MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG...

By jhuennstorm

39.2M 910K 52.9K

Si Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yat... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
author's note;
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
A night before ally's birthday
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
♥♥special note♥♥
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
PASILIP SA BOOK 2
thank you!
editing
book two
RF/FC
Book na siya.
MIBF
Dreame

CHAPTER 75

357K 7.6K 245
By jhuennstorm

ALLY'S P.O.V.

"Waaahhh!" Sigaw ko.

Mabilis akong bumangon at hinila ko ang kumot na kaninang nakatakip sa'kin

"A-Anong Ginawa mo sa'kin?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo? psh! You're insane." sagot niya sa'kin. Magulo pa ang buhok niya dahil sa biglang gising.

Kinuha ko ang unan at pinaghahampas ko sa kanya.

"Pervert! Pervert! Letche ka! Hu-hu-hu! Anong ginawa mo sa'kin kagabi?!" walang tigil kong paghampas sa kanya.

"Stop it! Girlfriend, itigil mo 'yan!"

Pinagmasdan ko ang sarili ko. Naka-maikling short at blouse ako. Hindi ito ang damit ko kagabi. Ang bwiset na Frits 'yan pinagkatiwalaan ko siya. hu-hu-hu.

Tiim-bagang ko siyang tinitigan tapos muli ko siyang pinaghahampas ng unan. Si Frits naman sinasalag ang mga hampas ko.

"Manyak! Manyak! I hate you! Nagtiwala ako sa'yo!"

"Stop it, Allyson!" Dumadagundong niyang sigaw sa'kin, saglit akong huminto. At palaban akong nakipagtitigan sa kanya.

"PERVERT!" mariin kong sabi.

Hinawakan niya ako sa magkabilang palapulsuhan. Tapos tiim-bangang siyang nakatitig sa'kin, bakas sa mukha niya ang matinding galit.

"For God sake Ally, hindi ko gagawin iyon sa'yo ang iniisip mo. You're insane, hindi mo ba matandaan ang ginawa mo kagabi, ha!" He said in a lower tone.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Saglit akong nag-isip, ano nga ba ang nangyari kagabi? Wala akong maalala.

"Ginawaan mo ako ng masama kagabi, pagkatapos—

"Tapos ANO??" naniningkit ang mata niya sa galit.

"Tapos..." putol ko sa iba pang sasabihin ko, Hindi ko talaga maalala ang nangyari kagabi. basta ang alam ko lang paggising ko. Kayakap ko si Frits. Wala siyang pang itaas at ako iba ang damit.

"Tapos? Tapos hindi mo alam na uminom ka ng alak dahil sabi mo magce-celebrate tayo dahil kasal-kasalan na tayo."

Tumaas ang kilay ko. "Huh?

"Tapos hindi mo alam na nalasing ka ng sobra. At sinukahan mo ang damit mo. Tapos hindi mo alam na sinukahan mo rin ang tuxedo kong suot? Tapos hindi mo rin alam na kaya ganyan ang suot mo dahil pinalitan ko ang suot mong damit na may suka? " tinitigan niya ako ng masama. "Hindi mo ba alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko. habang nakapikit ang isang mata ko habang pinapalitan ka ng damit. Torture iyon girlfriend sa'kin, tapos ngayon paggising mo. Maghi-hesterikal ka, What the hell!"

Bigla akong natahimik.

"Boyfriend, ang saya-saya ko dahil kasal-kasalan na tayo."

Nasa loob na kami ng resthouse. Nakasalampak na kami sa kama dahil sa sobrang pagod.

Bumangon si Frits. At humarap sa'kin. "Ako ang pinakamasayang gwapong lalaki ngayon Wife ko. Dahil finally pag-aari na kita."

Marahan ko siyang sinampal. "Pag-aari ka diyan! Legal ba?"

"Isipin mo na lang legal okay, kasi ako simula pa lang iniisip ko na legal ang kasal natin."

Ngumiti ako. "Sige na nga!"

Tuluyan na siyang tumayo."Tara na Wife ko, kumain mun tayo bago mag honeymoon." Sabi  niya ng may pilyong ngiti.

Hinampas ko siya. "Ayoko ng ganyang biro " Sabi ko pa. Habang nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Ha-ha-ha! Just kidding. Kung makakalusot lang!"

"Tse! ASa ka pa!"

Pagkatapos naming kumain. Napansin ko ang mga bote-botelyang mga mamahaling alak. Sa may estante na malapit sa kusina. Kinuha ko ang isang bote ng tequila. First time kong uminom ng tequila. Pero dahil especial ang gabing ito iinum ako.

"Boyfriend, tara inumin natin ito." Pinakita ko sa kanya ang hawak kong alak.

Nagsalubong ang kilay niya. "Are you sure Wife ko? Masyadong matapang 'yan?"

Lumapit ako sa kanya. Tapos kumuha ako ng shotglass at sinalinan ko siya ng alak, gayon din ang shotglass ko. Tapos naghiwa ako ng lemon.

"Oh, Boyfriend, cheers!"

Pailing-iling si Frits. "Ikaw ang bahala ah. " habang inaabot ang alak.

Isang tagay palang namula na ang mukha ko. Dahil sa sobrang tindi ng tapang ng alak na iyon. Naramdaman ko ang pagguhit ng init sa dibdib ko.

"Aahhh— grabe! Sobrang tapang ang pait." Sabi ko habang pinapapak ko ang lemon.

"Hindi mo kakayanin 'yan. Tama na 'yan ha! Matulog na tayo!"

"No way! kayang-kaya kong makipag sabayan sa'yo." tapos tumungga ulit ako ng alak. Ilang beses akong inawat ni Frits, pero tumanggi ako, hanggang sa tuluyan ko nang naramdaman ang pag-ikot ng paningin ko pagkatapos sumuka ako sa suot kong dress. Hindi na ako nakarating pa sa C.R.

"What the hell! Look what you've done Wife ko. Sinukahan mo na ang damit mo." Narinig kong sabi ni Frits. naramdaman ko ang pagbuhat sa'kin ni Frits.

"Boyfrewn... i love you, hik! Tapos bigla akong nalula napayakap ako kay Frits.

"Yuckkk! Fuck! Sinukahan mo ako. Kainis ka wife ko. Inom-inom hindi mo naman kaya. Ugh!"

Naramdaman ko na lang na basa na ang katawan naming dalawa. Naliligo kami.

Sa sobrang hilo ko. Hindi ko namalayan na kung paano ako. Nakarating ng kwarto.

"Ikaw ba ang nagpaligo sa'kin?" Tanong ko kay Frits nang ma-alala ko ang nangyari kagabi,

Tinitigin niya ako at ngumisi sa'kin, tapos bigla niyang itinapat sa tenga ko ang bibig niya, then he whispered.. "Paano kung sabihin ko sa'yong ako ang nagpaligo at nagbihis sa'yo. Huh? Wife ko."

Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. At tinulak ko siya.

"BASTOS!"

Tumawa nang tumawa ng malakas si Frits. Naiinis ako habang pinapanood siyang pinagtawanan ako.

"You're very cute when you're blushing and irirated."

"Iiwan kita dito! kapag hindi mo sa'kin sinabi ang totoo." Warning ko sa kanya.

Muli siyang humiga sa kama at saka nagsalita. "Hindi ko kayang gawin sa'yo iyon Wife ko, hindi ko kayang pagsamantalahan ang kahinaan mo." Seryoso niyang sabi.

Nakaramdam ako ng relief. Kahit naman kasi patay na patay ako kay Frits. Gusto ko pa rin naman na ikasal na birhen. Mahirap paniwalaan kung iisipin. Pero iyon talaga ang gusto ko.

"S-Sino ang nag paligo sa'kin?"

"Yung caretaker ng resthouse na ito. Si Manang Bion. Nasa kabila lang ang bahay nila. Ginising ko siya kagabi para tulungan ako sa lasinggera kong Wife."

"Gano'n ba? Pakisabi salamat sa kanya, eh, bakit pala sabi mo kanina ikaw ang nagbihis ng damit sa'kin?"

"Yah! Ako nga, yung suot mo kasing damit kagabi. Basang-basa ng pawis mo. Kaya wala akong choice kundi ang muli kang palitan ng damit." Paliwanag niya.

"Eh, bakit wala kang pang itaas?" Muli kong tanong."

"Nag-iihaw kasi ako kanina sobrang init eh, kaya hinubad ko ang damit ko. Sinilip kita kung gising ka na. Nang nakita kitang tulog pa humiga muna ako habang hinihintay kitang magising. Hindi ko namalayan nakatulog na rin pala ako."

"Totoo ba 'yan?"

"Bahala ka kung ayaw mo'ng maniwala!" Inis niyang sabi.

"Okay sige, sorry na, sorry kanina dahil na hampas kita at napagsabihan ng kung ano-anong masamang salita."

Umingos siya sa'kin, "I won't forgive you. Ang sakit kaya ng hampas mo. Maaga pa naman akong nagising para ipagluto ka. Tapos sasaktan mo lang ako. Darn!" Tapos tumalikod siya sa pagkakahiga.

Umupo ako sa kama at pilit kong iniikot ang katawan niya paharap sa'kin. "Boyfriend, sorry na, Please!" I pout.

"No way!" Sabi pa niya.

"Boyfriend naman eh, please sorry na! Hindi ko naman kasi alam ang nangyari. First time kong malasing ng gano'n!"

Humarap siya sa'kin. Tapos bumangon at umupo.

"Wag na wag mong uulitin uminom ng alak lalo na kapag hindi ako kasama. Okay!"

"Yes boyfriend! Sorry na!"

Huminga siya ng malalim tapos ngumisi sa'kin. "Ayoko nga! Galit ako sa'yo."

"Kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako Boyfriend."

Lumiwanag ang mukha ni Frits.

"Talaga kahit ano?"

Tumango ako. "Ay wag lang pala yung honeymoon. At pagkain ng exotic foods at paghawak ng mga ayaw kong hawakan."

"Psh! Kakasabi mo lang na kanina na lahat gagawin mo."

"Siyempre hindi ko naman kayang gawin iyon,"

"Sige, i-kiss mo na lang ako sa lips,"he said.

Pinagmasdan ko siya. gusto kong matawa sa itsura niya nakanguso pa kasi siya. Habang hinihintay na i- kiss ko siya. Naku! Kung hindi ko lang talaga mahal si Frits.

"Sige, gagawin ko na! Pero pumikit ka muna."

"Ano ang daya mo naman. Ikaw ang may kasalanan. Kaya hindi ka dapat magreklamo."

"Bahala ka kung ayaw mo!" Aakma na sana akong tatayo ng bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Sige na nga! pumapayag na ako." Kamot-kamot niyang sabi.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya siya naman ay pumikit na.

"Dont dare to open your eyes." Warning ko pa.

"FINE!! KISS ME MY WIFE!! "

Nakangiti ako habang pinagtiklop ko ang daliri ko. Ito kasi ipangki-kiss ko. Ha-ha-ha! Tapos dahan-dahan kong idinikit ang mga daliri ko sa mga labi niya. "TSUP!"

"Yan tapos na!" Sabi ko pa.

Nang idilat ni Frits ang mata niya nakasimangot siya sa'kin, "Oh? bakit? Nakasimangot ka!" Puna ko sa kanya.

Tumayo siya at nag-umpisa ng maglakad.

"Boyfriend!" Tawag ko sa kanya.

Huminto siya. "Kung ayaw mo'ng gawin ang sinabi ko dapat sinabi mo na ayaw mo. Hindi naman kita pipilitin eh, "tapos tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

"Paano niya kaya nalaman? ano ba 'yan LQ na agad kami."

Sinundan ko siya sa labas ng kwarto. Tinatawag ko siya pero hindi siya lumilingon sa'kin. Hinabol ko siya sa labas. Nang maabutan ko siya. Niyakap ko siya patalikod.

"Sorry na Boyfriend, wag ka ng magalit sa'kin."

Naramdaman ko ang buntong-hininga niya. Tapos naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Sige na pinapatawad na kita." Tapos humarap siya sa'kin. At niyakap niya ako.

"Sige na, hindi naman kita kayang tiisin, Wife."

"Thank you,"

"Halika na Wife. Nagluto ako ng pagkain. Kumain muna tayo." Ngumiti pa siya habang nakatingn sa'kin.

Tumango ako. At sumunod sa kanya habang hawak-hawak ni Frits ang kamay ko.

Ngayon ko lang napagmasdan ang kabuan ng buong resort. Narito kasi kaming dalawa ni Frits sa dagat. Kaming dalawa lang ang naroon. Naka swimming trunk si Frits. Samantalang ako naka-two-piece bikini. Alas otso pa lang ng umaga kung kaya't ramdam-ramdam mo pa rin ang malamig na dampi ng hangin sa buong katawan mo. Tumakbo ako doon sa maliit na cottage. Papunta kay Frits.

"Boyfriend maligo na tayo sa dagat." Pagyaya ko sa kanya.

"Mamaya na lang."

Pilit ko siyang hinihila palapit sa dagat. Pero dahil mabigat siya at hindi ako nagtagumpay madala siya sa dagat upang maligo.

"Mamaya na kasi Wife."

Sumimangot ako. Habang mag-isa akong bumalik sa dagat. Naligo ako mag-isa. Nakita ko mula sa malayo si Frits na nakatingin sa'kin.

"Ang boring. Ako lang mag-isa."
Inikot ko ang paningin sa paligid. hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang lagayan ng ice cream. Patawa-tawa ako habang pinupulot ko iyon tapos nilagyan ko iyo ng tubig dagat. Tapo muli akong nagtungo sa cottage namin ni Frits. Tinago ko sa likuran ko ang lata ng ice cream na may tubig.

"Nagugutom ka na ba wife ko?" Tanong ni Frits.

Umiling-iling ako. Tapos lumapit ako sa kanya ng sobrang lapit. Nakita ko ang pagtataka ni Frits, salubong kasi ang kilay niya "What?" He said.

"I love you, Boyfriend." Tapos binuhos ko sa kanya ang tubig na hawak ko.

"Shit!" sigaw niya nang mabasa siya ng tubig.

Tumakbo ako palabas ng cottage.

"Ha-ha-ha! Ayaw mo maliligo, ha!" sabay takbo ko palayo.

Hinubad ni Frits ang suot niyang pang itaas. At hinabol ako habang tumatakbo akong palayo.

"Humanda ka sa'kin, Wife, Kapag nahuli kita!"

"Bleh! Kung mahahabol mo ha-ha-ha!" Muli akong tumakbo.

Muli akong tumakbo nang tumakbo. Mabilis naman akong hinabol ni Frits. Kung kaya't napasigaw ako ng mahuli niya ako.

"Huli ka!" Sigaw niya.

"Aayyy!"

Binuhat niya ako na parang isang sakong bigas lang papunta sa dagat. Doon kami huminto sa gitna. hanggang leeg ko na ang tubig. Sa kanya naman hanggang dibdib niya lang. Dahil hindi ako marunong lumangoy, natakot akong malunod, kung kaya't ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.

"Ano ka ngayon, Wife. Ang galing mo mag aya kanina pero hindi ka naman pala marunong lumangoy."

"Boyfriend, do'n tayo sa mababaw na tubig."

"Ha-ha-ha! Ayoko nga! Mas gusto ko rito eh, nakayakap ka sa'kin."

"Leschugas ka Boyfriend! Malulunod ako rito, do'n tayo sa mababaw." Nakakainimom na kasi ako ng tubig dagat sa tuwing malakas ang paghampas ng alon.

Hinawakan niya ang mukha ko. habang pinagmamasdan niya ako. sinipat niya ang labi ko at sumeryoso siya.

"Alam mo ba wife? Alam kong hindi mo naman ako hinalikan kanina. Kahit nakapikit ako. Naramdaman ko iyon dahil Malambot ang labi mo. kaya nainis ako sa'yo hindi ka tumupad."

Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Umiwas ang tingin ko sa kanya habang nanatili akong nakayakap sa kanya.

"Nagbibiro lang naman kasi ako. Hindi ko naman aakalain na magagalit ka. Sorry."

"Ayos lang Wife, alam mo ba'ng Sobrang masayang-masaya ako ngayon, kasi hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganit, yung tayong dalawa lang magkasama sa ganitong lugar."

Pinagmasdan ko siya. "Ako rin hindi ko akalain na makakasama kita ngayon dito Boyfriend. Maraming salamat sa lahat ng effort mo at mga surprise mo."

"Hinawakan niya ang baba ko at marahan niyang dinampian ang labi ko. Pareho kaming nakapipikit habang magkalapat ang labi namin. Tapos biglang may malaking alon ang bumagsak. Natangay kaming dalawa ng alon hanggang sa pangpang. Nagtawanan kaming dalawa. Tapos muli kaming naghabulan sa dagat. Masayang-masaya kaming dalawa. Habang magkasama kaming sinusulit ang oras.

"Boyfriend, anong oras ang uwi natin ng manila?" Tanong ko habang nakaupo ako sa labas ng resthouse. Lampas alas kwarto na iyon ng hapon.

"Bukas ng madaling araw O kaya mamaya. Ano bang oras ang gusto mo?"

"Kung pwede sana mamayang gabi. May pasok na kasi tayo bukas ng maaga." sagot ko.

"Sige, ikaw bahala." tapos tumabi siya sa'kin sa pagkakaupo. At hinawakan niya ang kamay ko. Habang nakasandig ang ulo niya sa balikat ko. Naamoy ko tuloy ang mabago niya sa katawan at mabangong hininga niya.

"Boyfriend..."

"Hmm...bakit, Wife ko?"

"Kung hindi ba ako nagbago? mamahalin mo pa kaya ako?"

"Mamahalin pa rin kita wife. Dahil matagal na kitang gusto. Simula pa noong bata pa tayo."

Biglang namula ang mukha ko. Buti na lang nakasandig siya sa'kin hindi niya nakikita ang pagba-BLUSH ko,

Napalunok ako. Para akong natuyuan ng tubig sa lalamunan,

"Paano mo'ng nasabi iyon?"

"Matagal na kasi kitang nakikita. Matagal na kitang kilala. Siguro hindi mo lang napapansin. Dahil maraming batang lalaki ang lumalapit sa'yo noon.

"Huh? Talaga! Ilang beses na tayong nagkita?"

"Hindi ko na mabilang. Basta ako yung palaging kasama ni Daddy tuwing may meeting sila ng Dad mo. Kapag may occassion sa bahay niyo or sa bahay namin nagkikita tayo."

Napangiti ako sa kinukwento niya. Dahil matagal na pala kaming magkakilala. Hindi ko lang siya napansin. Siguro dahil masyado akong malditah dati. Palagi nga akong nang-aaway ng kapwa ko bata.

"Kaya pala gano'n na lang kung insultuhin mo ako dati kasi kilala mo akong malditah at masama ang ugali."

"Hindi ko gustong gawin sa'yo iyon. Ayoko lang umasa ka at masaktan."

"Ilang beses mo na nga akong sinaktan eh,"

"Ginawa ko iyon para tigilan mo na ako."

"Gano'n?"

"Ang sarap pa lang magmahal ng malditah. Ang sarap din niyang mahalin."

Ngumiti ako. "Mas masarap magmahal si Frits Santiago na Casanova. Mayabang at suplado, pero Sobrang sweet." sabi ko.

Niyakap ako ni Frits.
"Promise mo, Allyson Ramirez Santiago na hindi tayo susuko sa anumang pagsubok na darating sa relasyon natin. Ipangako mo'ng haharapin natin dalawa ito. Walang iwanan, ha! Wife ko." nakatingin siya sa'kin habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon.

Tumango ako sa kanya. "Promise nandito lang ako para sa'yo anuman ang mangyari."

Ngumiti siya sa'kin. At muli niyang hinilig ang ulo niya sa balikat ko. At tuluyan na siyang pumikit at natulog. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya.

"Napagod ka na siguro sa mga ginawang mong surprise sa'kin. Salamat sa lahat ng effort mo. I love you Frits. Ikaw lang ang nag-iisa sa puso ko." Bulong ko sa kanya.

Pagkatapos. Tinuon ko ang pansin ko. Sa dagat na tanaw na tanaw mula sa kinauupuan namin. Ang tahimik na kapaligiran ang nakakapagpa-dagdag ng kapanatagan ng aming mga kalooban. Saglit naming nakalimutan ang problemang kinahaharap namin sa manila.

Continue Reading

You'll Also Like

19.2M 456K 101
We both inlove.. hindi na namin mabilang ang salitang i love dahil araw-araw naming sinasabi sa isa't-isa ang mga katagang iyon, nagkakatampuhan min...
63.5K 2K 57
At sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahand...
48.3M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
926K 11.7K 9
Anong gagawin ng isang certified playboy kung isang araw may gumawa ng hate campaign sakanya? This is just a light story about a certified heartbreak...