Forever.

246K 4.9K 661
                                    


--

"Mikael, what do you think I should wear?" tanong ko kay Mikael habang namimili ako ng susuotin ko. Kanina pa siya nakatingin sa akin at hindi kumikibo. Pinagmamasdan niya lang ang bawat galaw ko. Hindi ko alam kung naiinis na ba siya o ano, hindi siya nagsasalita, basta nakatingin lang siya sa akin. Kung minsan ay nakikita ko pa siyang mapapailing. Kapag nakikita ko siyang umiiling, bibitawan ko na agad ang damit na hawak ko. It's either it's revealing or maiksi.

Pero kasama ko naman siyang namimili ng damit ko. Siya pa nga ang nagbabayad, hindi naman siya nagrereklamo. Minsan nga inaasar ko pa siyang samahan ako sa fitting room. At ang matatanggap ko, nakasimangot na ekspresyon niya at kung minsan, nakataas na kilay.

"Earth to Mikael?" untag ko sakanya. Nakaupo lang siya sa couch na naroon sa kwarto namin. Pinagmasdan niya ako bago tinignan ang kama namin na punong-puno ng mga damit ko. Wala akong mapiling isuot. Magdidinner pa naman kami ngayon sa bahay kasama si Mommy, si Kuya Thunder at Ate Rain kasama si Theon, si Kuya Hunter at Ate Zyline kasama ang kambal. Biglaan lang naman ang dinner na iyon. Kagabi lang tumawag sa akin si Mommy at pumayag naman ako kahit na almost every day naman kami kung magkita.

"Geez. Answer me, love. Anong susuotin ko ba?" tanong ko ulit sakanya. "This one or this one?" pinakita ko sakanya ang dalawang dress na hawak ko sa magkabilang kamay ko. This time, ngumiti na si Mikael sa akin. He tapped his lap, it was as if he was asking me to sit on his lap. Lumapit naman ako sakanya at umupo sa may hita niya. Iniyakap niya sa bewang ko ang kamay niya, ipinaikot ko naman sa leeg niya ang isang kamay ko.

"Tulungan mo na kasi ako. What should I wear? Wag kang madaya, okay? Alam ko namang gwapo ka sa kahit na anong suot mo pero gusto kong equally dashing tayo. Tapos mapapaisip 'yung mga kuya ko kung saan sila nagmana kasi ang ganda-ganda ko..." ngumisi ako sakanya. Natawa naman ng mahina si Mikael bago pinisil ang ilong ko.

"Seriously, love. You're pretty no matter what you wear. It sucks to know that even if you're married to me and we already have kids, some still likes you. Mas pabor pa siguro sa akin na huwag ka magpaganda para wala akong kaagaw at akin ka lang."

Ako naman ang hindi nakapagpigil sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya at mabilis na hinalikan ang labi niya. "I'm all yours, Mikael. Wala kang kaagaw, okay? Sa'yo lang ako. My heart, my body, my soul..." ngumiti ako bago muli siyang hinalikan sa mga labi.

"Your body?" he smiled against my lips.

Humiwalay ako para pagmasdan siya. Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"I own that body, huh?" he smiled playfully.

Tila tumaas naman ang temperatura sa loob ng kwarto naming kahit na bukas naman ang aircon. "I think I should look for a dress to wear and—"

"Can we do it here?" putol niya sa sinasabi ko. Kumunot ang noo ko sa tanong niya sa akin. Nakasuot lang ako ng bathrobe dahil na din naghahanap pa ako ng maisusuot.

"Do what?" tinignan ko siya. Natawa naman siya at umiling-iling.

"What is life without your noobness, Ai?" tanong niya sa akin bago ako muling hinalikan. Hindi naman na ako tumutol nang maramdaman kong muli ang mga labi niya. Naramdaman ko nalang ang kamay niya na tinatanggal ang pagkakabuhol ng robang suot ko.

"Mikael!" I shrieked. Natawa naman siya. God, I felt the vibration of his chest and it was so freaking hot. Geez, pati ba naman pagvibrate, hot? "What?" tanong niya sa akin bago ipinasok sa loob ng roba ko ang kamay niya at naramdaman ko ang init ng palad niya.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon