Eh, hindi mo naman pala kasi tinatanong--"

"Shut up!" Inis na singhal sa 'kin ni Sensui dahilan upang mapangisi ako. Namumula ang mukha niya habang balisa at napapahiya. "E-Eh, di mag-Daddy kayo kung mag-Daddy kayo! Tch!"

Natawa kaming pareho ni Daddy. "Para hindi ka nagkakaganiyan, hayaan mong ipakilala kita sa kaniya," nakangiting tugon ko 'tsaka humarap kay Daddy. "Ah, Dad, this is Deib Lahr Enrile--"

"Lohr 'yon!" Pagtatama niya sa 'kin. "Lohr--hindi Lahr! Deib Lohr Enri--"

"Eh, di ikaw na ang magpakilala!" Inis na pigil ko sa kaniya.

"I-Ikaw na! Magpapakilala na nga lang, mali mali pa!"

"Tss! Anong malay ko sa buong pangalan mo?"

"Ha! Eh, bakit ako? alam ko ang buong pangalan mo?"

"Malamang! Ikaw pa? Tss! Pabango ko nga ay alam mo, eh, pangalan ko pa kaya?" Mayabang na tugon ko at namula naman siya lalo.

"Ang tigas ng mukha mo--"

"Oh, tama na," pigil ko sa kaniya. "Namumula ka naman, eh. Uulitin ko ha? Dad," baling ko muli rito. "This is Deib Lohr Enrile. Tss. Ano? Tama na?" Sarkastikong tanong ko pero ngumuso lang siya.

"Hi, Deib!" Bati ni Dad na inilahad pa ang kamay sa kaniya.

Nag-aalangang inabot naman 'yon ni Sensui. "Hi...?"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon