CHAPTER THIRTY SIX

96.4K 1.7K 62
                                    

Happy new year everyone! Putukan na! Hahaha xD 🎇🎉🎊🎆📣🚨






Ikatatlupu't anim na Kabanata
Post-Traumatic Stress Disorder



PAGKABABA ni Timothy sa kanyang kotse ay kaagad siyang nilapitan ng isa sa kanilang maid. May takot sa mukha nito.

"Prince Timothy!"

"May problema ba?" tanong niya rito.

"Si Lady Abigale po. Nagwawala po sa kwarto ninyo."

Walang sabi-sabing tinakbo niya ang daan patungo sa kanilang kwarto.

Bakit siya nagwawala? Anong nangyari habang wala siya?

Pagkarating niya sa kwarto nila ay naabutan niya ang mga anak na nag-iiyakan sa tapat ng banyo.

"F*ckshit!"

Nilapitan niya kaagad si Demon at binuhat ito. Lumapit rin sa kanya si Damon at yumakap sa beywang niya.

"Daddy si mommy po nag-cry tapos nagsigaw-sigaw. Nasugatan po siya daddy sa paa." pahikbi-hikbing sumbong nito.

Habang ang kambal nito ay palahaw ang pag-iyak.

"Mommy! Waaaahhhh!"

Kinatok niya ang pinto ng banyo.

"Agapí mou! Open this door!" pakiusap niya kay Abigale.

Mukhang inatake na naman ng anxiety attack si Abigale. Bakit ngayon pa nangyayari ito kung kailan muli silang magkaka-anak. Makakasama ito sa batang nasa loob nito.

"Hindi! Hindi niyo na kami masasaktan ng baby ko! Timothy! Timothy tulungan mo kami!" napakunot ang noo niya sa sinabi ni Abigale.

Hindi ba siya nito makilala. Ganito ba talaga ang epekto ng anxiety attack kay Abigale? Anxiety attack pa ba ito o trauma na?

"Daddy sino ba ang maghu-hurt kay mommy?" inosenteng tanong ng anak niya?

Sino nga ba? Bakit nga ba inatake na naman siya?

"Daddy I'm scared! The bad man might go back here and hurt us." wika ni Demon at mahigpit na yumakap sa kanya.

'Yung bad guy? Wala ng bad guy na mananakit sa kanila. Nakuha niya na si Kuguro. Unless may iba na may gustong manakit sa mag-iina niya. Sa loob ng kanilang tahanan.

Si Rio lang ang pwedeng magka-motibo.

May isa pa pala. Ang Sigmund na iyon.

Pinunasan niya ang luha ng anak.

"No bad guys, okay?" paninigurado niya rito.

Humanda sa kanya ang may gawa nito.

Muli niyang kinatok ang pinto at pinakiusapan si Abigale na nasa loob ng banyo.

"Abigale Marie, ako 'to si Timothy. Sweetie please open the door."

Sumagot ng katok si Abigale.

"Timothy! Timothy! Tulungan mo ako!"

Blanko ang utak nito kaya hindi nito mabuksan sa loob ang pinto. Panay rin ang katok nito sa loob.

"Timothy! Dalian mo. Nandiyan na siya!"

Nanikip ang dibdib niya sa panaghoy ni Abigale.

Hindi na tama ito. Hindi dapat nararanasan ni Abigale ang lahat ng ito.

"Ang duplicate key?" tanong niya sa maid.

Dali-daling umalis iyon para kunin ang duplicate key na hinihingi niya. Humihikbi-hikbing gumalaw si Demon at parang may hinahanap ito sa bulsa.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now