Happy MikMik Day!

219K 4.7K 477
                                    


"Mikael..." Kinakalabit ko si Mikael habang natutulog. Nakaunan ako sa braso niya at nakayakap ang isang kamay ko sakanya.

"Huy. Gising na kasi." Ani ko. Iniihipan ko din ang tainga niya. He's just moving his head. Kumukunot din ang noo niya. Napangiti ako.

"Superman... gising na..." Hinawakan ko ang pisngi niya papunta sa tenga niya at nilaro-laro ito.

"Ai." Hinawakan niya ang kamay ko. Napangisi ako. Malakas talaga ang kiliti ni Mikael sa tainga.

"Gumising ka na kasi!" Kinagat ko ang isang tainga niya. Tinignan naman niya ako ng masama. "Are you hungry or what?" Tanong niya.

"What." I smiled. Ipinikit ni Mikael ang mata at tumalikod sa akin. I rolled my eyes. My superman is so pakipot. Ugh.

Niyakap ko siya mula sa likod at inilapat ang pisngi sa likod niya. "Superman..." Tawag ko sakanya.

"Hmm?" He asked. Bakit ang sexy ng dating sa akin ng pag-"hmm?" niya?

"Alam mo ba na ang pagmamahal ko sa'yo, parang langka?" I asked him.

"Langkatapusan? Try harder, Mikaela. Ang corny mo." Ani Mikael. Hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sakanya at dinala sa labi niya para halikan.

"Ewan." Binawi ko ang kamay ko at tumalikod nalang. Hindi niya ba alam kung anong araw ngayon? Damn. It's our anniversary. Pero parang wala naman siyang plano o kahit na ano.

Naramdaman ko naman ang paggalaw niya at pagyakap niya sa akin. He buried his face on my neck. Nararamdaman ko din ang paghinga niya.

"Have I told you I love you, today?" Tanong niya. "Not yet." I replied. He smiled against my skin. "Do I need to say those words?" He asked again.

"Mikael..."

"I really wish I could turn back the clock, Mikaela. In that case, I'd find you sooner and will love you longer."

"We still have our chance, Mikael. You and me, everday. It means forever." Hinawakan ko ang kamay niya. Mas hinigpitan naman niya ang yakap sa akin.

"I love you, Mikaela." Bulong niya sa akin. Napangiti ako. Now, he's honest about his feelings. Lagi na niyang sinasabi na mahal niya ako. I am happy. At least, kahit ano pa ang napagdaanan namin noon... kaming dalawa... ngayon, masaya na kami.

"We should get up." Bulong ni Mikael. Kumunot ang noo ko. Nilingon ko siya. "Why?" Kung kailan naman nasisiyahan na akong magkayakap kami, tsaka naman siya mag-aayang bumamgon.

Lumayo na si Mikael sa akin at umupo. "Ugh." Inirapan ko siya.

Ngumiti lang siya ng tipid. "Mauuna na akong maligo." Aniya. Yumuko siya at hinalikan ang noo ko.

"Mikael!" Sinamaan ko siya ng tingin. "What?" He asked me, smiling.

"Why forehead? I have my lips with me." Nakasimangot kong sabi.

"Because I'm afraid." He said. Kumunot naman ang noo ko. Anong nakakatakot sa labi ko?

"Afraid? Anong akala mo sa lips ko, kaya kang kainin ng buo?" Inirapan ko siya.

"Afraid that I'm going to ask for more. We're not yet married, Ai. I want you to walk down the aisle pure. I want to do you on our first night. Not today just because I'm kinda lusting over you, alright?"

"You're lusting over me." Napangiti ako. Nag-iwas naman ng tingin si Mikael. "Ewan ko sa'yo." Inirapan niya ako at naglakad na papunta sa banyo. Bumangon naman na ako at inayos ang pinaghigaan namin ni Mikael.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon