HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 108 : INTERHIGH

5.8M 112K 365K
By maxinejiji

MAX'S POV

"Wala kang laro?"

Napahinto ako sa paghithit ng sigarilyo ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Hindi ko naman sya nilingon at nagtuloy lang ako.

"Anong makukuha mo dyan sa paninigarilyo mo? When I was your age.. inom lang ang bisyo ko.."

"Umiinom rin naman ako.. kapag trip ko.." seryosong sagot ko at nagtuloy sa paghithit nun. Hindi ko sya nilingon munit nakikita ko sya sa gilid ng mga mata ko.

"Katulad na katulad ka talaga ng Mommy mo.."

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko sya nilingon.

Hindi rin ako nabigla.

Nakinig lang ako.... kay DADDY.

"Namana mo ang mukha ko pero.." tumawa pa sya ng bahagya. "..ang kabuuan mo ay nakuha mo sa kanya.." bumuntong-hininga pa si Dad. "Sana lang.. kung ano ka ngayon.. kung ano ka man ngayon.. h-hanggang dyan ka na lang.. wag ka ng lumayo pa.. Wag ka sanang magaya sa kanya.."

Tagalog naman ang sinabi nya pero..

Hindi ko maintindihan..

Malakas naman ang pagkakasabi nya pero..

'Wala akong naintindihan..'

"Ano ba sya?" pilit ang ngiting tanong ko na nilingon pa sya. Tumingin naman si Daddy sakin.

Pilit kong binasa ang emosyong meron sa mukha nya pero parang 'AWA' ang nakikita ko don..

Nanghihinayang..

Naaawa..

Nalulungkot..

Dahil ba lumaki ako ng hindi ko sya nakasama?? Tss.. Hindi ko naman kasalanang wala sya sa tabi ko hindi ba?

"Hindi sya kasing buti mo.." pilit rin ang ngiti'ng sagot ni Dad sakin. At nung marinig ko yun ay ramdam ko kung paanong ang pilit na lamang na ngiti sa mukha ko ay napalitan pa ng pagkunot ng noo ko.

Anong ibig nyang sabihin?!

"Hindi ka ba manonood ng mga laro sa loob??" biglang tanong nya at dun naman nabaling ang atensyon ko.

"W-Wala namang laro ang school namin sa billiards ngayon.. maya maya pa---"

"May laro ang BIS ng Basket ngayon hindi ba?"

"H-Hindi ko alam.." sagot ko.

Hinintay kong sumagot si Daddy pero hindi sya nagsalita kaya naman nilingon ko sya at bahagya pa akong nagulat nung makita kong nakatingn sya sakin at nakangiti!

"B-Bakit?" tanong ko.

"Are you trying to avoid him?" nakangiting tanong ni Dad sakin at mas nagulat ako!

"Tss.. bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko na muling iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Dahil may gusto sya sayo.."

Pano nya nalaman!?

Saglit pa akong natigilan pero hindi agad ako tumingin kay Dad..

Inalis ko muna ang pagkagitla sa mukha ko at saka ako dahan dahang tumingin sa kanya!

"Bakit mo naman nasabi yan?" muling seryosong tanong ko.

"Nararamdaman ko lang.."

"Eh?" natawa pa ako kunwari. "Bakit ko naman sya iiwasan?"

"Hahahahaha! Lalaki rin ako Pein.. kaya alam ko kapag may gusto ang isang lalaki sa anak ko.."

"So?"

"Mmm.. maaaring 'alam' mo ng may gusto sya sayo.. o 'nararamdaman' mong may gusto sya sayo.. kaya umiiwas ka sa kanya.."

"Tss.."

"You're single.. why don't you try---"

"Hell no.." mahinang sabi ko sa mukha nya.

"Why?" natatawang tanong nya!

"Anong why!?" inis na tanong ko.

"Why not? He looks nice.." tatangu-tango pang sagot ni Dad.

"Nice?! Tss.. Anong ginawa nya para sabihin mong nice sya Dad? He's not.." seryosong sagot ko!

"He's nice to me.. kaya for he's nice.."

"For me he's not.." inis na sabi ko. "Sya lang naman ang nagpahirap sakin sa ikli ng itinagal kong yun sa BIS.. yung ikli pa lang ng ipinapasok kong yun ginawa nyang impyerno yung araw araw na pagpasok ko.." inis na sabi ko. "Kung hindi nya ako sinimulan.. hindi sya gagayahin nung ibang tao'ng nantrip sakin.. Kahit pa sabihin nyang hindi nya ginusto'ng gayahin sya nung iba.. kung hindi nya talaga ako sinimulan.. hindi magiging matunog ang pangalan ko sa school na yun.."

"Yung Taguro?"

"Tss.. Lahat!" inis na sabi ko pa! "Bastos na nga ako.. mas lalo pa akong naging bastos! Dahil pati yung matataas na tao sa school na yun ay nakakausap ko! Tulad na lang nung Lolo nya! Kung hindi nya naman ako pinagtripan.. hindi kami makakaabot sa Dean's Office! Nalaman pa tuloy ng Lolo nya yung kabastusan ko! Kung hindi nya rin ako sinimulan.. hindi ako maoospital ng paulit-ulit! Kahit pa sabihin nyang hindi sya ang may kasalanan! Sa mata at isip ko.. sya lang.. sya lang ang may kasalanan kung bakit ko naranasan lahat yun.." seryosong sabi ko.

Pero nagulat ako nung pagtawanan nya lang ako matapos nung mga sinabi ko!

Anong klase'ng tatay ba naman 'to!?

"Tss.. sige tawa pa.. Ang tunay na erpats.. ayaw nasasaktan ang anak nya.." inis na sabi ko.

"Hahahahaha! Ikaw pa??? Uurong sa isang bully? I don't think so.. Baka nga mas natakot mo pa sya kaysa natakot ka nya.."

"Isip bata kasi.."

"Hahahahaha.. ayun nga.. Hindi nya pa rin kaya'ng gawin yung mga bagay na kaya mong gawin sa kanya.. kaya paniguradong sa huli.. talo sya sayo.."

"Talo nga.. talo'ng talo.." nangingiti pang sabi ko.

Nangiti ako dahil naalala ko yung mga pinagsasasabi nya sakin kagabi..

Tss.. napuyat ako kaiisip dun! Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan yun o hindi!

At napagdesisyunan kong hindi na lang paniwalaan.. hindi naman ako mamamatay kung hindi ako maniniwala sa kanya.. Tss..

"Kung magkakagusto sya sayo.. may pag-asa ba sya?"

May alam 'to e.. hinuhuli lang ako.. Tsk tsk..

"Bakit mo naman naitanong yan?" seryoso kunwaring tanong ko.

"Wala naman.. pumasok lang sa isip ko.. hehehehe.."

"Tss.."

"Wala namang masama kung sasagotin mo.."

"Tss.. At bakit ko naman sya sasagotin?!" gulat na tanong ko!

"Yung tanong.. wala naman kakong masama kung sasagotin mo yung tanong.."

"A-Ahh.. hehehehe.. Akala ko.. A-Ano ba kasi yung tanong?! Hehehe.." napapahiyang tanong ko.

"Na kung magkakagusto man nga sya sayo e may pag-asa ba sya sayo?" natatawa pa ring tanong ni Dad.

Bakit naman sya magkakaron ng pag-asa?! Sa dami ng katarantaduhang ginawa nya sakin... maski kakakaunting pag-asa hindi ko sya bibigyan!

"Wala.." agad na sagot ko.

"Oh? Bakit naman?" takang tanong ni Dad.

"Dahil ayoko.. ayoko sa kanya.."

"Hahahahaha.. bakit mo naman nasabi yan?"

"Marami masyadong dahilan para hindi ko sya magustohan.."

"Dahil ba sa mga nagawa nya?" tanong nya at hindi naman ako sumagot. "Hahahaha.. mawawala rin yan.."

"Tss.. Oo naman.. mawawala rin 'to Dad.. kapag hindi ko na sya nakikitang humihinga.."

"Baka nga wala na e hehehehe.."

Marunong pa sakin!?

Ewan ko ba kung bakit pinakiramdaman ko pa rin ang sarili ko matapos nyang sabihin yun!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung meron pa nga akong galit para kay Sensui dahil sa dami ng mga katarantaduhan at kalokohang ginawa nya sakin..

'Parang hindi naman ako nagalit dun.. Tss.. napaka-immature lang talaga nung mga acts nya.. naiinis siguro, oo.. Pero galit?? Nagalit nga ba ako??'

"Oh.. hindi ka naman talaga nagalit??" dagdag tanong nya pa.

Napatingin ako kay Dad at nakangisi sya sakin!

Bakit ba nababasa nya ang isip ko!?

"A-Ano bang sinasabi mo Dad?! Tss! Syempre nagalit ako! Sino ba namang matutuwa dun!?"

"Hahahahaha.." tinawanan nya lang ako!

"Stop it Dad.. I don't like him.. end of story.."

"Wala naman kasing masama kung susubukan mo.. hahahaha.."

"Suuuus.. ginoo.. Dad...! Dad!" panggigising ko kunwari sa kanya! "Puro kalokohan ang ginawa sakin nun nung una.. hindi ako bobo para pumulot pa ng bato'ng ipupukpok sa ulo ko! Tss!"

"Hahahahahahahahahahaha!"

"A-Anong nakakatawa?! Tss.."

"Nakakatawa dahil 'wala' naman akong binanggit na pangalan pero may 'tinukoy' ka.."

Muli kong inisip lahat ng sinabi nya!

Wala nga!!!

"Sino ba ang tinutukoy mo Pein?" nakangising tanong nya at agad ko namang iniiwas ang paningin ko sa kanya. "Aahhh.. si Deib Enrile ba??"

Hindi ako sumagot! Narinig ko pa syang bumuntong-hininga!

"Hindi ko naman sya binabanggit.. bakit sya ang naisip mong tinutukoy ko??"

Tsk!

"Hmmm----"

"Pwede Dad?!" inis kunwaring sagot ko.

"Hahahaha oh bakit? Hindi ba't wala naman talaga akong binanggit na pangalan? Bakit si Deib ang naisip mo?"

Demmit! Bakit nga ba?! Letse naman oh..

"Tinutukso mo ba ko dun ha!?" inis kunwaring tanong ko para mawala sakin ang usapan.

"Hahahaha.. ganon ba ang dating sayo anak?"

"Oo!"

"E baka ganoon nga hahahaha---"

"Tigilan mo na dahil hindi ako natutuwa!"

"Matutuwa ka rin nyan sa huli.. sa ngayon kasi ay hindi mo pa totally tanggap.. Pero trust me.. dadating yung oras na maniniwa----"

"May nalalaman ka ba Dad?!"

"Ha? Hahahahaha.. w-wala ah! Wala.." matinding pagtanggi nya!

Parang meron e.. meron talaga!

"Mukhang boto'ng boto ka dun ah?!"

"Hahahahaha.. hindi naman sa ganon---"

"Tara na nga sa loob.. Baka tapos na laro nun.."

"Bakit hindi ka nanood?"

"Ayoko e.. panalo naman panigurado yun.."

"Paano mo naman nasabi?" nakangising tanong ni Dad sakin at inirapan ko naman agad sya.

"Dahil magagaling naman sila! Silang lahat!" malakas na sagot ko at saka inakay sya papasok sa loob ng campus.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin papasok ng SIS ay agad nyang natanaw si Maxwell.

"Dad.." nakangiting salubong ni Maxwell sa kanya at nagyakap pa sila. "How are you feeling?" baling nya naman sakin.

"Okay naman na.."

"Why? What happened?" gulat na tanong ni Dad.

"Hindi ba nabanggit ni Lolo? Dinala sa ospital kahapon yan dahil inatake ng ulcer.. katigasan ng ulo.."

Tinaasan ko naman ng kilay si Maxwell.

"Tss.. sino namang maniniwala sayo'ng ang ulcer ay dahil sa katigasan ng ulo!?" inis na tanong ko!

"What!?"

"Ang sabi mo.. inatake ako ng ulcer dahil matigas ang ulo ko!? Ulo ko ba ang ngumunguya ng mga pagkaing napupunta sa tyan ko!?" pang-iinis ko sa kanya.

"Aiissshh!" inis na sugod sakin ni Maxwell na umastang kokotongan ako pero ngingisi ngisi akong umatras.

"Enough.. Pein.." baling sakin ni Dad.

"D-Dad.."

"May ulcer ka?"

"Mmm.."

"Bakit hindi ka nagsasabi?"

"E natreat na kasi dati yun sa Korea.."

"Oh tapos?"

"Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik.. kasama ko nun si Mokz nung maexperience ko ang ganitong sakit.. at nasa Korea ako nun.. ngayon lang sya bumalik matapos ang halos dalawang taon.." nakangusong sagot ko.

"Malala ba ang ulcer nya Maxwell Laurent!?"

"Hindi naman Dad.. treatable pa naman.. Pero kung ganyan katigas ang ulo ng pasyente, hinahayaan na lang.."

"Hindi sabi matigas ang ulo ko e.. Lahat kaya ng pinagsasasabi mo dun sa ospital e sinunod ko!? Dok Maxwell!? Tss.."

"Ahh.. kaya pala!" sigaw nya na pinitik pa ang tenga ko! "Ngayon pa nga lang amoy sigarilyo ka na----sumunod pala ah!?"

"M-May sinabi ka bang b-bawal rin yun!? Wala naman ah.."

Pinitik nya ako sa noo!

"A-Aray ah!"

"Matagal mo ng alam yang sakit mo kaya imposible'ng hindi mo alam yun! Sa laki mong yan kailangan ko pa bang sabihin sayo lahat ng kailangan mong malaman!?"

"Tss.. so inaasahan mong kusa akong magbabasa ng tungkol sa sakit ko ganon?! Samantalang 'trabaho' mo yun bilang doktor?!"

"I'm telling you this as your older brother not as your doctor!"

"Pabibo ka noh!?" pang-iinis ko sa kanya!

"Tsk tsk tsk.. Maxpein??" biglang singit ni Dad! Napatingin naman ako sa kanya at salubong ang kilay nya!

"Oh?" nakangusong tanong ko.

"Bakit hindi ka sumusunod sa Kuya mo?"

"S-Sumusunod naman e.. e-eto lang ang hindi ko alam.."

"A-Aray ah! Nakakadalawa ka na ah!" sigaw ko na inambaan pa sya ng suntok!

"Enough! Ano ba!" sigaw naman ni Dad kaya huminto kami! Parang batang pinandilatan at dinilaan ako ni Maxwell sa harap ni Dad!

Pinaliwanag sa kanya ni Maxwell ang sakit ko at ang mga gamot ko ganon na rin ang mga paraan para mawala yung sakit ko na yun dahil sabi ni Maxwell ay delikado at nakakamatay rin daw ang ulcer kapag lumala.. Kaya naman hanggat maaga ay kailangang matreat ang sakit ko..

"I'll go first Dad.. may klase pako.." si Maxwell.

"Mmm sige.. hinihintay rin ako nila Mokz.." si Dad.

"Sige na.. Hoy Pein.."

"Letse!"

"Hahahahah binibiro ka lang e.."

"Ikaw kaya biruin ko ng sapak?! Gusto mo!?"

"Maxpein.." tawag ni Dad sakin.

"Geh!" inis na paalam ko kay Maxwell.

"Goodluck.. galingan mo.. Kailangan pagdating ko dun, panalo ka..."

Tss.. wag ka ng manuod!

"Salamat.."

"Manonood ako mamaya kaya galingan mo ah?"

"Geh.."

Pinanood namin ni Dad na maglakad papalayo si Maxwell at saka kami naglakad ulit ni Dad.

"San ka nyan Dad?"

"Pupuntahan ko sila Mokz.. kasama nya sila Dad.." patungkol nya kay Chairman Moon.

"Mmm.. so mauna na muna ako don.. pupuntahan ko sila Naih.. Nood ka ng laro ko mamaya ah?" nakangiti pang sabi ko.

"Oo naman syempre.."

"Sige sige.."

"Sige.. galingan mo.."

"E ano pa nga ba?!" pagyayabang ko.

"Hahahahaha!" at nagtawanan kami.

Naghiwalay kami ni Dad bago pa makarating ng court kaya naman napatingin pa ako sa court nung makita kong naglalabasan na ang mga students..

Tapos na siguro..

Andaming iiling iling.. pero mas marami ang masaya..

Nanalo kaya sila?

Hindi ko na pinansin pa ang mga yun at naglakad na ako papunta sa Canteen pero..

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa Canteen ay nakita ko si Sensui sa may sink.

Anong ginagawa nyan dyan?! Naghihilamos?! Tss.. buti hindi sya maarte!?

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya at kitang kita ko pa kung pano nya hilamusan ang mukha nya..

Tss.. napuyat ako kaiisip sa mga hindi ko maintindihang kalokohang pinagsasasabi mo..

Eksaktong paghinto ko sa harap nya at nagtama ang paningin namin..

Nakatakip ang towel at isang kamay nya sa bibig nya at ang mga mata nya ay deretsong nakatingin sakin..

Napatabingi pa ang ulo ko nung makita ko ang pulang pulang ilong nya!

Anong nangyari dyan? Tss.. naglaro lang.. nabangasan na?

"Anong nangyari dyan sa mukha mo?" walang emosyong tanong ko. Pilit kong itinago ang pagtataka ko dun sa namumulang ilong nya

"Sinabi ko na kasi sayong manood ka---tignan mo ang nangyari sakin!"

dO_Ob

"Lah! Inaano kita!?" gulat na tanong ko.

Tss.. pakelam ko ba kung nagkaganyan yan!?

"Kaiisip ko sayo.. tinamaan ako ng bola!" halatang inis na sigaw nya!

Kaiisip sakin!?

"Ha! Nababaliw ka na ba?!" sarkastikong tanong ko!

"Sayo!? Hindi pa naman.. Pero handa akong mabaliw para sayo.."

"Tsssaa!" natatawa kunwaring sabi ko at saka unti-unting sumeryoso habang nakatingin sa kanya. "Kung ganon.. ngayon pa lang magparehab ka na.. dahil tingin ko magiging malala ka.."

"Okay lang.. kung sayo naman e.. Mababaliw ako sayo.. pero magtitino rin ako ng dahil sayo.." nakangising sabi nya at ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng pilit na ngiti sa mukha ko!

Nag-uumpisa na naman sya!

"Ano? Hahahaha.. Hindi ka makasagot??" nangising tanong nya at hindi ko maiwasan ang mailang sa mga titig nya!! "Wag mo kong dadain sa mga pananakot at angas mo Taguro.. dahil kapag sinabi kong gusto kita.. 'GUSTO KITA'.. Baka nakakalimutan mong, lalaki pa rin ako at babae ka?? Wag kang magsalita ng tapos.. Hintayin mong patunayan ko sayo.. na kahit galit na galit ako sayo noon.. nagawa pa rin kitang gustohin ngayon.. Naiintindihan mo??"

Hindi ako nakasagot!!!!

Agad akong napatingin sa tagiliran ko at pilit na iniiwas ang paningin ko sa deretsong titig nya!

WTF are you saying!

"Kumain ka na ba?!" biglang tanong nya at napatingin naman ulit ako sa kanya!

Gulat akong makitang nasa harap ko na mismo sya!

"Hoy! Kumain ka na ba!?" natatawa pang tanong nya.

"Wala akong gana.."

"Ha!? Bakit naman!?"

"Nakita kita e.." walang ganang sagot ko.

"A-Ano?! At kailan pa nakakawalang ganang kumain ang mukha'ng 'to!? Hahahahaha! Hoy.. para sabihin ko sayo.. maraming babae dyan ang nabubusog na matapos akong makita at binabangugot pa kapag nakita ang ibang parte pa ng katawan ko.. Kaya wag mo sabihing nawalan ka ng gana dahil nakita mo ko.."

"Sa dami ng babae'ng yun.. kakaiba ako.." nakangising sabi ko. "Dahil sa dinami dami ng gwapo'ng lalaking nakita ko.. iisa lang ang nakapagpatibok ng puso ko at hindi ikaw yun.." seryosong sabi ko at natigilan naman sya..

"Oh e anong ibig mong sabihin?" biglang seryosong tanong nya.

"Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.. tinatamad nakong ulitin lahat yun.."

"Ahh.. so ipinagmamalaki mo yung Randall mo?"

Eh!?

Hindi ko sya sinagot!

"Sinasabi mo ba'ng si Randall pa rin ang gusto mo!?" halatang inis na tanong nya at hindi ko naman sya sinagot! "Tanga ka ba?! May girlfriend na yung tao---"

"Manahimik ka nga.." pag-uutos ko sa kanya.

"Tch!" singhal nya at hindi na nagsalita. Salubong ang kilay nyang inihawak ang isang kamay nya sa bewang nya at ang isa naman ay nakabagsak hawak hawak ang towel nya at saka ipinalinga linga ang mga mata nya bago tuluyang tumingin sakin at tinitigan ako..

Ano na naman kayang iniisip neto!?

Nakatitig sya sakin habang salubong ang dalawang kilay nya! Parang nag-iisip sya habang nakatitig sakin!

"O sige.." biglang sabi nya.

'Ano na naman!?'

"Sige.. papayag ako.. Hindi kita pipigilan.. Kung talagang hindi mo matanggihan si Randall sige.. bahala ka.. Sumama ka sa kanya!"

Abnormal!

"Pero.." biglang dagdag nya at napatingin na naman ako sa kanya! "..wag mo rin ako pipigilan sa nararamdaman ko.."

'.wag mo rin ako pipigilan sa nararamdaman ko..

..wag mo rin ako pipigilan sa nararamdaman ko..

"Tss.. A-Ano bang sinasabi mo dyan!? Nauulul ka na ba talaga---"

"Makinig ka muna kasi!"

"Sinabi ko sayo kagabi na.. ngayong alam mo na ang nararamdaman ko---ayoko ng sasama ka kung kani-kanino at mas lalong lalo na kay Randall hindi ba?!"

"Oh!?"

"Oh.. n-ngayon b-binabago ko na yun.. Sige.. papayagan kitang sumama kay Randall---pero! Wag mo akong pipigilan sa nararamdaman ko! Hahayaan mo kong iparamdam sayong may gusto ako sayo.. gagawin ko lahat ng gusto ko.. sasama ka sakin kapag sinabi ko.. makikipagkita ka sakin kapag ginusto ko.." nakangising sabi nya. "Kapalit nun.. ay ang pagpayag kong sumama ka kay Randall paminsan minsan.. Kay Randall lang.. Kapag nakita kitang sumama don sa baduy mong 'destiny'... yari ka saki----"

"Ha.. Niloloko mo ba ako!?" inis na tanong ko! Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi nya! Hindi matanggap ng utak ko yung mga pinagsasasabi nya at pakiramdam ko ay parang ako pa yung napapahiya sa mga sinasabi nya!

Nababaliw na ba talaga sya?! Ano bang nangyayari sa kanya!?

"Hindi! Mukha ba akong nanloloko!? Sa tingin mo ba ay hahayaan ko ang sarili kong magmukhang loko loko?! Hoy Taguro.. malakas akong mangtrip ng tao pero kapag nagkagusto ako sa isang tao.. siniseryoso ko.."

Hindi na naman ako nakasagot!

"Kaya naman sinasabi ko ngayon na.. Pinapayagan kitang sumama kay Randall.. at kay Randall lang.. Kasi kitang kita ko namang hindi mo sya matiis at hanggang ngayon ay may gusto ka pa rin sa kanya.. Kahit ayaw ko.. m-mukha namang wala akong magagawa e.. Kaya sige.. bahala ka sa buhay mo.." nakasimangot talagang singhal nya! "Pero.. bukod kay Randall ay wala ka ng sasamahang iba lalong lalo na yung baduy na Gonza na yun.. dahil ayoko dun.. ayoko sa kanya.. hindi sya pwede! Okay?!"

"E sino namang may sabi sayong papayag ako dyan sa sinasabi mo!?"

"Wala.."

"Anong wala!?"

"Wala kang choice kung hindi sundin lahat ng sinabi ko.."

"Tss.. at bakit naman kita susundin!? Anong kala mo sakin!? Me saltek kagaya mo!?"

"Dahil kung hindi ka susunod sakin----sasabihin ko sa buong BIS na girlfriend kita.."

"At alam mo ba kung anong magiging kapalit nun?! Hmmm.. kapag nalaman lang naman ng buong BIS na girlfriend kita.. mas maraming mangtritrip sayo.. Mas maraming magagalit sayo.. maraming manggugulo sayo.. at alam kong ayaw mong mangyari yun.. Ayaw ko rin naman.." natatawa pa kunwaring sagot nya. "Pero kung yun lang ang paraan para mapasakin ka edi... hahahahaha! Gagawin ko.."

Siraulo na talaga sya..

"Hindi pa rin ako papayag.."

"H-Ha?! Bakit?!"

"Dahil wala akong pakialam kahit na guluhin ako ng buong BIS---wala akong kinatatakutang tao.." mayabang na sagot ko.

Hindi kaagad sya nakasagot sakin at bahagya pa syang napaisip.

"Ahh.. so kung ganon.. handa kang harapin lahat ng makakaaway mo??"

"Oo.." confident na sagot ko.

"Edi handa ka rin palang maging girlfriend ko?"

Napatingin ako sa kanya!

Nakangiti sya munit seryoso ang mukha nya!

Bakit ba hindi ko naisip yun?

Nakangiti sya habang nakatingin sakin at naghihintay ng sagot ko!

Agad kong iniiwas ang paningin ko sa kanya at tumingin sa iba..

"Kasi kung.. hindi ka natatakot sa mga magagalit sayo kapag nalaman nilang 'tayo' na.. edi payag ka ngang maging girlfriend ko?"

"Manahimik ka nga?! Wala akong sinabing ganon?!"

"Hahahaha.. e ganon ang sinabi ko.."

"Wala akong pakelam sayo.." deretsang sabi ko at natahimik naman sya!

Nakaramdam ako ng inis! Matinding inis!

Ano bang nangyayari sa kanya?! Sinasabi nya bang kinakailangan ko syang sundin?! Dahil kung hindi ay ipagkakalat nyang girlfriend nya ako?! Tss! Gago ba sya?!

Naiinis ako dahil pakiramdam ko luging lugi ako sa mga pinagsasasabi nya!

E ano bang pake ko!? Hindi naman ako mamamatay kung hindi ako susunod sa kanya! Wala akong pakelam! Bahala sya sa buhay nya!

"So.. o-okay lang pala sayo na sabihin ko sa lahat na girlfriend kita??" biglang tanong nya at napaisip na naman ako!

Bakit nga?! Hindi ko maintindihan kung bakit! Bakit kailangan nyang ipagkalat yun?! Anong kakornihan na naman ba yan?! Bakit nya ipagsasabing gelpren nya ko kung hindi naman? At anong pakelam ko sa mga batas na pinapauso nya?!

E-Eh pano kung totoohanin nya!?

Hindi pwede.. Hindi pwede!

Kapag nangyari yun.. kakalat yun.. maraming makakaalam.. makakarating sa lahat lalo na sa pamilya ko..

Masama pa akong tumingin kay Sensui!

Kilala ko ang ikot ng bituka neto.. malakas ang topak nya at sa tingin ko.. hindi malabong kapag sinabi nya ay ginagawa nya.. tsk! Kapag nagkatao'ng ipinagkalat nyang kami nga..

Makakarating kay Randall!!!

Waaaaaaaaaaaa!!! Hindi pwede!!!!!!!

"Oh e a-ano namang mapapala ko dyan sa trip mong yan?!" biglang tanong ko at ngumiti naman sya agad!

"Edi interesado ka na!?" nakangising tanong nya!

"Hindi pa rin.. g-gusto ko lang malaman yung lahat ng laman ng isip mo tungkol sa mga kalokohan mo.."

"Hahahaha! Kunyari ka pa---"

"Sagot agad!" sigaw ko!

"T-Teka naman!"

"Bilis!" sigaw ko ulit at nanlaki ang mga mata nya! "Anong mapapala ko sa mga trip mong yan!? Ano kamo?! W-Wag kitang pigilan sa mga nararamdaman mo!? Tss.. kalokohan.. Sige nga.. Anong mapapala ko!?"

"E ano pa!? Edi makakasama mo yang kinababaliwan mong si Randall na niloko ka naman!"

"Tss.. ano bang alam mo?" mahinang bulong ko na mukhang hindi nya naman narinig.

"But don't worry.. hindi rin ako sasablay na iparamdam sayo yung nararamdaman ko.." nakangising sabi pa nya.

Taas-kilay lang na nakinig ako sa kanya.

"Araw-araw ipaparamdam ko sayo'ng gusto kita.. hanggang sa maniwala ka.." nakangiti munit seryosong dagdag nya.

"Kapag dumating yung panahong.. naniniwala na ako dyan sa s-sinasabi mo.. Ano ng mapapala ko??"

"Nice question.." nakangiting sagot nya na bahagya pang lumapit ulit sakin dahilan para tuluyan akong mapasandal sa sink.

Peste!

Nagtuloy sya sa paglapit sakin dahilan para isiksik ko ng todo ang sarili ko sa sink habang papalapit sya ng papalapit sakin.. At nung wala na akong maatrasan.. itinuon nya ang dalawang kamay nya sa lababo at saka ibinaba ang mukha nya kapantay ng mukha ko..

Agad kong iniiwas ang paningin ko at tumingin sa tagiliran.. gayunpama'y kita ko pa rin sya sa gilid ng mga mata ko.

"Kapag dumating yung time na.. naniniwala ka nang 'gusto' kita.. sisiguraduhin ko munang nararamdaman mo na talagang gusto kita.. at kapag nangyari yun.. oras na para gawin ko ang lahat ng paraang alam ko.. para ikaw naman ang magkagusto sakin.." matamis ang ngiti'ng usal nya. "Pero nasa sayo pa rin yun kung.. anong gusto mong mangyari.."

Pilit kong pinalakas ang loob ko at tinitigan ko sya sa dalawang mata nya..

Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa at nararamdaman ko na talaga ang hininga nya!

Gusto ko syang itulak pero magiging imposible dahil nanghihina ang mga tuhod at braso ko dahil sa mga pinagsasasabi nya!

Sinong babae ba naman ang hindi manghihina sa mga pinagsasasabi nya! Kahit pa sabihin kong wala akong gusto sa kanya.. hindi ako sanay sa mga naririnig ko mula sa kanya kaya natural lang na magkaganito ako!

"D-Deal.." pilit pinalalakas ang loob na sabi ko.

"H-Ha?!"

"I said.. deal!"

"Talaga?"

"M-Mmm.."

"Kol.." sabi nya at napaatras pa! Bakas ang saya sa mukha nya! "Pwede kang sumama kay Randall... ang kapalit ay ipaparamdam ko sayong may gusto ako sayo.. nasa sayo na yun kung anong gagawin mo kapag napatunayan ko na sayong totoo ang nararamdaman ko at seryoso ako sayo.."

"S-Sige.. wala ka namang sinabing dapat magkagusto rin ako sayo di ba??? Edi magiging madali lang yan.. yun lang pala e.. hehehehehehe!"

"Hoy!" sigaw nya!

"A-Ano?"

"A-Ano kamo!? A-Anong----"

"Bakit!?" natatawa pang tanong ko.

"Anong sabi mo!? W-Wala ka namang sinabing magkagusto ka sakin!?"

"Oo.. bakit!?" naghahamong tanong ko.

"I-Ibig mo bang sabihin.. porket wala sa usapan nating magkakagusto ka sakin e hindi ka na talaga magkakagusto sakin!?"

Napatingin ako sa mukha nya!!! Hindi ako nakasagot..

"Hindi! Ayoko---" biglang sigaw nya pero pinigilan ko sya!

"Hoy.. tapos na ang usapan at hindi ka na pwedeng magdagdag!" inis na sigaw ko!

"A-Anong.. hindi pwede! Hindi patas yan!"

"Wooooww! Naghahanap ka pa talaga ng patas ah!? Nasan ang patas don sa mga pinagsasasabi mo kanina?! E wala nga akong kalaban laban dun sa mga pinagsasasabi mo!!??"

"Bakit?! Tch! Wag ka ngang umastang parang lugi ka pa!"

"Tss.. Bakit!? Hindi ba?! Sinong hindi maluluge sayo?! E sarili mo lang iniisip mo!? Nagtritrip kang mag-isa!"

"Sinabi ng seryoso ako e! Wag ka ngang umarte masyado! Dahil hindii ka namang sobrang ganda!"

"Wooooooow!" namamangha kunwaring sagot ko! "King ina buti nga pinagpayagan kitang magdikta ng ganyan sa pagmumukha ko e! Kung tutuusin.. luge ako! Dahil kung anu-anong pinagsasasabi mo---samantalang wala naman akong pakelam sayo!" inis na sigaw ko!

Hindi sya nakapagsalita..

Iniiwas ko ang paningin ko at lumanghap ng hangin!

"Grabe ka naman magsalita.. nakakailan ka na ah!" biglang seryosong sagot nya. Mahina pero rinig ko. Napatingin ako sa kanya at salubong ang dalawang kilay nya at masyado syang seryoso! "Sinasabi ko na nga sayo yung nararadaman ko e.. kung wala kang gusto sakin.. w-wag mo naman sanang ipamukha sakin.."

"Tss.. sino ba kasi sa tingin mo ang matutuwa sa mga ginagawa mo!? Gumagawa ka ng batas ng para sa sarili mo tapos idadamay mo pa ako?!"

"E bakit ka pumayag!?" inis na tanong rin nya.

"Woooow.. bakit ako pumayag!? May choice ba ko!? Sige nga.. ilatag ko kaya sa mukha mo lahat nung sinabi ko at baliktarin ko!? Tss.."

"Ang yabang mo ah!?"

"Dahil totoo naman!" inis na sagot ko! "Tss.. bakit ako pumayag?! Lakas ng loob magtanong.." bulong ko pa.

Naiinis talaga ako! Matinding inis ang nararamdaman ko!

Kung tutuusin.. luge naman talaga ako di ba!? Ako yung luge dahil sa dami ng sinabi nya.. wala man lang naging patas para sakin maski isa! Nambablackmail sya e!

"Edi sana nga hindi ka nalang pumayag.. pwede ka namang tumanggi.."

"Ha!" hindi makapaniwalang sagot ko. "Tumangge ako di ba!? Kailangan ko bang ulitin lahat ng sinabi ko?!"

"Wag na.." nanlulumong sagot nya.

"Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi kagabing wala ka namang balak na ligawan ako!? Bakit nagkakaganyan ka ngayon?!"

"Wala.."

"Kung hindi mo ginusto yung nararamdaman mo.. labas na ako dun! Bakit idadamay mo pa ako!? Bakit?? Sinabi ko bang magkaganyan ka?! Sinabi ko bang magkagusto ka sakin!? Hindi naman di ba?! Kaya kung totoo man yang sinasabi mo sakin... ikaw ang mag-adjust! Hindi yung ako ang pinag-aadjust mo sa mga bagay na ikaw lang naman ang may gusto!" inis na sabi nya at mabilis na tinalikuran sya!

'Badtrip yun! Ang lakas ng tama e! Bakit nya pa kasi sinabi sakin yun!'

Wala sa sariling naglakad na lang ako basta papasok sa Court at hinanap sila Naih!

Nagpalinga linga ako munit wala sila don kaya naman pumunta ako sa room kung saan kami naka-assign! Pero wala pa rin sila dun!

'Nakakainis! Naih nasan ka na ba?!'

"Hello Maxpein!"

"Uyyy guys! Si Maxpein oh!"

"Ooohh! Maxpein!!!"

Gulat akong napalingon sa likuran ko matapos kong lumabas sa room na pinanggalingan ko.

"A-Ahh.. h-hehehe.." naiusal ko nalang na bahagya pang kumaway sa kanila!

"Tanda mo pa ba kami ha?!" sabi nung isa sa kanila!

Tinignan ko sila isa-isa at hindi ko talaga sila matandaan!

Base sa uniform nila ay mga taga-SIS sila. Nagkakapalan ang mga salaming suot nila at patung-patong ang mga libro'ng bitbit nila.

"Ano ka ba naman! Ako 'to! Si Myrbz Castro!" sabi nung pinakamaliit sa kanila.

"Ako naman si Jeffrey Luckies!"

"At ako si JC Vicente!"

Hindi ko kayo matandaan!!!

"Hehehehe.. mukhang hindi na tayo matandaan ni Pein, guys ah!?" sabi nung nagpakilalang Myrbz.

"Oo nga.. sikat ka na kasi e.." dagdag naman nung Jeffrey.

"H-Ha?! Hindi ah.." sagot ko.

"Suuusss hehehe.. Noon parati mo naman kaming pinapansin nung pinapanood ka pa naming magbilliards.. isa rin kami sa mga sumusuporta sa relationship nyo ni Randall noon.." sagot naman nung JC.

dO_ob

Kalalakeng tao?!

"A-Ahh.. hahaha.. sorry talaga.. m-mukha kasing College na kayo ngayon e.. n-nasa highschool pa rin kasi ako.. At saka.. BIS na ako.. more than two years na akong wala dito kaya.. h-hindi ko na talaga matandaan.." napapahiya pa ring sagot ko.

"Oo nga e.. kung ganon hindi ka pala nakapagtuloy sa pag-aaral mo??" tanong nung Jeff.

"H-Hindi e.."

"Ganon ba? Sayang naman.."

"Kayo ba ni Randall.. w-wala na talagang pag-asa? Sayang naman kasi yung 3years nyo---"

"Wala na.." pigil ko dun sa Myrbz.

"Ahh pasensya na.."

"At saka ano ba guys? May girlfriend na si Randall ngayon.." sabat naman nung JC.

"Tsk.. ano ba kayo?! Tara na nga.. baka mabadtrip pa si Maxpein satin e.." sabi nung Jeff at saka muling tumingin sakin. "Pasensya na Maxpein ah? Hehehe.. ang totoo ay natuwa lang talaga kami nung makita ka namin dito.. h-hindi kasi namin inaasahan e.. Kahit naman kasi College na kami.. nanonood rin kami kapag may sportsfest.. hindi namin inaasahan kanina na ikaw ang makakalaban ni Sam sa billiards.."

"A-Ahh hehehe.."

"Congrats nga pala hehehe.."

"Salamat salamat.." napapahiya pa ring sagot ko.

"Ang totoo.. kahit na taga-SIS kami.. hahahaha ikaw kaya ang nicheer namin don!" bading na bading na sagot nung JC.

"A-Ahh.. hahahaha salamat talaga.."

"Walang anuman.."

"O sya sige.. mauna na kami sayo.." sabat nung Myrbz at naglakad sila palampas sakin. "Nice meeting you again.. Goodluck sa next game mo.."

"S-Salamat.."

"O sya sige na talaga.. Mag-aaral pa ang mga Dyosa hehehe.."

Dyosa?! M-Mga bading sila?!

Hindi ko na kailangang sagotin ang sarili ko dahil nung pagmasdan ko sila palayo ay halos magtalbugan ang mga balakang nila sa pagkembot!

Lakas makagoyo ng salamin.. Tsk!

Inis akong bumalik sa reyalidad at naalala kong hinahanap ko sila Naih.

Mabilis naman akong naglakad papuntang Canteen dahil wala naman syang ibang pwedeng puntahan bukod don.

Canteen.

Pagpasok pa lang ay tanaw ko na ang napakaraming students na nagkalat..

"Oh! Yun oh!"

"Si Maxpein!"

"Gooooo Maxpeeeiin!!"

"Wooohhh!!"

Agad nagtayuan ang balahibo ko nung marinig ko ang sigaw nung mga lalaki!

Jahe amp..

"Idoooll!!"

"Anggaling mooo!"

"May laban yan mamaya tol kaya panoorin natin!"

"Oo papanoorin ko talaga!"

"Pa-autograph naman! Lagay mo Baka Robin!"

"Akooo rin!!! Ailla Sams!"

"Me tooooo!!! Laniieee Pelooo!"

Wala akong nagawa kung hindi ang tanguan at ngitian sila dahil sa sobrang hiya'ng naramdaman ko!

"Waaaaaaaaa!"

"Ang cuuuuttteee mo Pein!"

"Taga-BIS yaaaann!!!!"

"Goooo Taguroooo!"

"Dating taga SIS yaaan!"

"Oo nga!!!"

"Leeettt's goooo Maxpein!"

"A-Ahh hehehe.." naiusal ko na lang habang lumilinga pa rin at hinahanap sila Naih.

"Max!" dinig kong sigaw ni Naih at agad ko namang hinanap sya! "Max dito!"

Ayun!

Lumapit ako sa kanila, kasama nya sina Migz, BJ at Michiko.. Nakangiti akong sinalubong sila at..

"Destiiiinnnyyyyy!!!!!"

Oh!?

Gulat akong makita si Kev Gonza na lintek naman talaga sa ngiti sakin!

"Sasabay ka ba saking kumain ha!?" nakangiting tanong nya matapos lumapit sakin.

"Ikaw na naman!?" si Naih.

"Oo.. bakit?! Bawal!?"

"Oo!"

"Hahahahahaha! Wala kang pake! Nandito ang destiny ko kaya.. kusang lumapit ang puso ko heheheh.. Ano destiny?! Sasabay ka sakin? Teka ioorder na kita----"

"Kyaaaaaaaaa!!!"

"Ohhhh myyy Gooooddd!"

"Hala! Ate Layzelle! Ayun pala si Deib!"

"Ano ba Jenalyn masakit!"

"Hala! Nasan si Lee ko?!"

"Ayun sya Ate Ruby Ann oh!"

"Waaaa!!! Ang gwapo ni Deib!"

"Hooooyyy Norilyn! Akin si Deib!"

"Hoy ka rin Jenalyn! Wag kang maramot! Crush ko rin sya!"

"Waaaaaaaa!!!"

"Ang gwapooooo mooooo!"

"Yiiiiieee!"

"Idol ka rin namin Deib!"

"Oo nga! Anggaling mong magpahulog!"

"Pati nga ako napapahulog sayo e hahahaha!"

"I loooove youuuu Deeeiibb!"

Agad naman akong napalingon kay Deib at kitang kita ko ang naniningkit nyang mga mata habang nakatingin samin ni Kev Gonza!

Tss.. galit na naman!?

Ano?! May magagawa ka ba?! Sya kusang lumapit sakin e..

"Psh! Papansin pala 'tong Sensui'ng 'to e.." mahinang sabi ni Kev at saka muling bumaling sakin. "Masasarap ang pagkain dito sa kanila.. yung cake ang pinili ko.. chocolate yun pero hindi masyadong matamis.. oorderan kita.. sabay ka sakin ah?!"

"Kumain nako.." maikling sagot ko.

"Edi kumain ka ulet hehehehehe.."

"H-Hindi na.. busog pako.."

"O sige.. sumabay ka nalang sakin para mas ganahan ako.."

"Nandito ang mga kaibigan ko e---"

"Edi ako na lang ang dito.." nakangiti pa ring sabi nya na biglang umupo sa tabi ng upuang uupuan ko!

"Upo ka na!" nakangiting sabi nya pa na hinila ako dahilan para mapaupo nga ako sa tabi nya!

"Kyaaaaaaaahhh!! Chaaaarrrmmm!!! Si Deeeiibbb!!!!"

"Oo nga Hazel! Lalapit yata sya dito!"

"OMG!!!"

"Kinikilig ako Ayi!!"

"Ang gwapo nya noh!?"

"I loooove youuu na talaga Deib!"

"Suportado ka rin ng SIS dahil ang gwapoooo moooo!"

Muling sigawan ng mga students dahilan para mapunta na naman kay Deib ang paningin ko.

Nakatayo sya and this time.. pinalilibutan talaga sya ng mga halu-halo ng students ng SIS, BIS, Luna at ng iba pang schools..

Tss.. mga baliw..

"Deib! Deib! I'm Yajra!"

"I'm Catherine Joy!"

"I'm Jooyyy Gonza! Pero hindi ko kaanu-ano si Kev Gonza hahahaha pareho lang talaga kaming taga-Luna! Super gwapo mo pala talaga sa malapitan grabe!"

"A-Ahh.. s-salamat.." parang nahihiya pang sagot ni Sensui sa kanila.

"Ahh Deib.. ako si Ivy.. pwede bang makipagfriends?!"

"S-Sige.. hehehe.."

"Ako rin Deib ah!? Pansinin mo rin ako.. ako si Jelly Rose.."

"A-Ahh hi.."

"Deib! Wait! Ako si Choi Min! I'm also from BIS! Nagbabakasakali lang ring mapansin mo hehehhe.."

"Ako rin taga-BIS! I'm Chariss!!!"

"Hi Deib!!! I'm Nelfa! Fan mo ko yiiiieee!"

"Kyyyaaaahhh! Deib!!! Ako si Dhen Dhen! Sana mapansin mo rin ako!!!"

"H-Hi.. hehehehe.."

Nababaliw na talaga sila..

"Huhuhuhu ang swerte nyo naman.. schoolmate nyo si Deib!"

"Oo nga huhuhu buti pa sila.."

"Huhuhu gusto ko na ata magtransfer sa BIS.."

"Sana nga dun na lang tayo nag-enroll.."

"Para sayooo Deiiibbb! Lilipat ako!"

"Ako riiin!"

"Akooo.. Akooo! Deib.. ako! G-Gusto kong makilala si Tob! Pwede mo rin ba syang ipakilala sakin!? Ako si Shaira!"

"Ako si Ashian!!!"

"I'm Happie!!"

"A-Ahhh me tooo.. si Lee naman ang gusto kooo! Waaaa! Ako si Rochkaye!"

"Waaaaaaaaa crush ko rin si Lee eh!"

"Akin si Lee!"

"Basta akin si Tob!"

"Hoooyy crush ko rin si Tooob!"

"Kay Deib ka na!"

"I looooveee youuu Deib!"

"I looove you too Deib!"

"Marry me Deib pleaseee!"

"Waaaaa!"

"U-Uyyy Deib.. m-may girlfriend ka na ba!?"

"Oo nga.. ang balita ko may nililigawan sya.."

"Huhuhu sayang naman.."

"Nakakainis naman.."

"Ayaw ko na yata'ng mag-aral huhuhuhu.."

Nagitla pa ako nung mapatingin ako kay Deib at nakangisi sya sakin!

Anong tingin naman yan!?

"Deib ano?! May girlfriend ka na ba?!"

"Wala pa.." nakangiting sagot ni Sensui sa kanila.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaahhh!"

"Waaaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Yaaaaaaaaaaaaa!!"

"Yiiiiiiiiiiiieee!"

"Aaaayyyy grabe kinikilig akooooo!"

"King ina nakakarinde!" inis na singhal ni Naih at napatingin naman ako sa kanya! "Alam ba nila kung gano kaloko yan?!" bulong nya pa sakin.

"E ang gwapo naman kasi talaga ni Deib kapag nagbabasketball.." si BJ.

"Tama.. wag mo lang talagang iisipin yung mga kalokohan nya.. kasi yun ang turn-off.." si Migz.

"Huyyy ano ba kayo? Mabait rin naman si Deib.. in fact.. huminto na rin sya sa pambubully kay Max di ba??"

"Tara maka-infact teh ah?!" biro ni Migz sa kanya.

"Hihihihi maka-english lang.." si Michiko.

"Infact you.. hahahaha!"

"Hahahaha nakakainis ka Migz! Hihihihi yiiieeee!"

"Ayyy ang artiii ng Michiko!? Sya sumali ka dun sa fansclub ni Deib!"

"Ayoko nga hahahaha!"

"Ang tanong e.. bet ba ng Deib na jumoin ka?! Wiiitt rin! Hahahaha!"

"Kahit na hahaha! Basta ako.. si Tob lang ako hehehe.." si Michiko.

"Oo at yung Tob mo teh pinagpepyestahan rin ng ibang babae!" pang-aasar ni Migz sa kanya.

"Hahahaha kahit na.. sakin naman mapupunta sa huli e.."

"Yaaa! May balak ka ng sagotin si Tob?!" panunukso ni Naih sa kanya.

"Kapag nagchampion sila hehehehe.." kinikilig pang sagot ni Michiko sa kanya.

"Talaga!? Woooowww!"

"Hihihihihi."

"So ibig mong sabihin Deib.. wala ka pa'ng girlfriend?! Edi magkakaron pa lang!?"

"Aaayyy.."

"Haaaayyy.."

"Huhuhuhuhu.."

Nanlumo bigla ang mga babae'ng maiingay kanina dahilan para mapunta na naman ang atensyon ko sa kanila..

"Hindi nya pa ako sinasagot e.."

Halos mapailag pa ako nung biglang pagtingin ko kay Sensui ay nakatingin sya deretso sakin!

Bakit sakin ka nakatingin!?

"Uyyy Max! Nakatingin si Deib sayoooo!!!" si Migz!

"Ha?! Bakit sa kanya nakatingin!?" si Kev.

"Malay ko pogi hehehehehe.. baka hindi ko hawak ang mga mata nya!?"

"Tsh! Bading!"

"Ayyy.. oy! Wag mo kong mabading bading.. talentadong bading 'to!"

"Pake ko!"

"Pako ko rin sayo! Tse! Umalis ka na nga dito!"

"Dito ako dahil nandito ang destiny ko!"

"Tigilan mo yang kadedestiny mo dahil yang mga babae'ng katabi mo.. nangangain ng tao kapag nabubusog! Bumalik ka na nga dun sa table nyo!"

"Nakakainis! Mamaya na nga lang ulit kita kakausapin! Napakaraming 'epal' dito!" inis na sabi ni Kev at saka tumayo!

"Buti naman.. dun ka sa Elementary.. dun bagay yang height mo! Ang yabang neto.. gawin kitang keychain e.."

"Bading!"

"Bansot!"

"Bakla!"

"Bansot!"

"Wag mo ng patulan.." bulong ko kay Kev at saka inginuso sya paalis.

"Hehehehehe.. masusunod my destiny.. Kita tayo mamaya ah?!"

"Tss.."

"Mwah!" sabi nya na umasta pang humalik at saka tumalikod. "Whewww.. andaming fans.. wala namang talent.." parinig pa ni Kev kay Sensui na hindi naman sya pinansin.

"Grabe.. andaming nagkakagulo kay Deib.." bulong ni BJ.

"Big three na nga ang tawag sa kanila e.." bulong ni Michiko.

"San naman nila nakuha yung big three?! Ang korni ah.." si Naih.

"Sa basketball daw.."

"Haaaayyy ang gwapo talaga ni Deib.. maloko lang talaga.." si BJ.

Hindi ko halos marinig ang sinasabi nila dahil hindi ko maiwasang hindi tignan si Sensui dahil nakatingi sya deretso sakin!

Badtrip naman oh..

Nakaramdam ako ng pagkailang dahil makikinig sya sa sinasabi ng kaharap nya at titingin sya sakin kapag sumasagot sya sa kanila!

"Kilala ba namin yang nililigawan mo Deib!?"

"Pakilala mo naman.."

"Huhuhuhu wag na.."

"Oo nga wag na.. hindi ko kaya huhuhuh.."

"Gusto ko syang makilala!"

"Oo nga ako rin!"

"Napakaswerte nya.."

"M-Makikilala nyo rin sya.. kapag 'kami' na.."

Talagang diniin nya pa ang pagkakasabi ng 'KAMI' habang nakatingin sakin!

'Nahihibang ka na..'

"Sayang naman.."

"Ang swerte nya.."

"Huhuhuhuh.. nadepress naman ako.."

"Pero wag kayong mag-alala.. kapag nakilala nyo sya.. magugustohan nyo rin sya.." sagot na naman ni Sensui pero hindi na sya nakatingin sakin.

"Talaga?!"

"Bakit naman!?"

"Oo nga!"

"Bakit nga naman!? E inagaw ka nya samin!"

"Oo nga!"

"H-Ha?! Hahahaha! E k-kasi.. a-ako nga h-hindi ko alam na magugustohan ko sya pero nagustohan ko sya.." nakangiting sagot na naman ni Sensui habang nakatingin sakin.

"Hala ka Max!" mahinang bulong ni Naih sakin na lumipat pa sa upuang nasa tabi ko mismo! Lumingon pa sya kila Michiko, Migz at BJ na parang abala naman sa pag-uusap..

"B-Bakit?!"

"Sayo talaga sya nakatingin!" malakas na bulong ni Naih at napakuyumos naman agad ang mukha ko!

"S-Sino ba!?" maang maangang tanong ko.

"Si Sensui---sino pa ba!"

"Aisshh! Sige isigaw mo pa!"

"Bakit sayo sya nakatingin!?"

"Malay ko!"

"Weeehhh---"

"Loko! Baka nagkakataon lang!"

"Imposible!"

"Huuuyyy ano yun!?" biglang singit ni Michiko samin at nagulat naman kami ni Naih pareho.

"A-Ahh wala hehehe.." sagot ni Naih sa kanya.

"Meron e.. may pinag-uusapan kayo e.. share naman dyan!"

"Oo nga ano yun!?" si BJ.

"H-Hahahaha.. y-yung uniform kasi nung mga taga-Luna.. p-parang h-hindi maganda.." pagsisinungaling ni Naih na tumingin pa sakin.

"Ayy gaga napakalaitera mo! Ibenta mo yung isang hotel nyo at magdonate ka ng uniform sa Luna! Laitera'ng 'to.." si Migz.

"A-Ahh hahahaha.."

Mabilis kong iniiwas ang paningin ko sa kanila at palihim na sumulyap kay Sensui.

Hindi na sya nakatingin sakin..

"Kyaaaaaaaaaaaaa!"

"Ohhhh my Gooood!"

"Sii Leeeeee!"

"Yaaaaaaaa si Tooooobbb!"

"Ang gugwapo nila!!!"

"OMG ayan na ang Big Three!!!"

"Let's go.." dinig kong sabi ni Lee. Hindi ko na sila tinignan pa.

"Oh.. si Maxpein! Hi Max!" biglang bati ni Tob kaya wala akong choice kung hindi ang lingunin sila.

Pilit ang ngiting iginanti ko sa kanya.

"Hi Michiko.." malambing na bati nya kay Michiko.

"H-Hi Tob.."

"Uyy Tob! Kailangan nyong magchampion!" sigaw ni Migz.

"Uyyy ano ka ba Migz!" nahihiyang pigil ni Michiko.

"Hahahaha bakit naman Migz!?" si Tob.

"Kasi matutuwa ka kapag nagchampion kayo hehehehe. Ikaw ang MVP nun!" si Migz.

"Nako.. malabo.. Bigay na bigay 'tong si Enrile e hahahaha!" turo nya pa kay Sensui na nilingon ko at...

Bahagyang nakangiti sakin!

Anong itinitingin tingin mo!?

Gusto ko syang tanongin pero walang lumalabas na salita sa bibig ko!

Natatakot ako na baka malaman ng mga 'to yung mga napag-uusapan namin at ayaw ko yung mangyari!

Badtrip!

"Basta Tob.. kailangang mag-Champion kayo.. promise.." singit naman ni BJ.

"Hahahaha don't worry BJ.. gagawin namin lahat.."

"Oo lalo na talaga ikaw Tob.. kailangang gawin mo talaga lahat.."

"Hahahahahah!" nagtawanan silang lahat maliban sakin.

"Hahahaha kayo ahh.." nanunukso pa kunwaring sabi ni Tob.

"W-Wag mo na lang silang pansinin.. h-hehehe.." si Michiko kay Tob.

"Bakit wala ka kanina!?" nakangusong baling ni Tob sakin.

"H-Ha?? A-Ahh.. k-kinausap ko pa si Daddy kasi---"

"Ang tagal naman!?"

Nagulat ako sa biglang pagsingit ni Sensui sa usapan!

Umayos ka!

"A-Ahh.. hahaha.. ganon talaga kami mag-usap e.."

"Anong pinag-usapan nyo?!" si Sensui.

"Bakit gusto mong malaman!?" agad na tanong ko.

"Gusto ko lang.."

"Samin na lang yun.."

"Mmm.. baka naman.. ako yan!?"

"Uuuuuyyyyyyy!!!!" panunukso nila samin maliban kay Naih na nakataas ang kilay!

Hindi ko maiwasang pandilatan sya ng mga mata habang salubong ang dalawang kilay ko!

"Hahahahaha.. baka mali mali ang sumbong mo sa Daddy mo ah!? Lagot ka talaga sakin.."

"A-Ano bang sinasabi mo dyan!?" inis na talagang tanong ko.

"Di ba 'magkaaway' tayo?! Malay ko ba kung sinusumbong mo ko at mali mali ang sinasabi mo----"

"Bakit ko naman gagawin yun!?"

"Malay ko ba?!"

"Tss.. hindi ako nagsusumbong sa erpats ko tungkol sa mga 'kaaway' ko dahil 'hindi' naman sya interesado!" madiing sagot ko at nagitla naman sya!

"Tch.." singhal nya sakin!

"Uyyyy kilala ni Deib ang Daddy mo!? Deib magkakilala kayo ng Daddy ni Max!?" namamanghang tanong ni Migz sa kanya.

"A-Ahh oo.." si Sensui.

"Waaaaaaaaa!!" biglang tili ni Migz. "Bakit!?"

"A-Anong bakit?!"

"Hahahahahah.. I mean pano?! Pano kayo nagkakilala?!"

"Ahh.. m-mahabang storya e.." nakangiting sagot ni Sensui na tumingin pa sakin.

"Kyaaaaa----"

"Anong oras laro nyo?" biglang singit ni Lee.

Sa wakas..

"Eleven pa.." sagot ni Naih sa kanya.

"Manonood kami ah?" nakangiting sagot ni Lee sa kanya.

"Kahit wag na.."

Anong iniaarte neto!?

Kapansin pansin ang pagsusungit ni Naih kay Lee!

"Hahahaha bakit naman!?" natatawang tanong ni Lee sa kanya.

"Hahahaha baka malas ka kay Naih dre?!" biro ni Tob kay Lee.

"Really?? Edi pareho pala kami!?" mapang-asar na ngumiti si Lee kay Naih na nagtaas bigla ng kilay.

"Nyeh nyeh.." si Naih.

"Ang gaganda ng mga kaibigan natin bakla grabe.." parinig ni Migz.

"Hahahaha gusto mo yung Kev Gonza na lang sayo.. tapos akin yung Jermayne Orquiza na kasama nya.. ano!? Bet!?" si BJ.

"Wit na bakla! Kaimbyerna ang Kev Gonza na yun! Makapagyabang kala mo lumampas sya sa siko ko!"

"Hahahahaha!" nagtawanan ulit sila.

DEIB'S POV

Kapansin pansin ang pananahimik ni Taguro habang magkakaharap kami ngayon at nakikipag-asaran sa kanilang lahat..

Napakaraming nagsasalita pero hindi naalis sa kanya ang paningin ko..

Ang cute cute nya heheheheheh!!!

Natutuwa ako twing pilit nyang pinagmumukhang seryoso ang sarili nya kahit na halata namang naiilang sya hehehehe!

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya at walang humpay naman ang tingin nya sakin habang salubong ang mga kilay nya..

Palihim ko naman syang kinindatan..

Hindi ko talaga maipaliwanag ang tuwa at saya'ng nararamdaman ko hehehe..

Kahit naiinis sya.. natutuwa pa rin ako hehehehe..

Nang walang anu-ano'y...

San pupunta yun?!

Bigla syang tumayo at naglakad papalayo!

"San punta nun?" biglang tanong ni Tob na nakatingin kay Taguro.

"Nitong mga nakaraan.. solo flight ang trip nyan.. hayaan nyo na.." sagot ni Naih.

"Baka kasi nabadtrip samin hehehe."

"Hindi.. hindi naman ganun yun.."

"Ahh.."

Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay sakin sya nainis kaya sya umalis! Kaya naman..

"A-Ahh.. dre.. una muna ako.." bulong ko kay Tob.

"Teka.. san naman pun---Sige.. sige dre.. M-May pupuntahan ka nga pala kamo.." biglang palusot ni Tob matapos ko syang pandilatan ng mga mata.

"Geh.." paalam ko at naglakad na.

"San punta nun?" dinig ko pa si Lee.

"B-Baka kay Kim hehehe.."

"Ahh.."

Engot ka Tob! Pakyu!

Hindi ko na sya pinansin pa sila at nagtuloy na ako palabas!

"Waaaaaaaaaaa!"

"Ayan na naman si Deeeeiiibbb!"

"Manonood kami ng game moooo!"

"Galingan mooooo mamaya!"

"A-Ahh hehehe.. s-salamat.." nasabi ko na lang at mabilis silang iniwasan at hinanap si Taguro.

San kaya sumuot yun!? Tsk!

"Hi Deib!"

"Waaaaaaa!"

"Si Deeeeiiib!"

"Oo nga.. grabe ang gwapo nya.."

"Ang puti at matangkad pa.."

"Parang manekin yung mga binti nya.."

"Grabe.. he's perfect.."

"Nasan kaya si Lee?"

"Oo nga.. wala rin si Tob huhuhu.."

"Okay lang yan gwapo naman si Deib e hehehehe.."

Hindi ko na nagawang pansinin pa yung mga nagsasalita dahil abala ako kalilinga kahahanap kay Taguro! Narating ko ang quadrangle ng SIS pero hindi ko pa rin sya nakikita!

Pumunta ako sa court at ganon rin sa Gym pero hindi ko sya makita! Nararamdaman ko ring wala sya don dahil ibang school naman ang naglalaro..

Hanggang sa makasalubong ko sila Josh at Jigs na kasama nila ni Parrot sa billiards.

"H-Heyy.." tawag ko sa kanila.

"Oh Deib!?" si Josh.

"N-Nakita nyo ba si Taguro?!"

"Hahahaha.. Loko ka talaga.." si Jigs pero nginitian ko lang sya.

"Lumabas yata.." sagot ni Josh.

"Ha?! Bakit?!"

"Ayy.. ewan ko lang hehehehe.."

"G-Ganon ba? S-Sige salamat.."

"Close na close na kayo ah!?" biro pa ni Jigs.

"A-Ahh hahaha.. h-hindi naman.."

"Baka iba na yan.."

"H-Hindi hehehehe.."

"Sige sige.. goodluck!!!!!!!! ..sa game! At sayo na rin hahahaha!"

"S-Sige.. hehehehehe s-sa inyo rin.."

Yun lang at mabilis akong tinalikuran sila!

Badtrip! Halatang halata ba talaga ako!? Baka pati sila Parrot nahalata ako?! Tch!

Mabilis akong naglakad papalabas ng SIS. Buti na lang at hindi 'to tulad ng BIS na mas malawak ang lalakarin bago ka makarating sa labasan.

Parking Lot.

"Nasan naman kaya yun!?" mahinang bulong ko na pinuntahan pa ang parking ng motor nila pero wala sya talaga.

Inis akong nagpalinga linga sa daan at hindi ko pa rin sya makita kaya naman nagdesisyon akong bumalik na lang ulit sa loob nung biglang..

Anong ginagawa nito dito!?

Nakita ko si Kev Gonza!!!!!!

Wag nya sabihing sinundan nya rin si Taguro?! Bwisit talaga!

"Ho---" tatawagin ko na sana sya ng walang anu-ano'y..

Nakita ko si TAGURO!!!!

Nakatingin sya sakin at salubong na salubong ang kilay nya!

Kaya naman salubong rin ang kilay kong sinugod sya!

"Anong ginagawa mo dito!?" inis na tanong ko!

"Anong ginagawa 'mo' dito??" parang nagtataka pang tanong nya!

"Tch! Bigla ka na lang umalis don kanina kaya sinundan kita! Bakit ka umalis!" inis na tanong ko!

"Gusto ko e.."

"Tch.. bakit?! Hindi mo ba matagalan yung mga tingin ko!?" pang-aasar ko sa kanya at hindi naman sya sumagot! Mabilis nyang iniiwas ang paningin nya sakin. "Sinabi ko na nga ba e.." nangingiti pang tanong ko. "Hindi mo matagalan ang mga titig ko kaya umalis ka na lang?! Hehehehehe.."

"Tss.."

"Pero okay lang.. at least dito solo kita.." nakangiting sagot ko dahilan para mapatingin sya sakin.

"Hindi ka ba talaga titigil?!"

"B-Bakit na naman!?"

"Nakakainis ka na e!"

"A-Ano na naman!?"

"Sabi ko tigilan mo na ako!"

"B-Bakit ba nagagalit ka?!"

"Dahil hindi ako natutuwa sa ginagawa mo.."

"Bakit nga hindi ka natutuwa?"

"Naiinis ako.. nababadtrip ako.. Walang nakakatuwa sa ginagawa mo e!"

"E-Eh ano bang dapat kong gawin para wag kang mainis sakin!?"

"Yung bumalik ka sa dati.. yung dating ikaw!"

"Anong dating ako!?"

"Yung dating ikaw na malayo pa lang ako.. nasisilaw na.. Yung makita lang ako.. nag-uusok na ang butas ng ilong at tenga.. Mas gusto ko pa yun kesa yung ikaw ngayon na puro ka pasweet.. hindi naman bagay"

"A-Anak ng.. H-Hoy.. Hindi ka ba talaga makaintindi ha!?" inis na tanong ko at natahimik na naman sya! "Paulit-ulit ko na ngang sinabi e! Hindi ka pa rin talaga naniniwala?!" dagdag ko pa at hindi pa rin sya sumagot! Nanatili syang nakatingin sa mga mata ko habang salubong ang mga kilay nya!

Nakaramdam ako ng inis dahil hindi ko rin alam kung pano ko ipapaliwanag ang sarili ko!

Hindi ko rin alam kung anong dapat ko pang sabihin para maniwala sya sakin!

Naiinis ako dahil ang tanga tanga nya! Paulit ulit ko na ngang sinabi hindi pa rin sya naniniwala!

Dapat ba'ng may gawin pa ako sa kanya para lang maniwala sya?!

Alangan namang yakapin ko sya?!

H-Hindi pwede! Hindi pwede!

Napailing pa ako sa naisip ko..

"G-Gusto nga kasi kita Taguro e.." mahinang usal ko at hindi pa rin nagbago ang itsura nya. "At kung ako ang tatanongin mo.. h-hindi ko rin alam kung bakit nagkaganito.."

Hindi pa rin sya nagsalita!

Kaya naman pinakiramdaman ko ulit ang sarili ko at hinayaang magsalita ang bibig ko..

"O sige.. s-sabihin na nating.. m-may mga bagay ka kasing nagawa sakin na.. i-ikaw lang ang nakagawa.. isa na sigurong dahilan yun kaya ako nagkagan---"

"Tulad ng ano?" wala reaksyon na namang tanong nya.

"Yan! T-Tulad nyan!" turo ko sa labi nya! "Kapatid ko lang ang nakakagawa sakin nyan! Ni minsan walang babae'ng nakasigaw sakin ng ganyan!"

"Tss.. Wag mo sabihing hindi ka man lang nagawang sigawan ni Kim?" nakangisi pa'ng tanong nya.

Napaisip naman ako sa tanong nya!

Nasigawan na nga ba ako ni Kim?!

"O-Oo.. nasigawan nya na ako pero hindi sing-angas ng iyo ang dating nya.."

"Edi wag mo sabihing ako lang.."

"Oh sige.. y-yung gumanti ka sa mga pambubully ko sayo.. M-Maski isang pinagtripan ko walang gumanti sakin---nag-iisa ka lang! Ikaw lang ang babae'ng pumatol sakin.."

"E bakit si Ysay?"

"H-Hoy! Hindi ko binully yun ah!"

"Pero pinatulan ka nya.."

"E-Eh iba nga kasi yung sayo!"

"Tss.. pareho lang kaming pumatol sayo.. anong iba dun!?"

"Hindi mo kasi naiintindihan e.. Yung kay Ysay.. patalikod naman akong pinatulan nun! Ginawan ako ng katarantaduhan nun ng hindi ko nalalaman! Hindi ako natutuwa sa kanya!"

"Edi alam mo kung anong pakiramdam ko?"

Natigilan ako at napatitig sa kanya!

At ayun na naman yung blangkong mukha nya..

"Kung hindi kita maintindihan.. mas hindi mo ko naiintindihan.. Tulad mo.. hindi rin ako natutuwa sa mga ginawa mo sakin.. at tulad lang rin ni Ysay.. ginawan mo ako ng katarantaduhan ng hindi ko nalalaman.."

"T-Taguro naman.."

"Hindi sa hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo.. hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang mga ikinikilos mo.. Hindi lang talaga ako makapaniwalang.. ganon kabilis yun?"

"A-Ang alin??"

"Si Kim.. sya ang nililigawan mo sa matagal na panahon.. Para na nga syang anino mong nakabuntot parati sayo.. Ikaw naman ay parang alalay nya na parating nakasunod sa kanya.. Pinagtripan mo ko at ginantihan kita.. Nalaman mo ang tungkol kay Kim at kay Randall kasunod nun ay yung samin ni Randall.. Tapos ngayon, may gusto ka na sakin.. anggulo e.. Wala sa ayos.."

WTF?!

"Kailangan pa bang nasa ayos yun!?"

"Mmm.. sa paniniwala ko.. ganun dapat yun.."

"Kalokohan yan! Bakit?! Mapipigilan mo ba ang nararamdaman?! Nung mga oras na nililigawan ko si Kim.. ewan ko.. siguro.. tulad ng sinasabi ng kaibigan ko.. in denial lang ako.. Na hindi ko lang talaga maamin sa sarili kong may gusto ako sayo!"

"Ahh.. baka naman nadaan ka lang sa tukso ng mga kaibigan mo?"

"Wag ka ngang mapilit?! Hindi ganon yun okay!?"

"Tss.."

"At isa pa.." biglang salita ko at tumingin na naman sya sakin ng may blangkong mukha! "Yung mga pagliligtas mo sakin noon.. i-ikaw lang ang nakagawa sakin nun.. Wag ka ng kumontra dahil kahit tanongin mo pa lahat ng kakilala ko ngayon.. ikaw lang talaga ang nakagawa nun sakin! At yun malamang ang naging pinakamalaking puntos mo kaya nagustohan kita.." mahabang paliwanag ko at hindi naman sya kumibo. "Seryoso ako Taguro.."

"Mukha ka namang seryoso e.." wala pa ring ganang sagot nya.

"Y-Yun naman pala e.. a-ano pang ikinagaganyan mo!?" inis na tanong ko. Huminga naman sya ng malalim.

"Mabigat na salita kasi ang binibitiwan mo.. sa dating mo.. mukhang hindi ka pa nagkakagirlfriend---"

"Hindi pa nga.." mabilis na sagot ko.

"Kung ganon.. tama nga ang hinala ko.."

"A-Ano yun?"

"Na ang nagustohan mo lang sakin ay yung yabang ko.. at wala na bukod dun.."

"A-Anong---"

"Nakikita mo ko bilang isang kakumpetensya mo.. na hindi mo matalo kaya naman nauwi sa pagkakagusto mo sa mga ginagawa ko.."

"H-Hindi ko maintindihan.."

"Infatuation ang tawag dyan.."

Infatu---what!?

"Paghanga.. crush.. yan yun.." blangko pa rin ang mukhang sagot nya. "Kasi.. kapag nagkagusto ka sa isang tao.. mahihirapan kang sabihin sa kanila yung tunay na nararamdaman mo.. at hindi kasing bilis ng ginawa mo.."

Ano bang sinasabi nya!?

"Nung magkagusto ka kay Kim.. nasabi mo ba agad yung nararamdaman mo??" seryosong tanong nya.

"H-Hindi.." agad na sagot ko at napaisip. "N-Nagpatulong pako kila Lee at Tob.. g-ganon na rin sa kapatid ni Kim.. p-para lang makapagpropose ako sa kanya.. na m-may gusto ako sa kanya.. it t-took me months b-bago ko maamin.."

"Exactly.. yun ang ang eksaktong sinasabi ko.."

"Pero h-hindi tulad ng nararamdaman ko kay Kim ang nararamdaman ko sayo.." seryoso talagang sagot ko.

"Walang pinagkaiba yan kay Kim.."

"Kung ganon.. bakit hindi ako nasaktan don sa ginawa ni Kim?! Sabihin na nating nasaktan ako pero hindi matindi.. hindi tulad ng sakit na nakita't naramdaman ko sayo nung gabing nag-usap kayo ni Randall.." inis na sagot ko at mabilis namang nagsalubong ang mga kilay nya!

"Kailangan mo ba talagang isali sya parati sa usapan!?"

"E ikinukumpara ko lang naman---"

"Hindi mo kailangang ikumpara dahil yung katotohanang magkaiba'ng tao kayong dalawa---dapat alam mo ng magkaiba kayo.. wag mo na ulit syang babanggitin kapag tayong dalawa lang ang magkausap!" biglang galit na sabi nya!

"Bakit ba hindi mo sya makalimutan ha?! Kailan mo ba matatanggap na may girlfriend na nga syang iba?!"

"At kelan mo rin ba titigilan ang pangunguwestyon sa nararamdaman ko?!" pigil ang galit na tanong nya dahilan para matahimik ako.

Kung ganon.. mahal nya pa nga si Randall!?

Hindi ko maintindihan ang biglang kirot na naramdaman ko..

Hindi ako nakasagot..

"Yung mga sinasabi mo.. lahat yun ay hindi ko maintindihan dahil lahat malabo.. lahat hindi madaling paniwalaan.. dahil lahat ng yun ay kwestyonable.." wala na namang emosyong sagot nya pero hindi ko pa rin sya tinitignan. "Yung na-challenge ka sa personality ko.. naiintindihan ko yun at wala akong problema don.. Yung humanga ka sa pagliligtas na ginawa ko sayo.. mas naiitindihan ko yun dahil bibihira na lang talaga ang mga babae'ng ganon.. ang may lakas ng loob para ipaglaban ka sa kung sino sino.." dagdag nya pa at nanatili akong nakatingin sa paanan nya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?!

"Pero.. kung meron mang tao'ng mangangailangan ng tulong ko.. tulad mo.. tutulungan ko rin sila.. Kung para sayo.. ako lang ang nakakagawa ng mga bagay na yan sayo.. Para sakin.. hindi lang ikaw ang tao'ng kaya kong gawan ng ganyan.."

"Tama na.." mahinang sambit ko at bumuntong-hininga naman sya.

"Ano baaaa!!!!"

Oh!?

Sabay kaming napalingon ni Taguro sa pinagmulan ng pamilyar na boses na yun at...

WTF???

Mabilis akong naglakad papalapit sa kotse ko at tanaw na tanaw ko kung panong hinawakan nung pamilyar na gangster si Kev sa jersey nya!

Sya si Yago!

Anong ginagawa nila dito!?

Kinabahan ako bigla nung makita ko yung mga gangsters na yun na dating humarang sakin!!!!

Haharap na sana ako kay Taguro nung makita kong naglakad na sya papalapit sa kanila!

"T-Taguro!" malakas na tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin kaya naman mabilis na rin akong naglakad papalapit sa kanila. "Taguro ano ba.. w-wag ka ng sumali sa kanila." mahinang bulong ko pa.

"Bitiwan nyo sya.." malumanay sa sambit ni Taguro dahilan para mapalingon ang lahat sa kanya....at sakin!!!

"Oh.. Maxpein! It's been a while.." nakangising sabi ni Yago sa kanya.

"Bitiwan nyo sya.." malumanay pa ring sagot nya.

"Hahahaha.. bakit?! Kilala mo ba 'to si Gonza?! Taga-Luna 'to ah.. pano mo nakilala?!"

"Bitiwan nyo sya.."

"M-Maxpein.. a-ako ng bahala dito.. umalis kana-----Agh!!!" hindi natapos ni Kev ang sinasabi nya dahil pabato syang binitiwan ni Yago!

"Pano ba yan Mallyu?! Frustrated murder nalang 'to!? May dumating na superhero e.." natatawang sabi ni Yago dun sa isang pamilyar rin saking lalaki!

Sya yung leader!

"Anong ginagawa nyo dito?" salubong rin ang kilay na tanong nung tinawag na Mallyu samin.. na sakin mismo nakatingin! "Kumusta Enrile!?" nakangising tanong nya at hindi ko naman sya sinagot.

"Oh!? Si Enrile nga hahahahaha! T*ngina buhay ka pa talaga?!'"

"Ano bang ginagawa nyo dito?" malumanay na tanong ni Taguro sa kanila at mabilis namang tinapakan ni Mallyu sa leeg si Kev!

"A-Araaaay! T-T-Ti-Tigilan mo-----!" hirap na hirap na sigaw ni Kev sa kanya!

"Nandito kami para sa loko'ng 'to.." nakangising sagot ni Mallyu na mukhang mas diniinan pa ang pagkakatapak sa leeg ni Kev!

"A-Arrrgghhh ar-aaaaayy---"

"Sinabi ko naman sayo Gonza.. pumili pili ka ng kakabanggain mo.. Hindi porket machicks ka e luluhuran na kita.. ilang beses kitang binantaan pero hindi ka mang lang nakinig.. tsk tsk tsk.." naaawa kunwaring sabi nung Mallyu kay Kev na bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman!

"A-Aray!!!" sigaw pa rin ni Kev!

"Ano?? Masaket?? T*ngina ka masaket!? Gago!" malakas na sigaw ni Mallyu at...

~BOOOOOOOOGG!!!!~

Malakas nyang sinipa sa dibdib si Kev!

"A-Ano ba tama na!" sigaw ko at napatingin naman sila sakin! "Ano bang g-ginagawa nyo dito!?"

"Ohh?? Enrile.. Hahahahah.. maglalakas-loob ka rin lang na tanongin ako.. hindi mo pa maayos ang pananalita mo!? Nanginginig ang boses mo at natatakot ka pa yata saken?!" nakakalokong ngiting tanong ni Mallyu sakin habang dahan dahang lumalapit sakin!

"K-Kung m-manggugulo k-kayo.. w-wag dito.." utal na sabi ko pa sa kanya!

"Hahahahahaha! T*ngina wala pakong ginagawa sayo parang takot na takot ka na ah?! Tignan ko nga tuhod mo!?" sabi nya na umastang hahawakan ako sa tuhod pero umiwas ako! "Mukhang nangangatal na tuhod mo brad ah!?"

"U-Umalis na kayo dito b-bago pa ako tumawag ng security.."

"Bwahahahahahahahahaha!" malakas na tawanan nilang lahat!

"Etong itsura'ng 'to sa tingin mo ba matatakot kami sa security!?" tumatawa munit nanlalaki ang mga mata'ng tanong ni Mallyu sakin! At sa hindi inaasahan ay mabilis syang sumugod sakin at...

Pumikit ako na bahagyang umilag pa!!!

At nung wala akong maramdaman...

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko..

Nakaharang na si Taguro sa harap ko..

"Sinabi ng tama na.." malumanay pa ring sambit ni Taguro.

Alam kong hindi tama pero...

Eto yun e.. eto yung sinasabi ko sayo Taguro.. hehehehe.. Ang sarap sa pakiramdam na kahit nasa peligro ako.. hindi ko magawang matakot dahil alam kong hindi mo ko pababayaan..

Hindi ko man magawang ngumiti sa mga oras na yun.. kakaibang tuwa ang naramdaman ko sa simpleng bagay na ginawa ni Taguro'ng yun..

Pakiramdam ko na naman ay ligtas ako twing nandyan sya..

Alam kong nakakahiya dahil babae sya at ako ang lalaki.. pero ang totoo ay yun ang isa sa mga hinahangaan ko sa kanya..

Yung bagay na ako dapat ang gumagawa sa kanya.. sya ang gumagawa sakin..

"Tama na.." si Taguro pero hindi sya pinansin nung Mallyu na mukhang mas diniinan pa!

Hindi ko na napansin ang ginagawa nila sa sobrang kaiimagine ko! Tsk!

"A-Araaaayyy!!!"

"Sinabi ng tama na e!" sigaw ni Taguro at...!!!!!!!

~BLAAAAAAAAAAAG!!!!~

MALAKAS NA SINIPA NI TAGURO SI MALLYU DAHILAN PARA MAPAATRAS ITO AT MAALIS SA PAGKAKATAPAK SA LEEG NI KEV!!!!

WTF??

"T-Taguro ano ba?" mahinang bulong ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin!

"Gago ka talaga Maxpein!" sigaw ni Yago sa kanya na agad na linapitan si Mallyu at umastang nakaakay dito! "Masyado ka naman yata'ng nagpapakabayani ha!?"

"Ilang beses ko ng sinabing tigilan nyo na.."

"Bobo ka ba?! Kilala mo kami! Hindi kami yung tao'ng susugod sa tao'ng wala namang atraso samin! At saka isa pa bakit ba nangingialam ka na naman ha?! Kilala mo ba 'tong Kev Gonza na 'to!? Alam mo ba kung anong atraso ang meron samin 'to?! Sino ka ba talaga sa akala mo para sumali sa gulo ng may gulo Maxpein!"

"Sino ka rin ba sa akala mo para manggulo kung kelan mo gusto!?" galit na tanong ni Taguro sa kanya.

"T-Taguro ano ba? Wala tayong l-laban dyan.. a-ang dami nila oh.." bulong ko sa kanya pero hindi nya pa rin ako pinansin! Nanatili lang ako sa likod nya!

Nakakainis rin pala! Dahil sa mga ganitong pagkakataon.. alam kong wala akong pakinabang lalo sayo.. Badtrip!

"Umalis na kayo.." malumanay pa ring sabi ni Taguro pero..

Mabilis syang sinugod ni Mallyu at dinaklot sa damit!

"Matapos nung ginawa mo sakin---sino ka sa akala mo para sundin ko?!" nanggagalaiti'ng tanong ni Mallyu sa mismong mukha ni Taguro!

"T-Taguro.." mahinang bulong ko!

Damn it Deib! Wag kang duwag! Do something!

"Kapag kinanti ka ba namin dito.. sino sa tingin mo ang tutulong sayo?! Alen?! Etong dalawang gunggong na 'to!?" tanong ni Mallyu kay Taguro na tumingin pa saming dalawa ni Kev na kasalukuyan pa ring nakahiga sa sahig at namimilipit sa sahig! "Masyado ka naman yatang matapang Maxpein?!" nakakalokong ngiting tanong pa ni Mallyu sa kanya!

"Bitiwan nyo sya!" malakas na sigaw ni Kev na hindi namin namalayang tumayo na pala at akmang susugod kay Mallyu pero...

~BLAAAAAAAAGGG!!!!~

Oh?!

Tumalsik si Kev sa malakas na sapak na ginawa ni Yago bago pa man sya makalapit kay Mallyu!

"Anak ng teteng nakakatayo ka pa?!" mayabang na tanong ni Yago kay Kev na hirap na hirap ng tumayo habang nakatuon ang dalawang kamay sa isang tuhod!

Agad akong tumingin kay Taguro dahil mas bumilis na ang tibok ng puso ko! Natatakot akong baka may mangyari sa kanya! Baka kung anong gawin sa kanya ng mga gangster na 'to!

"A-Ano ba?! Tama na!" sigaw ko!

Binitiwan ni Mallyu si Taguro at dahan dahang lumapit sakin..

"Kanina ka pa e.. masyado kang maingay.. wala ka namang pakinabang!" galit na singhal sakin ni Mallyu habang dahan dahang lumalapit sakin at dahan dahan rin naman akong umaatras habang nanlalaki ang mga mata'ng nakatingin sa kanya!

Hanggang dyan ka na lang!

"Dapat talaga tinapos ka na namin dati e.. masyado kasing bayani 'tong si Maxpein kaya hindi man lang kita nagawang galawin noon.." nakangisi pang sabi nya. "At talagang ka pa dito?! Hahahahaha.. alam mo ba kung gaanong kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita at maaalalang ni hindi ko man lang sya nagawang saktan ka nung una tayong nagkita?!"

Iniiwas ko ang tinign ko sa kanya at nakita ko si Taguro'ng nilapitan si Kev at tinulungang tumayo!!!!

Damn it anong gagawin ko! Badtrip!

Mabilis akong sinugod ni Mallyu at hinawakan rin sa jersey ko!

"Kakaiba rin ang tapang mong sumabat sa usapan ng malalakas e no?! Anong akala mo samin?! Tulad lang nung mga tao'ng binubully bully mo?! Hahahahaha.. hindi porket mayaman ka aatrasan na kita Enrile.."

"B-Bitiwan mo ko----"

"Manahimik ka!!!!" malakas na sigaw nya sakin at kitang kta ko naman sa mga mata nya ang galit! Nakaramdam ako ng kakaibang takot sa dibdib ko at pakiramdam ko na naman ay katapusan ko na! "Hindi ka man lang ba natatakot sa mga simpleng ginagawa namin at naglakas loob ka pa talagang sumabat sa usapan namin!? Anong akala mo sa sarili mo!? May magagawa ka?! Kung sasaktan ba kita ngayon may magagawa ka-----!!!"

Mabilis syang hinila ni Taguro dahilan para bahagya pa akong mapasubsob sa sahig!

"Ano ba!" malakas na sigaw nya kay Taguro na salubong na salubong ang kilay at galit na nakatingin sa kanya! Mabilis namang nagsipaglapitan ang iba pa nilang kasama samin at ayun na naman yung mga baseball bat nila!

Badtrip naman oh! Wala na naman ba'ng security guard dito!? Bakit sa twing mangyayari 'to walang taong tutulong samin!

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko Maxpein!" malakas na sigaw ni Mallyu kay Taguro!

"Galawin mo na lahat wag lang yan.." nakangising sagot ni Taguro sa kanya at..

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

Mabilis na tumibok ang puso ko...

Saraaaappp...

Ano ba Deib! Umayos ka!

"Baket!? Syota mo na ba 'to?!" natatawa kunwari pang tanong ni Mallyu sa kanya! Agad naman akong napatingin kay Taguro!

"Alam nyo ba kung anong meron dito ha?!" inis na tanong ni Taguro sa kanya!

"Interhigh! Bakit?!"

"Alam nyo naman pala e.. at player nyo yan!" turo ni Taguro kay Kev.

"Hahahahahahah! Oo! Alam ng buong LU na player namin ng basketball ang hambog na yan! E ikaw? Alam mo ba kung anong atraso samin nyan?! Yang gago'ng yan lang naman ay pinaiyak ang chic ko!" mabilis nyang tinalikuran si Taguro at mabilis ring dinampot si Kev at kinaladkad papalapit kay Taguro'ng salubong na naman ang kilay! "Etong tarantado'ng 'to na akala mo kung sinong gwapo----nagkagusto lang sayo yung chicks ko pinaiyak mo na!" nanggigigil na sigaw ni Mallyu kay Kev na mukhang hinang hina pero itinapon nya parin sa kalsada! "Ha!"

"At talagang etong araw na 'to pa talaga ang pinili nyo para gantihan sya ganon!?"

"Why not?! Hahahaha.. para mas exciting.. at saka bakit ba nangingialam ka na naman!? Hindi mo na teritoryo 'to hindi ba?! Sa BIS ka na.." mayabang na sabat ni Yago na syang dumakma naman kay Kev ngayon!

"Hindi na nga.. pero kilala ko ang tao'ng yan.." turo ni Taguro kay Kev.

"Bakit?! Kami ba hindi!?"

"Kilala.. kilalang kilala.. kaya nga ako nandito ngayon para salubungin kayo e.."

"Hahahaha nang ano?!"

"Neto-----"

~BLLLAAAAAAAAGGG!!!!!!~

"Taguro!!!" hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan at tawagin sya nung mabilis nyang sapakin si Yago!

"Tarantado ka Pein!"

"Matagal na.." mayabang pang sagot ni Taguro sa kanya!

"Bakit mo ko sinapak!"

"Para magising ka.."

"Gago ka! Wala kang sinasanto! Ngayon hindi na ako magdadalawang isip na----"

"Wala kang magagawa.. salungat ang trip natin e.."

"Mayabang ka masyado!!!!!"

"Waaaaggg!!!!" mabilis na iniharang ni Kev Gonza ang kamay nya nung akmang sasapakin rin ni Yago si Taguro!

"Matibay ka ah!!!!"

~BLAAAAAAAAAGGG!!!~

Malakas na sinapak ni Yago si Kev dahilan para tumimbawang sya sa kalsada!

"Ano ba!? Tigilan nyo na nga! Max! Tara na!" tawag ko kay Taguro pero hindi sya natinag!

~BLAAAAAAAAAGGG!!!~

Muling sinapak ni Yago si Kev Gonza na hindi naming parepareho namalayang nakatayo na pala at astang sasapakin na naman si Yago munit naunahan sya!

"Wag ka ng magpumilit maging malakas dahil wala kang gawa samin!" si Yago.

"Umalis na kayo..." malumanay na sabi ni Taguro.

"A-Ano kamo?!" nangingiti pang tanong ni Mallyu,

"Umalis na kayo bago pako magpatawag ng security----"

"Hindi kami takot sa sekyu Pein.. alam mo yan.." natatawa pang sagot ni Mallyu sa kanya!

"Sakin!? Hindi rin ba?!" mayabang na tanong na naman ni Taguro at nagkatitigan sila. "Bumalik kayo dito.. kapag kakaunti na kayo.. Wag kayong sumugod ng isang grupo.. Isa isa lang kapag iisa lang naman pala ang puntirya nyo.. Sibat na!"

"Sinong gago ang akala mong susunod sayo?!"

Mabilis na hinila ni Mallyu ang braso ko at isinakal ang braso nya sakin!

"B-Bitiwan mo ko----"

"Tumahimik ka!!! Kapag hindi ka tumahimik ay hindi na talaga ako magdadalawang isip na butasan ka! Isang dada mo na lang Enrile.. isang dada mo na lang.. Magpapaalam ka na sa mundong ibabaw.." seryoso talagang sabi nya sa mismong tenga ko at napatingin naman agad ako kay Taguro!

Hindi sya nakatingin sakin dahil deretso syang nakatingin kay Mallyu.

"Bitiwan mo sya.." malumanay na sabi ni Taguro sa kanya.

"Bakit naman kita susundin! Gago! Traydor ka!" sigaw naman ni Mallyu sa kanya!

"Hindi kita kailanman naging bataan para sabihan mo ko ng ganyan Mallyu.. Alam mo ba talaga ang ibig sabihihin ng salitang traydor?!"

Ano ba Taguro! Wag mo ng tanongin ng kung anu-ano dahil kapag nag-init ang ulo nito.. yari ako!

"Sino ba sating dalawa ang hindi marunong tumingin sa kung sinong mas nakakataas ha Maxpein!?"

"Nakakataas?! Bakit?! Sino ka ba?!" galit na tanong ni Taguro sa kanya! "Hindi ba't isa ka lang naman don sa mga rebelde'ng estudyante na nagtatapang tapangan para lang katakutan?! Tatanongin nga kita?! Ano bang napapala mo dyan sa pinaggagagawa mo?! Bukod sa kinatatakutan ka ng mga schoolmate mo at ng ibang tao.. ano pang napapala mo?! Wala na hindi ba?!"

"Manahimik ka Maxpein dahil wala kang alam!"

"At ikaw meron!?"

"Oo!"

"Tss.. Bitiwan mo sya habang maayos pa ang pag-iisip ko.." biglang malumanay na sabi ni Taguro at dinig na dinig ko naman sa tenga ko ang pabulong na pagmumura pa ni Mallyu.

"Ha! Anong akala mo sakin?! Sing bobo mo?! Kung alam ko namang ayaw mong masaktang 'tong syota mo e bakit ko bibitawan!"

"Edi sige saktan mo!"

"H-Hoy Taguro ano bang s-sinasabi mo!?" takot na takot na tanong ko!

"Hahahahahah! T*ngina sinabi ko na nga ba puppet mo lang 'tong si Enrile e! Ano Enrile!? Ngayon alam mo na!? Hahahaha.. Hindi si Maxpein yung tipo ng taong----"

~BLAAAAAAAAGGG!!~

Hindi namalayan ni Mallyu ang mabilis na paghila ni Taguro sa kamay nya at mabilis na sinipa sya dahilan para mapaupo sya sa gutter!

"Boss!!!" malakas na sigaw ni Yago na akmang lalapit kay Taguro! "Gago ka ah!!!"

"Wag!" sigaw ni Mallyu dahilan para hindi ituloy ni Yago ang gagawin nya dapat kay Taguro! "Wag nyo syang gagalawin dahil akin sya.." nakangisi munit galit talagang sambit ni Mallyu! Dahan dahan syang tumayo at ramdam ko naman ang mabilis na paghawak ni Taguro sa braso ko at unti-unti akong iurong papunta sa likod nya! "Ubos na ubos na ang pasensya ko Maxpein!!!" gigil na gigil na sigaw ni Mallyu!

Hindi sya sinagot ni Taguro na napapaatras na rin dahilan para mapaatras rin ako sa likuran ko!

Nakangiwi ang mukha ni Mallyu at namumula na ang ibaba ng labi nya! Marumi na rin ang damit nya at talagang bakas na ang panggigigil sa buong katawan nya! Naglakad sya papalapit samin..

"A-Anong gagawin mo!?" tanong ko nung malapit na sya samin pero hindi nya ako sinagot!

"Kung umasta ka akala mo may magagawa ka!?" nakakatakot na tanong ni Mallyu kay Taguro! "Kababae mong tao akala mo kung sino kang malakas kung umasta ka sa harap ko! Ngayon natin malalaman kung hanggang saan ang kaya mo!" sigaw nya pa at sumugod kay Taguro!

~PAAAAAAAAK!!!~

"Tag----"

Kusa akong napahinto at paglinga ko ay nakaharang na si Kev sa pagitan nina Mallyu at Taguro!

"Umalis ka sa harap ko kung gusto mo pang mabuhay Gonza!" malakas na sigaw ni Mallyu sa kanya!

"W-Wag nyo na syang idamay.. a-ako na ang nakikiusap.. a-ako na lang.." hinang hina munit pilit lumalaban na sambit ni Kev.

"K-Kev.." tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.

"A-Ako na lang M-Mallyu.. w-wag nyo sya----"

"Hahahahhahaaha!" malakas na tawa ni Mallyu! "Wag mo sabihing pati ikaw ay may gusto dyan kay Maxpein!?" tanong pa nya kay Kev na nananatiling nakatungo! "Hahahahahaha! Alam mo ba ang pasikot sikot ng bituka nyan Gonza?! Baka kapag nakilala mo yan ay mas katakutan mo pa yan kesa saken!"

Anong ibig nyang sabihin!?

"S-Sasama na ako sa inyo.. w-wag nyo lang sya gagalawin----"

"E hindi na nga ikaw ang kailangan namin ngayon at sya na! Wala kang pakinabang kaya tumabi ka!" sigaw ni Mallyu at malakas na itinulak si Kev! At saka sya muling humarap kay Taguro! "Hindi ko rin naman talaga sila masisisi.." nakangisi pang sambit nya. "Maganda ka naman talaga.. nakakabilib rin yung tibay ng loob mo at angking tapang.. pero.. hindi ko maitatangging pinag-iinit ng yabang mo ang ulo ko!" galit na namang tanong ni Mallyu sa kanya! "Sige nga Maxpein.." nakangiting sambit nya pa. "...susubukan nga kita.. Tignan natin kung hanggang saan ba talaga ang kaya mong gawin.. Kasi.. sa tagal ng panahon na nakilala kita.. nakakapagtaka rin namang kinatatakutan ka ng lahat kahit wala ka namang ginagawa.. Ano ba talaga ang kaya mong gawin?! Kaya mo ba talaga akong saktan?!" natatawa munit naghahamong tanong nya pa!

"Sabihin mo sakin.." malumanay na sambit ni Taguro at mabilis na namang tumibok ang puso ko sa takot!!!!!

Ano bang ginagawa mo! Kapag may nangyari sayo mas lagot ka talaga sakin!

"Anong sasabihin ko sayo?!" nakangisi at mayabang na tanong ni Mallyu sa kanya na iniabot ang kamay sa kasama at iniabot naman nito ang baseballbat!

Anong gagawin nya?!

"Sa anong paraan mo ba gustong masaktan??" malumanay pa rin tanong ni Taguro sa kanya dahilan para mapatingin ako sa kanya! "Sa paraang.. 'biglaan'?? O.. 'dahan dahan'??"

"Aba'y tarantado----"

~PRIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTT!!!!!!!!~

Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nung pito'ng yun!

"What's going on here!" galit na tanong ni

Mokz!

Mabilis na sumugod si Mokz papalapit samin kasama ang dalawang gwardiya at-----

Yari na!

Gulat akong nakitang kasunod ni Mokz at nung mga guard ay sina Chairman and President Moon at ganon na rin sina Maxrill at More!!!!

Agad akong napatingin kay Taguro pero nasa baba ang paningin nya..

"Anong kaguluhan ito!" malakas na sigaw ni Maze! "Maxpein?!" baling nya kay Taguro pero hindi ito sumagot! "Kayo! Sino kayo!"

"P-President Moon.." si Mallyu.

Kilala nya?!

"Bring them inside!!!! Now!" sigaw ni Maze sa mga guards na mabilis rin namang sumunod sa kanya! "Kayo!" baling nya samin! "Sumunod kayo!"

Saan!?

Mabilis silang tinalikuran kami munit naiwan si More.

"Are you okay?!" nag-aalalang tanong ni More kay Taguro at saka tumingin sakin.. pero sabay pa kaming nagulat ni More nung biglang lumapit si Taguro kay Kev!

Sinabi ng wag lalapitan yan e! Makakatayo namang mag-isa yan!

"Ayos ka lang?" malumanay na tanong ni Taguro sa kanya.

"A-Ayos lang---"

"Tutulungan na kita.."

"K-Kaya ko.."

Inis akong tinignan silang dalawa

Grrrrrr! Badtrip 'tong bansot na 'to ah! Sana pala mas pinuruhan para mas makatarungan ang dating sakin pag tinulungan sya ni Taguro!

Hindi na nagpatulong si Kev kay Taguro at naglakad itong mag-isa munit nanatiling nakaalalay si Taguro sa kanya!

"Let's go.." yaya sakin ni More. Tinignan ko sya pero hindi ko maiwasang mapatingin pa rin kila Taguro at Kev. "Kaya nila yan.. halika na.." seryosong sambit pa ni More kaya naman wala akong choice kung hindi ang sumunod na lang sa kanya.

Habang naglalakad kami papasok ng SIS ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong lingunin sila Taguro..

Hindi nya tinutulungan si Kev pero halatang nakaalalay sya kay Kev para kung matumba man 'to ay masasalo nya!

Tch! Bakit nya ba ginagawa yan!? Ano bang akala nya sa sarili nya!? Lalaki?! Nakakainis!

"Ganyan talaga ang ugali nyan.." biglang sabat ni More dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"P-Po??"

"Si Pein.. ganyan talaga ang ugali nya.." ulit nya pa. Tumingin naman muna ako kina Taguro at Kev bago sinagot sya.

"A-Ang alin po?"

"Mahilig sa rambol.."

"Tch.. nakakainis nga po e.."

"Dahil nalulusutan nya naman parati.."

"B-Bakit nga po ba ganyan ang anak nyong yan?!" inis na tanong ko.

"Hindi ko alam.. One thing that I dislike about her is that masyado syang matakaw sa gulo.. Kahit na hindi sya kasali sa gulo.. kapag nakakita sya ng kakilala nyang sinasaktan.. tinutulungan nya.. Even if its dangerous.. wala syang pakialam.." salubong ang kilay ni More. "Pagagalitan na naman sya panigurado.."

Badtrip naman kasi! Bakit kailangan pang tumulong don! Hindi ba't sya nga 'tong badtrip na badtrip dito sa Kev Gonza na 'to!? Bakit nya pa tinulungan?! Nakakainis!

Sa kasusunod namin kila Maze ay nakarating kami sa Guidance Office ng SIS!

Hindi ko inaasahang makikita ko doon si Randall!

"Anong nangyari?" tanong pa ni Randall sakin! Hindi ko naman sya nagawang sagotin dahil agad rin syang lumapit kay Taguro na nagulat pa sa biglang pagsulpot nito sa harap nya! "Are you okay!?" nag-aalalang tanong nya kay Taguro.

Yeah right.. ganyan ka kawalang silbe Deib.. Hindi mo man lang kinumusta si Taguro kung ayos lang sya! Hindi mo man lang sya nagawang tulungan! Tapos ang lakas ng loob mo sabihing kaya mong patunayang may gusto ka sa kanya?! Engot!

Nakaramdam ako ng matinding panlulumo nung maayos namang kausapin ni Taguro si Randall at sagotin ang mga tanong nito.

Ewan ko ba kung bakit wala naman silang ginagawa.. pakiramdam ko ay naiinis ako!

Isa isa kaming pinaupo nung secretary.. pumasok naman muna si Maze at Chairman sa isang maliit pang office kaya naman napatingin na ako sa kabuuan nung office!

Lahat kami ay nasa kaliwa at ang mga taga-Luna maliban kay Kev ay mga nasa kanan! Mga mukha pa rin silang galit at ang dudumi na nilang tignan!

Bagay na bagay na talaga sa kanila ang uniform nila ngayon! Tch!

Inis na naman akong tumingin kila Taguro.

A-Ano na naman yan!?

Mas nakaramdam ako ng inis nung biglang kunin ni Taguro ang First Aid Box mula kay Randall at simulang gamotin ang mga sugat ni Kev!

"Masakit yan.."

Agad kong nilingon si More nung sambitin nya ang huling linyang yun.

"P-Po?"

"Hahahaha.. yung ganyang sugat kako.. Masakit yan.."

"A-Ahh.. h-hehehe.. m-mukha nga po.." naiilang pa na sagot ko!

Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay iba ang ibig nyang sabihin! Parang ang dating sakin nung sinabi nya ay 'BANTA' na magiging masakit para sakin ang tignan ang tao'ng gusto ko na pinaggigitnaan ng dalawang lalaking karibal ko sa kanya!

Badtrip!

"What happened?!" napalingon ang lahat sa pinanggalingan ng malaking boses na yun. At nakita naming kasunod nina Maze ay lumabas ang isang lalaking mukhang kasing edad rin ni Lolo. Pamilyar ang mukha nya sakin at sa tingin ko naman ay nakilala ko na sya noon.

"S-Sino po yan??" mahinang tanong ko kay More.

"Sya ang pumalit na Dean sa dating Dean ng SIS.. Lolo ni Randall.."

"A-Ahh.."

Hindi na kami nag-usap pa at pinanood na lang na magsipag-upuan ang mga Moon at yung Lolo ni Randall.

"I am Dean Ford Echavez and I am the Dean of SIS! Ano 'tong nakarating sa akin na nagkakagulo daw kayo!" galit na tanong nya.

Nagkasagutan sa loob ng Dean's Office na yun! Kanya kanyang paliwanag at sisihan ang nangyari! Ipinaliwanag rin ni Kev Gonza kung bakit sya sinugot nung mga kaschoolmate nya at lalong nagalit ang Dean nung malamang dahil lang pala sa nakipagbreak kay Mallyu ang girlfriend nya dahil nagkagusto kay Kev Gonza! Hindi sya nagustohan ni Kev kaya naman hindi nya 'to pinansin! Nagsumbong naman daw agad yung babae kay Mallyu kaya sinugod ni Mallyu si Kev! Nakakatawang dahilan at napakawalang kwenta! Pero tignan mo naman ang kinalabasan!? Tsk tsk tsk..

MAX'S POV

Walang humpay ang sigaw ni Dean Echavez sa grupo nila Mallyu at si Sensui naman ang tagasagot ng tanong sa grupo namin.

Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ni Kev Gonza. Masyadong marami ang tama nya.. marumi na ang suot nya at namumula halos lahat ng parte ng katawan nya.. Namaga agad ang kaliwang pisngi at kanang mata nya at may dugo pa ang labi at ilong nya.

"S-Salamat.." pilit na usal nya.

"Sa susunod.. wag mo nako subukang iligtas.." mahinang sagot ko sa kanya.

"H-Hindi naman ako papayag n-na s-saktan nila a-ang d-destiny ko.." hirap na hirap pang sagot nya.

"Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sayo don sa ginawa mo?" inis na tanong ko.

"W-Wala akong pakialam dahil a-ang mahalaga sakin.. w-walang mangyaring m-masama sayo.. H-Hindi pwedeng h-hindi ako kikilos don.. a-at mas h-hindi pwedeng... a-argh.. m-mas hindi pwedeng t-titigan na lang kitang s-sinasaktan nila.."

"Hindi nila magagawa sakin yun.."

"K-Kahit pa.. w-walang may karapatang g-gumalaw sayo h-hanggat n-nakakatayo a-ako.."

"Tss.. hindi mo ko kilala.. kaya wag ka ng magmatigas.." malumanay munit makahulugang sagot ko dahilan para matahimik sya.

"What!? Dahil lang don!?" malakas na sigaw ni Dean Echavez, Lolo ni Randall!

"Y-Yes Dean.." sagot ni Kev na kasalukuyang hirap na hirap magsalita dahil sa namamagang labi nya.

"Oh e anong mangyayari satin ngayon nyan?! Kung ganyang magkakaschoolmate pala kayo at walang kinalaman ang ibang schools and students sa gulo nyo!? Kung tutuusin ang gulo nyo ay minor at pinalaki nyo lang! Nandamay pa kayo ng ibang students!"

"S-Sorry Dean.." sagot nila Mallyu.

"Anong sorry!? Sa tingin nyo ay ganon na lang yun?! Ipapatawag ko ang Dean at ang mga magulang nyo!"

"D-Dean naman?!"

"Hindi pwede sa amin ang ganyan!" sigaw ni Dean sa kanila. "Fighting is unacceptable for any reason in this school and will not be tolerated!! Any student who engages in such actions will be issued a citation for disorderly conduct by a local police officer and could be taken to jail! You could be taken to jail! Alam nyo ba yon!?"

"H-Hindi po.."

"I can even recommend that battery charges be filed against all of you!"

"D-Dean naman.."

"I cannot believe this! This is the first time I've encountered such incident inside this school!"

"N-Nasa labas naman po kami!" si Yago.

"Kahit pa!" sigaw ni Dean! "You're not even 10 feet far from our school!" galit talagang sigaw ni Dean. "They are the owners of your school.. are you aware?!" tanong ni Dean na itinuro pa sina Maze at Chairman.

"Y-Yes Dean.." napapatungo'ng sagot nila Mallyu.

"Ipapatawag ko ang mga magulang nyo.. saka natin pag-usapan.. You may leave this office.." makapangyarihang sagot ni Maze at isa isang nagsipagtayuan ang grupo nila Mallyu. Tumingin pa muna sila ni Yago sakin bago tuluyang lumabas at umalis. "Doc Randall?" tawag ni Maze kay Randall na agad namang nilingon sya,

"Yes President Moon?"

"Take him to the hospital.. please check if he's injured.."

"Yes President Moon.." sagot ni Randall na inakay agad si Kev na tumingin pa muna sakin at pilit na ngumiti bago tinulungang tumayo ni Randall.

Iniligpit ko naman muna ang mga gamit ni Randall saka ako tuluyang tumayo.

"Talaga namang pinanindigan mo na ang pagiging 'gangster' mo Maxpein?!" pang-iinsulto'ng tanong ni Maze. Nakatayo ako munit hindi nakaharap sa kanya, nakatalikod ako sa kanilang lahat at nakaharap sa pinto palabas nung office.

Saglit pa akong bumuntong-hining bago tuluyang humarap sa kanila.

"Kahit saan ka pumunta, may dala ka talagang gulo.." seryoso munit tunog sarkastikong tanong nya pa, hindi ko naman pinansin yun. "Wala ka na ba talagang kahihiyan?!"

"E-Excuse me P-President Moon pero.. h-hindi po kami ang may kasalanan.." sabat ni Sensui pero pareho naming hindi sya nilingon.

"Hindi mo man lang iginalang ang school na pinanggalingan mo.. at talagang dito mo pa nakuhang manggulo!" sigaw nya pa ulit at napatungo pa ako. "Kung may mangyari sa isa sa inyo, ano ang gagawin mo? May magagawa ka ba?! Wala!"

"Tapos ka na ba?" tanong ko. "Kasi kung tapos kana.. baka pwedeng mauna na ako dahil may laro pa ako.."

"Maxpein!" si Chairman Moon.

"Nasa interhigh pa rin ho tayo at wala akong choice kung hindi umalis na kesa madisqualify ako.. excuse me.." malumanay na sagot ko na tumango pa at saka tumalikod sa kanila.

"Let her go.." dinig ko pang sabi ni Chairman at saka ako naglakas loob na lumabas ng Office na yun.. Mukhang busy naman sa kapapanood ang karamihan ng mga students kaya wala man lang nakapansing pumunta kami sa Dean's Office ng SIS.

Hindi man lang muna nagtanong bago nagbunganga.. Lupet mo talaga Maze.. iba ka..

"Taguro!"

Hindi ko na liningon pa si Sensui, nagtuloy na lang ako sa paglalakad ko papunta sa room namin nila Naih.

"Taguro ano ba hintayin mo nga ako!" sigaw na naman nya at maya maya lang ay kasabay ko na syang naglalakad. "A-Ano ka ba?! B-Bakit mo naman ginanon yung Mommy mo!?" tanong nya at agad naman akong napahinto sa tanong nya.

"Ano kamo?" pigil ang inis na tanong ko.

"Bakit ganon ka sumagot sa Mommy mo?! Pwede ka namang magpaliwana---"

"Nakalimutan mo na ba?!"

"A-Ang alin?"

"Hindi ko sya nanay!"

"Tss..."

"S-Sorry.. p-pero kahit na.. pwede mo namang sabihin sa kanya ng maayos na wala naman tayong kasalanan don,,"

"Hindi muna kasi nagtatanong bago pumutak.. nakakabadtrip.." patungkol ko kay Maze.

"Pero s-sana hinayaan mo na lang.. mukhang lalo tuloy syang nagalit don sa pagsagot na ginawa mo.."

"Hayaan mo sya.."

"Taguro.." tawag nya sakin na hinawakan pa ako sa braso. "Wag ka ng sumimangot.. wag ka ng magalit okay?? May laro ka pa naman.. b-baka maapektuhan.."

"Okay lang ako.." sagot ko at saka nagtuloy sa paglalakad.

"Tch! Mukhang okay na okay ka nga e!" habol nya na naman sakin.

Hindi ko naman sya pinansin.

"Talagang inuna mo pang tulungan yung bansot na yun kesa sakin ah!" inis na sambit nya pa habang sumasabay sakin! "Halos muntik nakong masapak don dahil inuna mo pa syang lapitan kesa sakin!"

"Tss.."

"Bakit naman kasi kailangang sumugod ka pa don kanina e! Pwede namang hindi ka na lang makialam!" inis pang sigaw nya sakin! Napatingin naman ako sa kanya! "Oh?! Bakit?! Di ba?! Pwede ka namang hindi na lang mangialam don pero nakialam ka pa rin! May point naman si Maze e.. parati mo na lang isinasali ang sarili mo sa gulo kung pwede nga namang hindi na lang?! Ang takaw mo talaga sa gulo e no?! Pano kung may nangyari sayo don!?"

"May nangyari ba?! Ni wala nga akong galos maski isa.." nakangisi pang sagot ko.

"Sige magyabang ka pa! E pano kung natsambahan ka don!?"

"E ano naman?"

"E ano naman?!" inis na tanong nya! "Anong e ano naman!? Kung nagkataong natsambahan ka don----pano na ako?!"

WTF??

Napahinto ako at takang napatingin sa kanya!

"Pano ka na!?" takang tanong ko. "Tss.. anong pano ka na?!"

"Pano na ako?! Sinong magliligtas sakin don!?"

"Tss.. kabadingan.." bulong ko pa at saka seryosong tumingin ng deretso sa mukha nya. "Pwede ba?? Sa susunod na may mangyayaring ganon.. manahimik ka na lang sa isang tabe at wag ka ng dumada pa?!"

"A-Ano?! Bakit ko naman gagawin yun!?"

"Dahil kapag pinagpatuloy mo yung ganyang ginagawa mo.. pati ikaw mapapahamak.." inis na sagot ko.

"Oh baket!?" tanong ko pa dahil hindi sya nakapagsalita!

"Hahahahahahahahahaha!" tumawa sya ng malakas dahilan para mas magtaka ako.

"Anong nakakatawa?!"

"So nag-aalala ka sakin??" nanunuksong tanong nya. "Gusto mong manahimik ako sa isang tabi dahil nag-aalala ka sakin at ayaw mong mapahamak ako---"

Hindi ko sya pinansin at tinalikuran ko na sya.. nagtuloy ako sa paglalakad.

Hanep sa konklusyon..

"Hoy! Hahahahaha! Tsk tsk tsk.. Taguro.. Taguro.. Hindi ko alam na ganyan pala katindi ang pag-aalala mo sakin.." habol na naman nya. "O sige.. dahil dyan sa sinabi mo.. pagbibigyan kita don sa ginawa mong pagpapasweet don sa bansot na yun.. Tch! May pagamot gamot pang nalalaman.. dadalin rin naman pala sa ospital.." dinig ko pang bulong nya. "P-Pero.. seryoso ka?? Hahahaha! Ayaw mo talaga akong masaktan kaya.. ayaw mo kong mangialam----"

"Pwede ba!?" inis na tanong ko sa kanya dahilan para mapahinto sya.

"A-Ano na naman?!"

"Manahimik ka na lang!"

"A-Ang sungit mo!"

"Tss.. andami mong sinasabi e!"

"Hahahaha.. e sa natutuwa ako sa sinabi mo e.. pakialam mo ba?!"

"Hindi ganon yun kaya wag kang kiligin.." inis na sabi ko sa mukha nya at saka nagtuloy sa paglalakad!

"H-Hoy! A-Anong kinikilig?! Sinong kinikilig!? H-Hindi ako babae para kiligin!" habol na naman nya! "Wag ka ng magmatigas dahil alam kong 'yon' ang ibig mong sabihin.. nag-aalala ka sakin no? Hehehehe.."

"Ang ibig kong sabihin.. hindi safe yung ganong sitwasyon kaya kung ayaw mong masaktan.. manahimik ka na lang sa isang tabi.."

"Hahahaha.. hindi naman ganon yon e.. aminin mo na.. Okay lang naman sakin e.."

"Bahala kang mag-imagine.." bulong ko pa at saka nagtuloy ulit sa paglalakad.

"Tch! Kung mananahimik ako sa isang tabi.. sa tingin mo ba matitiis kong titigan ka lang na sinasaktan nila?!" inis na tanong nya.

"Nasaktan ba ako!?"

"H-Hindi.. p-pero kahit na.. pano nga kung natsambahan ka!? Tingin mo kakayanin kong tignan na masaktan ka?! Tch! Hindi pwede sakin yun oy!"

Natigilan ako sa sinabi nya at inis na napatingin sa kanya.

Hindi ako natutuwa sa sinasabi nya sa totoo lang..

Oo nag-aalala ako.. pero hindi dahil gusto ko rin sya.. Nag-aalala ako dahil hindi ko kayang panindigan sya kapag nasaktan sya ng di oras nung mga loko'ng yun..

Ano na lang ang paliwanag na ibibigay ko sa mga magulang at kamag-anak mo kung nagkatao'ng nasaktan ka don?? Tss.. hindi ka rin kasi muna nag-iisip e..

"Alam ko.. Alam ko.." mayabang na sabi nya pa. "Alam ko nag-aalala ka.. sige sige.. para hindi ka na mag-alala sakin.. sasabay na ako sayo parati hehehehe.."

"Ano?!" inis na tanong ko.

"Oo.. hehehe.. sasabay na ako parati sayo.. At least, sa ganong paraan.. malalaman mong safe ako.. at malalaman kong safe ka hehehe.."

"Baliw ka na.."

"Oo.. nababaliw na ako hehehe.. At ikaw ang rehab ko hehehe.."

"Tss.."

"Kumain muna tayo Taguro.."

"Busog ako.."

"Edi mas bubusugin kita.. Hehehehe.."

"Pwede bang umalis ka sa harap ko?" inis na tanong ko.

"Oh bakit na naman!?"

"Wala naman sa usapan natin 'to di ba?!"

"Ang a-alin??"

"Ang magsabay sa pagkain at ang mangulit?!"

"Ha?! Anong mangulit?! Asang ang pangungulit dito?! Lambingan ang tawag dito Taguro.."

WTF??

"At sinong nilalambing mo!? Ako?! E kung banatan kita ngayon!?" inis na tanong ko.

"Ang s-sadista mo..." kunwaring takot na sabi nya pa. "Di ba sabi ko naman sayo.. papayagan kitang sumama kay Randall pero hahayaan mo akong iparamdam sayong may gusto ako---"

"Narinig ko na yan.. wag mo ng ulit-ulitin.." sabi ko at iniwan sya.

"A-Ano ba! H-Hoy! Hoy Taguro! Napakaswerte mo na nga at ganito ako sayo! Yung mga babae dyan gusto'ng gustong ganitohin ko sila!"

Badtrip!

"P-Pwede bang wag kang maingay?! Kalalaki mong tao ang ingay ingay mo!"

"E kasi.. kapag ikaw ang kasama ko.. hindi ko na napipigilan ang sarili ko.. Ultimong damdamin ko hindi ko na napigilan ng dahil sayo! Lahat lahat kasalanan mo! Kaya kung ako sayo.. sumama ka na sakin kumain dahil kapag hindi.. dadalhan kita ng pagkain mismo don sa laro mo.. at kapag hindi mo kinain yun sa harap ko....."

"Ano?!" naghahamong tanong ko. Napaisip naman sya!

"Ipapakain ko yun sa r-referee!"

"Kol!"

"A-Anong kol!? Hoy! Hindi pwede! Ikaw ang dapat kumain non! Sumabay ka na sakin! Hindi ka pwedeng magutom e!"

"Bakit ba ang kulet mo!? Ganyan ka ba talaga kakulet?!"

"Hehehehehe.. sayo lang.."

"Hoy.. hindi pa rin close okay!? Kaya..." itinulak ko pa sya kunwari. "..lumayo layo ka sakin.. dahil hindi ako natutuwa.."

"Naks.. may pa-touch touch ka pa ah?! Anong feeling?!" nakangising tanong nya pa dahilan para taasan ko sya ng kilay! "Sumabay ka na saking kumain.." biglang malumanay na sabi nya. "Hindi ko na kasi yata kayang malayo ka sakin.."

WTF?! WTF are you saying!?

"Sige na.. kahit ngayon lang.. Kumain ka lang.."

"Ayoko.."

"Edi sige.. sabay tayong kakain.."

"Mas lalong ayoko.."

"Tch! Wag ka na ngang umarte!"

"Woooow.. kanina mo pa ako inaabala tapos ako pa umaarte!? Hindi makaramdam dre!?"

"Seryoso ako.. kapag nabaliw ako.. pagsisisihan mo talagang hindi ka sumabay kumain sakin---"

"Sige na tara na!" inis na sagot ko at tinahak ang daan papuntang Canteen at mabilis naman syang sumunod!

"Hahahahahaha! Anak ng.. ang tagal mong mapapayag! Ang hirap mong amuin alam mo ba yon!?"

"Kapag natapos 'tong araw na 'to at inulit mo pa 'tong ginagawa mo.. masasaktan ka na talaga sakin!" inis na sabi ko at ngingisi ngisi naman syang sumunod sakin.

Naiinis ako dahil natatakot ako sa pwedeng sabihin ng ibang tao kapag nakita kami!

Canteen.

"Oh my... why are they together?!"

"Hala.. sila ba?"

"Hindi ko alam e.."

"Norlanie... tignan mo.. magkasama si Taguro at si Deib.."

"Oo nga noh?"

"Bakit kaya!?"

"Nakooo.. huhuhu baka sila na?"

"Ha!? Pano naman mangyayari yun?! E magkaaway sila dati di ba?!"

"Malay mo naman di ba?! May mga ganyan naman e.. nag-uumpisa sa away tapos.. mauuwi sa.. a-alam mo na.. huhuhuhuh.."

"Waaaaaaa hindi ko kaya!!"

"Huhuhu ako rin.."

"Huhuhuhu at ang nakakainis pa.. bagay sila.."

"Waaaa huhuhu I agree.."

"Narinig mo yun?" bulong ni Sensui sakin habang nakapila kami sa line. "Sabi nila.. 'bagay' daw tayo hehehehe.."

"Pero wala silang sinabing maniwala ka.." pang-iinis ko sa kanya.

"O-Oh?? Bakit?? May sinabi rin ba silang wag akong maniwala?! Hehehehe.."

"Umorder ka na bilisan mo.."

"Anong gusto mo? Hehehehe.."

"Kahit ano.."

"Kahit ano??"

"Kahit ano!" inis na ulit ko!

"Kahit ako!?"

WTF??

"Natameme ka na naman hehehehe.. sige na umupo ka na don.." nakangiting sabi nya na inginuso ang isang bakante'ng upuan.. Mabilis naman akong umupo don at sumandal sa upuan habang magkakrus ang dalawang braso.

"Haaaayyy they look cute together though.."

"Single naman si Maxpein.."

"Single rin ba si Deib?"

"I don't know.. I heard na may nililigawan syang maganda.."

"Maganda naman si Pein ah?"

"Oo nga.."

"Baka naman hindi sya sinagot nung isa kaya napunta sya kay Pein??"

"Ang swerte ni Pein noh Reina??"

"Oo nga Naleen.. haaayyyss.. nung una si Randall.. ngayon naman si Deib.."

"Kapag nakikita ko si Deib.. sana pala nag-BIS na lang ako.."

"Ako rin.."

"Haaaaaaayss.."

Hindi ko na lang pinakinggang pa ang sinasabi ng mga students na nasa paligid ko.. dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at...

Nasa harap ko na si Sensui!

Agad ko naman iniiwas ang paningin ko sa kanya pero hindi ako nagpahalatang nabigla ako..

"W-Wag mo sabing ugaliing titigan ako e.." kunwaring pang-aasar ko sa kanya.

"Sa dami kasi nung oras na pinalampas ko para titigan ka.. ngayon lang ako bumabawi hehehe.." mahinang sagot nya habang nakatingin pa rin sakin. At hindi pa nakuntento ang loko, sabay pang ipinatong ang dalawang kamay nya sa mesa at itinuon ang baba doon at mas tumitig pa sakin!

Bigla akong nailang! Dahil masyado kaming malapit at talagang nakatitig sya sakin!

Wala ba talaga syang pakelam kung sinong makakita?! Badtrip!

"At twing makikita kita.. naiintindihan ko na kung bakit hindi ko nagawang pigilan yung nararamdaman ko.." mahina munit malambing ang pagkakasabi nya. Eksakto lang talaga para marinig ko. "Kaya ngayon magsosorry na ko.."

"S-Saan naman?" walang interes kunwaring tanong ko.

"Ngayon pa lang magsosorry na ako.. kasi mukhang mas lalala pa ang nararamdaman ko.."

"Tss.." walang ganang singhal ko at sumubo na agad nung binila nya..

"At kapag nangyari yun.. Sa ayaw at sa gusto mo pakakasalan kita.."

"A-Ano?!" gulat na tanong ko.

"Mmm.. hehehehe.. Gagawin ko yun.. kaya kung ako sayo.. wag mo na akong susungitan.. kasi mas lalo lang kitang nagugustohan.."

"P-Pwede bang manahimik ka na?!"

"Pwede naman.. kung kakain ka na lang hehehehe.."

Peste!

Hindi na ako nagsalita pa at nagtuloy na lamang sa pagkain sa sobrang takot ko na baka may sabihin na naman sya!

Matapos naming kumain ay sinamahan nya parin ako pabalik sa room namin nila Naih, hanggang sa makarating kami sa Gym kung saan ako maglalaro.

"Dito nalang ako mauupo para tanaw na tanaw kita.." sabi ni Sensui habang ako naman ay busy kalilinga kung nasan sila Naih. "Hihintayin kita dito hanggang sa matapos ka.."

"Baket!?"

"Anong bakit!?"

"Bakit mo pako hihintayin??"

"Para sabay tayo ulit.."

"Oh e baket?!"

"Anong bakit na naman!?"

"Kailangan ba maya't maya magkasama tayo!?

"Kung kinakailangan ba e.. edi oo!"

WTF??

"A-Anong kinakailangan ang sinasabi mo dyan?!"

"Oh! Ang tagal mo naman!?" biglang sulpot ni Naih. "At saka.." napatingin pa sya saming dalawa ni Sensui. "Bakit magkasama kayo?!"

"Tara na.." yaya ko sa kanya. Hindi ko naman na pinansin si Sensui.

"Hoy.. galingan nyo ah.." sigaw naman ni Sensui samin at kinawayan ko na lang sya habang nakatalikod ako.

"Bakit magkasama kayo nun ha!?" taas ang kilay na tanong ni Naih.

"May nangyare mamaya ko na ikukwento---"

"Sa inyo?! May nangyare sa inyo?!"

"A-Ano ka ba! Hindi yun tulad ng iniisip mo okay!? Tungkol kila Mallyu! Engot neto.."

"Ahh akala ko.."

"Tss.."

"Parang may naamoy ako e.."

"Bagong kain ako.. adobo ulam ko.."

"Hinde! Sa inyong dalawa ni Sensui!"

"Pareho kaming ulam e.."

"Anak ng.. ano ba!"

"Mamaya na kasi pag-usapan yan.. maglalaro na tayo.."

Agad namang nagsimula ang game at swabe naman ang naging laro namin. Sa madaling salita, hindi kami nahirapan ni Naih.


Continue Reading

You'll Also Like

13.3M 243K 65
AEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer
7.3M 190K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
607K 22.5K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.3M 51.9K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.