MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG...

By jhuennstorm

39.2M 910K 52.9K

Si Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yat... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
author's note;
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
A night before ally's birthday
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 86
♥♥special note♥♥
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
PASILIP SA BOOK 2
thank you!
editing
book two
RF/FC
Book na siya.
MIBF
Dreame

CHAPTER 85

306K 7K 583
By jhuennstorm

FRITS'S P.O.V.

"Kumusta ka na anak?" Bungad sa'kin ni Mommy. Nakatulog pala ako. Marahil nilagyan ng pampatulog ang tinurok sa'kin, may bandage ang ulo ko at ang kanang braso ko, marahil siguro sa paghampas ng dospordos sa'kin.

"Ally..."

Nagmadali akong bumangon. Gustong kong makita si Ally, kaya kahit masakit pa ang paa at braso ko. Mabilis akong tumayo.
Tinanggal ko ang mga nakakabit sa kamay ko.

"Frits, wag kang umalis!"

Nilingon ko si Mommy. "Mom, Walang-wala ito sa sa'kit na nararamdaman ni Ally ngayon Mom," bago pa tumulo ang luha ko. Agad akong tumalikod kay Mom, at lumabas na ako ng kwarto.

Pa-ika-ika ang paglalakad ko, buti na lang malapit lang ang Operating Room. Nakita ko roon ang mga kaibigan ko, sila Tita Carmin. Naroon na rin nag-aantay sila sa paglabas ng Doctor.

"Kamusta na si Ally?" Bungad kong tanong sa kanila.

Tumayo si Dianne. At yumakap sa'kin habang ang mga luha nito ay walang patid ang pag-agos, Niyakap ko siya. Upang kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"Frits, Si Ally."

"A-Anong nangyari kay Ally?" Kinakabahan ako. Sa lahat ng sitwasyon ito ang pinaka-ayaw kong maranasan. Pero nangyari sa'kin, hindi ko maipaliwag pero. kusang tumulo ang luha ko, ang hirap na ang taong pinakamamahal mo nasa bingit ng kamatayan.

"Limang oras na. Pero hindi pa lumalabas ang mga Doctor," tiningnan ako ni Dianne.

"Frits, natatakot ako, natatakot akong Baka hindi kayanin ni Ally." ani Dianne, humagulgol siyang umiyak.

"Ssshh! kaya 'yan ng Wife ko, matapang iyon, hindi ako no'n i-iwan. Hindi tayo no'n i-iwan," sabi ko kay Dianne.

Lumapit sa'kin si Teo, at inakbayan ako. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala para kay Ally.

"Halika na muna Frits. Umupo ka muna. Alalahanin mo may injury ka pa,"

Tumango ako. Pagkatapos inalalayan niya ako upang makaupo. Napansin ko sa mga kaibigan namin na halos lahat ay mugto ang mga mata,

Yumuko ako. At nangdasal.

"God, alam kong marami akong naging kasalanan sa'yo. Hindi rin ako palaging dumadalaw sa'yo. Nagsusumamo at lumalapit ako sa inyo, maawa na po kayo. iligtas niyo po si Ally. Mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po kakayaning mabuhay ng wala siya. Iligtas niyo po siya please.. salamat po panginoon.

Pagkatapos kong magdasal. Matama kaming naghihintay sa Operating Room. Dumating na rin ang ibang kaibigan ni Ally.

"Limang oras at kalahati na. Hindi pa rin lumalabas ang mga Doctor." Basag sa katahimikang sabi ni Tita Carmin.

Tumingin lang kami kay Tita Carmin.

Pagkatapos umiyak na ito. "B-Baka kung anong mangyari na kay Ally."

"Mom, Stop it! Makakaligtas si Allyson." sabad ni Luke.

Yumuko ako. hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapang may nangyaring masama kay Ally, ako dapat ang nandiyan. Ako dapat ang nakiki-paglaban kay kamatayan.

Biglang bumukas ang pintuan ng Operating Room. lumabas doon ang isa sa mga Doctor na nag-opera kay Allyson, agad kaming lumapit sa kanya.

"Doctor, kumusta na po si Ally?" Tanong namin.

Tinanggal ng Doctor ang facemask niya at humarap sa'min.

"Successful ang operasyon sa kanya."

Nakahinga kami ng maluwag,

"Ngunit—?"

Muli kaming napatingin sa Doctor at inaantay ang ano pang sasabihin niya.

"Ngunit hindi namin alam kung kailan siya  magigising. I'm sorry."

"Fuck!" Hinawakan ko ang kwelyo ng Doctor. "Niloloko niyo ba kami?? Sabi niyo successful ng operasyo tapos hindi niyo alam kung kailan siya magigising?!"

"Frits! Itigil mo 'yan!" sigaw ni Luke.

"I'm sorry for the Relatives of the patient, tatlong bala ang tumama sa katawan niya. Tumama rin ang ulo niya kung saan. Kung hindi siya magigising with in 36 hours, mako-comatose siya. At hindi namin alam kung kailan siya magigising," paliwanag ng Doctor.

"Magkano! Magkano ang kailangan niyo?! Sabihin niyo! Isang million? Sampung million?! Sabihin niyo, iligtas niyo lang si Ally!"

"Tama na 'yan Frits." Saway sa'kin ni Luke.

Muli akong tiningnan ng Doctor,
"I'm sorry, pero Hindi kayang bilhin ng Pera niyo ang buhay ng mahal niyo, ginawa na namin ang lahat ng magagawa namin. Sa ngayon hindi pa siya pwedeng bisitahin, kailangan po siyang obserbahan, maiwan ko na po kayo." sabay alis ng Doctor.

"Fuck!"sinuntok ko ang pader.

"Frits, ang kamay mo!" sigaw ni Dianne, nasugat kasi ang kamay ko dahil sa pagsuntok ko sa pader.

Umiiyak ako nang umiyak, ang hirap tanggapin sobrang sakit.

Lumapit sa'kin si Mom at niyakap ako. "Anak, pagsubok lang ito ng panginoon, wag kang sumuko. Narinig mo ba sinabi ng Doctor. Critical ang condition ni Ally, pero lumalaban siya. Lumalaban siya dahil alam niyang may nag-hihintay sa pag-gising niya, dapat ikaw din wag kang sumuko. Lumaban ka rin," mahabang paliwanag ni Mom.

Umiyak ako sa mga balikat ni Mommy, "Mom, P-Paano kung mapagod na siya? Ayokong mangyari iyon, ikamamatay ko, ayokong mawala siya sa'kin. Hindi ko kakayanin."

"W-Wag mong isipin 'yan. Think positive okay," ngumiti pa si Mom sa'kin," pagdasal nating magiging okay ang lahat."

Tumango ako. At muli akong umiyak kay Mommy. Parang hindi ko na kayang harapin pa ang mga pagsubok na ito. Nakakainis napakahina ko. Ang sakit-sakit, lalo ng makita mo ang mahal mo na hirap na hirap.

***

After one day, pwede na naming dalawin si Ally, at dahil hindi pwedeng marami ang papasok sa loob. Ako at si Tita Sheena lang ang pwedeng pumasok.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng room. Tumulo na agad ang luha ko. Ang bigat ng kalooban ko at ang sakit-sakit na makita kong walang malay ang pinakamamahal ko. Lumapit ako sa tabi niya, hinawakan ko ang kamay niya at hinalik-halikan ko ito.

"Wife, gumising ka na, Isang araw ka nang natutulog diyan. Gumising ka na. Miss na miss na kita, na miss ko na ang mga ngiti mo," pinunasan ko ang mga luha ko sa mga mata ko.

"W-Wife ko, lumaban ka, ha! Wag mo akong iiwan. Hinding-hindi kita mapapatawad kapag iniwan mo akong mag-isa, susundan kita akala mo."

Tapos tiningnan ko siya. Wala pa rin siyang malay. Lumapit ako sa kanya at hinimas ko ang buhok niya. Pagkatapos hinalikan ko siya sa pisngi. Ang sakit-sakit parang nadudurog ang puso ko. Hindi ko napigilang humagulgol.

"Ally..."

Lumapit sa'kin si Tita Sheena, para i-comfort ako. Pero wala na yata pwedeng makaka-alis ng bigat sa dibdib ko. Kundi ang makitang magising si Allyson.

"A-Ally,  I-I'm sorry kung naging duwag ako. Gusto kong saktan ang sarili ko. Napakahina ko. Ang duwag ko, Wife. Gumising ka na diyan, promise ko sa'yo bawat oras pasasayahin kita. Mahal na mahal kita Allyson Ramirez Santiago. Nakikiusap ako sa'yo... lumaban ka."
Tapos umiyak ako nang umiyak, pagkatapos tumakbo ako palabas nagagawa ko nakasing tumakbo dahil hindi na masyadong maga ang mga paa ko, tumakbo ako ng tumakbo. Hinabol ako ni Tita Sheena pero hindi ako nagpa-abot. Hanggang sa may na daanan akong isang maliit na kapilya sa loob ng Hospital.

Pumasok ako sa loob. "Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa'yo."

"Hindi ko alam kung naririnig mo pa ang mga dasal ko. Bakit? Bakit kailangan mo'ng pahirapan ang pinakamamahal ko? Hindi naman ako makasalang tao. Hindi ako masama! Bakit kailangan mo akong parusahan ng ganito? Sobrang sakit."

Nagmistulang waterfalls ang mata ko dahil sa walang patid ang pag-agos ng mga luha ko, habang hirap na hirap kong bigkasin ang mga salitang iyon dahil sa nararamdaman kong sakit.

"Sabihin mo nga! Bakit? Bakit si Ally pa? Bakit siya pa? Pwede naman ako! Ako ang may kasalan bakit siya ang pinahihirapan mo! Ako na lang sana... Ako na lang dapat. Lumuhod ako sa gitna, habang hagulgol sa pag iyak.

"Nakikiusap ako sa'yo... kahit ngayon lang. Iligtas mo si Ally, wag mo siyang kunin sa'kin, hindi ko kaya, wag mo na please! Wag mo na... " sabay hagulgol ko ng malakas. Ang sakit-sakit talaga ng nararamdaman ko. Ang bigat sa kalooban. Parang lahat ng nasa paligid ko hindi naayon sa gusto ko.

Mayamaya biglang may umakbay sa'kin, napalingon ako.

"Dad," anas ko.

Iniabot niya sa'kin ang panyo, at inilalayan niya akong makaupo,
Pagkatapos humarap siya sa'kin, at ginulo niya ang buhok ko.

"Hindi ka na pogi! Iyakin ka talaga."

"Daddy..."

Nakatingin kami sa altar ng kapilya, saglit na katahimikan at pagkuwa'y muling nag salita si Daddy.

"Naramdaman ko na 'yang nararamdaman mo anak," panimula niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Sabi sa'min ng Doctor dati hindi na pwedeng magsilang ng bata ang Mommy mo dahil kapag nag-buntis siya maari niyang i-kamatay, kaya nag-iingat ako no'n na hindi siya mabuntis. Mahal na mahal ko ang Mommy mo. Mas mahalaga siya sa'kin, kahit wala kaming anak. Pwede naman kaming mag-ampon, pero hindi pumayag ang Mommy mo. Noong nalaman niyang buntis siya tuwang-tuwa siya. Hindi ko gusto iyon dahil alam kong buhay ang kapalit no'n, ako mismo ang gumagawa ng paraan para malaglag ka sa sinapupunan ng Mommy mo." lumingon pa ito sa'kin," patawarin mo ako. Pero nang mga panahong iyon, mas gusto kong mabuhay ang Mommy mo kaysa sa sa'yo na pinagbu-buntis niya, nang malaman niyang gustong-gusto kong malaglag ang bata. Nagalit siya sa'kin, sabi niya. Kung ayaw kong mabuhay ang bata iiwan daw niya ako. Gagawin niya ang lahat mabuhay lang ang bata at ikaw iyon, kapag gumawa raw ulit ako nang hindi maganda. Magpapakamatay siya, alam kong hindi nagbibiro ang Mommy mo. Kaya kahit tutol sa loob ko. Wala akong choice kundi ang pagbigyan siya. Sa Amerika ko siya dinala dahil mas mababatayan siya do'n at ma-alagan. Habang lumalaki ang tiyan ng Mommy mo. napapadalas ang pagdala namin sa kanya sa hospital. Hanggang sa dumating ang araw ng pagsilang mo, 40% lang ang chance na mabuhay ang Mommy mo at 50% lang ang chance na mabuhay ka. Pareho kayong nasa bingit ng kamatayan. Nang mga oras na iyon hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na dinadala ang mga paa ko sa loob ng Simbahan. Taimtim akong nagdasal sa kanya. Pagkatapos kong lumabas ng simbahan. Nakatanggap ako ng tawag mula sa Lola mo. Sabi ligtas daw kayong dalawa ng Mommy mo," ngumiti siya sa'kin, matapang ka anak. Baby ka palang lumalaban ka na, wag mo'ng pagdudahan si God, dahil alam kong may dahilan kung bakit niya ginagawa 'yan sa'yo, magtiwala ka lang sa kanya." Sabay ngiti.

Sinalubong ko ang tingin ni Daddy.

"Paano kung kunin niya sa'kin si Ally. Daddy hindi ko kaya."

"Hinding-hindi mangyayari iyon, nakikita mo ba si Allyson? Lumalaban siya. Kaya magtiwala ka sa kanya at kay God,"

Tumango ako. Kahit papaano naibsan ang sakit na naramdaman ko. Pagkatapos niyakap ko si Daddy.

"Daddy thank you."

"Walang anuman," tapos ngumiti siya sa'kin.

Kasama ko ngayon si Dad, sa puntod ng magulang ni Ally. Pagkatapos kasing matanggap ni Ally na wala na talaga ang magulang niya. Pinagawan na namin ito ng puntod. Naroon ang mga abo ng magulang niya.

"Hello po Tita and Tito, sabi ko, habang nasa harap ako ng puntod.

"Tatlong beses pa lang akong nakakadalaw sa inyo. Alam kong masaya na kayo diyan sa langit, nakikiusap po ako sa inyo. Wag niyo mong kunin sa'kin si Ally."

Muling tumulo ang luha ko. "Alam niyo kasi Tita and Tito hindi pa ako nakakabawi sa mga kasalanan ko sa kanya, gusto kong bumawi. Mahal na mahal ko ang anak niyo. Wag niyo munang siyang kunin sa'kin. Ako na lang ang mag-aalaga sa kanya rito. Nakikiusap ako sa inyo, ipahiram niyo muna siya sa'kin si Ally, pangako ko sa inyo mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko, Tita and Tito nakikiusap po ako sa inyo na kulitin niyo naman diyan si God para sa'kin, pakisabi naman sa kanya na wag niya munang kunin si Ally sa'kin, Hayaan niya muna sa'kin si Allyson. Please"

Ilang minuto rin kaming nasa puntod ng magulang ni Ally, pagkatapos kong kausapin ang magulang ni Ally muli akong bumalik sa Hospital.

Sinalubong ako roon ni Tita Sheena at ni Mommy. "Umuwi ka na muna anak. Mag-pahinga ka na muna." Sabi ni Mommy.

Tiningnan ko si Mom. "Okay lang ako Mom, don't worry."

"Pero hindi ka pa lubos na magaling. Alalahanin mo ginagamot ka pa. Wag mo'ng pabayaan ang sarili mo."

"Tama ang Mommy mo Frits. Magpahing ka na muna, kami na ang bahala rito," ani Tita Sheena.

"Pero gusto kong nasa tabi palagi ni Ally. Hanggang sa magising siya."

"Nandito naman kami. Marami kaming magbabantay dito. Sige na Frits magpahinga ka na." Muling sabi ni Tita Sheena,

"Pero—"

"Kami ng bahala rito Frits, magpahinga ka na."

Napalingon ako. Tinig iyon ni Luke. Papalapit siya sa'min, kasama niya si Mhady.

Tinitigan niya ako ng masama. "Tandaan mo! Kaya siya nandiyan, dahil iniligtas ka niya, kaya wag mo'ng sayangin ang paghihirap niya!" Mariing sigaw ni Luke.

Hinawakan ni Mhady si Luke sa Braso. "Stop it Luke. Nahihirapan din naman si Frits," saway ni Mhady.

Yumuko ako. At muling umiyak.

"Pare-pareho tayong nahihirapan at nasasaktan dito. Alam ko ang nararamdaman mo Frits, kaya na-iinis ako sa'yo dahil habang nahihirapan si Ally, ikaw naman sinasayang mo ang buhay mo na sinikap na sagipin ni Ally, kahit buhay niya ang kapalit!" ani Luke.

Sinalubong naman ni Luke ang tingin ko sa kanya. Bakas sa mata niya ang matinding galit at kalungkutan.

"Luke, i'm sorry! Tama ka nga kailangan kong ingatan ang buhay ko ngayon, salamat." tumingin ako kay Tita Sheena at Mommy, "Tita Sheena, Mom, kayo na muna ang bahala rito. I-text niyo agad ako kapag may problema. Uuwi na muna ako ng bahay para magpahinga."

"Mabuti naman anak."

"Magpapaalam muna ako kay Ally," nagtungo ako sa loob upang magpaalam kay Ally pagpasok ko naroon si Dianne at Zyrus, Tiningnan nila ako.

"Magpapaalam muna ako sa Wife ko.  Uuwi muna ako." Sabi ko sa kanila. Tumango sila, tapos lumapit ako kay Ally, yumuko ako at hinawakan ko ang pisngi niya at masuyo kong hinalikan siya sa noo. Pilit kong itinatago ang mga luha ko.

"Aalis muna ako Wife ko, babalik agad ako bukas, sabi kasi nila alagaan ko rin ang sarili ko para sa'yo, mahal na mahal kita Ally, wag na wag kang susuko, makakaya natin ito." Kausap ko sa kanya. Ini-angat ko ang mukha ko, upang wag matuloy ang pag-agos ng luha ko, pagkatapos muli akong humarap sa dalawa at nag-paalam,

Tumango sa'kin si Dianne at Zyrus, samantalang si Dianne. Hindi napigilan ang mapaluha.

Pagkalabas ko ng pintuan. Huminto ako saglit. Huminga ako ng malalim.. tatlong beses kong ginawa iyon.

"Kaya ko ito, kaya namin ito."

Tapos muli akong naglakad palabas ng Hospital.

Continue Reading

You'll Also Like

312K 5.6K 48
Ranked #39 in Romance Hahaha kaya ba ayaw mong mag seryoso? Kasi natatakot kang maiwan? Nakangating sambit niya pero alam mong seryoso siya. Mali na...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
19.2M 456K 101
We both inlove.. hindi na namin mabilang ang salitang i love dahil araw-araw naming sinasabi sa isa't-isa ang mga katagang iyon, nagkakatampuhan min...