CHAPTER SIXTEEN

191K 2.9K 99
                                    

Sorry if na-late ang update. Nagka-emergency lang. Too many wrong typos and grammar. Not edited.










Ikalabing Anim Na Kabanata
He Knows




IBINAGSAK ni Abigale ang hapo na niyang katawan sa sofa pagkauwi nila ni Timothy. Sobra siyang napagod sa mga nangyari sa gabing ito.

"Such a horrible night!" wika niya. Umupo sa natitirang space ng sofa si Timothy para alisin ang sapatos niya. "Kawawa naman ang mga kaibigan ko."

Naawa talaga siya sa mga kaibigan. Unang-una para kay Louisa. Siguradong gugulohin ng media ang tahimik na buhay ng kanyang kaibihan. Lalo na't nagsimula ang gulo dahil sa kanya at kay Ms. Sylvia. Nasa rurok ng tagumpay ang loveteam ni Troy at Kylie ngayon. Siguradong maaapektuhan siya ng sobra rito.

Idagdag pa ang muling pagkikita nito at ni Darylle. Paano na si Ice? Ipapaalam ba ni Louisa na buhay pa ang anak nilang sinabi nito noon na pinalaglag niya.

Tapos si Sierra. Paniguradong alam na ni Sebastian na may relasyon si Sierra kay Vaughn na boss nito. Ano nang mangyayari sa kawawa niyang mga kaibigan ngayon?

"Those to much for this night..." sabi ni Timothy. Tumayo ito at nagulat si Abigale ng buhatin siya nito. Bridal style. "I'm tired. Let's go to sleep." inaantok nitong wika at naglakad na papunta sa kwarto niya habang buhat siya.

"Ano ba! Magtatabi na naman ba tayo?" asik niya bago pa man sila makapasok sa kwarto niya.

Huminto si Timothy.

"Ofcourse, don't you like it?"

Syempre gusto. Pero sa isip niya lang sinabi ang sagot niya sa tanong nito.

"May isa pa namang room," tinuro niya ang dating kwarto ng kambal. "Diyan ka na lang."

Natigilan si Timothy na waring may kung anong inaalala. Nagtaka naman si Abigale kung ano ang iniisip nito.

"I just remember, why there's a children's toys and clothes in there?" tanong nito na nagpakabog ng labis sa sa kanyang dibdib.

May natirang gamit ang kambal? wika niya sa isip. And then she realized it. Nagtira pala siya ng mga gamit ng kambal na hindi naman nito masyadong nagagamit. Buong akala niya ay nailipat niya ang lahat sa unit ni Louisa.

Napatingin siya kay Timothy na naghihintay ng sagot niya. Umiwas kaagad siya ng tingin.

Lagot!

"A...Ahhh... ano kasi...." hindi siya makaisip ng ipapalusot. Pakshet naman! Ang hirap maipit sa ganitong sitwasyon. "Sa anak 'yan ng kaibigan ko." iyon ang lumabas sa bibig niya. Hindi man lang niya pinag-isipan basta na lang niyang nasabi.

"And who is she? Is it Louisa? or Sierra?" parang binunutan siya ng tinik sa dibdib. Ligtas pa ang kambal niya.

Pero alam ba ni Timothy na may anak si Louisa?

"Si Sierra!" sagot niya.

Si Sierra ang pinakaligtas isagot sa pagkakataong ito. Alam nitong asawa ni Sebastian ang kaibigan niya. Malamang alam niyang may anak na ang mga ito.

"She stayed here with the twins?"

"Oo, nag-stay sila dito dati nung mag-away sila ni Sebastian." it's true. Nag-stay rito si Sierra pero hindi nito sinama ang mga anak. Hindi pinasama ni Sebastian ang mga anak nila. "Teka paano mo nalaman na may anak sila?"

"Darylle told me about that." naglakad na si Timothy papasok sa kwarto niya. Marahan siya nitong inilapag sa kama ng marating nila iyon. "Namumutla ka? Is there any problem agapí mou? May masakit ba sa'yo?" bakas ang pag-aalala sa tono nito.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon