Finding You

By IHIDEMYSELF

62.3K 1.7K 95

Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasaba... More

Finding You
Prologue
One
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
IHIDEMYSELF

Two

2.1K 51 0
By IHIDEMYSELF

Two

Mula sa hallway ay nakikita ko ang isang lalaking papalapit sa kinaruruonan ko, nakaheadset na naglalakad ngunit walang ginagawa ang puso kundi ang magkarera sa loob nito.

What's with this boys, bakit napapaganito niya ang buong sistema ko. Animo'y matagal na siyang kilala ng puso ko kaya ito nagkakaganito.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking iyon at sa paglingon ko sa patutunguhan ko ay may nakatayong babae, na may maamong mukha ang pinagmamasdan ako.

"Your heart know him"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.

"Kaya nagwawala ang puso mo ng ganyan dahil matagal na itong nangungulila sa presensyang taglay nang lalaking iyon... Matagal na nitong hinahangad na makita ng lalaking iyon."

"Pero hangang sa pagsunod lang ang kaya kong ibigay sakanya, hindi ko makuha ang gusto ng puso na iyan. Kaya nasa sayo na ito, find him, find that guy. Please..."

At matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay bigla na lamang itong naglaho, bigla ako napabangon sa kama at napahawak sa aking dibdib. Nararamdaman ko ang pawis na tumatagaktak sa aking noo.

Napatayo ako sa kama at nagdesisyong lumabas ng kwarto para kumuha ng maiinom. Nasa kitchen na ako ng mapatingin sa malaking orasan na nakasabit roon, alas tres na pala ng madaling araw.

Kumuha ako ng maiinom at dinala iyon sa Sala, binuksan ko ang TV dahil pakiramdam ko ay nawala na ang antok ko dahil sa weird na panaginip na iyon.

Unang tumambad saakin ang mga palabas na walang ka-kwenta-kwenta. Tiningnan ko ang mga Movie namin na nasa ilalim lamang ng table, halos lahat ito ay napanuod ko na, ngunit nag-stick ako sa horror ang palabas since hindi naman ako nahilig sa mga Romance Movie dahil unang una wala naman akong hilig sa salitang Romance.

Sa kalagitnaan na ako ng palabas at alas kwatro na ngayon, nagdesisyon akong kumuha ng ice cream sa refrigerator. Pagbalik ko ay halos mapatalon ako ng makita ko na nakaupo na roon si Shin at nanuod.

Walanghiyang batang ito, ginulat ako.

"Ate bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya saakin na may kasamang pang hikab.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko, bakit hind ka pa natutulog?" tumabi ako sa tabi niya.

"Natulog na ako, kailangan ko kasing magising ng 5 dahil 6 ang class ko..." sagot niya.

"4 pa naman ngayon, matulog ka ulit baka antokin ka sa klase niyo." Sambit ko sakanya.

"Akala ko kasi gising na si Mama, dahil nakakarinig na ako ng ingay sa Sala. Iyon pala ikaw lang, hindi na ako matutulog ate, nagising narin ako. Manunuod na lang ako, pero bawal akong kumain ng Ice Cream dahil magagalit si Mama, dahil hindi pa ako kumakain ng Rice." Mahabang litanya niya.

Napaismid na lamang ako. Parang ako yata ang pinagsasabihan niya ng salitang iyon.

"Ate hindi ba papasok kana rin mamaya?" tanong nito saakin.

"Ou!"

"Ayusin mo A, dapat marami kang maging kaibigan. Tingnan mo ako, ang daming nagbibigay ng mga chocolate saakin dahil mabait ako sakanila."

Parang siya ang mas matanda saamin kung pangaralan ako... Ikaw na ang gwapo Shin, ikaw na!

"O JUSKO LORD!" sabay-sabay kaming napalingon ni Shin dahil sa pagkagulat ni Mama.

"Papatayin niyo ako sa takot mga bata kayo-at tingnan niyo naman yang pinapanuod mo. Nalusot pa sa TV yung Multo, akala ko lulusot na sa TV yang multo. At madaling araw, gising na kayo? Ikaw Shin, sumasali kana naman diyan sa Ate mo? Hindi ko na alam ang gagawin sainyo. Maghahanda muna ako." Sambit ni Mama at tsaka nagtungo sa kusina.

Nagkatinginan kami ni Shin at sabay na humalakhak...

"Si Mama talaga matatakutin..." sambit ni Shin at tsaka tumawa na naman ulit.

"Sharla, anong oras nga pala ang class mo ngayon?" tanong nito saakin.

"Start ng 9 ng umaga Ma!"

"Okay sige, si Papa mo nalang ang maghahatid sayo since 9 rin naman ang pasok niya sa trabaho. Madadaanan niya rin ang school mo. Alam mo ba nak, na high-class people pala ang nagaaral doon sa school na papasukan mo, doon rin pala nagaaral ang mga kilalang tao dito sa industriya natin..."

Hindi ako nagsalita... Ano na naman kaya ang gusting i-point out ni Mama rito,.

"Dapat ayusin mo doon, makipag-kaibigan kana man. Tapos ipakilala mo siya dito saamin. Ha!" napabuntong hininga na lamang ako at tsaka nilantakan sa pagkain ang Ice cream na kanina pa pala natutunaw sa harap ko. Marami pang sinasabi si Mom pero hindi ko na pinakinggan, palagi nilang sinasabi na makipag-kaibigan ako, hindi ko naman porte ang salitang kaibigan. Mas gusto ko ang mag-isa at hawak ang oras sa school kaysa sa may kadal-dalan at kung ano-ano ang kinukwento.

Paalis na kami ni Dad, hinalikan lamang ako ni Mom sa noo at nagiwan na huwag kong kalimutan na inumin ang gamut ko. Sumakay ako sa kotse ni Dad, binuksan niya kaagad ang radio bago magsimulang paandarin ang sasakyan.

Papalabas na kami ng Village ng sinabayan na ni Dad ang kanta na naruon. Mandy pa ang kanta, paano ako makaka-relate niyan?

Matapos ng ilang minuto ay nasa tapat na kami ng gate ng school, pinasok ni Dad iyon at noong nasa Entrance na ng school ay tsaka niya hininto at hinalikan ako sa noo.

"Behave, it's your first day here, dapat wala kang gawing kabulastugan. And also make some friends, allright?"

"Para naman akong gangster doon sa kabulastugan word Pa," tumango ako sa kanya at ngumiti. "Ikaw rin Pa, mag-iingat po kayo. Pasok na ako a!" tumango na lamang si Papa.

Sinarado ko na ang pinto at nagtuloy na sa pagpasok sa school, bawat etudyanteng nadaraanan ko ay may kanya-kanyang ginagawa. Yung iba ay nagpapagandahan ng mga accessories nila sa katawan na akala mo'y mga dyamante. Yung iba naman ay nagtatawanan habang yung iba ay nagku-kwentuhan.

Kinuha ko ang dalawang pirasong papel na ibinigay saakin ni Mama, at binasa kung sa anong class ba ako napapabilang.

Natapos na akong magtungo sa building 1 pero bago pa ako makapunta sa building 2 ay napatingin muna ako sa aking Relo. O shit, 5 minutes na lang at mag-na-nine na.

Nagsimula na akong mataranta, may nakita akong nagkukumpulan na mga lalaki, naglakas loob akong pumunta roon at magtanong.

"Excuse me, pwedeng magtanong..." biglang napatigil sa pagsasalita ang mga tao roon at natuon lamang saakin ang atensyon nila. Kaagad akong napalunok dahil sa reaksyon nang mga mata nila na wari'y sinasabi na "Don't you dare ask us".

Unti-unti na akong napatalikod ng biglang may umakbay sa likod ko at kinuha ang papel na hawak ko.

"Hinahanap mo ang 12-A?" napasulyap ako sa mukha niya at halos mapanganga ako sa hindi mahulugang karayom ang ka-gwapohang taglay ng lalaking ito. Ang kinis kinis ng balat niya, na parang nanunuod ako ng mga Model sa isang Korean Fashion Show. Ang pinkish ng mukha niya.

Unti-unti akong napatango dahil sa tanong niya...

"Tara sasamahan na kita!" aniya at tsaka ako binigyan ng malasingkit na ngiti at tsaka tumingin ulit sa mga kasama niya. Unti-unting napadako ang tingin ko sa kamay niyang naka-akbay parin sa kanang balikat ko.

"Dude, mauuna na ako sainyo. Kayo na lang ang mag-hintay kay Raiden, i-aassist ko lang ang magandang binibining ito." Aniya sabay kindat pa saakin.

Binigyan ko na lamang ito ng kakaibang ngiti at tsaka ulit tiningnan ang hawak kong papel.

Nagsimula na kaming humakbang pero bago kami tuluyang makapasok sa building ay tinanggal ko na kaagad ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Napatingin rin naman kaagad ito sa ginawa ko at tsaka ngumiti.

"Nasa 6th floor ng building na ito ang 12-A" aniya. Nang nasa harap na kami ng hagdan ay ngumiti at tumingin ulit ako ako sakanya.

"Naku, naku- salamat talaga. Hindi mo na kailangang samahan ako sa itaas, mapapagod ka lang. hindi ba may hinihintay pa kayo, pwede kana ulit bumalik doon at hinatayin ang hinihintay mo. Salamat talaga ha! Okay sige bye..." mabilis akong tumakbo paakyat at iniwan siyang nakatingin lamang saakin, nang nasa ikalawang palapag na ako, ay sinilip ko ulit ito. Nakatanaw parin ito sa inaakyatan ko at ngumiti at umalis na doon.

Thank God. Mukhang bobolahin pa ako ng lalaking iyon. Playboy...

Nasa 5th floor na ako at medyo napapagod na akong ihakbang ang mga paa ko paakyat, isang palapag na lang Sharla. Isa na lang, kaya mo ito. Pagkarating ko ng 6th floor ay halos wala ng mga tao ang naruon, marahil ay nagsisimula na ang klase. Late na talaga ako, siguro naman ay maiintindihan ako ng guro na naruon dahil kaka-transfer ko lamang sa klaseng iyon.

Hinahanap ko na ang A section ng floor na ito at noong nasa tapat na ako nito ay kaagad akong napahinga ng malalim....at tsaka nagipon ng lakas ng loob.

Binuksan ko ang pinto at mula roon ay napatigil sa pag-di-disscuss ang guro at mabilis na nilapitan ako.

"You must be the new transferee?" tanong kaagad nito saakin.

Tumango ako. "Come here" tumingin ito pabalik sa klase at kinuha ang atensyon ng mga ito.

"Class, Listen. I said a while ago that you have a new transferee here in this class, right?" nagsitanguan naman ang klase dahil sa sinabi noong Teacher.

Tumingin saakin ang Guro at tsaka ako pinapasok sa loob.

"Please introduce yourself Ms." Ani noong Guro, kaya katulad kanina ay nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago harapin ang mga mata ng aking mga bagong kaklase.

"Good morning Everyone, I'm the new transferee here in this school and in this section. Sharla Veronica Santiago. Please be good to me..." matapos kung sabihin iyon ay nagpakawala ako ng isang pekeng ngiti at tsaka nilibot ang tingin sa buong klase ngunit mabilis na nawala ito ng makita ko ang mga taong kanina lang ay pinagtanungan ko sa ibaba, nakita ko rin yung lalaking umakbay saakin kanina na ngayon ay kumakaway na sa direksyon ko. Ang bilis naman nilang makarating rito? Samantalang kanina lang ay nakaupo at nagdadaldalan lamang sila doon.

"She's cute!" rinig ko pang sambit noong isang lalaking na naruon kanina sa ibaba.

Sa bandang dulo ay may nahagip ang mata ko, isang lalaking nakayuko habang may nakatakip na libro sa kanyang pisnge... Hindi ko alam kung bakit pero noong nakita ko ito ay bigla na namang nagwala ang puso ko.

"You may now take your seat Ms. Santiago" ani noong Guro at tsaka itinuro saakin ang upuan na nasa dulo, sa likod noong lalaking nakayuko at may nakatakip na libro sa mukha.

Umupo ako rito at napatingin sa bintana na natatanaw ang field ng buong school. Mukhang nagugustuhan ko na ang upuan ko, maganda ang view rito.

Nag labas ako ng notebook sa aking bag at tsaka naman tumabi iyong lalaking umakbay saakin kanina...

"By the way nakalimutan kong makipagkilala sayo, I'm Jel Arthur, you can call me Jel if sexy iyan sa pandinig mo." Naiilang akong nginitian siya at tsaka nagsimulang magsulat at makinig sa discussion sa harapan.

Buong klase, buong klase na hindi nakinig itong lalaking nasa harap ko. At mukhang natutulog lamang...

At isa pa, ano ba ang pakialam ko sa kanila. I can enjoy the last year of high school na hindi nakikipag-kaibigan at walang kasama. I enjoy being lonely.

Breaktime na at halos lahat ng tao rito sa loob ng classroom ay lumabas na, pwera lang saakin at sa lalaking natutulog parin sa harap ko.

Kinuha ko ang bag ko at inilabas doon ang baon na hinanda pa saakin ni Mama, kahit noon pa ay ayokong kumakain sa canteen dahil takot sila Mama dahil baka raw hindi safe ang pagkain roon that's why palagi akong nagbabaon ng Lunch at ganuon rin si Shin.

Binuksan ko na ang hinanda ni Mom at amoy na amoy ko na kaagad ang chicken curry na hinanda niya kanina, bigla akong natakam dahil doon. Hinanda ko ang kutsara na nakabalot pa sa tissue, ngunit isusubo ko na dapat ang pagkain ng biglang magising itong kaharap ko at humarap sa kinaruruonan ko.

Walang ka-emo-emosyong tiningnan niya ako at tumingin sa pagkaing hawak ko.

"Can I taste it?" halos mapanganga ako sa sinabi niya...at wari'y nasa paligsahan ang puso ko, dahil nagkakarera na naman ito. Napalunok ako at napahawak sa aking dibdib.

"Are you ok?" tanong niya. Tumango ako habang nakahawak parin sa dibdib ko, kinuha ko ang bag ko at hinanap roon ang gamut na ibinilin saakin ni Mama.

Dali-dali kong binuksan ito at tsaka mabilis na ininom. Napahinga ako ng maluwag at tsaka sandaling pinakalma ang puso ko.

"Ok ka na ba ngayon?" tanong nya ulit. Tumango ako.

"Now, pwede ko bang matikman yang baon mo?"

"Ha?"

"I mean kung pwede?" Parang may sariling utak ang mukha ko at bigla na lamang itong napatango.

"Thanks..." sambit niya at kinuha kaagad ang lunch ko at kinain ito. Makaraan ng ilang minuto ay nakangiting humarap na ulit ito at isinuli ang walang laman kong baunan. Ibang klase. Matapos nun ay uminom lamang siya ng tubig at tsaka yumuko at natulog ulit.

Napailing-iling ako... Ibang klase klase, ngayon lang ako nakakita ng isang taong katulad niya. Hindi ba siya pinapakain sakanila?...

Sinilip ko ang nakayuko niyang mukha sa may mesa, hindi katulad kanina ngayon ay wala ng takip na libro ang mukha niya at malaya ko ng napagmamasdan ang anggulo ng mukha niya.

Hindi katulad ng mga kasama niya, mas nangingibabaw ang kakisigang taglay ng lalaking ito. He's really handsome, ang kurba ng kanyang mukha ay umaayon sa buong katawan nito, ang pagkakatangos ng kanyang ilong ay akmang akma sa kanyang mata at labi, malalim rin ang kanyang mata at ang mapupulang niyang labi na animo'y isang daang babae ang gustong makadampi sa kapulahan nito. Siya ang mas nag-s-stand out sa mga kasamahan niya.

At ang mas lalong hindi ko maintindihan ay ang pagsisimulang pagkabog na naman ng aking puso... Why my heart is always like this?

VOTE, COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3K 34
Cojuangco Series #2: Aicelle Danica Cojuangco A queen will never bow down to anyone, well maybe up until the moment she falls deeply, madly in love...
160K 3.5K 38
Wag niyo po munang basahin. THIS STORY IS UNDER CONSTRUCTION. HEHEHEHEHEHEHE
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.2M 21.2K 61
Wattys2016 winner (voracious reads) Crystal Mae Magbanua's world was shattered when she was jilted by her groom Salvo on their wedding day. And on...