Ang Suplado Kong Boyfriend .℘...

By prettylittlemiss

1M 20.2K 1.4K

( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anth... More

Ang Suplado Kong Boyfriend
ASKB Chapter 1
ASKB Chapter 2
ASKB Chapter 3
ASKB Chapter 4
ASKB Chapter 5
ASKB Chapter 6
ASKB Chapter 7
ASKB Chapter 8
ASKB Chapter 9
ASKB Chapter 10
ASKB Chapter 11
ASKB Chapter 12
ASKB Chapter 13
ASKB Chapter 14
ASKB Chapter 15
ASKB Chapter 16
ASKB Chapter 17
ASKB Chapter 18
ASKB Chapter 19
ASKB Chapter 20
ASKB Chapter 21
ASKB Chapter 23
ASKB Chapter 24
ASKB Chapter 25
ASKB Chapter 26
ASKB Chapter 27
ASKB Chapter 28
ASKB Chapter 29
ASKB Chapter 30 - FINALE
PAHABOL CHAPTER♥ ( FAQS and DHO'S NOTE)

ASKB Chapter 22

22.9K 439 17
By prettylittlemiss

CHAPTER 22

 

[ MISSING SETH ]

KELVIN’S POV

 

Pagkauwi ko sa condo ko nung gabing nagkausap kami, hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi nya. Oo kapatid nya nga si eli, at wala sa lugar ko ang humadlang sa gusto nyang mangyari. Oo pinapangalagaan nya lang yung kapatid nya, pero bakit parang masyado naman yung naisip nyang paraan? Talagang gusto nyang gawin namin yun? Paano kung makasama yun sa pagiging magkapatid nila? Tsst, bakit ko ba iniisip yung mga yun? Madami pa kong mas kailangan ayusin, kaarawan bukas ng mahal ko kaya mas uunahin ko yun!

Kinabukasan pumunta ako sa unit ni bea, dala ang isang cake para sa kanya. Pagbukas nya ng pinto,

“happy birthday hon,”

 

Sabay halik ko sa kanya, niyakap nya naman ako at pinapasok sa loob ng unit nya. Maya maya pa lumabas kami at tyaka  niyayang kainin ang cake na dala ko kasama si eli. Nakakalungkot hindi ko maiwasang maisip yung pinaplano nung kapatid nya kapag kaharap ko sya. Mahal na mahal talaga sya nung ulupong nayun aba! Pasalamat sya kaibigan ko syang matalik kung hindi, nako!

Ayun dumiretso kami sa kusina nya. Kaso nakahanda na yung lamesa hindi parin sya sumusunod, kaya tinawag ko na. Napatigil ako nung nakita kong magkachat sila ni seth. Bakit ganun kung kelang wala naman akong balak pikunin sya nagkataon pang nakita nya ako. Sigurado akong nainis yun kasi nakita nyang kasama namin si eli. Pagkakataon na siguro ang gumagawa ng paraan.

Habang kumakain kami at nagtatawanan, si eli halatang wala sa sarili. Siguro iniisip nya yung nangyari kanina. Hindi ko naman talaga plinano yun. Kahit naman kasama ako sa plano ng kapatid nya, nahihirapan rin ako. Nakita ko rin namang lumaki si eli at naging malapit na rin sya sakin kaya masakit saking isipin na masasaktan ko sya sa mga darating pang panahon.

“sorry eli pero kailangan kong gawin to.”

===============

SETH’S POV

Unang araw ng trabaho ko. Hindi man kumpleto ang tulog ko okay lang, nakausap ko kasi sya kaninang madaling araw eh. Kahit ata wala akong tulog basta marinig ko lang boses nya ayos na. Idagdag mo pa yung alarm tone ko na boses nya rin.

Pagkadating ko sa site, nadatnan ko si tito at tita,( papa at mama ni eli) si papa at tyaka si Mr. Ronda.

“tito, tita kamusta po?” Magalang kong bati. Syempre magiging magulang ko din sila noh.

oh iho, napakagwapo mo parin ha!” Sagot ni tita. Si tito ngumiti lang. Tapos bumati din ako kay papa at Mr. Ronda.

“oo nga pala iho, sorry hindi namin pinabanggit sa papa mo yung plano namin. Siguro naman naiintindihan mo kung bakit namin tinago yung totoo sayo diba?” Pagusap ulit sakin ni tita.

“oo nga iho, kung gusto mo kami na bahala magsabi kay eli kung bakit naging ganun, kung bakit di namin pinaalam na kasyoso parin kami sa project na to at tyaka dun sa flight sa cebu. Alam kasi namin na hindi magiging ganuon kaganda yung reaksyon ni eli kung didiretsahin namin na malayo ka sa kanya. Tyaka nagkataon din naman kasi na nanduon si mr. Ronda kaya minabuti na naming na pagsabayin kayo sa byahe.“ dagdag ni tito.

“nako tita, tito. You don’t have to worry of that napo. I’ll already explain everything to eli. At mukang naiintindihan nya naman po yung dahilan nyo. Medyo nalungkot lang sya pero mukang ayos na naman.” Yung totoo? Ang hirap magpaliit ng mga magulang aba. Sana kasi dineretso na nila, kung alam lang nila kung gaano kadaming kamalasan ang naranasan ko dahil sa letseng plano nay an.

Maya maya pa dumating na si carol.  Hindi naman ako ganitong naiilang sa mga babaeng pinaprangka ko noon pero nagyon, may pakiramdam ako na masyado yung ginawa ko sa kanya kahapon. Siguro nga kailangan kong magsorry sa kanya.

Nagusap usap muna kami tyaka umalis yung apat na mga gurang! Naiwan na kami ni carol dito sa site. Hindi parin kami naguusap kahit halos 3 oras na kaming magkasama dito. Magkalayo din kami, not the usual na ginagawa ng dalawang taong magkapartner sa work. Wala naman din akong planong lapitan sya, mamaya kung ano pa isipin nya

.

Hanggang sa hindi ata nakatiis. Lumapit sya sakin tyaka.

“hey. Look at this,(sabay turo sa floor plan) medyo malaki kasi yung gagamiting pondo dito eh. Sa tingin mo kailangan nating baguhin yung ibang materials?” Kampante nyang tanong. Ako? Nabigla, kasi kala ko mahihiya sya sakin matapos nung nangyari samin sa kotse.

“wag na. Masyadong malaki tong project na to kaya dapat heavy materials.” =___=  sagot ko

“ano ba? Kinakausap kita ng matino. Bakit kung makaasta ka, ako pa ang may kasalanan sayo? Matapos mo kong pahiyain sa sarili ko? God!” Sabay talikod nya.  Anong ginawa ko? Sinagot ko lang yung tanong nya ah!

“teka nga babae, ano bang ginawa ko? Sinagot lang naman kita ah!”

 

“kung akala mo, lahat ng babae magkakandarapa sayo. Pwes manigas ka. Mukang unggoy!” Sigaw nya sakin sabay talikod ulit. Ng biglang

“ahhhhhhhhhhhhhhh!”

Tungunu! Ang likot kasi parang kiti kiti! Nakaheels pa. Hindi nya ba alam na delikado sa mga gantong site. Makakembot kasi kung lumakad eh! Muntik madapa dun sa may bakal na nakaharang.

shit! Bitawan mo nga ako!” Sabay tulak nya sakin. Aba, hanep rin ha!

“you’re welcome” sarkastiko kong sabi.

“whatever!” Irap nya pa sakin

“hindi pala magkakandarapa ha?” Sabay ngisi ko. Nakakainis tong babaeng to! Tinulungan mo na’t lahat eh! Tuloy tuloy lang ulit sya sa paglakad.

Sinabi ko bang magsosorry ako kanina? Erase that! Mukang hindi ko talaga linya ang pagsosorry! She’s pushing me to be rude on her!

Umiinit lang ang ulo ko, buti pa itetext ko nalang si eli, pangpakalma lang!

===============

ELI’S POV

Napapansin ko laging nakina bea si kuya kelvin, hanep din tong magjowa na to. Di nagkakasawaan ng muka! (sus eli ang bitter mo! Sabihin mo inggit ka lang sa kanilang dalawa. Kasi wala yung seth mo sa tabi mo! Nyehehe!)

Hindi pa sila nasiyahan, minsan talagang bigla bigla nalang silang kakatok at ayun tatambay sa unit ko. Ay nako! Magaglit si poy nito eh. Minsan sa harap ko pa maglalambingan. Lalo ko tuloy namimiss si poy! Wala narin naman kasi akong magagawa, dahil pumasok na sila dito ayun nanuod nalang sila ng tv, kung ano? Wag nyong tatawanan ha! Power pop girls lang naman! Yung totoo, aksaya kuryente lang sila kasi hindi naman sila focus sa t v. Nagkikirihan lang sila.

Naramdaman ko na nagvivibrate yung phone ko. Pagtingin ko may message si poy.excited ko yung binuksan

“psst, mahal kita!”

-end-

Letchugas! Spell kilig! Ako yun. Simpleng text nya kinilig ako! Biruin nyo umaga palang sa kanila, pero  dito gabi na! Hindi ko naman sya mareplayan kasi mahal masyado eh, itatabi ko nalang para kapag tumawag ako sa kanya mas mahaba ang oras.

Napansin nalang nung dalawa na nakangiti ako kaya atag ang  puna nila sakin!

“hoi bruha, ano’t abot tenga ngiti mo dyan?” Bea

“huh? Ako? Hindi naman ah!” Sabay kapa ko sa muka ko.

“aba talagang kinapa mo pa ha!” Bea ulit. Si kuya kelvin tiningnan lang kaming dalawa.

“hay nako, buti pa sama ka nalang samin. Punta kasi kami sa college friends ko. ^o^”

Itong si bea no, hindi ata nawawalan ng lakad kada araw! Laging may lakwatsa eh!

“nako, ano kaba? Wag na nu. Abala lang ako dun. Tyaka wala naman akong ibang kakilala dun no!” Ako, hiya ko nalang makiepal sa kanila.

“ikaw talaga, simpleng kainan lang naman yun. Dali na please? Para naman makabawi ako sa mga pagtulong mo sakin sa mga charity. Tyaka para wag ka magmukmok dito noh!”

 

“oo nga naman,” dagdag ni kuya kelvin.

Ano pa nga ba magagawa ko? Pinagtulungan na nila ako eh, tutal wala naman talaga akong ibang gagawin. Alam ko naman limitations ko eh. Tyaka kainan kasi eh :d biro lang hihi *^o^*

Fast forward…

Medyo naiilang ako ngayon, hindi naman dahil sa muka akong napagiiwanan sa mga itsura nila. Maganda ako noh! Oh biro lang hihi. Sadyang wala lang akong makausap dito. Si bea kasi ayun, busing busy sa mga old friends nya. Ang cute nya ngang tingnan eh.

Maya maya pa lumapit si kuya kelvin. May dala syang drinks. Isang juice isang beer.

“op right?”

 

“..” Hindi ako sumagot sahalip nakatingin lang ako sa kanya

“sorry ha? Masyado kasing mapilit yang si bea.ngayon lang kasi sila ulit nagkasama sama eh”

 

“ahihi, okay lang naman ako eh” sagot ko sa kanya tapos inabutan nya ako juice. Kinuha ko naman yun, nakakahiya kung tatanggihan ko. Yung totoo kanina pa ko naiihi  pinipigilan ko lang  talaga.

“ah kuya kelvin, magbabanyo lang ako ha.” Pahakbang na ko nung bigla nya akong hinawakan sa braso. Kaya napalingon ako sa kanya at agad na inalis yung pagkakahawak nya sa braso ko, nakakailang kasi.

“ah, sorry about that. Samahan na kita?” Alok nya

“nako kuya, okay lang kaya ko na” habang umiiling iling pa ng ulo.

“nah, wala kang kasama. Halika na!” Tapos na una na syang lumakad sakin. Pero hinabol ko sya. Ayaw ko talaga eh, tyaka kaya nga ako lumalayo eh.

“wag na talaga kuya, ako nalang!” Tapos tumakbo na ko,

Buti nalang hindi na sya sumunod. Medyo nakakalito yung daan papuntang cr. Medyo ang dami pa kasing liko liko, buti nalang may nadatnan akong tao sa pailyo kaya nakarating din ako dun. Resort kasi itong venue eh. Ang laki nga masyado eh.

Paglabas ko ng cr kala ko naliligaw na ko? Hindi ko na kasi tanda yung dinaanan ko kanina. Hala, ang tanga ko pa man din kapag mga ganitong direksyon na ang usapan. Naglakad lang ako ng naglakad, sinusundan ko yung ingay nung tugtugan kaso mukang mas napalayo pa ako eh.

Nakarating ako sa isang pavilion. Tapos sobrang kinakabahan na talaga ako, hindi ko kasi talaga matandaan yung daan eh. Napapaluha na rin ako, sinubukan kong tawagan si bea ang kaso wala namang signal dito. Naglakad pa ako ng konti para maghanap ng signal. Kaso wala talaga.

Nagulat nalang ako nung biglang may humawak sa balikat ko,  sa takot ko napapikit nalang ako habang umiiyak

“Eli, hey! Ako to si Kelvin. Kanina ka pa wala eh, kaya hinanap na kita. San ka ba pupunta?”

Napamulat ako at tumingin kay kuya kelvin. Buti nalang nandito sya kung hindi, hindi ko na alam kung san ako mapapadpad.

“kuya, hindi ko kai alam yung daan pabalik eh” iyak ko parin.

“tsst, ikaw talaga. Tulad ka parin ng dati.” Hinawakan nya yung kamay ko. Hindi ko na tinanggal kasi baka mawala nanaman ako. Kahit naiilang ako pumayag na ako, wala naman tong malisya sakin eh. Pero teka? Ano yung sabi nya?

“anong sabi mo kuya?”

 

“wala, halika na!” Tapos napapangiti sya.

“ah, sige,” tapos naglakad na kami.

Bigla syang tumigil sa paglalakad tapos humarap sakin, “ eli sorry ha? Kung may magagwa man akong mali sayo pati sa mga taong nakapaligid sayo, ngayon palang sorry.” Tapos tumingin sya sa ibang direksyon

“ha?” Ako takang taka,

“wala, nagdradrama lang ako, effective ba? ^___^” hindi nalang ako sumagot napangiti ako kasi para syang timang. Ayun lumakad ulit kami.

Habang nakahawak sya sa kamay ko hindi ko maiwasan na mahiya. Hindi ko alam pero naaalala ko talaga si kuya meme sa kanya. Remember kuya meme? ( oh balik balik din sa dating chapters)

Nakarating na kami sa mataong parte nitong venue. Binitawan nya na yung kamay ko tyaka ako sinalubong ni Bea.

“what happened Eli?” Tanong nya sakin habang hawak ang magkabila kong balikat. Muka syang alalang alala

Hindi na ako napaimik bigla kasing nagsalita si kuya Kelvin.

“medyo tumanga lang!” Napatingin ako sa kanya. Talagang parehas na parehas sila ni kuya meme. Kung pano magsalita at sa kilos. Napatawa nalang si bea sa sinabi ni kuya kelvin.

Dahil dun nagpasya na kaming umuwi. Malalim na rin naman kasi yung gabi. Kahit sa kotse hindi ako naimik, iniisip ko parin yung mga pagkakaparehas ni kuya kelvin at kuya meme. Yung ngiti nya, salita, kilos pati narin yung mga memories ko nuon naaalala ko kapag kasama ko sya. tyaka yung mga sinabi nya kanina.  Hindi naman siguro. Kasi kung sya yun dapat alam ko.

Nang makarating kami, nagthankyou ako sa kanila. At tyaka pumasok na sa unit ko. Bago ako matulog tiningnan ko muna kung may message si poy. Nalungkot ako kasi wala ni isa. Sobrang namimiss ko na sya. Kung sana lang nandito sya, edi sana sya ang kasama ko ngayon. :’( sana matapos na nya yung project nay un para magkasama na ulit kami.

“I miss you Poy!”

 •••

prettylittlemiss♥

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 311 39
❝I'm now your FANGIRL in love.❞ [COMPLETED]
9.5M 298K 72
PUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utus...
4.4M 91.4K 51
[MJS BOOK 2] After 3 years, JD is back...with a vengeance to make Rina's life a living hell. He wants to hurt her the same way she did to him. He'll...
5.9M 112K 57
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong...