UG 2: Amaranthine Love

By vampiremims

14.7M 344K 54.5K

She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise a... More

Amaranthine Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Happy MikMik Day!
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue - Mikaela
Epilogue - Kerko's POV part 1
Epilogue- Kerko's POV part 2
Jahann Nikolai
Forever.

Chapter 14

166K 4.2K 324
By vampiremims

Wattpad Presents: #UnwantedGirlfriend every 9pm. July 20-31 :)

--

Pinagmamasdan ko si Hugh habang kausap si Mang Nestor tungkol sa pamamasyal namin mamaya habang naglalagay ng strawberry jam sa tinapay. Medyo late ako nagising dahil napuyat ako kagabi.

Naaalala ko ang sinabi niya kagabi about forgiving him kapag bumalik si Mikael. It addles my mind, actually. Anong kinalaman niya kay Mikael? Wala naman siyang kasalanan sa amin o sa aksidente namin, pero bakit sa pakiramdam ko ay may alam siya.

Huminga ako ng malalim bago ko sinulyapan ang cellphone ko. Kagabi pa text ng text sa akin si Lance, nagtatanong kung nasaan na ako at kung anong oras ako uuwi. Hindi naman na ako nakareply dahil nang umakyat ako para matulog ay halos alas-dos na ng madaling araw. Nakatulog ako agad nang mailapat ko ang likod sa kama. Hindi ko mapigilang mapangiti. Lance will always be like that. So protective. Kung hindi siya titigil sa ginagawa niya, malamang ay masasabunutan ako ng magiging girlfriend niya sa future.

Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa malaking bintanang naroon. Tanaw doon ang labas. Sariwang sariwa ang hangin at ang ganda ganda ng paligid.

Natutuwa ako sa lugar na ito. It's not that far from the city pero parang ibang iba. Kaninang nagising ako ay kitang kita ko ang fogs. Natural ang lamig at hindi kailangan ng air-con. I really like it here. Ang sarap sigurong tumira sa Baguio... plus I get the chance to eat fresh strawberries everyday!

"Morning." Bati ni Hugh sa akin bago umupo sa harap ko. He's wearing a black shirt with red jacket samantalang ako'y naka-pantulog pa at naka-jacket lang. Para bang bigla akong naconscious sa itsura ko.

"Morning." Ngumiti ako sakanya ng tipid. "Anong oras tayo mamimitas ng strawberries?" Tanong ko sakanya matapos kumagat ulit sa tinapay na hawak ko. I know, sobrang ang atat ng dating ng tanong ko but I can't help it. Naeexcite naman talaga ako sa gagawin namin.

"10 am." Sagot ni Hugh. "How's your sleep?" Ngumiti siya sa akin.

"Okay naman. Gusto ko dito. Ang peaceful, ang kalma ng lugar." Parang 'yung sa province ni Mikael. Payapa lang. Masaya. Kasama ko siya. Sana pwede akong bumalik 'don nang kasama ko si Mikael.

"Okay ka lang?" Napaangat ako ng tingin nang marinig kong magtanong si Hugh. Napansin kong inilagay ko pala sa plato ang hawak ko. Bigla'y parang nawalan ako ng gana.

"Yeah." Tipid akong ngumiti. Alam kong hindi siya naniniwala pero hindi naman na siya nagtanong sa akin. Hindi ko din naman sasagutin ng totoo kung sakaling magtanong siya.

Kagabi, noong sinabi niyang mahal niya ako... hindi ko alam, pero parang may kung ano sa loob ko ang nabuhay. For almost 2 years, nabubuhay ako sa ala-ala namin ni Mikael... hindi ko alam pero... ngayon nalang ako ulit nakaramdam ng ganoon. Magmula nang maaksidente kami ni Mikael.

Matapos mananghalian ay naligo na ako. Kinailangan ko pang timplahin ang temperatura ng tubig dahil baka maging yelo ako sa lamig nito. Isang floral dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang napili kong suotin tsaka ko ito pinatungan ng isang maong na jacket. Flat shoes lang din ang ginamit ko. Itinupi ko naman hanggang siko ang manggas ng jacket ko.

Magkasabay na kaming lumabas ni Hugh para puntahan ang taniman nila ng strawberries. Hindi ko mapigilang mapangiti. This will be the first time that I'll harvest strawberries. This will be fun!

Pinabayaan ako ni Hugh na kumuha ng sarili kong basket at tsaka namitas ng strawberries. Paglingon ko sakanya ay nakita ko siyang kinukunan ako ng pictures. Doon ko lang napansin ang hawak niyang camera. Kumaway nalang ako sakanya. Isinabit niya naman sa leeg ang camera bago kumaway pabalik sa akin.

Punong puno ang basket ko ng strawberries nang lumapit ako sakanya. "Look! Ang dami dami dami dami! Oh my gosh! I'm so happy!" Nakangiti kong sabi sakanya. Ngumiti siya sa akin bago ako kinunan ng picture.

"What's with the camera? Kanina ka pa. Hindi mo ako sinamahan doon." Napanguso ako bago ako umupo sa bench na naroon.

"Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan." Hugh said. Napakunot noo naman ako. "What? I'm always like this, Hugh."

"No. You're smiling but you're not happy, Mika." Ani Hugh bago ako kinuhaan ulit ng picture. "It's like you're okay but you'll be more okay if he's here."

Napayuko ako sa sinabi niya. I am trying my best to be okay. Sinusubukan ko namang mabuhay ng normal, eh. Sinusubukan ko pa ding ibalik anh dating ako... pero alam kong kahit anong pilit ko, hindi ko magagawa. Dahil kung ano man ang nawala sa akin, isang tao lang ang makakapagbalik sa akin noon. Si Mikael lang. Si Mikael pa rin.

"Hindi kita mamadaliin, Mika. It's hard to compete with a memory. With his memory  actually. He gave you so much to remember and I know, you love him so much, but I am willing to wait and I am willing to show you that I love you." Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. "I promise, hindi kita sasaktan. Hindi ka na ulit iiyak. Hindi ka na ulit maiiwan."

Tumingin ako sa kamay niyang nasa kamay ko.

"Thank you." Ngumiti ako ng tipid sakanya bago tumayo. Hindi pa ako handang sumagot sa mga sinasabi niya. Ayokong icommit ang sarili ko sa bagay na pwede kong pagsisihan balang araw.

But I am thankful that I have Hugh. Kahit papaano, alam kong may makakasama ako. Alam kong may kaibigan akong nasa tabi ko at hindi ako iiwan.

Inaya ko siyang mamili sa mall sa malapit para naman makabili ako ng pasalubong kina Cielo, Maha, Lance at kay Mommy. Wala akong balak pasalubungan sila ng strawberry jam o kahit anong may strawberry dahil baka ibato nila sa akin pabalik ang mga iyon.

"Ba't ganun, wala naman akong makitang maganda at gusto ko..." napasimangot ako. It's not that walang talagang maganda sa mall na 'to pati sa mga stalls. I just can't see anything na magugustuhan nila Cielo. I can give anything to Lance naman since hindi naman siya mapili, pero sila Cielo? Since fashionista siya, ayokong magbigay ng basta nalang... same with Maha. And for Mikael, too.

"Ako, meron." Ani Hugh sa likod ko. Nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko. "Magkaiba kasi tayo ng taste, Hugh. Wala akong makitang maganda. Wala akong makitang gusto ko. Ugh!" Muli, pinagmasdan ko ang kabuuan ng store na iyon. Pang-apat na store na ang napuntahan namin pero ni isa, wala pa akong nabibili.

"Oo nga. Pero may nakita akong maganda at gusto ko." Sagot ulit sa akin ni Hugh. Huminto ako para tignan siya. "Okay? Sige, patingin nga ng sinasabi mo, para malaman ko kung maganda o hindi. At kung bakit mo gusto."

Hinawakan ni Hugh ang kamay ko at isinama ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng store na iyon.

"There." Ani Hugh habang nakatingin sa akin sa salamin. "Maganda na, gusto ko pa." Ngumiti siya sa akin. Tinignan ko naman siya sa salamin. Hindi ko naiwasan ang pag-init ng pisngi ko.

"Puro ka kalokohan. Tara na nga. Tingin tayo sa iba pa." Hinila ko na siya palabas sa stpre na 'yon nang makita ko ang mga saleslady na naghahagikgikan. Nabigla naman ako nang pagsaklupin ni Hugh ang kamay namin. Nagmistula tuloy kaming magkaholding-hands. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak dito.

"Hayaan mo muna akong mangarap na girlfriend kita ngayong araw..." bulong ni Hugh bago dinala sa labi ang kamay ko at hinalikan.

Hindi nalang ako kumibo. Pumasok na kami sa isa pang store at namili na ako ng damit. Kahit papaano ay may nagustuhan naman na ako. Si Hugh ay nakamasid lang sa akin.

"This one, maganda?" Tanong ko sakanya nang makakita ako ng scarf doon. Kinuha ko ang purple ang color at sinuot. Ngumiti naman si Hugh sa akin. "Yeah, maganda."

Kinuha ko ang black at isinuot sakanya. "Ayan. Para meron ka din at pa-thank you ko sa pagdala mo sa akin dito." I smiled at him. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

Matapos naming mamili ng pasalubong naghanda na kami sa pag-uwi. Gustuhin ko mang magstay pa ngayon, hindi na pwede dahil may pasok kami kinabukasan. Inihanda ko na ang gamit ko at ang mga pasalubong ko kina Cielo.

Nakasakay na ako sa sasakyan ni Hugh nang magring ang phone ko.

"Hello, Lance?" Bati ko dito nang sagutin ko ang tawag niya.

"Where are you?" Iritableng sagot naman niya sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti. For sure hindi maipinta ang mukha ngayon ni Lance.

"Pauwi na po." I smiled. Nilingon ko si Hugh na nakikipag-usap pa sa katiwala ng bahay nila dito.

"Make sure, Mika. Hindi ako natutuwa sa pagsama mo diyan sa lalaking 'yan." I heard him sighed. "Mika, you know that I care for you, right? And I don't trust that guy. At hindi ako nakipaghiwalay sa'yo noon para mapunta ka sa iba."

Here we go again.

"I know, okay? Don't worry, Lance. I'm fine. I'm still breathing and I'm still a virgin." Sumandal ako bago tumingin sa rearview mirror.

"Mika, it's not what I..."

"I know." Natatawa kong sabi dito. "Pauwi na ako. Magkita nalang tayo sa bahay, okay lang ba?" I asked him.

"Yeah, of course. I'll be there."

"Okay, see you later." Nagpaalam na ako dito bago ko ibinaba ang tawag. Sumakay na din si Hugh sa sasakyan niya. "Ready?" Tanong niya sa akin. Tumango nalang ako.

Hindi namin inaasahan ang malakas na ulan kaya naman na-stuck kami sa traffic. Idagdag pa ang pagkakaroon ng bungguan sa main road.

It was almost 11 pm at wala pa kami sa bahay. Kanina pa nagtetext si Lance sa akin. Maging si Mommy ay nagtext na din at iisa lang ang sagot ko. Pauwi na.

Nag-order nalang kami sa drive-thru na nadaanan namin kanina para naman makakain kami kahit na nasa sasakyan kami.

Halos alas-tres na nang maihatid ako ni Hugh sa bahay namin. Nagulat akong nasa gate si Lance at tila nag-aabang sa amin.

"Lance?" Nandito pa siya? Ang akala ko ay umuwi na siya.

Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sakanya. "What are you still doing here? Hindi ka pala umuuwi?"

"Obviously. And it's 3 am, already, Mika." Madilim ang expression ng mukha ni Lance. Bumaba na din si Hugh ng sasakyan.

"It's my fault. Natraffic kami at--"

"Yes, it is your fault!" Sigaw ni Lance kay Hugh. "Lance." Hinawakan ko siya sa braso para ilayo. "Okay lang ako, okay? Kumalma ka nga.

"Look, wala akong intensyong masama kay Mika." Seryosong sabi ni Hugh kay Lance. "I know you don't trust me. I don't trust you as well, Saavedra."

"Hugh, umuwi ka na, please. Magkita nalang tayo ulit." Saway ko dito nang may balak pang magsalita ulit. "Lance, please, tama na." Nag-angat ako ng tingin kay Lance. "Baka magising pa ang mga tulog, eh."

Tinitigan ng masama ni Lance si Hugh. "Edward Lance, please." I rolled my eyes. "Pumasok ka na nga sa loob. Susunod ako." He looked at me. Itinaas pa ang isang kilay sa akin na tila sinasaway ako. "Please." I plead.

Huminga ng malalim si Lance bago tinitigan ng masama so Hugh bago pumasok sa loob.

Tinignan ko si Hugh. "Sorry, about that." He shrugged.

Kinuha ko na ang gamit ko at mga pasalubong sa sasakyan niya. "Thank you, ha? Magkita nalang tayo." Ngumiti ako sakanya bago ako tumalikod.

"Hey..." hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry. Napikon lang ako sa pag-arte ni Saavedra na parang kanya ka. You're not." Bulong niya sa akin.

I sighed heavily. "I know." Humiwalay na ako sakanya. "Sige na. Umuwi ka na. Umaga na." Paalam ko dito. Hinila niya akong muli at nagulat ako nang dampian niya ako ng halik sa labi. "Goodnight, baby."

Tinitigan ko lang siya hanggang sa makasakay na siya ng sasakyan at makaalis. Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ko si Lance na nakasandal sa pinto.

"Don't look at me like that, Lance." Saway ko sakanya. Dumiretso ako sa kwarto ko at sumunod naman siya.

"Mika, hindi mo ba talaga pwedeng layuan si Hugh?" Tanong niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Nagtatakang tanong ko dito. Inilapag ko sa couch na naroon ang mga dala ko at hinubad ang sandals na suot.

"I don't trust him." Lance scoffed.

"You don't trust Mikael before, remember?" Pang-aasar ko dito. Umupo ako sa kama at ibinagsak ang kalahati ng katawan ko sa kama.

Inaantok na ako.

"I don't. But at least, kilala ko siya. Hindi katulad nung mayabang na 'yon. Akala mo kung sino kung umasta." Bakas pa rin ang inis sa mukha ni Lance. Natawa naman ako.

"Well, he's nice naman. Caring. Gentleman..." napangiti ako nang lalong sumimangot si Lance. "He's my friend. Hindi mo ba talaga kayang makipagkaibigan sakanya?" Tanong ko dito.

Umiling si Lance. Napaka-honest talaga. Napailing nalang din ako.

"He likes you, right?" Tanong niya sa akin. Hindi ako kumibo. Sinabi ni Hugh na mahal niya ako, eh. Hindi lang gusto.

"Mika, pinakawalan kita dahil alam kong kay Kerko ka sasaya..."

"Lance..."

"May gusto ka na din ba sakanya?" Nabigla ako sa tanong ni Lance sa akin. Napailing nalang ako at bumangon na. "This is nonsense, Lance. Matulog ka na. Use one of the guestrooms, here. Magpapahinga na ako."

"Mika, I'm asking you... do you like him?" hinawakan niya ang braso ko at tinitigan niya ako sa mukha.

"Lance..."

"It's just a yes or no, Mika."

"Lance..." Huminga ako ng malalim bago pumikit ng mariin.

"Mikaela Michelle..."

I opened my eyes and looked at Lance. "Mahal ko si Mikael, Lance... pero nagugustuhan ko na si Hugh. Yeah, I like him... and it sucks."

Continue Reading

You'll Also Like

679K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
21.4M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.
4.7M 128K 87
(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura ni Jett, ang sweet na sweet na honey ni...