Finding You

By IHIDEMYSELF

61.8K 1.7K 95

Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasaba... More

Finding You
Prologue
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
IHIDEMYSELF

One

2.7K 62 1
By IHIDEMYSELF

One

Sharla Veronica Santiago POV

Sa pagmulat ng aking mga mata ay puting ilaw ang una kong nasilayan, puting kisame na ibang-iba sa nakasanayan kong kwarto. Nasaan ba ako?

Sinimulan kong idako sa iba ang mga mata ko, nakita ko si Mama na nakayuko sa aking kama, natutulog habang hawak-hawak nito ang aking kamay. Unti-unti akong napangiti at hinaplos ang kanyang ulo na kinadahilan ng kanyang pagising.

Noong una ay hindi pa ito makapaniwala sa nakikita ngunit ng makumpirma nito na gising na ako ay may mabilis na luhang lumandas sa kanyang pisnge at niyakap ako.

"Gising kana talaga?" napatango ako. Nakita ko rin si Papa sa may couch na nagising noong narinig niya si Mama, katulad ni Mama ay hindi rin ito makapaniwala.

"Ano po bang nangyare? Nasaan ako?" nagtatakang tanong ko sakanila.

"Almost 2 months and 15 days kana rito sa Hospital. Masyado mo na kaming pinagaalala." Nagsimula na naman sa pagtulo ang luha ni Mama.

"Ganun na katagal? Ang natatandaan ko lang ay nasa Bus ako and then there is a big accident na nangyare. And then nag-black-out na lahat."

Tumayo si Dad at lumabas ng kwarto, mukhang tatawagin nito ang Doktor na tumitingin saakin.

"Huwag mo na masyadong intindihin ang nangyare, magpahinga ka na lang. may nararamdaman ka bang masakit sa buong katawan mo most specially in your heart?" umiling ako at sinunod ang sinabi ni Mama.

Nagpahinga ako, bago niya tuluyang sundan si Papa sa labas ng kwarto ay binigyan muna ako nito ng halik sa noo.

"Rest... kakausapin lang namin ng Dad mo ang tumitingin sayo." Napatango na lamang ako, sa pagsara ng pintuan ay ang pagsulyap ko naman sa binatana. Umuulan sa labas, 2 months akong walang malay at nakahiga sa kwartong ito, 2 months kong pinagalala ang mga magulang ko. Kaya siguro ganuon ang gulat nila ng makita nila akong nagising.

Hindi nagtagal ay may pumasok sa loob ng kwarto, ito na yata ang Doctor na tumitingin saakin, nakasunod sila Mama at Papa dito.

"Hi Sharla, kamusta ang nararamdaman mo? Wala naman bang masakit sayo?" masiglang bati at tanong noong Doctor.

"Wala naman po."

"How about your heart? May iba ka bang nararamdaman?" umiling ako.

Chineck-up lang ako sandali noong Doktor at tsaka binalingan ulit sila Mama at Papa.

"Sir, mukhang naging maayos po ang epekto noong operation na ginawa namin, naging maayos rin ang flow ng gamot sa katawan niya. At Goodnews rin na nagising siya ng maayos at walang nararamdaman na masakit sa kahit anong parte ng katawan niya, siguro sir i-oobserve pamin siya ng mga ilang araw and after that kung naging maayos na pwede na po natin siyang ilabas ng Hospital." Mahabang paliwanag noong Doktor.

Nakahinga ng malalim sila Mama pero bago makaalis ang Doktor ay nagpasalamat ng paulit-ulit si Papa sakanya.

Nang tuluyan ng makaalis ang Doktor ay binalingan kaagad ako ng tingin ni Papa, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan sa noo.

"Huwag mo na ulit kaming pag-alalahin ng ganuon Sharla, kung uuwe ka sa bahay make sure na magpapasundo ka saakin. Huwag kanang sumakay ng Public Vehicles, natatakot na kami para sayo."

"Pero Pa-"

"Huwag mo na akong kontrahin, kung hindi kita masusundo si Mama mo ang magsusundo sayo. All right?" napabuntong hininga muna ako bago ako umayon sa sinabi niya.

~*~

Naging maayos lahat ng finding saakin ng Doctors for the Next 7 days kaya they decided na ilabas na ako sa Hospital at i-maintain na lamang ang gamutan sa bahay. Masyado naring nagaalala si Mom dahil masyado na akong nahuhuli sa klase at baka hindi na ako maka-catch-up sa mga lesson. Nasa last year na ako kaya mas lalong nababahala si Mama sa pagaaral ko.

"Paano kaya kung maghired tayo ng Private tutor?" sambit ni Mom kay Dad na busy sa mga papeles na nakalatag sa Sala.

"Masyadong magiging hassle yan Ma... at maganda kung sa school mismo magaaral itong si Sharla." Sagot naman ni Papa.

Niyakap ko ang isang lalagyan ng Ice Cream habang katabi ko naman si Shin ang bunso kong kapatid na kumakain rin ng Ice cream sa tabi ko.

"I-transfer nalang natin siya ng school, mag-re-research ako ng mga school na kakastart palang ng classes." Tumango si Dad sa sinabi ni Mom. Nagtungo si Mom sa kwarto at may kinuhang isang Laptop, tumabi ito kay Dad habang naghahanap ng school na malilipatan ko.

"Seacrh ka ng search ng school diyan, tinanong mo ba ang anak mo kung gusto niyang lumipat ng school, paano ang mga friends niya doon sa school niya?" ani ni Papa na nagpaisip kay Mama.

Bigla akong natawa sa mga reakyon nila.

"Sharla, ok lang ba sayo na itransfer ka ng school? Hindi mo ba ma-mi-miss ang mga friends mo doon sa school mo?" tanong niya saakin.

"Ok lang Ma, besides wala naman akong friends doon sa pinapasukan ko."

"What do you mean wala?" sandali itong napatigil sa pagsasalita at tiningnan ako ng masama "Pinapairal mo na naman ba yang coldness mo sa school niyo Sharla? Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo, i-enjoy mo ang High School, make some friends para naman may mga kasama ka at para hindi ka makulong sa apat na sulok ng bahay na ito at para hindi laging ice cream yang kinakain mo. Tingnan mo yang kapatid mo nahahawa na diyan sa hobbies mo." Ininguso niya pa si Shin. At sabay natawa ng makita ang malagkit na mukha nito.

Tiningnan ako pabalik ni Mama. "Ikuha mo nga ng pamunas si Shin, ang lagkit na ng mukha dahil sa ice cream." Sinunod ko si Mama, inilapag ko muna ang ice cream sa mesa at dali-daling pumasok sa kwarto ni Shin at kumuha ng pamunas nito. Pagbalik ko ay pinapangaralan pa ni Mama si Shin.

"Shin ilan beses ko bang dapat sabihin sayo na kapag kakain ka ng ice cream, make sure na may pamunas na nakalagay diyan sa dibdib mo para hindi ka mukhang taong grasa. Ang lagkit lagkit mo na tuloy."

"Bakit si Ate wala namang pamunas?" cute na sambit niya habang nakatingin pa saakin.

"Si Ate kasi marunong ng kumain ng maayos, hindi na nagkakalat. Ikaw hindi pa, tingnan mo nga yang pagkakahawak mo diyan sa kutsara, nakatabaliktad! Paano ka makakakain ng maayos niyan." Napasimangot si Shin sa sinabi ni Mama pero natatawa ako roon, nang tiningnan ko ang kutsara, nakabaliktad nga.

Matapos mapangaralan at mapagsabihan ni Mama si Shin ay bumalik na ulit ito sa kaniyang ginagawa. Ang maghanap ng school na malilipatan ko.

"How about this Pa, kaka-open lang ng classes nila last August." Ipinakita ni Mama ang laptop kay Papa at sinuri rin naman niya ito.

"Pwede na yan Ma, open pa sila for the enrollees and transferees" sagot ni Papa at ibinalik ulit ang tingin sa mga papeles na pinagkakaabalahan niya.

Sunod noon ay tumingin saakin si Mom at ipinakita ang Laptop.

Ipinakita sa website ng school ang facilities at ang mga benefits na makukuha ng mga students, elite people mostly ang mga nagaaral rito.

"What do you think? Gusto mo ba diyan?" tanong nito saakin.

"Baka masyadong mahal diyan Ma?"

"Your Papa can provide it." Isiniko ni Mama si Papa "Hindi ba Pa?" tumango naman si Papa at tsaka ulit itinuon ang sarili sa papeles na ginagawa niya.

"It's up to you Ma..."

"Sige, ire-register na kita rito, bukaas na bukas pupunta tayo sa dati mong school para maasikaso ko na ang pag-transfer mo." Aniya. Napatango na lamang ako...

Magtatakip silim narin ng pasukin ako sa loob ng kwarto ni Shin at tumabi saakin.

"Ate!" tawag nito habang nakayakap.

"Hmmmm"

"Tulog ka pa?" tanong nito.

"Hindi na, bakit?"

"Pasyal tayo sa labas, ako ang magpapaalam kay Mama. Please... ang tagal mo rin nawala, namimiss ko ang sumakay sa Bike. Please Ate... Ha!" napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya...

"Kiss mo muna si Ate sa lips..." paglalambing ko sakanya.

"E, sabi saamin ng teacher ko ibibigay ko lang daw ang First Kiss ko sa taong mahal ko." Pagiinarte nito.

"Dati naman kini-kiss mo si Ate sa Lips A, at isa pa ang bata-bata mo pa para isipin ang bagay na yan. 5 years old ka pa lang..."

"Kahit na, hindi ko ito ibibigay sayo..."

"Edi wala ring pasyal at bike sa labas..." saglit siyang napasimangot at nagdalawang isip.

"Sige na nga... basta isa lang ha... at secret lang natin na ikaw ang first kiss ko." Pagsuko niya. Bigla akong napahalakhak sa tawa dahil sa mga naiisip ng batang ito.

Napaupo na ako sa kama at inalalayan ko rin siyang ibaba sa kama. "Mag-aayos lang ako sandali at lalabas tayo ha!"

"Talaga?" tumango ako.

"Yes! Magpapaalam lang ako kay Mama, sandali lang..." aniya at humarutot na palabas ng kwarto ko. Natatawa talaga ako doon sa kapatid ko, ang lakas magpaaam kay Mama e, paniguradong hindi naman papayagan iyon.

Hindi nagtagal ay bumalik ito ng nakasimangot ang mukha...

"Ate hindi naman ako pinayagan ni Mama. Ikaw na nga lang ang magpaalam." Sabi ko na nga ba...

Hila-hila ko siya palabas ng kwarto, nakita ko si Mama na naghahanda na para sa hapunan. Nagtago pa si Shin sa likod ko.

"Ma!" tawag ko ng pansin niya.

"O, nakapagpahinga ka ba? Kamusta ang tulog mo? Si Shin napatulog mo ba kanina?" sunod-sunod na tanong niya.

"Yes Ma, nagawa ko lahat. Ma pwede ba kaming magpahangin sa labas, diyan lang kami sa may Park malapit dito. Promise babalik kami kaagad bago mag-gabe."

Napahinga ng malalim si Mom.

"Inistorbo kana naman siguro ni Shin, o sige pero make sure na babalik kayo dahil kapag dumating ang Papa niyo at kapag wala pa kayo alam niyo naman na pupuntahan talaga kayo noon doon." Sabay kaming napatango ni Shin sa sinabi ni Mom at tsaka lumabas ng bahay.

Inilabas ko sa garahe ang Bike na niregalo pa saakin ni Dad noong birthday ko. Umangkas kaagad sa likod si Shin habang ako ang nagpapatakbo nito.

Nang makarating kami sa may Park ay bumaba kaagad si ito sa pagkakaangkas sa likod ko at tumakbo sa may Playground area. Umupo ako sa may bench na katapat nito at tinititigan ang nakikipaglaro kong kapatid.

Biglang humangin ng malakas dahilan para maglaglagan ang mga dahon sa puno na katabi lamang ng upuan na kinauupuan ko.

...at kasabay rin noon ay ang pagwawala ng puso ko dahil sa pagupo ng isang lalaking may hawak ng libro habang binabasa ang bawat letrang nakaukit roon.

VOTE, COMMENT

_

Continue Reading

You'll Also Like

74.9K 1.3K 39
Different. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palag...
49.9K 480 16
Harris Neil Dominguez is a Top Star Celebrity in the country ngunit simula ng mamatay ang kasintahan sa malagim na aksidente ay nawalan na rin ito ng...
105K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
GLIMPSE OF HIM By Ac

General Fiction

326K 5.7K 50
Strictly for open-minded only! No alliens allowed.