Chapter 17

150K 3.8K 245
                                    


Gaya nga ng sinabi ni Hugh, hindi nga siya nagpakita sa akin ngayong araw. May isang prof na pumasok pero mas marami ang hindi na at nagbilin na lang ng mga kailangan. Itetext nalang daw nila kami kung ano na ang mga kailangan at mga gagawin sa subjects na iyon.

Busy ang karamihan sa paghahanda nila para sa kanya-kanyang booth nila para sa foundation day kaya naman nagpunta nalang ako sa may garden ng school at naupo doon. Maraming estudyante ang pakalat-kalat sa campus habang inaasikaso na ang mga activities na inihanda nila. Dala-dala ko pa din ang jacket ni Hugh dahil ang alam ko'y nasa studio sila at nagrerehearse sila. Nakatingin lang ako sa jacket ni Hugh nang may lumapit sa akin na lalaki.

"Mikaela Dela Cruz, right?" He asked me. Nakangiti siya sa akin. Tumango naman ako. Sino ba 'to? Bakit niya ako kilala?

"May nagpapabigay." May iniabot siya sa akin na isang paper bag at isang strawberry frappe. Nagtataka man, inabot ko nalang. "Sinong nagpapabigay?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang ito at umalis na.

Napatingin ako sa paper bag na binigay sa akin. Binuksan ko ito at pagkain ang laman. Alas dos pa lang ng hapon at ayoko pang umuwi. Wala din naman akong gagawin sa bahay. Iniisip ko namang magpunta kay Cielo pero naisip kong hindi pa ako handa sa sermon niya kaya hindi nalang ako umalis ng school.

Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom nang makita ko ang strawberry cake na laman ng paper bag. Kanino ba galing ito?

May nakita akong maliit na note na nakadikit dito.

I want to have lunch with you but Jeorge locked us in. Wait for me, baby. I love you. - Hugh

Napabuntong-hininga ako. Sinimulan ko nalang kainin ang bigay ni Hugh habang nagsscroll ako sa instagram account ko.

Wala ng kabuhay-buhay ang account ko mula nang mangyari ang aksidente namin ni Mikael.

Halos isang taon na ang huli kong post. Si MM pa ito habang yakap yakap ko. Anniversary namin ni Mikael 'yon at si MM ang kasama ko.

Nahinto ako sa pagsscroll nang magring ang cellphone ko.

Hugh Marco Alcantara

calling...

Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?" Bati ko sakanya nang sagutin ko ang tawag niya sa akin.

"Kumain ka na?" Tanong niya. Naririnig ko sa background ang boses nila Adrian at ang pagda-drums ni Fall.

"Guys, just a second, please, keep quiet!" Ani Hugh sa mga kasama. Inasar naman ni si Hugh pero narinig ko ang mahinang pagmumura nito. Tinakpan niya siguro ang phone niya.

"Hello, baby?" He called me again. "Yeah?" Sagot ko dito. Nasasanay na din ako sa tawag niya. Ewan ko ba kung bakit. Noon, hindi ko magamit ng matagal ang endearment na 'yan. Sa amin kasi ni Mikael, ang awkward awkward na magtawagan kami ng Baby.

Noong naging kami naman ni Lance, okay lang. Hindi lang ata talaga bagay sa amin ni Mikael ang ganoong kakornihan. I am happy with Ai. He's happy with Superman.

"Kumain ka na?" Tanong niya sa akin sa malambing na tinig. Hanggang ngayon, medyo naninibago pa ako kay Hugh kapag ganyang malambing siya.

Napakasungit niya noon sa akin. Kulang nalang mamatay ako sa tingin niya, ngayon... parang mamamatay siya kapag 'di kami nagkita. That is so weird. Wala pa naman kaming isang taon magkakilala.

"Yung pinadala mo lang. Wala din kasi akong ganang kumain ngayon, eh." Humugot ako ng isang malalim na hininga bago yumuko sa lamesa na naroon.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon