CHAPTER 150

3.8M 77.9K 125K
                                    

DEIB'S POV

Namumula na naman ang mukha nya..

Tinitigan ko ang mukha nya at hindi ko mapigilan ang matawa dahil ilang na ilang sya!!!

"Bakit namumula ka??" natatawang tanong at siniringan naman nya ako.

"W-Wag mo kasi akong t-tignan.."

"Nauutal ka pa.."

"T-Tss.."

"Namiss kita.." mahinang sabi ko pa at lalo pa sya'ng namula!

Hahaha! Kinikilig sya..

Ang sarap sarap titigan ng mukha nya.

Kitang kita ko yung pagbabago ng reaksyon sa mukha nya at ultimong bawat kibot ng mga kilay at labi nya ay nakikita ko sa harap ko.

Halos mapabungisngis ako sa tawa.

Lalo akong lumapit sa kanya at umatras naman agad sya.

"Dito ka.. baka mahulog ka.." seryosong sabi ko pa at saka tumingin sa leeg nya dahil galaw ng galaw yun dahil sa sunod sunod na paglunok nya. "Natatakot ka ba sakin??" natatawang tanong ko.

"H-Hindi.." sagot nya.

Amoy na amoy ko ang mint at ramdam ko ang hininga nya sa mukha ko sa sobrang lapit namin.

"Wala naman akong gagawin sayo.." malumanay na bulong ko.

"A-Alam ko.."

"Hahahahaha.." mahinang tawa ko. "Taguro.. Hawak ko ang kamay mo.. Kaharap kita at lahat ng reaksyon mo ay nakikita ko.. Masyado rin tayong malapit kaya naman ultimong bulong mo dinig na dinig ko.. Ramdam ko ang nginig ng kamay mo, nakikita ko ang pagkailang sa mukha mo at naririnig ko ang tibok ng puso mo.. Kinakabahan ka.." natatawa munit seryosong bulong ko at kitang kita ko ang paglunok nya.

"Hanep sa pandinig ah?! Pati tibok ng puso ko dinig mo!? Amazing.."

"A-Ah.. E-Eh.. E-Eto! Eto!" mahinang singhal ko at ipinakita ko sa kanya ang kamay nya! "Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso mo dito! Wag ka ngang tanga.. Tch! Kinakabahan ka talaga aminin mo na!"

"N-Ngayon lang kasi a-ako t-tumabi sa lalaki.. p-pagtulog.."

"Mmm.. Maliban sa Mommy ko at Ate ko, ikaw pa lang rin ang nakatabi ko.."

"Malamang.. ako lang naman naging girlfriend mo.."

Nang-aasar ang dating ng tono at itsura nya!

Nung makita nya akong sumama ng tingin sa kanya ay dahan dahang nawala ang ngisi sa mukha nya kaya naman ako naman ang ngumisi!

"Tch! Pano ka naman nakakasiguro??" mayabang na tanong ko at sumeryoso sya ng todo! Pero hindi sya nagsasalita! "Sigurado ka bang... 'ikaw' lang talaga ang naging 'girlfriend' ko???" sarkastikong tanong ko!

Tignan natin kung sinong mas mayabang ngayon hehehehe!!

Pilit nyang hinigit ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko kaya naman glat akong pinigilan ang paghila nya.

"A-Ano?!" nakangusong tanong ko. "Hahawakan ko lang 'to.." sabi ko pa na mas hinigpitan ang pagkakahawak ng mga kamay namin.

Hindi na sya nagsalita at PUMIKIT na lang!

"M-Matutulog ka na??" napakahinang tanong ko.

"Mmm.."

"K-Kausapin mo muna ako.."

HE'S INTO HER Season 2Where stories live. Discover now