CHAPTER FORTY ONE

90.1K 1.7K 143
                                    

Ayun naman pala! Dami naman palang readers. Kailangan pa talagang may ganung scene bago kayo maglabasan. Hahaha xD

Oh ito na. Para matahimik na ang mga puso niyong galit. Sorry sa mga na-highblood. Hihihi xD!

Dapat kanina pa 'tong 8 pm kaso ang author niyo nag-multi-tasking... binaback-read ko ang chapter na 'to habang tinetext ang Babe ko habang nagluluto. Oh di ba? Hindi ko na alam ang uunahin ko.

Not edited. Expect wrong grammar and mispellings.







Ikaapatnapu't isang Kabanata
His Dirty hands


NAALIMPUNGTAN si Abigale sa pagtulog ng maramdaman niyang sobrang lamig na ng buong kwarto. Napalakas siguro ang aircon. Hininaan niya ang aircon matapos iyon ay nagbanyo siya upang umihi.

Nang makalabas sa banyo ay inilibot niya ang tingin sa buong kwarto. Napabuntong-hininga siya ng maalala ang away nila ni Timothy.

Saan naman kaya natulog 'yun? Talagang sinunod siya nitong h'wag munang pumasok sa kwarto nila.

Bakit naman kasi napaka-iritable niya at madalas mainis. May point naman si Timothy kaya ito nagalit.

Siguro kailangan niya ng makipag-ayos kay Tim. Nag-aalala pati siya. Baka kung saan na natulog 'yon.

Lumabas siya ng kwarto nila at bumaba. Sinilip niya ito sa sala pero wala ito doon. Sa kwarto kaya ng kambal? Baka nakitulog ito sa mga anak nila.

Bago siya umakyat ay pumunta muna siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagdala na rin siya ng isa pang baso. Baka sakaling mauhaw si Timothy, para hindi na sila bumaba kung sakali.

Nang makarating siya sa kwarto ng kambal ay wala rin ito roon.

Haaayy... ibig sabihin ba nito ay iisa-iisahin niya ang iba pang mga kwarto at guest room? Sa dami nun. Baka bukas pa niya makita si Timothy.

"Mommy..."

Napatingin siya sa anak na si Damon. Nananaginip siguro ito kaya tinawag siya nito.

Nilapitan niya muna ang anak. Inilapag niya ang isang basong tubig sa side table. Maingat niyang iniaayos ang lumilis na kumot ng anak.

Nang may mapansin siyang isang kumikinang na bagay sa kinahihigaan nito.

Ang mga duplicate keys.

Nagtatakhang kinuha niya ito? Paano napunta ito sa mga bata? Psh, siguro kinuha na naman ito ni Damon ng hindi nagpapaalam.

Kinuha niya ang duplicate keys at nilagay sa bulsa ng pajama top na suot niya. Kinuha niya ang tubig at lumabas na sa kwartong iyon.

Haaay... bahala na nga si Timothy. Mapapagod lang siya sa kung hahanapin niya pa kung saang kwarto ito natulog. Mas maganda kung matutulog na lang siya. Medyo sumasakit pa naman ang puson niya.
Pabalik na sana siya sa kwarto ng makarinig siya ng ungol. Napakunot ang noo niya. Ayaw niya na sanang pansinin ang ungol na iyon pero hindi siya mapalagay.

Sinundan niya ang pinanggagalingan ng ungol na iyon. Hanggang sa dalhin siya nito sa tapat ng library.

Maid at servants ba ang may gawa ng ingay na iyon? Hindi ba ng mga ito na alam na bawal iyong gawin sa mga silid dito sa itaas. May mga sarili naman silang kwarto sa ibaba.

"T-Tiiiimmmmm...uuuggggghhhhhh!!!"

Nanigas si Abigale sa kanyang kinatatayuan.

Tama ba siya ng rinig? At tama ba ang iniisip niyang kay Rio ang boses ng babaeng umuungol na iyon?

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now