ALLY'S P.O.V.
"Ano kayang kailangan ng Dean namin?bakit ako pinatawag?"
Naglalakad ako sa hallway ng school. Dahil oras ng breaktime ng faculties tahimik ang ibang clasroom, oras din kasi ng uwian, binuksan ko ang pintuan ng office ng Dean. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok.
"Good afternoon Miss, Allyson Ramirez."
Napakunot ang noo ko, at nagcross-arms ako. "Anong ginagawa mo rito, Frits?"
Tumayo siya at lumapit sa'kin. Mga isang dangkal ang layo namin. Tinitigan niya ako.
Dug.dug.dug. 'yan na naman ang kabog ng dibdib ko, may speaker na naman, naamoy ko naman ang mabango niyang hininga.
"I miss you, Ally," he said in a sexy tone.
"Ano bang sinabi mo?Asan ang Dean?" Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Dean? Nasa harap mo na ang Dean." Lumapit pa siya sa'kin.
Tinulak ko siya palayo sa'kin.
Ikaw lang ba ang nagpatawag sa'kin?"
Tumango si Frits.
"Hayss! Baliw ka na talaga, ginamit mo pa ang pangalan ng Dean. Para lang sa kalokohan mo?"
"Dahil miss na kita, Ally."sabi niya habang nakatitig siya sa'kin."
Gusto kong sabihin sa kanya na "I miss you too," pero pinipigilan ko lang ang sarili ko, mahirap mahulog kapag nasa taas ka na, mas mataas, mas masakit ang bagsak, kaya hangga't maari pinipigilan kong kontrolin ang puso ko, kahit na nga sobrang hirap.
Tiningnan ko siya. "Wala na tayong dapat pag-usapan, i have to go."
"Ally, wait!" Tawag sa'kin ni Frits.
Hinila niya ako at isinandal sa dingding. Ang dalawang kamay ko hawak-hawak ng kaliwang kamay niya. tapos halos two inches na lang ang pagitan namin.
"Don't leave me. please! Bumalik ka na sa bahay, I miss you. I'm so damn really miss you."
"Pero, hindi Pwede!"
"Why?Dahil ba kay Zyrus? Gano'n ba? We have an agreement."
"Alam ko naman iyon pero, hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang kasunduan natin."
Tinitigan niya ako, umiiwas naman ako ng tingin sa kanya, hindi ko talaga matagalan ang tumingin sa mga mata niya.
"I can't wait, ngayon mo na sabihin."
"Pero—"
"Hindi lang Maid ang nawala sa'kin, nawala ang nagmamay-ari nito!" Tinuro niya ang puso niya. "Mahal kita, Ally."
"God, joke po ba iyon? Gusto ko na kasing maniwala eh,"
"Haist! Ewan ko nga sa'yo Frits!" Pinilit kong itulak siya. Pero sa halip lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa'kin. Halos magdikit na ang mukha namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Pagkatapos dahan-dahan niyang idinikit ang labi niya sa labi ko, napapikit na lang ako. Habang hinihintay ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
"Ayy!"sigaw ng janitor.
Ang sama ng tingin ni Frits sa Janitor. Dahil don nagkaroon ako ng pagkakataong makawala sa kanya,
Yumuko ang Janitor kay Frits. "Sorry po, Sir."
"You're fired! Ayoko ng makita ang mukha rito!" Sigaw ni Frits.
"Pero Sir, hindi ko po sinasadyang makita iyon."
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!"
Napakunot ang noo ko sa mga narinig ko, naudlot lang ang panghahalik niya. Tanggal na agad ang Janitor, balibhasa anak ng may-ari ng school, Malala pa sa'kin ang kasungitan.
Lumapit ako sa Janitor. "Manong, Umalis na po kayo, wag niyo na siyang pakinggan. Abno kasi 'yan. Pumasok po kayo bukas hindi pa kayo tanggal."
"Pero sabi ni sir—?
Ngumiti ako sa kanya. "Ako na po ang bahala sa kanya. Sige umalis na po kayo."
Tumango naman ang Janitor. "Salamat po,"tapos bumaba na ang Janitor
"Anong ginawa mo, Ally?
Bakit mo pinabalik iyon?" Ani Frits.
"Kawawa naman yung tao. Hindi lang natuloy ang kiss mo. Nagtanggal ka na agad. Hindi mo ba naisip na baka may pinag-aaral siyang mga anak."
"I don't care!"
Ang sungit! Parang akala mo nire-regla, napaka-moody. Lumapit ako sa kanya at tinitigan ko siya. Nakatingin din siya sa'kin. Pero nakasimangot,
Hinila ko bigla ang leeg niya at bigla-bigla ko siyang hinalikan sa lips, smack lang iyon. Pagkatapos lumayo ako ng kaunti sa kanya, bigla kasing kumabog ang dibdib ko. I'm blushing, bigla akong nahiya sa pangangahas ko sa kanya.
"Oh, Ayan! Hinalikan na kita. Siguro naman hindi mo na tatanggalin si Manong Janitor."
Nanatiling nakatayo si Frits. Bigla kasing nagkulay suka ang mukha niya na parang na starstruck sa ginawa ko. Gusto kong matawa sa itsura niya. Kaya lang hindi bagay sa sitwasyon.
"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ni Frits sa'kin.
"Para hindi mo na tanggalin ang Janitor."
Muli siyang lumapit sa'kin, ako naman. Pa-atras nan paatras. Hanggang sa wala na akong ma-atrasan. Parang ganito lang ang nangyari kanina.
"Alam mo bang sa ginawa mo nabitin lang ako. At ayaw na ayaw kong nabibitin ako." Sabi niya nang nakalapit siya sa'kin, biglang nagkulay kamatis ang mukha ko dahil sa ginagawa niya.
Nakatitig siya sa'kin. "I like you, when you're blushing."
"Ayy!" Sigaw ko. Bigla niya kasi akong binuhat na parang isang sakong bigas.
"Ano, Ally? Akala mo hahalikan ka na naman? Assuming,"
"Saan mo ako dadalhin? Ano ba Frits, Ibaba mo ako!" Sigaw ko.
I-uuwi na kita sa bahay." Sagot niya.
"Abno ka! Ayokong sumama sa'yo, Ibaba mo ako!"
"Shut up! pag hindi ka tumigil diyan lahat ng tao sa loob ng campus na ito sa'tin na titingin!"
Bigla akong natahimik, Oo nga pala, nasa school kami, bwiset na Frits kasi na ito. Hindi madala sa pakiusap. Grrrr! Nakakasar ang abno na ito.
"Saan mo dadalhin si Ally?" Tanong ni Zyrus. Hinarang niya ang dadaanan ni Frits.
"Zyrus!" Nakita ko sa itsura niya na galit na galit na si Zyrus, nakatikom ang kamao niya. Parang kahit anong oras kakawala ang kamao niya.
"Psh! It's none of your fuckin business!" Tapos magdi-diretso na sana si Frits sa paglalakad. Habang buhat-buhat niya ako. Ngunit hinarangan kami ni Zyrus gamit ang kamay niya.
"Zyrus!" Sabi ko.
Para kasing magkakagulo silang dalawa. iba na rin kasi ang tingin ni Frits kay Zyrus.
"Hindi mo siya pwedeng dalhin ng hindi ka dumadaan sa'kin!" Ani Zyrus.
Tinitigan siya ni Frits."Psh! Gano'n ba? Okay sige pagbibigyan kita." Ibinaba ako ni Frits.
Sinusubukan ko silang pigilan. Pero hinarang ni Frits ang kamay niya at tumingin sa'kin.
"Just stay with me, Ally. I'll bring you in my home mo matter what happens." Ngumiti pa siya sa'kin.
"Hindi na kailangang umabot sa ganito?" Sabi ko.
Hinawakan niya ang braso ko.
"Please stay with me." ani Frits.
Tumango ako. At kahit hindi ko alam ang nangyayari. Nanatili akong nasa likuran ni Frits.
"Hayaan mo'ng si Ally ang magdesisyon, Frits." Sabad ni Luke.
"Luke, Teo? Anong ginagawa niyo rito? Anong nangyayari?" Takang tanong ko.
"Bakit nandito sila?"
"Hi, Ally!" ngumiti pa si Teo.
"Ano ba'ng nangyayari sa inyo?" Muli kong tanong.
Kamot-kamot ng ulo si Teo. "Hindi ko rin alam eh, napadaan lang ako rito." Ani Teo. Ngunit seryoso ang mukha niyang nakatingin kay Frits.
"Luke, Sabihin mo nga kung anong nangyayari?"
"Tanungin mo si Frits, Ally."
Binaling ko ang tingin kay Frits.
"Sabihin mo nga sa'kin Frits?"
Ngunit umiwas lang siya ng tingin sa'kin, at tinitigan ng masama si Zyrus.
Naguguluhan ako. Wala kahit isang magsabi sa'kin. Kung anong nangyayari, at dahil walang gustong magsalita sa kanila. Tumakbo ako palayo sa kanila, narinig kong tinawag nila ang pangalan ko. Pero hindi ko sila pinansin, pumara ako ng taxi.
"Manong sa Luneta tayo!" Sabi ko sa driver ng taxi nang makasakay ako.
"Yes Ma'am!" Sagot ng driver.
"Hmpp! Bahala nga sila ang gugulo nila."
Mag-isa akong tumambay sa Luneta. Nakaupo lang ako doon. Habang pinapanood ang mga tao do'n, tapos nag foodtrip akong mag-isa, habang dumidilim lalong dumadami ang tao. Pinapanood ko ang mga couples na do'n nagdi-date. Napapangiti nga ako kapag ang sweet nila.
"Pwedeng makiupo."
"Ako rin."
Inangat ko ang mukha ko, si Luke at Zyrus pala iyon. Tumaas ang kilay ko, "Paano niyo nalaman na nandito ako?"
"Wala na-isip lang namin ni Zyrus na pumunta ka rito."
"Tse! Ang yabang niyo ha!"
"Mahal mo pa rin ba?" Tanong ni Zyrus.
Ngumiti ako. Do'n sa tinatanaw kong bata.
"Gano'n naman yata talaga ang love mahirap mawala."
"Ouch!" sabad ni Luke.
Napalingon ako, "Bakit anong nangyari?"
"Yung puso ko! Dumugo eh, basted kasi." Anito.
Hinampas ko siya sa balikat. "Puro ka kalokohan!"
Ally, kapag pinaiyak ka ulit no'n, sabihin mo lang gugulpihin talaga namin iyon." Ani Zyrus.
Sumeryoso si Luke. "Masakit man pero kailangang tanggapin na hanggang friends lang talaga tayo."
"Bakit kasi ako pa?"
Tumingin sa'kin ang dalawa.
"Ewan nga namin, malditah ka, bossy, Walang alam sa buhay, tamad. Hindi nga namin alam kung bakit ikaw pa."
Sumimangot ako. "Ang hard ah! Grabe! Puro kapintasan iyon, wala man lang maganda sa sinabi mo."
"Wala nga, pero do'n ka namin minahal sa pagiging totoo mo."
"Sorry, Guys!" Sabi ko.
Ngumiti sila sa'kin. Si Luke pinisil ang pisngi ko, si Zyrus pinisil ang ilong ko.
"Aray! Akala ko ba love niyo ako. Sinasaktan niyo na ako eh," maktol ko.
"Ha-ha-ha! Natutuwa lang kami sa'yo." ani Zyrus.
"Hmpt! Bahala nga kayo diyan!"
"Huwag ka ng magtampo diyan. Ibibili ka namin ng ice cream." ani Zyrus.
Ngumiti ako. "Ice cream, sige gusto ko yan!"
Tumayo kaming tatlo para bumili ng ice cream, parang noong mga bata pa kami, lagi nila akong binibilhan ng ice cream sa tuwing malungkot ako O kaya galit ako.
"Luke, Zyrus, wag kayong mag-alala sa'kin, kaya ko na ang sarili ko, sorry kung hindi ko masusuklian ang nararamdaman niyo para sa'kin." sabi ko habang kumakain kami ng ice cream.
Tumingin silang dalawa sa'kin, tapos hinawakan nila ang kamay ko. "We will always here for you no matter what."
"Teka! Anong ginawa niyo kay Frits?"
"Naka-confine. Bugbog na bugbog." ani Luke.
Pinagtulungan naming tatlo ang lakas pa namang manuntok at sumipa ni Teo.
"Zyrus Villan! Luke Perez! 'Yung totoo?"
"Ha-ha-ha! Joke lang! Hindi natuloy ang away. Dumating ang mga professor, inilayo sa'min si Frits.
"Wag kang mag-alala hindi namin sinaktan ang mahal mo."
Umirap siya. "Tse! Kainis kayo!" Tapos pinagpatuloy ko ang pagkain ng ice cream.
Masaya ako ngayon. Atleast wala na akong iisipin pang iba, hindi ko muna sa kanila sasabihin ang dahilan ng pagtira ko sa mga Santiago. Malalaman din naman nila iyon soon.
Pagkatapos naming kumain ng ice cream. Nagfoodtrip kaming tatlo sa mall. Na nood kami ng sine 'yung last show. Tapos hinatid nila ako sa bahay ni Frits. Pero hanggang gate lang. Ayoko ko kasing malaman ni Frits na umuwi na ako.