MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG...

By jhuennstorm

39.2M 910K 52.9K

Si Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yat... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
author's note;
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
A night before ally's birthday
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
♥♥special note♥♥
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
PASILIP SA BOOK 2
thank you!
editing
book two
RF/FC
Book na siya.
MIBF
Dreame

CHAPTER 69

322K 7.7K 153
By jhuennstorm

FRIT'S P.O.V.

"Binigay sa'kin 'yan ni Ally, kahapon mga Death threat na 'yan, malakas ang kutob ko galing 'yan kay Maddison," sabi ko. Habang nasa loob kami ng  Arristokrata resto-bar.

Pinakita ko isa-isa sa apat kong matalik na kaibigan ang mga Death threat na natanggap ni Ally, nakaupo kami sa bilog na upuan malayo sa Stage ng Bar.

Kasama ko sila Drek, Troy, Luke, Patrick, dito sa isang Bar malapit sa Eastwood, dalawang beses ko na silang kinausap tungkol sa problemang ito, pero mas ibang-iba na ngayon, dahil pati si Ally na dadamay na. At iyon ang hindi ko papayagang mangyari.

"Mukhang mahirap na nga 'yan Frits, lumala lang 'yan nang maging kayo na ni Ally." ani Troy.

Tinitigan ni Drek ang mga sulat, "Hindi siya sulat kamay, wala rin dito na pwedeng gawing ebidensya, mahihirapan kang ituro si Maddison. Frits, kasi wala kang mabigat na ebidensya."

Sinipat ko sila isa-isa, at tikom ang kamao ko sa inis. "Wala akong pakialam! Basta hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Ally, hahanap ako ng ebidensya na makakapagturo sa baliw na Maddison na 'yan."

"Pero Frits, paano mo gagawin iyon? Hindi mo nga alam kung sino ang kalaban mo? Malay mo naman, sinasadya ng kalaban mo na pag-isipan mo si Maddison para doon ka lang tumutok, tapos hindi pala siya ang kalaban mo."ani Drek.

Bigla akong napa-isip, sabagay may point din si Drek, paano nga kaya kung hindi naman pala si Maddison ang tunay na kaaway? Paano kung bigla na lang itong kumilos, hindi man lang ako makapaghanda. Ngunit kahit anong isip ko, wala na naman sa'kin nagtanim ng sama ng loob kundi si Maddison Kim lang.

Kinuha ko ang baso na may lamang alak na nasa ibabaw ng table, sinaid ko ito bago ako muling nagsalita.

"Kailangan malaman ni Dad ang lahat ng ito," sabi ko habang nakatingin ako sa apat kong kaibigan.

Tumango sila sa'kin.
"Maganda nga ang naisip mo. Humingi ka na nga ng tulong sa Dad mo, anyway, wag mo masyadong isipin ang problemang iyan, alalahanin mo may laro pa kayo sa ibang School ng Basketball sa Lunes." ani Drek.

"Yeah, kayo rin naman."

"Oo, pagkatapos ng School Festival. Birthday naman ni Ally, nga pala guys! Naisipan kong mag Out of Town a day before her biryhday, para pag-uwi natin dito, Debut na niya."

"Wow! mukhang maganda 'yan, saan naman tayo pupunta? Pwede ba kaming magsama ng Girlfriend?" Ani Patrick.

Bigla naming nilingon si Patrick.
"Oh? Bakit nakatingin kayo sa'kin lahat?" Aniya.

"Parang may girlfriend ka na. Kayo na ba ni Bernadette?" Tanong ni Drek.

Nakita namin ang pamumula ng mukha ni Patrick.

"Hindi pa, pero malapit na.
Bakit kayo? Balita ko mga inlove rin naman kayo."  sagot pa ni Patrick.

"Well, mas maganda nga kung may kasama kayo do'n, basta i-inform ko na lang kayo kung saang lugar, namimili pa kasi ako kung sa Boracay, Puerto O sa Caramoan."

"Sige, Frits, basta wag mo masyadong problemahin ang mga iyan, tutulungan ka namin, si Teo pala tutulong din sa'yo." ani Drek.

"Salamat guys!"

"Let's drink! Mag-enjoy muna tayo ngayong gabi, kalimutan muna natin ang mga problema na 'yan." Ani Luke, isa-isang pinaglalagyan ni Luke ang mga baso ng Alak, ininom namin iyon, saglit kong kinalimutan ang problemang kinakaharap namin ngayon.

Ilang oras lang kaming uminom, dahil nga may pasok pa sa school, habang papalabas kami ng Bar, nakita namin ang guard ng Bar na naroon sa mga nakaparadang kotse na malapit sa pinag-park ng kotse ko.

Bigla akong kinabahan. Habang papalapit ako nang papalapit doon.

"Anong nangyari sa kotse mo Frits?" Ani Luke.

Nakatayo kaming lima sa tapat ng kotse ko, basag ang mga salamin, butas ang apat na gulong, meron ding patay na love birds sa ibabaw ng kotse ko.

"Hindi nga po namin alam Sir, narinig lang namin na may biglang malakas na tunog, ng nilapitan namin, nakatakbo na ang mga gumawa niyan, tatlong lalaki ang tumakbo, hindi po nakita ang mukha nila sa CCTV Camera dahil may mascara sila." paliwanag ng guard na naka-duty.

Pailing-iling ako, habang pinagmamasdan ko ang kotse ko, ilang saglit pa. biglang may tumawag sa Cellphone ko, Unregister Number.

"Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa kotse mo? And how's the Love birds? Nakakalungkot di ba. Patay na sila." tapos bigla itong tumawa, hindi na ako nakapagsalita pa. Dahil agad nitong pinutol ang tawag.

"Damn it!"gigil kong sabi. Parang gusto kong itapon ang Cellphone ko sa galit.

"Sino ang tumawag Frits?" Tanong ni Luke.

Tiningnan ko suya. "Unknown number, Luke, pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" Tanong ko kay Luke.

"Sure!"

"Let's go! Sir, kayo na po ang bahala diyan, ibigay niyo po sakin ang report niyo bukas about sa nangyari." sabi ko sa security guard. Pagkatapos sumakay na ako sa kotse ni Luke, bigla kasi akong nakaramdam ng takot para kay Ally.

"Yung tumawag sa'yo di ba? iyon ang may kagagawan ng pagkasira kotse mo?" Tanong ni Luke.

Tumango ako. "Hindi ko nakilala ang boses, dahil naka-record na ang boses niya."

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Luke nang lingunin ko siya.

"Wag na wag lang may mangyayaring masama kay Ally, mananagot talaga siya." Anito.

"Oo nga pala Frits, sinabi na sa'kin dati ni Teo na pinakiusapan daw siya ni Maddison na tulungan siyang maghiganti sa'yo, hindi lang pumayag si Teo, kaya malakas ang kutob ko na si Maddison ang may kagagawan niyan, kumuha na rin ako ng taong susubaybay kay Maddison."

"Kailan mo pa ginawa iyon? Tanong ko kay Luke.

"Kanina lang, humingi ako ng tulong sa parents ko."

"Salamat sa pag-aalala niyo para kay Ally, pero hindi rin naman ako papayag na mapahamak si Ally, alam mo naman kung gaano ko siya kamahal."

"Yah! Kaya hindi na ako tumutol pa sa inyong dalawa ingatan mo si Ally."

Tumango ako sa kanya at ngumiti, habang nasa biyahe kami nag-usap kami ng kung ano-ano ni Luke, ngayon lang namin nagawang mag-usap ni Luke ng seryosong usapan.

"Salamat Luke," sabi ko nang makarating kami sa mansyon.

"Welcome, kumusta mo ako kay Ally. bye!"

"Sure! Ingat." sabi ko.

Hinintay ko muna siyang maka-alis. Bago ako tuluyang pumasok ng bahay.
Agad akong nagtungo sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis ng damit. Pagkatapos sinipat ko ang wrist watch ko, ala-una na ng madaling araw, kinuha ko ang susi ng kwarto ni Ally na nasa drawer ko, simula nang dumating si Ally dito, ako na ang humahawak ng duplicate ng susi ng kwarto niya, palagi ko kasi siyang pinupuntahan sa kwarto niya bago ako matulog. Natutuwa kasi ako habang pinagmamasdan ko siyang natutulog, may pagkakataon ngang kinukuhanan ko siya ng litrato.

Agad akong nagtungo sa kwarto ni Ally, pagpasok ko do'n, patay ang ilaw niya, binuksan ko iyon. Pagbukas ko, nakita ko si Ally na tulog na tulog. Lumapit ako sa kanya at umupo ako sa gilid ng kama niya, nakangiti ako habang pinagmamasdan ko siya, kontento na ako sa ganito, ang pagmasdan siya habang natutulog.

"Goodnight, Girlfriend..." yumuko ako upang bigyan siya ng halik sa pisngi. Habang unti-unti kong inilalapit ang mukha ko, nagulat ako ng biglang hinigit ni Ally ang batok ko. At dinampian ako ng halik, ngumiti pa siya sa'kin, samantalang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko, for the first time kasi nahuli niya akong pumasok sa kwarto niya, lumayo ako ng kaunti at yumuko ako, agad na bumangon si Ally.

"Ha-ha-ha! Oh? Bakit bigla kang nahiya diyan Boyfriend? Akala mo siguro tulog na ako, noh?"

Hindi ako kumibo, ano ba ang sasabihin ko, eh, nahuli na ako.
Tinusok-tusok ni Ally ang tagiliran ko gamit ang isang daliri niya.

"Uy! Boyfriend, magsalita ka nga diyan, hinintay pa naman kita eh," nag pout pa siya.

Inangat ko ang mukha ko, nahihiya pa rin ako sa kanya.

"Bakit kasi hinintay mo ako? nahuli mo tuloy ako."

"Hmmm... matagal ko ng alam na gabi-gabi kang pumapasok sa kwarto ko, noh!"

"Matagal na?" kunot ang noo ko, "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Ayoko! Baka kasi mahiya ka sa'kin.  Nagustuhan ko naman ang gabi-gabi mong pagdalaw dito sa kwarto ko, bago ka matulog."

Ngumiti na rin ako sa kanya,
"Halika nga dito girlfriend," hinila ko siya at niyakap ng mahigpit, nagyakapan kami ng mahigpit, sobrang mahal na mahal ko talaga si Ally.

"Boyfriend, I  love you." bulong ni Ally.

Tinitigan ko siya, at dahan-dahan kong dinampian ng halik sa pisngi si Ally.  "I love you too, Girlfriend."

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Yap! Kanina pa." sagot ko habang magkayakap pa rin kami.

"Girlfriend..."

"Hmmm... bakit?"

"Pwede bang dito na lang ako matulog sa tabi mo? Promise goodboy ako."

Ngumiti sa'kin si Ally. "Sige, kahit gabi-gabi pa may tiwala naman ako sa'yo."

"Salamat, wag mo akong pagsasamantalahan girlfriend, ha!" Biro ko sa kanya.

Tumawa si Ally sa'kin.

"Hayaan mo pananagutan naman kita kapag may nangyari sa'tin boyfriend."

Ginulo ko ang buhok niya.

"Matulog na nga lang tayo puro tayo kalokohan eh,"

Tumango siya sa'kin, pagkatapos naghiwalay kami sa pagkakayakap, humiga na kaming dalawa. Niyakap ko si Ally habang nakahiga, si Ally naman nakaunan sa dibdib ko, para kaming mag-asawa sa gano'ng itsura.

"Goodnight, Girlfriend." Tapos hinalikan ko siya sa buhok niya.

"Goodnight, Boyfriend."

Tapos pinikit ko ang mata ko. Ang sarap sa pakiramdam na katabi at kayakap mo ang babaing mahal mo, excited na ako para bukas. Ang magigising akong mukha ni Ally ang mabubungaran ko sa umaga. Sana hindi na ito matapos.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 15.1K 8
Ang pag-aasawa ng maaga ay hindi parang Online games. Na kapag nagsawa ka na pwede kang mag Leave.. At maghanap ng iba. Dahil ang pag-aasawa ay isang...
19.2M 456K 101
We both inlove.. hindi na namin mabilang ang salitang i love dahil araw-araw naming sinasabi sa isa't-isa ang mga katagang iyon, nagkakatampuhan min...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...