CHAPTER 112 : INTERHIGH

5.7M 115K 446K
                                    

MAX'S POV

♫ ♪ "To you, hey girl, I don't want you to cry no more-inside.. All the money in the world could never add up to all the love.. I have inside, I Love You.. And I will give it to you.. All I can give, all I can give.. Everything I have is for you.. But love is all I have to give.. But my love is all I have to give.. Without you I don't think I can live.. I wish I could give the world to you, but.. Love is all I have to give.." ♪ ♫

Parang huminto ang paligid ko at si Sensui lang ang nakikita ko at boses nya lang ang naririnig ko..

Kumakanta sya ngayon sa harap ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko..

Nanatili akong nakatayo pero alam ko kung panong unti-unting nanghihina ang tuhod ko..

Bakit nya ba ginagawa 'to?

Hindi ko talaga maintindihan kung anong mararamdaman ko..

May nakakatuwang pakiramdam..

May nakakakilig rin naman..

Pero lamang na lamang ang hiya at ilang na nararamdaman ko!

Hindi ko inaasahang ganito kahapit ang gagawin nya..

Nang matapos ang kanta..

Napabuntong-hininga ako at tumingin ng deretso sa kanya..

Mahigit dalawang metro rin ang layo ko sa kanya..

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko pero pilit kong itinatago yun dahil ayaw kong makita nya..

Nakangiti sya habang hinahabol ang hininga dahil nagsususumayaw rin sya habang kumakanta..

Nakatingin kami sa isa't isa nang biglang mag-umpisa syang nakangiting maglakad papalapit sakin..

Now this is great.. what the heck should I do....???

Napatingin ako sa floor ng Gym na yun at pakiramdam ko ngayon ay blangko ang paligid at kaming dalawa lang ang nandoon kahit na ang totoo, maliban saming dalawa ay maraming gamit ang nandon tulad na lang ng billiard tables.

Hindi ko sya tinitignan ng deretso pero alam ko kung nasaan na sya.. nakikita ko sya sa isang bahagi ng paningin ko na papalapit sa akin..

At habang papalapit sya ng papalapit.. pabilis rin ng pabilis ang tibok ng puso ko..

Hanggang sa..

"E-E-Ehem.." kunwari pang ubo ko at saka bumuntong-hininga nung tuluyang makalapit sya.

"Eheeeeemm.." pang-asar na ubo nya rin at saka ngumisi pa. "Wala ka bang mga kamay?? Pwede mo kong palakpakan.." matamis ang ngiting biro nya pa at mas nailang naman ako sa mga titig nyang yun.

Iiling iling akong naiiwas ang paningin sa kanya dahil aminado ako sa sarili kong hindi ko alam talaga kung anong gagawin ko dahil hindi ko naman inaasahan 'to.. hindi ko inaasahang gagawin nya 'to..

"Ano?? Hahahahahaha.. Speechless??" pang-aasar nya pa.

"Tss.."

"Hahahahahaha! You're speechless.." nakangiting pang-aasar nya pa!

*CLAP!**CLAP!*

PUMALAKPAK ako ng bongga at nagulat naman sya! Salubong ang kilay nyang tumingin sakin at nginisian ko naman sya.

"Palakpak lang pala e.. eto pa.."

*CLAP!**CLAP!*

"Ano? Nagustohan mo ba yung kanta ko.... para sayo??" nakangiting tanong nya pa at napaisip naman kunwari ako bago sumagot.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon