CHAPTER 130

3.7M 84.3K 107K
                                    

MAX'S POV

~FLASHBACK~

Uuwi na sana ako pero nung biglang magtraffic sa daan pauwi samin ay nagvibrate ang cellphone ko..

Kaya naman tumingin muna ako sa harapan bago ko kinuha ang cellphone ko..

Napakarami namang text at tawag nito?!

Hindi ko na binasa isa isa at yung huli na lang ang binuksan ko..

One Message Received
~Sensui~

Babe.. Please..
Promise, mawawala
lahat ng galit, inis at
badtrip ko sayo kung
magrereply ka sakin
at sasabihin mo kung
nakauwi ka na..
Please.. Kahit yan lang..
Hindi na ako magtatanong..
Sabihin mo lang saking
nakauwi ka na..
Matatahimik na ako..
Please.. I love you..
9:12pm.

Napailing ako at saka ko ibinulsa ang cellphone ko at saka nagtuloy sa pagmamaneho..

At natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa harap ng bahay nila Sensui..

What the heck, Maxpein?? What the heck??

~END OF FLASHBACK~

"Talaga?? Sa tingin mo bagay tayo??" tanong nya pa habang iniipit ako sa bisig nya.

"B-Bagay tayo k-kung b-bibitiwan mo ko---hindi ako makahinga, ano ba!" sigaw ko sa kanya at saka nakangusong tumingin sya mukha ko nung biglang bitiwan nya ako sa pagkakayakap!

Habol habol ang hiningang tinignan ko sya ng masama at saka ako napapikit.

"B-Bakit ba an h-higpit higpit parati ng yakap mo pag g-ganyang kinikilig ka?? G-Grabe ka.." utal utal na sabi ko pa. "Tsk.. parang nanakit ang sintido ko sayo.."

"E ang s-sarap mong yakapin kasi.. n-nakakagigil hehehehe.." ngingisi ngising sabi nya pa at saka ngumuso.

"Tss.. ewan sayo.." sabi ko pa habang pinipisil ang balikat ko.

"Alam mo.. kahit na sinong lalaki ay ganito ang gagawin sayo kapag ganyan kasasarap sa pandinig ang mga sinasabi mo.. Hindi mo alam kung anong ginagawa mo sakin, Taguro.. At ito lang yung paraan ko para mailabas kung ano man 'tong nararamdaman ko hahaahaha!" tuwang tuwang sabi nya pa at napakamot naman ako ng ulo.

"O sya sya.. tama na muna yan at baka maubos ang pampakilig ko.. Hehehehehe.. Uuwi na ako.. matulog ka na.."

"O sige.. hindi na ko mangungulit kasi masaya na ako sa ginawa mo sakin ngayong gabi hahahahaha.. Kahit tumagal ata ng isang buwan ang gabing 'to solb na solb ako dahil sa ginawa mo.."

Grabe naman kiligin 'to.. Tsk..

Umiling na lang ako at tumingin sa kabuuan ng mukha nya.

"Hindi ka ba pinagalitan dyan sa sugat mo?" tanong ko na itinuro pa ang gasa sa noo nya.

"Tinanong ako pero.. hindi naman ako pinagalitan.. Hehehehe.. Nalaman na rin naman nila yung nangyari dahil sinabi ni Lolo.. Buti na nga lang at hindi sinabi ni Lolo y-yung g-ginawa mo kay Choco.."

Hindi ako nakasagot sa kanya.

Munit gulat akong napatingin sa kanya nung biglang kunin nya ang kanang kamay ko at pagmasdan ang mga buto niyon!

"Ang lakas mo'ng manuntok.. babae ka ba talaga??" natatawa munit seryosong tanong nya, kaya naman napilitan akong ngumiti. "Hanggang ngayon, namumula pa rin 'tong kamay mo, sa sobrang lakas ng pagkakasapak mo.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon