Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 42 ] A Big Problem

37.3K 483 43
By JeraldineTanL

Click the star icon to vote :)

Chapter 42: A Big Problem

Mag-iisang buwan na simula noong nagtrabaho si Jin para kay Gab. Nadidismaya siya dahil wala halos siyang ginagawa bilang secretary ni Gab. Lahat kasi ng trabaho ay puro si Haeja ang gumagawa. Alam niya na kaya ganun ay dahil ayaw siyang pahirapan ni Gab sa trabaho. Si Haeja ang nag-aasikaso ng lahat at siya lang ang sumasama kay Gab sa mga lakad nito at parang assistant lang siya.

"Jin, tawag ka ni Sir Gab. Puntahan mo na lang siya sa office niya. Sige, pupunta muna ako sa CR," sabi ni Haeja kay Jin.

Simula nang nagtrabaho si Jin bilang secretary ni Gab, naging normal na ang pagtrato sa kanya ni Haeja at kung ituring niya ito ay normal na empleyado lang. Ayaw din kasi ni Jin na tinatawag siyang ‘Ma'am’ dahil lang sa girlfriend siya ni Gab.

Pagkaalis ni Haeja ay tumayo na siya at pumasok sa opisina ni Gab. Nakita niya doon si Gab na nakaupo sa swivel chair nito at nakaharap sa laptop.

"Tawag mo daw ako, Gab?"

Tumayo si Gab at nilapitan si Jin. Hinawakan niya si Jin sa balikat at nginitian.

"Sir Gab, Ms. Tan," pagpapaalala ni Gab.

"Tayong dalawa lang naman ang nandito sa opisina mo. Siguro okay lang naman na Gab lang ang itawag ko sa 'yo tutal girlfriend mo ako."

"Nasa opisina tayo kaya ihiwalay natin ang personal na buhay natin."

Hindi inaasahan ni Jin na ganun ang isasagot ni Gab. Sir na din kasi ang tawag niya dito pero kadalasan ay nakakaligtaan niya na secretary siya nito kaya Gab ang naitatawag niya dito.

"Alright, Sir. What do you need?"

"Gusto mo ng mahirap hirap na trabaho, hindi ba? Sige, bibigyan kita. May mga ipinatago akong documents kay Haeja. Hanapin mo 'yong para sa nakaraang buwan."

"Okay. I’ll find it then give it to you as soon as I can."

"I need it in five minutes, Jin."

"Ano?!"

Nginitian lang siya ni Gab bilang sagot. Madali siyang lumabas doon at pumunta sa harap ng lamesa ni Haeja. Pinagbubuksan niya ang drawers at hinanap ang documents na sinasabi ni Gab. Sa paghahanap niya, may nakita siya na hindi niya dapat makita.

'Pregnancy kit? Bakit may ganito si Haeja sa mga gamit niya?' tanong niya sa isip niya.

Nakita niya na pabalik na si Haeja sa lamesa nito galing sa CR kaya naman nagmadali si Jin na hanapin ang hinihingi ni Gab at nakita niya ito bago pa man dumating doon si Haeja.

"Ano’ng ginagawa mo sa mga gamit ko?!" naiinis na tanong nito.

"May pinapahanap si Gab at kailangan niya na 'yon ngayon din. Buti na lang at nakita ko kaagad. Sige, ibibigay ko na ito sa kanya."

Aalis na sana doon si Jin pero hinawakan siya sa braso ni Haeja para pigilan.

"May nakita ka ba sa mga gamit ko?" tanong ni Haeja.

"Nakitang alin?"

"W-wala. Sorry kung nasigawan kita. Ibigay mo na 'yan kay Sir Gab."

"Okay lang."

Nginitian siya ni Jin at kaagad na pumasok siya sa opisina ni Gab.

"Lock the door," utos ni Gab.

Sinunod siya kaagad ni Jin. Nakaupo sa lamesa si Gab at hinintay niya talaga na dumating doon si Jin dala ang mga hinihingi niya. Nilapitan din siya kaagad ni Jin para ibigay ito.

"Umabot ba ako sa time limit?" tanong ni Jin.

Tiningnan ni Gab ang relo niya.

"Just in time."

Kinuha ni Gab ang folder at ipinatong iyon sa lamesa. Tumayo siya ng maayos at hinila si Jin papalapit sa kanya at niyakap.

"Sir Gab, nasa opisina tayo, baka may makakita sa atin na ganito."

"Nilock mo naman 'yong pinto, 'diba?"

"Oo."

"Kung ganun, walang makakakita sa atin na ganito."

"Akala ko ba--"

"Check the time. Lunch break na kaya pwede na natin ‘tong gawin."

"Ang dami mong pakulo, Gab! Nananadya ka na!"

"Gustong gusto kitang inaasar, alam mo ba ‘yon?"

"Alam ko. Kaya nga inaasar mo ako palagi. Gustong gusto mo na nakikita akong naiinis."

Tinulak siya ni Jin pero mahigpit ang kapit ni Gab sa bewang niya kaya hindi niya ito naitulak.

"Kumain na tayo."

"May dala ka bang pagkain?"

"Hindi ako nakapagluto dahil tinanghali na ako ng gising."

"Gusto ko kumain lang ng luto mo."

"Stop acting like a child, Gab! CEO ka na ng isang kumpanya kaya dapat kumilos ka din ng ganun. Tara na, bitaw."

Pinakawalan niya na si Jin. Hinila siya ni Jin palabas doon at habang naglalakad sila ay pinagtitinginan sila ng mga empleyado. Pumunta sila sa isang restaurant na malapit sa building kung nasaan ang opisina ni Gab. Agad din naman silang umorder ng makakain at pagkahatid ng pagkain nila ay kumain sila kaagad.

"Mas gusto ko pa din ang luto mo, Kabs."

"Sige, sa susunod ulit. Ipagluluto kita basta may oras ako."

Kumain lang silang dalawa ng tahimik. Habang kumakain ay naiisip ni Jin ang nakita niya sa drawer ni Haeja.

'Mabilis siyang mapagod, madalas na nahihilo, palaging pumupunta sa CR at pabago bago din ang mood niya. Those are signs of pregnancy, right? Hindi kaya buntis si Haeja? Kaso paano naman nangyari 'yon? Hindi ko siya nakikita na may kasamang lalaki.'

Napansin ni Gab na hindi na kumakain si Jin at malalim ang iniisip nito. Kanina pa tinitingnan at tinutusok tusok ni Jin ng tinidor ang steak na kinakain niya. Nagulat siya nang biglang pitikin ni Gab ang noo niya.

"Haeja--" nasabi niya dahil sa pagkagulat.

Napaisip si Gab sa sinabi ni Jin.

'Bakit niya naman iniisip si Haeja?' tanong ni Gab sa isip niya.

Napahawak si Jin sa noo niya at sumimangot siya. Napahawak siya sa noo niya na ngayon ay namumula dahil sa ginawa ni Gab.

"Ang sakit naman nun!" reklamo niya.

"Ang lalim masyado ng iniisip mo. May problema ba?"

"W-wala naman. Kumain na lang tayo, Gab."

~

Nakaupo si Jin ngayon sa harap ng lamesa at naghihintay sa sunod na iuutos o ipapagawa sa kanya ni Gab. She’s always bored because she's got nothing else to do. Nang may tumawag sa telepono, agad niya itong sinagot. Tawag ito galing sa pastry shop na pagmamay-ari niya at kinakailangan siya doon. Tumayo siya sa kinauupuan niya at pumasok sa opisina ni Gab. Nakita niya doon si Gab na naglalaro lang sa laptop nito.

"Jin, bakit ka nandito?"

"Ganyan ba talaga ang CEO dito? Pa-easy easy at naglalaro lang?"

"Wala naman akong kailangan gawin kaya ganito. Teka, baka nakakalimutan mo na boss mo ako? Hindi ka dapat ganyan magsalita sa akin."

"Sorry, Sir Gab. I’m just curious so I asked."

"Bakit ka pala nandito?"

"I have to go because I got an emergency call coming from the pastry shop that I own. It's now four in the afternoon and I'm not even doing anything. Siguro naman papayagan mo akong umalis, hindi ba?"

"Sige, susunduin na lang kita doon."

Kinuha ni Jin ang isang notebook. Doon nakasulat ang mga appointments kay Gab at pati na din ang schedule ng mga meetings niya at kailangan niyang gawin.

"Based on your schedule, you can't fetch me after work. I want to remind you that you have a dinner meeting with a client at six in the evening and you know you can't be late for that. I guess, you have to work overtime, Mr. Teppei."

Nginitian siya ni Jin.

"I will leave everything to Haeja now."

"Umuwi ka kaagad pagkatapos mo doon. I-text mo ako kapag nakauwi ka na. Pupuntahan kita pagkatapos ng meeting ko."

"As you wish. Bye!"

"Kiss ko, hon?"

Nilapitan siya ni Jin at hinalikan sa pisngi saka siya umalis.

Maagang natapos ang mga kailangang asikasuhin ni Jin sa shop niya. Uuwi na sana siya pero nakalimutan niya ang susi ng condo unit na tinitirhan niya sa drawer ng lamesa niya kaya naman naisipan niya na bumalik sa opisina. Kapag walang pasok ay sa condominium siya tumitira at kapag mayroon ay sa bahay siya umuuwi. Ganun ang gawain ni Jin para makapagpahinga ang mga katulong niya sa bahay.

'Nandoon pa kaya si Gab?' tanong niya sa isip niya.

Pagkadating niya doon ay kaunti na lang ang mga empleyado na hindi pa nakakauwi. Agad niyang kinuha ang susi niya at inilagay sa bulsa niya. Napansin niya din na bahagyang nakabukas ang pinto papasok sa opisina ni Gab kaya papasok sana siya para tingnan kung nandoon si Gab pero natigilan siya nang may marinig siyang boses.

"Gab, kausapin mo naman ako ng maayos!"

Boses lang ang naririnig niya galing sa loob pero alam niya na boses 'yon ni Haeja.

"Ano ba ang sasabihin mo na importante? Sabihin mo na. Kailangan ko nang umalis."

"'Wag kang mag-alala, saglit lang ‘to."

Gustong pumasok ni Jin sa loob ng opisina ni Gab para guluhin sila pero mas pinili niya na makinig na lang galing sa labas. She has always been curious to know who Haeja really is so she decided not to go inside because if she will interrupt their discussion, she wouldn’t know what will they talk about. Alam niya na hindi maganda ang ginagawa niya pero kahit na ganun pa man ay gusto niyang makinig.

"Gab, buntis ako."

"Ano'ng kinalaman ko sa pagbubuntis mo?"

"I-ikaw ang ama ng dinadala ko."

Napatakip ng bibig si Jin at nanlaki ang mata niya sa narinig. Pinipilit niya na hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Kahit na nasasaktan siya ay hindi pa din siya umalis doon para mapakinggan niya ang sunod na sasabihin ni Haeja kay Gab.

"Imposible 'yang mangyari. Walang nangyari sa ating dalawa."

"Meron, Gab! Naalala mo noong nagcelebrate tayo sa videoke bar? Hindi ba sa bahay ko ikaw dumiretso. Lasing tayong dalawa at hindi ko inaasahan na--"

"'Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo. Sigurado ako na hindi ako ang ama niyang dinadala mo. Imposible ang sinasabi mo. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ko."

Hindi na kaya pa ni Jin na makinig sa usapan nila kaya madali siyang umalis doon at nanatili muna siya sa loob ng sasakyan niya. Bigla na lang tumulo ang luha niya.

'Iyon ang araw na may date sana kami ni Gab pero umaga na siya nagpakita sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit. Magkasama sila ni Haeja sa bahay nito,' napagtanto niya.

Umalis na lang siya doon dahil baka maabutan pa siya ni Gab at malaman pa nito na nandoon siya. Gusto niya talagang pumasok sa opisina ni Gab para awayin silang dalawa ni Haeja pero hindi niya ginawa. Alam niya kasi na maaapektuhan ang trabaho ni Gab kapag nalaman nito na alam niya na ang tungkol doon.

Hindi alam ni Jin kung bakit pero dinala niya ang sarili sa bar kung saan sila pumunta noon ni KL at agad siyang umupo sa harap ng bar counter.

"One bottle of tequila, please."

Agad siyang inabutan ng bartender ng bote ng tequila, isang baso na may lamang ice at isang platito na may laman na lemon. Ito lang ang alam na gawin ni Jin sa tuwing may problema siya. Mas gusto niya na lang na sarilihin ang problema kaysa idamay pa ang mga kaibigan niya. Iinom na sana siya pero biglang may naglagay ng plato na may lamang pagkain sa harap niya.

"One order of Carbonara for Jin," sabi ng isang lalaki.

Tiningnan niya kaagad ang lalaki. Kilala niya ito pero hindi niya ito pinansin. Iinumin niya na sana ulit ang alak na nasa baso pero inagaw ito ng lalaki at siya ang uminom nun.

"What the hell are you doing?!" galit na tanong ni Jin.

"Eat," utos ng lalaki.

"Wala akong in-order na Carbonara."

"It's free for you only for tonight."

"There is no such thing as free lunch or free dinner, mister. I will not accept this food."

"Masama ang uminom ng hindi pa kumakain."

"Who cares?! Mind your own business."

"I will pay for the food so eat it."

"You will pay for the food? Are you kidding me? You are the manager here, Marc."

"That's why I'm giving it to you for free. Eat or I'll throw you out of this place."

"Are you threatening me?"

"Yes, yes I am."

Nabilib si Jin sa lakas ng loob ni Marc para sabihan siya ng mga ganoong salita kaya naman kinain niya na lang ang pagkain tutal gutom na din siya. Pagkatapos niyang kumain, agad din naman siyang uminom.

"Why are you here? Magpapakalasing ka na naman. You got a big problem?"

"My problem is not your problem, Marc. Just mind your own talent."

"Talent? Do you mean, Mika?"

"Who else can it be?"

"She's on vacation leave right now so I'm letting her do whatever she wants."

"Can you leave me alone? I don’t need some company."

"I'm just trying to be friends with you."

"I'm not interested on being friends with you. Kapag kinulit pa ako ng kinulit, aalis ako dito."

"Alright. Have a good time. I'll just talk to you later."

Uminom ng uminom si Jin hanggang sa makaramdam siya ng hilo dahil sa dami ng nainom niya. Ngayon lang siya ulit nakainom ng ganito karami kaya iba ang pakiramdam niya.

"Ugh, my head."

Kinuha niya ang phone niya at tiningnan ang oras. Alas nuwebe pa lang ng gabi.

'Bakit ba ang bagal ng oras? Parang kanina pa ako umiinom dito.'

Napansin niya ang mga text at tawag galing kay Gab. Tapos na ang meeting nito at naghihintay na ito sa labas ng condominium unit ni Jin dahil sa usapan nila na pupuntahan ito pagkatapos ng meeting niya.

"Jin, nasaan ka ba?! Kanina pa ako naghihintay dito!" naiinis na tanong ni Gab.

"You even have the guts to yell at me after what you did?!"

"Lasing ka ba?"

"Why? Do you even care if I'm drunk or not?"

"Nasaan ka? Pupuntahan kita dyan."

"Puntahan mo na lang 'yong anak mo at ang Nanay ng anak mo!"

Pagkatapos na sabihin 'yon ni Jin ay pinutol niya na ang tawag. Pakiramdam niya ay nawala ang hilo niya sa pag-uusap nila ni Gab kaya naman uminom pa siya ng uminom.

"I overheard your phone conversation."

Napatingin siya sa nagsalita at alam niya na si Marc na naman ito. Umupo na naman ito sa tabi niya para makipagkwentuhan.

'When will this guy stop? He is really annoying, isn’t he?'

Tiningnan niya ang lalaki at nginitian. Alam niya na hindi ito titigil hanggang sa hindi niya ito kinakausap ng maayos.

"Friends?" tanong ni Jin.

"Payag ka na? Umepekto na siguro 'yong alak sa 'yo."

"It's not because of the alcohol. I agreed because I want you to stop bothering me."

"Sorry. Masyado na ba akong makulit?"

"Oo. Makulit ka pero hindi ka nakakatuwa. May mga tao na makulit pero nakakatawa but you’re not. What exactly do you want from me?"

"I'm not asking for anything more. I just want us to be friends."

"And I agreed, right? You may stop now."

"I want to help you, Jin."

Nagbago ang gaze ni Jin at napaisip siya.

"Help me? How will you do that?"

"Based on what I heard, I think you’re talking to your boyfriend. Nakabuntis siya kaya ka naglalasing. Am I right?"

"Exactly."

Kinuha niya ang baso ni Jin at ininom na naman ang laman nito na alak. Tinaasan lang siya ng kilay ni Jin dahil sa nakakapalan siya sa mukha ng lalaki.

"Alam mo, Jin. Walang magbabago kahit na maglasing ka pa. The truth will always be the truth. Hindi alak ang sagot sa mga problema mo."

Napaisip si Jin. Tama nga naman ang sinabi sa kanya ni Marc.

"Since you are so good at this, you might also want to advice me at what should I do regarding this matter."

"Sigurado ka na ba na anak niya talaga ‘yon?"

"I just overheard their conversation. May babae na nagsabi sa kanya na buntis siya at si Gab ang tatay ng anak nito."

Biglang tumawa si Marc kaya naman tiningnan niya ito ng masama.

"Why are you laughing?! Walang nakakatawa sa sinabi ko!"

"Nagpapakalasing ka dahil lang sa narinig mo? Ni hindi mo nga alam kung totoo nga ba ‘yon o pinapaako lang ang anak niya kay Gab."

"Stop looking at me like that! Yes, you may be right but I can't help it. I was so shocked after hearing that news."

"Ano pa ba ang narinig mo?"

"Sinabi niya na hindi niya anak ‘yon at imposibleng mangyari ‘yon."

"You don't trust your boyfriend?"

"Of course, I trust him."

"Kung may tiwala ka sa kanya, dapat naniwala ka sa kanya."

Naiinis na siya sa lalaki na katabi niya dahil lahat ng sinasabi nito ay tama o may katuturan. Pakiramdam niya, siya pa ang may mali kahit na wala siyang ginagawa.

"Stop talking! I don't want to talk about this matter anymore. Ubusin na lang natin ‘to para makauwi na ako."

"Ihahatid na kita pauwi."

"I have my own car."

"I'll drive for you."

"If you insist."

"I guess I shouldn’t be drinking with you, Jin. Magpakalunod ka na lang sa alak hanggang gusto mo at hahayaan lang kita."

"That’s great!"

Inubos ni Jin ang lahat ng binili niyang inumin kaya sobra siyang nahilo pero alam niya pa din ang ginagawa niya. Hinatid siya ni Marc papunta sa tinitirhan niya. Karga siya ni Marc sa likod nito dahil sa nahihilo siya at hindi niya na kaya pang maglakad. Pagdating nila sa tapat ng unit niya, napatigil si Marc.

"Gab.." mahinang sinabi ni Marc.

Nakasandal ang ulo ni Jin sa balikat ni Marc at nang marinig niya na binanggit ni Marc ang pangalan ni Gab, iniangat niya ang ulo niya at nakita niya doon si Gab na naghihintay pa din sa labas hanggang ngayon. Nagpanic na lang siya dahil hindi niya alam ang dapat na gawin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
292K 6.2K 56
Azalea Sage Pendelton everything she has is a blessing for her. But when cindy came back into her life. Everything was ruined she'll have nothing tha...
2.6M 17.3K 69
Ang lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Spa...
4.7M 112K 56
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- Ang kwento ng matalinong-pilosopo na si Miller! Kung gusto nyong malaman ang kwento ng l...