In a Relationship with Mr. Ic...

Von waynesandkisses

611K 9.9K 2K

Julia is in a relationship with Mr. Ice Prince, Enrique Gil. It all started when they have to act as couple... Mehr

In a Relationship with Mr. Ice Prince (JulQuen)
Chapter 2 - Julia meets the Ice Prince
Chapter 3 - Ms. Clumsy >//<
Chapter 4 - Pautang ako.
Chapter 5 - Ikaw? Magtatapat ka rin?
Chapter 6 - Ibabalik ko na lang yung Kiss.
Chapter 7 - The Task and His Announcement
Chapter 8 - Ilagay mo Cellphone Number mo.
Chapter 9 - Sabay tayo mag-lunch.
Chapter 10 - Nagseselos ka ba?
Chapter 11 - Julia's Prince Charming
Chapter 12 - Forever in your Arms :")
Chapter 13 - Enrique Gil is Topless!
Chapter 14 - Goodnight Kiss :-*
Chapter 15 - Bubugbugin na talaga kita!
Chapter 16 - Susuntukin na kita eh!
Chapter 17 - Diba Friend? </3
Chapter 18 - Saktan mo at Aagawin ko siya!
Chapter 19 - Ikaw ang Happiness ko! ^__^
Chapter 20 - Sira ulo na kung Sira ulo!
Chapter 21 - Peace be with you!
Chapter 22 - JulQuen's Deal
Chapter 23 - To the Rescue >//<
Chapter 24 - Gusto ko pa maging tatay!
Chapter 25 - Stay away from that guy.
Chapter 26 - Hindi ko na siya Crush!!
Chapter 27 - Okay lang na Madapa ako.
Chapter 28 - EnriLeen? JulSam?
Chapter 29 - Because I like you.
Chapter 30 - Ang boses ni Julia.
Chapter 31 - Ingat kayo or Mahal kita?
Chapter 32 - Thinking Of You
Chapter 33 - Lips Don't Lie
Take Time to Read This.
Chapter 34 - Couple WHAT?!
Chapter 35 - Ang Photoshoot ni Kiray.
Chapter 36 - I'm willing to catch you.
Chapter 37 - Stay With Me.
Chapter 38 - Ang Gamot sa Lovenat ni Quenito :')
Chapter 39 - Ginahigugma ko ikaw.
Chapter 40 - Kunin mo na ang Lahat.
Chapter 41 - Realizations ♥
Chapter 42 - Give me a Chance.
Chapter 43 - Hindi Kita Iiwan.
Chapter 44 - Perfect Man for You
Chapter 45 - Hurting </3
Chapter 46 - Sorry na, talaga.
Chapter 47 - Love ko to <3
Chapter 48 - Lester's Birthday Bash
Chapter 49 - Bagong Taon ka ba?
Chapter 50 - The Consequence of the Task
IARWMIP - EPILOGUE
Queen of Promotion

Chapter 1 - Welcome to Pinas!

18.3K 224 14
Von waynesandkisses

Julia's POV

WELCOME TO PHILIPPINES, JULIA MONTES! 

Nasambit ko sa aking isipan pagka-apak na pagka-apak ko pa lang sa airport ng Pilipinas. Ohh, how I missed this place. 8 years old ako noong nag-migrate kami ng parents ko sa Canada, and now that I'm a 16 year old girl, napagdesisyunan kong sa Pilipinas na lang mag-college. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko na e. Ayokong umasa sa parents ko all the time. Buti na lang talaga pumayag sila. Sabi ni mommy, papadalhan na lang daw nila ako ng allowance. 

"JULS!" I heard a familiar voice. Siguradong siya na to. 

"KATS!" Nagtatakbo akong lumapit sakanya saka siya niyakap ng sobrang higpit.

Si Katsumi Kabe nga pala, ang gwapong gwapo kong pinsan. Dalawa lang naman kaming magpinsan sa side ni mommy e. Tapos yung sa father side ko naman, hindi ko mga ka-close. Si Kats lang talaga ang parang tinuturing kong kuya. 

"Wow, ganda natin ah." He said. 

"Aba! Matagal na no. Ngayon mo lang napansin? Haha." Sabi ko sakanya na natatawa. Namiss ko talaga tong mokong na to. Lagi lang kasi kaming magka-skype eh.  

"Gandang joke nun, couz. Osha tara na sa mansyon ko." Sabi niya saka niya binitbit ang mga bagahe ko. 

*POK*

"Anong mansyon? Baka more on lungga." Binatukan ko kasi siya. Hahaha. Minsan talaga masarap manakit eh no? Physically ha lalo na sa kumag na to :) 

"Ikaw! Naka-isa ka don ha. Eh kung gawin kaya kitang labandera sa bahay." Tinuro turo niya pa ako. Natawa na lang ako sa itsura niya. 

"Hah. Try mo lang, isusumbong kita kay mommy." Ako. 

Nanlaki naman ang mata niya na ikinatawa ko ng mahina. Epic Face. Takot kay mommy kasi alam niyang isusumbong siya nito kay Tita. "To naman, di na mabiro! Tara na nga at baka nagugutom na ang pinaka-maganda kong pinsan." 

Inakbayan niya ako at naglakad na kami papuntang kotse. "Buti alam mo." sabi ko sakanya sabay palo ng mahina sa may tiyan niya. 

"Nako, ang abs ko!" Napahawak pa siya sa tiyan na. 

"Wow. Meron? Tabs kamo yan, Katsumi." 

He glared at me. Haha. "Ikaw babae, tatadyakan na talaga kita pabalik ng Canada e. Sige, isa pang banat mo I'm so gonna kick you!" Umakto pa siyang sumisipa. 

"Lakas maka-kabayo ang peg ah." I teased. 

"Arghhh. Ikaw talaga!!!" Gigil na gigil niyang pinisil ang ilong ko. 

"Ahh-Araaaaaaay!" Pilit kong tinatanggal ang pagkakapisil niya sa ilong ko. Lagi siyang ganyan, gawain niya yan noong mga bata pa kami. 

Tinanggal naman niya agad ang kamay niya sa ilong ko saka tumawa ng malakas papasok ng kotse. Sira ulong yon! Inggit sa matangos kong ilong >//< 

** 

"I'm so excited to see Kathryn na! Tapos isusuprise ko siya mamaya." Daldal ko kay Kats. "You didn't tell her na ngayon ako uuwi, diba?" 

Parang nagulat naman siya bigla sa tanong ko. Napa-lip bite kasi tapos di siya makatingin sakin ng derecho. He grabbed his phone. "Ha ha. O-Oo naman! I didn't tell her." 

"Good, cause if you're lying I will kill you." 

Katsumi: Gulped. 

Tulog lang ako sa byahe. Hindi kasi ako makatulog ng ayos sa eroplano kanina. Excited much makatungtong ng Pinas e. Anyways, andito na kami kela Kats. Dito muna kasi ako titira. 

O______O 

"SURPRISEEEEEEE!" Tinaas pa niya ang kamay niya. Oo, surprise! Na-surprise nga ako to see Kathryn here. At may banner pa na 'Welcome Back Juls!' 

"I miss you Montes!" Niyakap naman niya ako ng sobrang higpit. Haaaay. Namiss ko rin ang loka lokang to! Nung mga bata pa kasi kami, kaming tatlo nila Kats ang laging magkakasama. 

I glared at Katsumi. Nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya, he grabbed his fone at kunwari may ka-text. Psh. 

Nang humiwalay na sa pagkakayakap sakin si Kath, binalingan ko na si Kats na pasipol sipol lang. Siya kaya tadyakan ko. 

"Akala ko ba, you didn't tell her?" sabi ko sakanya with matatalim na titig. 

"Hehe. Sorry. Di napigilan ng dila ko yung excitement. Itong dila ko sisihin mo. Hehe." Nag-peace sign pa siya. 

"Ano ba Montes, hayaan mo na nga yang si Kabe. Tsaka katampo ka! Kung di pa madudulas si Kats sakin, di ko pa malalaman na uuwi ka na pala." Tapos nag-pout siya. 

"Gusto kasi kitang i-surprise. Kaso, ako ang nasurprise." sabi ko sabay death glare na naman kay Katsumi. Hahaha. Para siyang natatarantang ewan. 

"Haha. Yan kasi Kats, daldal mo!" Kath. 

"Ikaw kasi eh! Kung di ka nagpakita sakin nung araw na yon, hindi ko sana masasabi sayo." Kats to Kathryn. 

"So kasalanan ko?" Kath.

"OO. KASALANAN MO! PSH." Kats. 

"Ahh. Ipabugbog kaya kita kay Daniel. Teka, Ama call him." Kinuha ni Kath ang cellphone niya at umaktong may tinatawagan. 

"O-Oy! JOKE LANG. Hehe. Ako talaga may kasalanan. I admit it." Kats. 

"Good." Kath. 

OKAY. Ako na OP sakanila -.- 

Hinila ako ni Kathryn papuntang dinning table. "Montes, marami tayong pagkukwentuhan. Tulad na lang ng Lovelife. Haha." 

"Oo, ready ako jan. Pero Bernardo kain muna tayo. Gutom na ako e." 

"Kelan ba hindi? Hahaha." Uupakan ko tong si Kats. 

"Osha, Let's eat. " Kathryn. 

Kumain lang kami ng kumain. Syempre gutom e. Tapos si Kath, walang hanggan rin yung kwento. As in di siya agad matapos sa pagkain niya kasi andami niyang daldal. 

"Kumain ka nga muna. Hahaha." Ako. 

"Eto na nga oh, isusubo na." Sinubo na ni Kath yung last na kinakain niya. Natapos rin sa wakas. Uminom agad siya ng tubig at pagkatapos ay hinila ako papuntang salas. 

"Kats, ikaw na muna bahala jan ha." Kath. 

Nagtataka ba kayo at feel at home si Kath sa bahay? Haha. As I've told you, childhood friends talaga kaming tatlo. Kilala siya ng mommy namin ni Kats. Kaya naman sabi nila, ituring na rin ni Kathryn na bahay niya ang bahay nila Kats. So, yun nga ang ginagawa niya. 

"Opo mga prinsesa. Bwisit." Kats. 

Natawa na lang kami ni Kath. Lagi namang talo samin yan si Katsumi e. Once na mag-asaran kami, lagi siyang kawawa. Syempre, siya lalaki e. Bwahahahaha! 

"So Montes, may boyfriend ka sa Canada?" She asked. 

"WALA! NBSB yang si Julia!" sigaw ni Kats mula sa kusina. 

"Ahh. Wala pala. Hayaan mo marami ditong gwapong boys! Lalo na sa Apollo University. Megaahd. You're gonna drool." Kath. 

"Hindi interesado si Julia sa boys. Mas interesado siya sa adventure. Tipong aakyat ng bundok ganon." sagot ulit ni Kats mula sa kusina. 

"Oo e. Hehe. Ikaw, may boyfriend ka?" I asked her. 

Muka naman siyang kinilig. Lumaki ngiti eh oh. Magsasalita na sana si Kath nang biglang.. 






"Oo. Si Daniel Padilla. Tropa ko yun e. Pakilala ko sayo minsan Parking 5! Para naman may kakilala ka dito bukod samin ni Kath." Kats from the kusina. 

"Ah eh, Gwapo naman ba?" Ako. 

"Oo naman. Walang pangit sa tropa ko no." Kats =____= 

"HOY! KAMI NI JULIA NAG-UUSAP DITO, SAGOT KA NG SAGOT JAN! MAGHUGAS KA LANG NG PINGGAN. KAKAINIS TO EH!" sigaw ni Kath kay Kats. 

"Sinong nakakainis ha?! AKO?!" Lumabas naman si Kats sa kusina nang naka-apron pa. May hawak pa siyang sponge at bumubula yung kamay niya dahil sa sabon. 

"Mag-concentrate ka nga sa ginagawa mo!" Ako. 

"Oy Kathryn, umalis ka na nga dito. Maagang matutulog si Julia. Maaga rin kasi kami sa Apollo bukas. First day of school. Late siya mag-iinquire. Hala! Layas!" 

"Sama e. Osha, una na ako ha. Bye Montes!" Yumakap sakin si Kath. 

"Osha sige, Bye Bernardo!" I kissed her on the cheeks. Tapos ay lumabas na siya. Tapat lang naman ng bahay ni Kats ang bahay ni Kath e. 

** 

"Wow! Ang ganda!" Feeling ko nagka-stars yung mga mata ko nung nakita ko ang kwarto ko. Sheez. Pang-prinsesa! :") 

"Ganda no? What can you say?" Kats. 

"Pretty like me. Haha. Ikaw nag-ayos ng kwarto ko?" Ako. 

Nanlaki naman ang mga mata niya. "What do you think of me? A Gay? Haha. Si mom ang nag-ayos niyan. Alam mo namang gusto nun ng anak na babae e." 

"Haha. Kaya nung bata ka, puro pang girls ang damit mo." 

"WAG MO NGANG IPAALALA YAN!" Totoo yun, gusto talaga ni tita ng anak na babae kaya nga anak ang turing niya samin ni Kath e. 

"Matulog ka na nga. Goodnight." Naglinis na muna ako pagkatapos ay natulog na rin agad. Bukas na lang ako mag-aayos ng gamit. Katamad. X_X

 ** 

First day in Pinas. 

"Goodmorning Tita!" Bati ko kay Tita Nikki. Maaga kaming papasok ni Kats ngayon kasi sasamahan niya ako mag-inquire sa Apollo University. Dun na ako papasok simula ngayon. Oo, ngayon kasi first day of school ngayon. Ayos din no? 

"Goodmorning baby. Kamusta tulog?" She asked tapos kiniss niya ako sa cheeks. 

"Okay naman po. I love my room Tita! Hehe. Thank you." 

"Basta ikaw. Kumain ka na jan. Pababa na rin si Kats." Tumango na lang ako. Ano ba yan. Kinakabahan ako pumasok. Wala pa kasi akong kakilala bukod kay Kats at Kath. 

"GOOOODMOWWWWNINGGGGGG." Guess who? 

"Hoy Katsumi, bilisan mo nga jan. Kumain ka na at baka malate pa kayo ni Julia. Napaka-kupad mo talaga kahit kelan." Tita Niks. 

"Ang sweet ng mommy ko. Damang dama ko yung goodmorning niya." Kats said sarcastically. Tapos ay kumiss sa mommy niya. Natawa na lang ako sakanila. Haha. 

"Ipapakilala kita sa Parking 5 mamaya para may friends ka naman. Ahhh tsaka gusto mo bang sumali sa Alpha G?" Kats. 

"Alpha G?" Tanong ko sakanya. Anong Alpha G? 

"Hm. Sikat na group yon sa campus. Alpha Gwapo/Ganda. Gusto mo ng adventure diba? Marami kang makaka-close dun. Sporty girl ka pa naman." 

Hmmmm. Mukang maganda nga dun. 

"Marami ring sporty dun like me?" Tanong ko sakanya. 

"Oo. Marami. Sign up ka mamaya. I'll help you. Malakas ako kay Bianca e. Haha." 

"Sinong Bianca? Girlfriend mo?" Ako. 

"Hinde no! Presidente yung ng Alpha Girls. Kaso may task pa kayo bago maging official member. Di naman mahirap mga task don, wag ka mag-alala. Ako bahala sayo." Kats. 

"Hmmm. Sige! Si Kath kasali?" Ako. 

"Naman! Muse yun e. Si Dj naman ang escort. Odiba, MTB na MTB ang dalawang yon. Hahaha." *kagat ng tinapay* 

"Anong MTB?" Ako na slowpoke. 

"Meant to be! Haha. Basta mamaya ha? Samahan kita."

"Sige sige." Excited na tuloy ako. Gusto ko rin makakilala ng mga adventurous type saka mga sporty girls. Hehehe. 

"Let's go." Lumabas na kami ng bahay. 

"Ma! Alis na kami. Bye. Labyow!" Natawa na lang ako kay Kats. Labyow daw e. Haha. 

** 

At Apollo University. 

"Mam, eto na po yung payment." Si Kats yan. Siya na kasi nag-asikaso sakin. Ang bait talaga ng pinsan ko. Ililibre ko tong kape minsan. 

"Thank you po." Inabot sakanya yung schedule ko. 

"Oh Juls, eto na schedule mo. Wow! Tamang tama, same subject pala tayo hanggang wednesday. Tara sabay na tayong pumunta sa first class." Kinuha ko sakanya yung sched ko. 

"Teka, cr lang ako ha." Paalam ko sakanya. 

"Osige, punta ka dun sa may punong yon oh." Sabay turo sa may puno. "Tambayan namin yan e, tas samahan kita mag sign up sa Alpha mamaya." 



"Okay. Thank you." 

Nag-seperate na kami. Aish. Ang engot ko naman. Di ko nga pala alam kung saan ang CR dito! Asan na ba yon? ~.~ 

*Kring Kring* 

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nakitang tumatawag pala si Kath kaya agad ko iyong sinagot. Matanong na rin kung saan ang cr. -_- 

"Hello? Bernardo? Asan ka?" 

"Dito sa bench sa may Quad. Puntahan mo ako dito, dalii~" 

 

"Eh? Kailangan ko mag-cr e." 

"Maya na. Tour kita sa Apollo. Puntahan mo ako now na." 

"Ok wa----Aray!" 

"Hello? Montes? Bakit? Anong nangyari?" 



Inend ko agad yung call ni Kath. May nabunggo kasi akong kung sino dito. Kanina pa pala ako hindi nakatingin sa dinaraanan ko. 

Tinignan ko kung sino yung nabunggo ko and to my surprise..

O_____O 

Greek Gods really do exist! Sheet.

Ang gwapo niya. Para siyang anghel na pinadala ng langit sa lupa. He has an awesome manly appearance. He looks like a model. Maganda ang tindig at built ng katawan nito plus the fact that he looked awesomely handsome. Ang makinis niyang muka, magagandang mata, matangos na ilong, pink and kissable lips. Muka naman siyang mabai---.

"Pwede ba miss. Wag kang tatanga-tanga." He said while glaring at me. Halata sa muka niya na irita siya sa pagkakabunggo namin. 

Geez. Did he just called me tanga? 

---

Author's Note: Itong story na ito ay JulQuen featuring KathNiel. Mas trip kong mag focus sa love story ni Quenito at Montage ngayon e. Haha. Sana marami ring magbasa nito katulad nung sa BLS. Thanks for reading anw. Sino kaya tong nabunggo ni Julia? Meanie naman >/<

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
21.1M 516K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
12.1K 543 39
Sino nga ba ang mag aakala na ang babaeng ayaw na ayaw sa gangster ay mahuhulog din? Ang babaeng hindi interesado sa mga lalaking basagulero ay mag k...