Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 27

485K 14.3K 6.8K
By alyloony

Chapter 27


[Ice's POV]


"Hay nakakainis talaga!" nakasimangot na sabi ni Timi habang nagmamaneho siya.

Napatawa ako ng mahina. Halata kasi na frurstated na frustrated siya. Lahat kasi ng pinuntahan naming restaurants eh sarado na. Halos 12 midnight na rin kasi at karaniwan mga fastfood chains na lang ang nadaraanan namin.

Sa inis niya ang bilis niya mag maneho.

Sabin a dapat hindi na ako nagpadala sa pangungulit niya. Nung sinabi niyang siya ang mag d-drive ng kotse, dapat hindi ko hinayaan na matalo ako.

Mukhang kaskaserang driver ito pag pikon.

But I find it really amusing.

"What's funny?!" irita niyang sabi sa akin.

Napaayos agad ako ng upo at pilit kong inalis ang ngiti sa labi ko.

"W-wala po. Wala."

Nag pout siya habang nakatingin sa daan. Naglaho na lahat ng will ko na manatiling poker face. Napangiti na lang ulit ako sa kanya.

Bakit ba mga simpleng expressions niya lang eh nagagawa na niya akong pasiyahin?

"Past midnight na rin kasi kaya sarado na sila," sabi ko. "Gutom ka na ba? Gusto mo mag drive thru na lang tayo?"

Umiling siya pero nakasimangot pa rin siya.

Napangiti ulit ako.

Pwede ko na bang i-assume na kaya naiinis siya ng ganyan ay dahil sa gusto niya akong makasama kumain sa labas ngayon? Alam kong ang taas ng pangarap ko ngayon. Pero okay lang.

Sobrang saya ko naman talaga.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong ni Timi

Napatingin ako bigla sa kanya. Diretso lang ang mukha niya sa kalsada. Poker face lang siya.

Samantalang ako... I'm grinning like an idiot here.

"Wala. Free day ko tomorrow. Pwedeng bukas na lang tayo mag dinner if you like. Kung gusto mo kahit breakfast and lunch din. My treat!" pangunguna ko na sa kanya. Mamaya magbago pa ang isip niya kaya ako na ang nagyaya.

Nakita kong napangiti rin ng malawak si Timi.

"Not that."

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko.

Eh? Hindi raw yun? Eh ano? May iba ba siyang gustong puntahan o gawin? Nagbago na ba isip niya?

Ayaw na ba niya lumabas kasama ako?

Bakit ba kasi sarado mga restaurant ngayon!

"W-what do you mean?" tanong ko.

Please wag mong sabihing nagbago ang isip mo. Please sana lumabas pa rin tayo bukas. Please please.

Kung hindi gagawa talaga ako ng paraan ngayong gabi!

Please.

"Tinatanong ko kung may gagawin ka bukas kasi baka mapuyat ka ngayon gabi."

Nanlaki mata ko dahil sa sinabi niya.

"M-mapuyat?"

"Oo. Mapuyat," seryoso pa rin niyang sabi.

Napalunok ako.

What is she talking about?

Napalingon ako sa dinaraanan namin. Nagiging pamilyar na yung way.

Napalunok ulit ako.

"Uhmm.. Timi... y-yung dinadaanan natin 'di ba ito yung way papunta sa...?"

"Sa condo namin ni Rika. Hindi makakauwi ng maaga si Rika."

Napatahimik ako. Parang biglang umakyat ang dugo sa ulo ko.

Buti na lang madilim.

Buti hindi masyadong kita ang mukha ko.

Nakakabakla ang itsura ko ngayon sa totoo lang.

Shit Ice. Ba't kailangan mamula ng mukha mo?!

"May energy ka pa naman 'di ba?" tanong ni Timi.

Napapikit ako.

"Uhmmm.. Timi... alam mo naman na ginagalang kita 'di ba?"

At ayokong gawin agad yun.

Joke lang. Syempre gusto kong gawin yun. I love her so much!

Pero masaydo atang mabilis? Masyadong maaga? Hindi sa nagrereklamo ako. Pero hindi ba siya nagpapadalos-dalos lang ng desisyon? Sure ba siya diyan? Baka patayin ako ng daddy niya. Pero syempre hindi naman ako aayaw kaya lang kasi...

...fuck, ang hirap ng walang experience.

Napalingon ako kay Timi. Diretso pa rin sa daan ang tingin niya.

BUT SHE IS BITING HER LOWER LIP.

Oh god, woman! What the hell are you thinking? Why are you doing this to me?! Seriously?!

Napaiwas agad ako ng tingin. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ang kamay ko.

I heard her giggled.

"Don't worry Ice. Magugustuhan mo yung gagawin ko," she winked at me.

I think I am going to have a heart attack.


~*~


[Timi's POV]


Ang epic! Ha! Ang epic talaga!

Akala mo Monasterio ha! Ha! Akala mo talaga ha!

Nakabawi rin ako sa lahat ng paghahabol ko sa'yo noon! Yung mga pandededma mo sa akin nung high school tayo! Ha! Bawing bawi ako ngayon!

Kanina sa kotse nagpipigil ako ng tawa habang kausap ko si Ice. Alam kong iba ang iniisip niya. Halata ko sa kilos niya na kinakabahan siya. Pero sa totoo lang, ang gagawin ko lang naman ay ipagluluto siya. Yun lang.

Nakakatawa siya panuorin eh. Akala mo lalaking walang experience.

Pero... may experience na kaya siya? Nagawa na niya kaya ang bagay na yun? Sa inasta niya kanina parang hindi pero...

Hmmm..

"Maluluto na ba ang dinner ko?" dinig kong tanong ng mahal na hari.

"Eto na po!"

Naka-ngiti kong inilapag sa harap ni Ice ang cowboy casserole na ginawa ko. Ngiting-ngiti naman niya itong tinikman.

"The best!" sabi niya.

"Bola. Palibhasa nanliligaw."

Ibinaba ni Ice ang kutsara na hawak niya at ngiting-ngiti niya akong tinignan.

"Ibig sabihin tinatanggap mo na na nanliligaw ako sa'yo?"

"May makakapigil pa ba sa'yo? Pabebe ka eh."

Napayuko si Ice habang ngingiti ngiti.

Napangiti rin ako.

Iba pa rin pala pag kaya ko nang aminin sa sarili ko na...

....bwiset! Gwapong-gwapo ako sa lalaking 'to!

"Ice, ligaw lang ah? Hindi pa yung katulad ng iniisip mo sa kotse kanina."

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at grabe na namang namula ang tenga niya hanggang sa leeg niya.

Ha! I knew it!

"W-wala akong iniisip na kakaiba!"

"Deny pa more!"

"Wala talaga ah? Ano naman iisipin ko?"

"Ba't namumula ka?"

"Mainit?"

"Wow! Nahiya naman ang aircon ko sa'yo!"

"Eh kasi naman eh.. ba't ka ganun magsalita.. tas may pa lip bite, lip bite ka pa. Tas tatawa ka pa ng seductive. Tas kikindatan mo pa ako," he mumbled habang nakayuko at namumula pa rin.

Napahagalpak ako ng tawa.

Nasaan na ang Ice na full of confidence at cocky?!

Ngayon alam ko na kung ano ang magpapatiklop sa kanya!

"D-don't laugh!"

"Seriously Ice! You're acting like na parang wala kang experience! Totoy?!" tawang tawa kong sabi.

"Wala nga talaga."

Bigla akong natigilan sa pagtawa. Ice is looking at me seriously.

"W-weh..?"

"Oo. Wala nga talaga. I'm not shy to admit that. I'm just waiting for the right person. At ngayong nasa harapan ko na siya, I'll just wait for the right time."

Nag lean forward si Ice sa bar counter papalapit sa akin then he whispered in my ear.

"At pag dumating na ang right time, patay ka talaga sa akin."

Napalunok ako.

Kakabahan ba ako o maeexcite?


~*~


Erin's Journal


(First year highschool)

Pumasok ako nang may tatlong kalmot sa likod ng tenga ko hanggang sa leeg ko. Paano sumugod na naman ang tunay na asawa ni Mr. Monasterio sa bahay namin at ako na naman ang napagdiskitahan.

Ang laki talaga ng galit niya sa akin. Kada nakikita niya ako nagdidilim ang paningin niya.

Dahil ba kamukhang kamukha ko ang asawa niya?

Kasalan ko ba yun? Pinili ko ba kung ano ang magiging mukha ko?

Pero kahit sinaktan niya ako, hindi ako umiyak sa harapan niya. Gusto ko siya lalong inisin at ipakita na wala akong paki sa nararamdaman niya.

Pero sa totoo lang, inis na inis ako. Nagagalit ako. Wala siyang karapatan na saktan ako. Wala siyang karapatan na pag bitiwan ako ng masasakit na salita.

Wala.

Nung pagpasok ko, busy si Timi sa pagkwento sa bago niyang crush. Hindi ako makapag concentrate sa sinasabi niya. May paulit ulit kasing tanong sa isip ko.

Timi, hindi mo ba nahahalata ang sugat sa leeg ko?

Hindi mo ba nahahalata ang ikinikilos ko?

Hindi ka ba aware na parang gugunaw ang mundo ko ngayon?

Timi. Pwede bang ako naman ang pagusapan natin kesa ikaw?

Hindi ka ba interesado sa akin? Ba't hindi ka nagtatanong?

Wala ka bang paki?

Itinulak ko sa kadulo-duluhan ng isip ko ang mga thoughts na yun. Hindi. Ayokong pagisipan ng masama si Timi.

Kaibigan ko siya.

Nagiisang kaibigan ko.

Ibabaon ko na lang 'to sa hukay.

Afterall, natatakot ako sa magiging reaction niya pag nalaman niya ang mga nangyayari sa buhay ko.

Ayokong layuan niya ako.

Mas mabuti na nga 'to.

Tama.

Mas mabuti na 'to.

~ Erin


~*~


Aly's Note:


Hallo guys! Sorry medyo natagalan ang update. Nagkasakit kasi si author. Actually hanggang ngayon pero 'di mawala sa isip ko yung update kaya nagsulat na rin ako :D 

Sa mga readers ko na nakakaintindi at patuloy akong sinusuportahan at patuloy na nag aantay, thank you po. <3 Kayo ang dahilan kung bakit 'di ko binibitiwan ang pagsusulat sa Wattpad. 

Sa mga hindi naman nakakaintindi at sinusumbatan na ako sa ask.fm ko..... bahala na kayo sa gusto niyong isipin. Pagod na akong mag-explain ng side ko. Hahaha. *flips hair* Suggest ko na lang na basahin niyo na lang kaya 'to pag finished na kesa inaaway niyo ako lagi? T__T (I'm doing my best here! Nandyan lang kayo at nakaupo at nagiintay. Ako yung naghihirap >.<)


By the way po guys, malapit nang matapos ang Game Over. Kung ilang chapters na lang...SECRET. Magugulat na lang kayo na last chapter na pala. XD

Isusunod ko na ang story nina Aiscelle - Jasper - Nica. Actually may nagawa na akong teaser prologue. Hindi ko lang alam kung dapat ko na bang ipost o wag muna. Since after pa naman ng Game Over ko ipopost ang Chapter one nun.


Pero kayo po mag decide. Should I post the teaser na kahit after pa ng Game Over ang first chapter?


Yes

or

No


Comment your answers po (in line). Sa may pinaka maraming votes ako magbabase. Thank you <3


At sa mga nagtatanong kung ano ang ibig sabhin nito "~*~" .. lol.. breaker lang po yan. Pang divide if mag j-jump ng scene. No deeper meaning. Wag seryosohin hahaha.


- Aly A.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
13.3M 351K 96
Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed]
1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"
30.8K 289 6
The reason why I'm writing.