ALLY'S P.O.V.
"Good morning Mommy, Goodmorning Daddy!" Tapos hinalikan ko ang larawan ng magulang ko. Araw-araw ko iyon ginagawa. Ang kausapin sila kahit patay na sila.
Agad akong bumaba ng hagdan. Upang magtungo sa kusina. Kailangan ko kasing ipagluto ang Young Master ko ng almusal, baka kasi magalit na naman sa'kin.
Pakanta-kanta pa ako habang patungo sa kusina. Nang bigla siyang sumulpot kung saan.
"Whaahh!" Napasigaw ako sa pagkagulat. Pagkatapos mabilis kong tinakpan ang mata ko. Sabay talikod. "Oh, my sexy six packs abs." Bulong ko.
Makakita ka ba naman ng gwapo at may dalawang dimples sa pisngi na adonis. Ewan ko lang kung hindi ka makakatanggi. Nakatapis kasi si Frits ng towel sa lower body niya. Tapos naked 'yung upper body niya, sa itsura niya bagong ligo siya.
"Hey! Cinderella, ang aga mo yatang nagising?" Tanong niya sa'kin.
"A-Ahh—- Oo! Magluluto sana ako ng almusal mo." Sabi ko. Kinakausap ko siya ng nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko kasi siya kayang kausapin ng gano'n ang itsura niya.
"Psh! Hindi ka naman marunong magluto, Bakit ba ang layo mo?" Tapos lumapit sa'kin si Frits. Unti-unting kong nararamdaman ang paglapit niya dahil naamoy ko siya. My God! sobrang bango niya.
"Ang sarap niya sigurong pugpugin ng halik kapag ganyan ka bango." Sabi ko sa isip ko.
"Kumain na tayo nagluto na ako ng almusal natin. Pero dapat mamaya ikaw ang magluluto. Tandaan mo! Maid ka rito."
"Oo, tara na!" Umiwas ako sa kanya.
"Ally! " tawag niya sa'kin.
"B-Bakit?"
Muli siyang lumapit sa'kin. Tapos hinawakan ang balikat ko.
"Tumingin ka nga sa'kin. Bakit ba? nakapikit ka?"
"Paano ako titingin sa'yo nakahubad ka. Baka matukso ako ma-rape pa kita. Noo! ayokong makulong." Bulong ko.
"Ha? kasi napuwing ang dalawa kong mata! Kaya hindi ako makatingin sa'yo " Wehh, ang pangit ng palusot ko. Sana kumagat.
"Ows? Baka naman hindi mo lang kayang makakita ng machong katulad ko na nasa harapan mo." Inilapit pa niya ang bibig niya sa tenga ko. Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko sa katawan. "Kaya ba ayaw mong tingnan ako kasi natatakot kang matukso sa'kin. At ma-rape mo ako. Dont worry, Ally hindi ako papalag." Tapos inilayo niya ang katawan niya. At tumawa nang tumawa.
Dug.dug. dug. Napalunok ako. Grabe si Frits ang hilig paglaruan ang nararamdaman ko. Hu-hu-hu. Kung alam niya lang kung gaano kahirap ang tiisin ang six packs abs niya.
Sinikap kong idilat ang mata ko. Tapos saglit akong tumingin sa kanya.
"Hindi na ako kakain. Papasok na ako sa school " paalam ko sa kanya.
Pagkatapos mag-uumpisa na sana akong maglakad patungo sa kwarto ko nang bigla niya akong hilahin. Kainis! Ang hilig niyang manghila.
"Kumain muna tayo, nagluto ako ng almusal natin. Tapos hindi tayo kakain? sayang naman ang efforts ko." ani Frits.
Tiningnan ko siya. "Paano na naman ako makakain. Kung ganyan ang itsura mo. You're almost naked." Sa wakas nasabi ko na rin sa kanya.
Tinitigan iya ako. Tapos ngumiti siya sa'kin, "So, ibig sabihin sexy ako sa paningin mo? Macho ako at naakit ka sa'kin?"
"Oo na! Nakakaakit ka na! Kaya magbihis ka nga. Ayokong ma-rape kita. Ang sagwa!"sabi ko pa.
"Ha-ha-ha! Sinasabi ko na nga ba eh, pinagnanasahan mo ako. Pero sige, magbibihis na ako baka kasi hindi ka makakain ng maayos." kumindat pa siya sa'kin, Tapos umalis siya saglit para magbihis.
Tinanaw ko lang siya. "Ang yabang talaga! Sexy at seductive lang. Tapos may yummy six packs abs. Tapos may dalawang dimples at mapungay na mata." sabi ko.
Dug.dug.dug.
Hinawakan ko ang dibdib ko, Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko. Hindi mapagkakailang siya pa rin ang laman nito, pero iba na kasi ngayon. Hindi na ako katulad ng dati. Isa na akong MAID niya at siya ang Young Master ko. Mas lalong Ang hirap na niyang abutin.
"Let's eat!" Narinig kong sabi niya. Nakabalik na pala siya. Nakasuot na siya ng uniform ng Saint Paul International Academy. Mas matitingnan ko na siya ngayon.
Tumango ako sa kanya. Tapos sumunod na ako sa kanya.
"Ikaw ang lahat ng nagluto niyan?" Tanong ko sa kanya nang buksan niya lahat ng nakahain sa table. Fried ham, fried egg, java rice tapos may fried porkchop pa, may tinapay at nakahanda na rin ang kape. Lalagyan na lang ng mainit na tubig.
Tumango siya. "Siyempre ako ang nagluto ng lahat na 'yan alangan namang si Yaya Chedeng."
Inirapan ko siya. "Ang agang mambara ng abnormal na ito." Bulong ko.
"Oh!" Inabot niya sa'kin ang isang maliit na libro. "Basahin mo 'yan."
Binasa ko ang libro. Cookbook Recipes iyon, saglit kong binuklat iyon, naroon ang mga pagkain na palagi kong kinakain. Karamihan do'n ay lutong pinoy.
"Thanks!" Sabi ko.
"This is my last time na magluluto ako. Mamaya ikaw na ang magluluto ng pagkain natin, gawin mo na trabaho mo bilang maid."
"Opo, Young Master!"
"Good, kumain na tayo!"
Tahimik kaming kumain. Wala ni isang nagsalita sa'min dalawa. Ayoko rin namang mag-umpisang magsalita dahil ayokong mabara niya. Kaya natapos ang breakfast naming dalawa ng hindi nagkikibuan.
"Pasok na ako Young Master." Paalam ko sa kanya. Lumabas na ako ng gate nila upang maghintay ng taxi Or kahit anong pwedeng masasakyan palabas ng subdivision,
"Bakit iniwan mo ako? Tara na pumasok na tayo!" Hila niya sa kamay ko.
"Sige Young Master. Mauna na po kayo. Maghintay na lang ako ng taxi dito.
Sumimangot si Frits. "Walang taxi dito. Mamumuti ang mata mo sa kakahihintay ng masasakyan diyan."
"H-Ha? Gano'n ba?"
"Oo, kaya tara na! Sumakay ka na dahil wala kang choice."
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa school. Muli akong nagsalita upang mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ang pangit pala ng subdivision niyo. Hindi nagpapasok ng mga sasakyan. Paano na lang ang mga walang sasakyan dito?"
"Psh! Private subdivision kasi ito. Kung wala kang sasakyan wag ka nang tumira rito. Dahil bawal ang mga outsider. Dapat may wheels ka talaga kung gusto mong tumira rito. Mas safe nga eh, kasi if ever na may bisita ka. Kailangan pang itawag ng guard ng subdivision ang bisita mo sa'yo."
"Gano'n?" Napabuntong-hininga ako. Paano na ako papasok araw-araw kung walang sasakyan palabas. Haist!
"Mula ngayon, lagi na tayong magkasabay sa pagpasok at pauwi ng school." Ani Frits.
Napalingon ako sa kanya. "Sigurado ka ba?"
"Narinig mo naman ang sinabi ko di ba?" Inis na sabi ni Frits.
"Thank you! Napayakap tuloy ako sa sobrang tuwa sa kanya.
Inihinto ni Frits ang kotse. Napahinto ako. "Bakit anong problema?" Tanong ko.
Tinitigan niya ako. " Yakapin mo na ako ngayon. Dahil hindi mo na ako mayayakap mamaya kapag nagda-drive ako. Kaya yakapin mo na ako ngayon. Para naman makayakap din ako." Ani Frits. Habang nakatitig siya sa'kin.
Yumuko ako. Habang namumula ang mukha ko. Ayan naman ang drumer sa puso ko.
"Yakapin mo na ako." Ulit pa niya.
Na-carried away lang naman ako kanina. Paano ko siya yayakapin ngayon, kung yung mukha ko pulang- pula, yung kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas nakaka-bingi.
"H-Ha? Kailangan pa ba iyon?" Tanong ko.
"Hindi kita isasabay sa pagpasok sa school at pag-uwi kung hindi mo uulitin ang pagyakap sa'kin."
Ano ba 'yan! Ang hirap na yatang gawin iyon, bakit pa kasi ako napayakap sa kanya. Inangat ko ang ulo ko. Nakatingin pa rin sa'kin si Frits. Haist!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ibinuka ko ang kamay ko para yakapin ko siya. Dahan-dahan kong inilapit ang katawan ko sa kanya. Bago pa iyon. Sinalubong ako ng yakap ni Frits. Magkayakap na kaming dalawa.
"Ganito muna tayo ng ilang minuto, Ally, maaga pa naman." He said in a sexy tone.
Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung dibdib ko ba ang naririnig kong pagkabog. Sobrang lakas kasi. Ang sarap niyang yakapin ang lapad ng katawan ni Frits. Tapos napakabango. Hmm... hindi ko akalain na mangyayari pala ang ganitong eksena. Dati sa panaginip at imagination ko lang siya nayayakap, ngayon. ramdam na ramdam ko na ang malambot niyang kamay, ang malapad niyang dibdib at ang pabango niya at ang mabango niyang hininga. Hay! Sana ganito na lang kami palagi. Napapikit ako sa dibdib niya. Tapos mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Naramdaman ko na gano'n din siya. Nakaramdam tuloy ako ng tuwa.
"Ally..."
Inangat ko ang mukha ko. "Hmmm... "
"Can i kiss you?"
Napaangat ang mukha ko at tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa'kin.
Bumuntong-hininga si Frits. "Please!" Sabi pa niya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto kong sumagot ng Oo, pero paano ko gagawin iyon. Oh, my gosh! Yung nararadaman kong excitement daig ko pa ang pupunta ng planetang mars. Ang tangi ko lang nagawa ay ang titigan siya. Tapos nakita ko ang pagyuko niya at ang mukha ni Frits papalapit na sa'kin. Ang isang kamay ni Frits nakahawak sa chin ko. Tinitigan ko lang siya. Wala akong balak pigilan siya. Napapikit ako habang unti-unti lumalapit ang mukha niya sa'kin. Tapos naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko, he kiss me... Hindi lang basta smack kiss dahil hindi ako pumayag na hindi matikman ang labi niya torrid kiss iyon ang tamang tawag sa ginagawa naming dalawa.
Gano'n pala ang pakiramdam ng kiss ang natitikman mo pati saliva ng partner mo. Pero hindi naman nakakadiri. Gano'n pala ang pakiramdam. after thirty five seconds na halik namin. Pinaandar na ni Frits ang sasakyan niya. Bigla akong nahiya sa kanya. Baka isipin kasi ni Frits cheap ako.
Lumingon ako sa kanya,
"Ally , hindi ko pinagsisihan na hinalikan kita. Ginusto ko iyon. At kung may pagkakataon. Hindi ako magda-dalawang isip na gawin Ulit iyon."
Tumingin ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa mga sinabi niya.
"Okay!" Iyon lang nasabi ko.
"Ally, wag ka nang lalapit pa sa ibang mga lalaki. Umiwas ka sa kanila lalo na kay Zyrus."
"Bakit naman?" Tanong ko.
Gustong kong sabihin na nagseselos siya. Kaya lang baka joke na naman sa kanya.
"Dahil nagseselos ako."
"Bakit?" Sabi ko ulit
Ano ba 'yan Ally, 'yan na lang ba ang sasabihin mo puro BAKIT? Wala ka na bang ibang sasabihin, sabi ko sa sarili ko.
"I think, I'm falling in love with you."
Bigla na lang parang may sumabong na fireworks sa langit.