TBS#1: The Billionaire's Obse...

By SushiLoves

9.7M 162K 6.9K

Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the coun... More

The Billionaire's Obsession
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
PLEASE READ THIS
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
About Chapter Forty Six
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
THE FINAL CHAPTER
EPILOGUE 1.0
EPILOGUE 2.0
ABOUT THE ENDING
Special Chapter #1 Grieving Process: Denial
Special Chapter #2 Grieving Process: Anger
Special Chapter #3 Grieving Process: Bargaining
Special Chapter #4 Grieving Process: Depression
Special Chapter #5 Grieving Process: Acceptance

Chapter Seven

187K 3.2K 41
By SushiLoves


*Samuel's GirlfriendTheir Father*










HUMAHANGOS na lumapit si Timothy sa information desk ng isang company building. He is so excited to see Abigale Marie.

“Where is Abigale Marie Dela Cruz?” kaagad niyang tanong sa babae na nasa information desk.

Nagulat ang babaeng naroon. Naibaba nito ang hawak na telepono.

“S-sir, can you wait for a minute.” pakiusap nito. Itinuro nito ang waiting area. “You can sit there sir. We are so busy right—” naputol ang kung anumang sasabihin ng babae ng hampasin niya ang desk.

“I can't wait!” inis na bulyaw niya rito. “Just tell me what floor she's working. Ako ng bahala!” gigil niya pang sabi rito.

Tsk! He can't fucking wait for Godsake!

Hindi ba siya kilala ng babaeng ito? He is Timothy Vidales, and no one dare to make him wait. Especially in this situation. It's urgent and waiting will just make him angry.

“A...Ahh... a-ano po bang kailangan niyo kay Ms. Abby?” nanginginig ang boses ng babae.

“I need to see her now!” singhal niya rito.

Bakit ba napakarami pa nitong tanong. Can she just fucking give him what he wants? She just going to tell him where the hell Abigale Marie is.

“Sir hindi po kasi pwedeng basta-bastang—”

Fuck!

“JUST TELL ME WHERE THE F*CK SHE IS?!” bulyaw niya sa babae.

Hindi niya na napigilan ang sarili. He wants to see her now. Ang simple lang naman ng tanong niya. Bakit ba napakarami pa nitong dinadakdak.

Nahintakutan ang hitsura ng babae sa ginawa niya.

“Security!” sigaw naman ng isa sa empleyado.

Napahinga siya ng malalim. Fuck! Naiinis na talaga siya.

They are getting the people's attention. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa gigil. They are really making him angry.

Naalarma ang mga security guard ng building. Lalapitan  sana siya ng mga ito pero kaagad siyang pinalibutan ng mga escort niya. Kabilang na rin ang butler niyang si Yiorgos.

“Young master, please calm down. Let me ask her.” wika ni Yiorgos.

Napaigting ang panga ni Timothy pero pinilit niyang huminahon at tumabi. Sa kalagayan niya ngayon mas mabuti nga kung si Yiorgos na muna ang kakausap rito. Baka kung ano lang ang masabi niya sa babaeng iyan.

“Miss, we need to see her badly. Please tell us where she is.” mahinahong pakiusap ni Yiorgos.

Binigyan ito ni Yiorgos ng isang ngiti na nakakapang-akit. Napairap siya ng makitang namula ang magkabilang pisngi ng babae. Yiorgos and his charming smile.

Well, Yiorgos is only 30 years old. Makarisma ang butler niya at talagang lapitin ng babae. Pero hindi ito ang tipo ng tao na madaling maapektuhan. Kailangan nitong mag-focus sa trabaho. Iyon ay protektahan at sundin ang lahat ng iuutos niya. Hindi naman ipinagbabawal sa butler niya ang umibig at mag-asawa. Siguro ay hindi pa gusto ni Yiorgos ang lumagay sa tahimik. Saka halos sampung taon na mula noong huli itong makipag-date. Hindi na nasundan iyon. Kahit naiwan niya ito rito sa Pilipinas.

Mukhang nadala ang babae sa mga ngiti ni Yiorgos. Magsasalita na sana ito ng may biglang nagsalita. 

“What's happening here?” ani ng isang baritonong boses na kasalukuyang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.

Sa una ay hindi ito nakilala ni Timothy pero nang tanggalin nito ang shades na suot ay mas lumalim ang pagkakunot ng noo niya.

“Samuel Lim...” pabulong niyang banggit sa pangalan nito.

He clearly remembered this guy.

Ito lang naman ang walanghiyang manliligaw noon ni Abigale Marie. Kahit na alam nitong sa kanya na si Abigale Marie noon ay palagi pa rin itong nanggugulo.

“Long time no see, Vidales. Kamusta ka na?” lumapit sa kanya si Samuel at umakbay.

Inis na tinanggal niya iyon.

“Don't touch me asshole!” singhal niya rito.

He's still the same. The same annoying Lim.

Samuel grinned, “Asar-talo ka pa rin, Vidales. Hindi ka pa rin nagbabago.” natatawang sabi nito.

He glared at him. Feeling close talaga ang bwiset na 'to. Pinapainit nito ang ulo niya.

“By the way, what are you doing here my friend?”

F*ck! He's really getting to his nerves. Ang kapal ng mukha nitong tawagin siyang my friend. Never niyang magiging kaibigan ang unggoy na 'to. Itaga niyo 'yan sa bato.

“I'm not your friend!” singhal niya na naman rito. “Where is Abigale Marie?”

Medyo nagulat ito sa nadinig ngunit kaagad ding nakabawi. Umiling ito ng saglit saka ngumisi.

He frowned, he already know that kind of face. Alam niyang may hinala na ito kung bakit siya narito. Samuel is the next owner of this fucking company. Imposibleng hindi nito alam na dito nagtra-trabaho si Abigale.

“Bakit mo hinahanap ang girlfriend ko?” maangas na tanong nito sa kanya.

His eyes dilated from what he heard. Timothy's waiting for Samuel to tell him that was a joke but he only look at him seriously.

“ANONG SABI MO?!!!” sinugod niya si Samuel at kinuwelyuhan.

But Samuel didn't flinch away. He smirks at him.

“Sabi ko, bakit mo hinahanap ang girlfriend ko?” nang-aasar na pag-ulit nito.

Mas humigpit ang pagkaka-kwelyo niya rito. Halos gusto niya na itong sakalin gamit ang dalawa niyang kamay. Umaasa siyang sasabihin nito na nagbibiro lamang ito pero wala siyang nadinig. Sa halip ay pinamukha sa kanya nito ang naging pagkukulang niya.

“Bakit ano bang inaasahan mo, Vidales? Na hihintayin ka niya? Iniwan mo siya, ni hindi mo nga siya hinabol ng  umalis siya sa inyo. At sa loob ng anim na taon ay hindi ka nag-abalang hanapin o kausapin man lang siya.” seryosong sabi nito sa kanya.

Padaskol na binitiwan niya ito. He hates the idea that Samuel is right.

“Naka moved on na sa'yo si Abby. Masaya na siya ngayon sa piling ko.”

He gritted his teeth. Gustong-gusto niya ng saktan ang lalakeng ito ngayon. Pero paano kung totoo ang sinasabi nitong kasintahan ito ni Abigale Marie? Baka kamuhian siya ng dating kasintahan kung sasaktan niya ang unggoy na ito.

“Kukuhanin ko siya sa'yo, Samuel Lim. Akin lang si Abigale Marie. I'll make her mine again.” mapanganib na sabi niya rito.

Nilingon niya si Yiorgos. Hindi ito ang tamang lugar sa muli nilang pagtatagpo ni Abigale Marie. May address naman siya ng tirahan nito. Mas maganda siguro kung doon niya na lamang ito hintayin. Teritoryo ito ni Samuel Lim.

“We're not done yet, asshole.” aniya saka ito tinalikuran.

Mas mabuti kung aalis na muna siya. Hindi niya gustong makita siya ni Abigale Marie na ganito ang hitsura.

Humanda talaga ang Samuel na iyan. He won't going to be easy on him. Kung kailangan niyang pabagsakin ang kompanyang ito ay hindi siya mangingimi na gawin iyon.















TAHIMIK na pinagmamasdan ni Abigale ang kanyang dalawang anak. Magmula ng makauwi sila ay wala pa sa kanila ang umimik. Tahimik lang ang mga ito na nakaupo sa sofa.

Napabuntong hininga siya. Nakakaramdam siya ng awa para sa mga bata pero ano bang magagawa niya? Hindi naman nagpaparamdam ang ama ng mga ito. Ilang beses na siyang nag-send ng e-mail kay Timothy nung mga nakaraang taon, pero hindi nito sinasagot. Masyado namang malayo ang Greece upang puntahan niya para lang makausap ito.

“Come here babies ko,” malambing na tawag niya sa mga ito.

Kaagad namang lumapit ang dalawa at yumakap sa kanya. Malungkot talaga ang mga hitsura nito.

“Mommy, ayaw sa amin ng daddy namin tapos ayaw din sa amin ni mister daddy. Bad ba kami kaya ayaw ni Papa God na magka-daddy kami?” naluluhang tanong ni Damon sa kanya.

Mas humigpit ang pagyakap niya sa dalawa.

Ito na ba ang tamang panahon na dalhin niya sa Greece ang mga bata? Pero paano kung paalisin lang siya nito at itatwa ang kanilang mga anak?

Ilang taon rin niyang sinubukan itong maabot gamit ang e-mails. Pero wala namang sagot ang binata kahit ni isa. Ni 'Hi' o 'Hoy' ay hindi man lang nito nagawa. Baka tuluyan na siya nitong kinalimutan.

Paano kung mayroon nang sariling pamilya roon si Timothy? Ang nais ng dalawang ito ay magkaroon lamang ng ama.

“Daddy...” mahinang sambit ni Damien.

Nang balingan niya ito ay tahimik itong umiiyak sa bisig niya. Nanikip ang dibdib niya sa paraan ng pag-iyak nito. Sobra siguro itong nasasaktan ngayon.

“Mommy I want to see my daddy, please.” hiling ni Damien.

Sa limang taon na nakasama niya ito ay mabibilang niya lang sa daliri ang mga sinasalita nito. Hindi ito madalas magtanong o magsalita tungkol sa ama.

“I'm sorry baby kung hindi pa natin makakasama si daddy. Pero promise ni mommy hahanapin ko si daddy niyo. One day, makikita at mayayakap niyo rin siya.” she assured them.

The twin nodded and hug her tighter. Ang mga anak niya na lang ang napapasaya sa kanya ngayon. Kaya ang makitang nasasaktan sila ay parang sinasaksak siya ng patalim ng paulit-ulit.

She's willing to do anything just to make them happy. Bahala na kung anong kahinatnan pero kailangan niya nang hanapin at kausapin si Timothy.

Aayusin niya na muna siguro ang visa ng mga bata. May natabi naman siyang pera. Iyon na lamang siguro ang gagamitin niya upang ipang-biyahe nilang mag-iina papunta sa Greece.

Buong-buo na ang loob niya ngayon. Sana lang ay tanggapin ni Timothy ang mga anak nila.

Hinalik-halikan niya ang kambal. Natuwa siya ng yakapin siya ng mga ito at halikan sa magkabilang pisngi.

“I love you mommy.” magkasabay na wika ng mga ito.

“I love you too, my handsome babies.”

Hindi maipagkakailan na namana nang mga ito ang kagwapuhan ng ama nila. Hawig na hawig kasi sila kay Timothy. Nakuha ng mga ito ang kulay ng buhok at mata ng ama.

Masaya siya na kamukha ng mga ito ang ama. Hindi man sila nagkatuluyan ay may naiwan naman sa kanyang tanda na minsan sila ay nagmahalan.

“Ah, Ma'am Abby.” napabaling si Abigale sa yaya ng kanyang mga anak. Hawak nito ang cellphone na tila may kausap roon. “Pinapatanong po ni Ma'am Louisa kung ano po ang gusto niyong ipabili para sa merienda? Magte take-out na lang daw sila ni Sir Troy pagkauwi mamaya.”

“What do you want for merienda?” baling niya sa mga anak.

Sumiksik pa sa kanya si Damien at mas yumakap.

“I'm full mommy. Mister daddy fed me earlier.” sabi ng kanyang anak.

“Pa baby siya mommy.” singit naman ni Damon na nakanguso pa.

Mahina tuloy siyang natawa. Hindi kasi nito gusto kapag nagpapa baby si Damien. Big boys na daw kasi sila.

“How about you? Busog ka rin ba Damon?” baling niya naman rito.

“Opo mommy.” patango tango pa na sagot nito.

Binalikan niya naman si yaya Angie na naghihintay sa isang tabi. Mukhang kausap pa rin nito si Louisa sa kabilang linya.

“Busog pa ang kambal yaya. Si Ice na lang ang pabilhan mo.”

“Sige po ma'am. Babalikan ko na po si Ice sa kabila.” paalam nito at umalis na.

Muli niyang itinuon ang pansin sa kanyang mga anak. Hinalik-halikan niya muli ang mga ito at kiniliti.

Napuno ng tili at halakhak ang unit nila.

Namiss niya ang dalawang ito. Ilang araw din siyang naging abala sa trabaho. Mabuti na lang at pinayagan na siyang makapag day off. Makakapag pahinga na rin siya at makakasama niya pa ng matagal-tagal ang dalawang ito.

Nagkwento ang dalawa tungkol sa mga nangyari sa pagpasok nila sa eskwelahan at ang tungkol sa mister daddy nila. Kita niya sa mga mata nito ang saya habang nagkukwento.

Na curious tuloy siya. Ano kayang klaseng tao ang mister daddy na kinahuhumalingan ng mga anak niya? Mabait kaya iyon?

Siguro naman ay hindi na magkikita pa ang lalakeng iyon at ang mga anak niya. Nagkataon lang siguro na nagkita ang mga ito ng dalawang beses. Makakalimutan rin siguro agad ng mga anak niya ang taong iyon.

Nasa kasarapan sila ng pagkukwentuhan ng biglang tumunog ang doorbell. Kumalas si Abigale sa pagyakap sa dalawa.

“Stay here. Titignan lang ni mommy kung sino ang tao sa labas, okay?” bilin niya sa mga ito saka tumayo at inayos ang suot ng damit.

Tumango ang dalawa at umayos ng upo sa mahabang sofa.

“Turn on the TV Dee.” rinig niya pang utos ni Damon sa kakambal nito.

Nang makarating siya sa pinto ay kaagad niya itong binuksan. Muli na naman kasing nag doorbell ang nasa likod ng pinto.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita kung sino ang naroon. Natulos siya sa kinatatayuan at hindi makapagsalita.

Hindi niya inaasahan ang bisita niyang ito.



●—●—●

Ano kaya ang balak ni Samuel Lim? Bakit sinabi niya kay Timothy na kasintahan niya si Abigale?

At sino kaya ang taong nasa pinto ng condo unit ni Abigale?

VOTE AND COMMENT... 😄😄😄

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 76.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
319K 5.1K 23
Dice and Madisson
156K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...