Totally in love with a Dota p...

By blue_maiden

12.2M 288K 45.6K

[Book 2 of I'm in Love with a Dota Player] Tama kaya yung desisyon ko na mag mahal ng isang Dota Player? o ma... More

Intro
Season 1 -- Prologue
Chapter 1 : Memories
Chapter 2 : Move-on
Chapter 3 : Tulad ng dati
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Papalag naman eh
Chapter 6 : Ligaw
Chapter 7 : Set you free
Chapter 8 : I got your back
Chapter 9 : It's now official
Chapter 10 : Adjustments
Chapter 11 : Ikaw pa rin
Chapter 12 : First Month
Chapter 13 : Im back!
Chapter 14 : New me
Chapter 16: Aso't Pusa
Chapter 17 : Only reminds me
Chapter 18 : Death
Chapter 19 : Dance with my Father
Chapter 20: Promise
Chapter 21: Muling ibalik
Chapter 22: Litong Puso
Chapter 23: Torn
Chapter 24: Break up
Chapter 25: New Girl
Chapter 26: One more chance
Chapter 27: Wait for me
Chapter 28: Tin-Miggy forever
Chapter 29: Her Threat
Chapter 30: Unexpected
Chapter 31: Don't leave me
Chapter 33: Is this the end?
Chapter 34: Wedding
Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]
Epilogue
Author's Note
Season 2 -- Chapter 3
Authors note 2

Chapter 15: She's mine

265K 6.4K 1.8K
By blue_maiden

Chapter 15: She's mine

--

DANTE POV

Ano naman kung bumalik na yung alaala ni miggy?

Alam ko sakin na si cristin.. at hindi na yun mag babago...

"Yam, pasok na ko sa class ko, see you later! labs you!"

"Sige yam.. i love you.." nung pagkatalikod niya, parang iba yung naramdaman ko. Pakiramdam ko, naglalakad siya papalayo sakin.. yung para bang iiwan na niya ko.. bakit ko ba to nararamdaman? dahil ba sa bumalik na yung dating miggy? yung minahal ni tin? yung lalaking una niyang minahal? at minahal ng sobra sobra? aamin ko naman na may takot pa din ako na maagaw siya sakin ni miggy.. "tin sandali.." hinabol ko si tin, tska ko siya niyakap ng sobrang higpit.. ayoko na siya pakawalan, ayoko na siyang mawala sakin.

"Yam okey ka lang?"

"Gusto lang kitang yakapin.. ayoko na kasing mawala ka eh.." tumingin siya sakin na parang alam niya na yung iniisip ko.

"Sabi mo hindi mo yun iniisip? yam kahit bumalik na siya, ikaw na yung mahal ko.." sabi na eh, alam niya na si miggy iniisip ko.

"Alam ko naman.. basta pangako mo na hindi mo ko iiwan ah?"

"Promise peksman! mamatay man! haha. Sige na malalate na ko eh, wag ka na mag isip ng kung ano ano ha? kotongan kita eh, i love you.." hinalikan niya ko sa chicks tapos umalis na.

Kahit gaano pa ko natatakot na mapalapit ulit siya kay miggy, na maagaw siya ni miggy sakin. Ayoko naman siyang higpitan, ayoko siyang palayuin kay miggy, okey lang naman sakin na maging mag kaibigan sila eh. Hindi naman ako ganun kasama. Isa pa kaibigan ko din si miggy, hindi ko nga lang alam kung paano ko siya pakikisamahan ngayon na bumalik na alaala niya, hindi pa kasi kami nag kakausap eh.

Pumunta na ko agad sa Mineski. Nung bumalik yung alaala ni miggy, bigla na lang silang lumipat nila kevin ng team, naging ledion dreamz na sila. Kaya ayun, nag hanap yung mineski ng papalit sakanila, kaya kami yung napili. Hindi ko alam yung dahilan ng mokong na yun, pangarap naming tatlo dati nila kevin maging mineski, pero biglang umayaw siya..

To YAM♥
Yam, practice na kami ng dota :*

Ayan rules namin sa isat isa. Kapag mag dodota, dapat mag papaalam sa isat isa. Masaya ko kasi pareho kami nag dodota ni tin kasi naiintindihan niya ko kapag inaabot ako ng umaga kaka practice, o kaya minsan nauuna ko yung laban namin.  

Pag kadating ko sa shop, nakita ko sila miggy, anong ginagawa nila dito?

"Dre..." hindi ko alam kung ano iniisip ni miggy.. parang naiilang ako kausapin siya.

"Oh dante.. congrats ah! natupad mo na pangarap mo, mineski ka na.. masaya ka ba?" parang iba yung pag kakasabi niya na para bang nang aasar pero hindi ko na lang pinansin.

"Ah oo naman.. bakit pala kayo andito?"

"Nag paalam lang kami ng maayos kay boss.. wag ka mag alala, hindi naman namin aagawin ulit yung posisyon namin sa inyo.. hindi naman ako mang aagaw eh.." tumingin siya sakin ng masama, galit nga siya. Ako nang agaw? hindi ko inagaw si tin!

"May problema ba miggy?" ayoko siyang awayin, kahit na kanina pa niya ko iniinsulto.

"Haha! dante ok ka lang? wala nuh.." hinawakan niya yung balikat ko. "Wag ka masyado nag iisip ng kung ano ano.." binitawan niya ko tska siya tumawa "Sige una na kami, tara kevin.."

"Dre kita kits na lang sa tourna ah!" Lumapit sakin ni kevin, "pag pasensyahan mo na lang yan si miggy.." tumango lang ako.

Wala naman mangyayare kapag pinatulan ko pa si miggy. Hindi ko alam kung dapat ba ko himingi ng sorry sakanya, hindi ko naman inagaw si tin, hindi ko siya sinulot. Hinintay ko makalimutan siya ni tin bago ako nangligaw.

Halos tatlong oras din kaming nag practice. Lahat ata ng team nag hahanda para sa tournament next week sa pacific. Alam ko makakalaban namin si miggy, kaya nag hahanda na din ako para dun.

Sumakay ako sa kotse, uuwi muna ko bago ko bumalik sa school para sunduin si tin. Habang nag di-drive ako, napadaan ako sa field malapit sa subdivision namin, nakita ko si miggy.. nakatayo sa may puno. Ano kayang ginagawa niya dun? Siguro kaylangan ko siyang kausapin, para mawala yung ilangan saming dalawa.

Hininto ko yung sasakyan ko, tska ko siya nikapitan.

"Miggy.." napalingon agad siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kita kausapin.. galit ka ba?" tumawa siya na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ako galit?! inagaw mo lang naman si tin sakin.. o baka sinulot pa, ako galit?! HINDI AH."

"Hindi ko siya sinulot o inagaw!" hindi ko mapigilang magalit sa sinabi niya, kahit anong pag pipigil ko pa.

"Anong ginawa mo?! dante pinag katiwalaan kita! alam mo naman kung gaano kamahal si cristin pero ano ginawa mo? ginago mo ko eh!"

"Alam mo dapat nga mag pasalamat ka pa kasi ginawa ko yung obligasyon na dapat ikaw yung gumagawa! pinasaya ko siya higit pa sayo! wala naman siyang naramadaman sayo puro sakit eh!"

"Eh gago ka pala talaga eh!"

Sinuntok niya ko. Sobrang sakit, pakiramdam ko binuhos niya lahat ng galit niya sakin sa suntok na yun, natumba ako. Tinignan ko lang siya, useless din kung makikipag away ako. Naiintindihan ko naman nararamdaman niya eh.

"Kahit anong gawin mo, sa AKIN na siya! bumalik ka naman, huli na yung lahat! tandaan mo yan miggy! kaya tanggapin mo na lang!" nilapitan niya ko, hinawakan niya yung damit ko.

"Kahit kelan hindi naging sayo si cristin! at wag ka mag alala, ibabalik ko din kung ano man yung SAKIN, kaya mag pakasaya ka na hanggat kayo pa.."

Bago siya maka alis, hinila ko yung damit niya, gustong gusto ko siyang suntukin kaso iniisip ko si tin, alam ko magagalit siya.

"Wag mo nang paasahin sarili mo, kasi hindi mo na siya maagaw sakin.. isa pa ikaw na may sabi na hindi mo ugaling mang agaw di ba?" inalis niya yung kamay ko sa damit niya.

"Hindi naman talaga ako mang aagaw na katulad mo kasi hindi ko siya aagawin, dahil sakin naman talaga siya.."


Umalis siya, nakahiga pa din ako sa damuhan. Gago ka talaga miggy! ayoko na maging mabait, si tin na nakataya dito. Kaylangan siguraduhin kong hindi niya makukuha si tin. Kahit maging masama pa ko sa paningin ng iba. Nakakatawa lang na dahil sa isang babae, nawala lahat pag kakaibigan natin.

Tumayo, gusto kong malaman kung anong tintignan niya sa may puno na to.

TIN-MIGGY forever
kapag nag break dinaya!
promise hindi tayo mag hihiwalay pudge. 


Eto ba? sorry miggy pero nag hiwalay na kayo. At hindi na matutupad yung forever niyo.

"Dante?"

Tinignan ko yung tumawag sakin..

"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit ka andito?"

"Andito ka ba para tignan yung puno na to?"

"Ha? ah... hindi.. napdaan lang ako tapos nakita kita yam.." sinungaling.

"May klase ka pa di ba?"

"Ah.. tapos na.. punta sana ako sa bahay niyo eh, ano ginagawa mo dito? at bakit may pasa ka?!" nilapitan niya ko tapos hinawakan niya yung labi ko.

"Ouch."

"Ano bang nangyare?! sinong sumuntok sayo?! teka gamutin natin yan!"

"Wag na.. tara pumunta na lang tayo sa bahay.." hinawakan niya yung kamay ko, pero tinabig niya.

"Teka, sino ba kasing gumawa niyan sayo?! susuntukin ko din!" nakakatawa talaga siya, hindi ko kayang magawang magalit sakanya, kahit alam ko, pumunta talaga siya dito para sa nakaukit na yun sa puno.

"Wala nga, nadulas lang ako, tara na, akala mo naman ang laki ng katawan mo eh nuh?" tinignan niya ko ng masama. Kapag ganyan siya, ibig ssabihin, masama na yan. "Okey sige.. si miggy.. si miggy yung sumuntok sakin.."

"Ha..." natigilan siya, nagulat. "Pero bakit?"

"Samin na yun okey? Basta gusto ko mangako ka sakin.. akin ka lang tin, kahit alam kong napaka selfish ng gusto ko, please.. sakin ka na lang, akin ka lang? hindi ko kasi kaya kapag nawala ka sakin eh.."

Niayakap niya ko kahit hindi pa ko tapos magsalita..

"Sayo lang ako dante.. mahal na mahal kita.."



to be continued..


<AN>

Next chapter: Asot' pusa.

Im still on vacation guys! sorry kung natagalan update. Hello sa mga readers neto! I can't mention you all, nasa mobile lang ako! haha labs you mag pudge! ^___^

Continue Reading

You'll Also Like

21.2K 638 7
"The best things are those that are not seen."
21.2M 770K 44
TIL Series #1 (Book 1 of 2) Chelsea Vellarde is trapped from a hopeless affection for Blaze Abelard. She wants to move on but whenever she tries, sh...
2.9K 332 76
Handog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeo...
8.1M 126K 18
haveyouseenthisgirlstories.com (SEQUEL INSIDE) Story: Moving on can't be done alone and Sena just found help from a mysterious sender. But who is it...