CHAPTER THIRTY EIGHT

108K 2.1K 122
                                    

READ THIS BEFORE YOU CONTINUE READING THE CHAPTER.

Nagawa ko na ang full conversation hanggang sa dulo. Na-satisfy naman ako. At sure na ikasa-satisfy niyo rin iyon. But sad to say hanggang 50 chapters na lang talaga ito. 14 more chapters including Epilogue 1.0 and Epilogue 2.0. Yes! We have two Epilogues. One happy ending and one tragic new beginning. It's a warning for those who unlike tragic stories.

Excited na akong gawin 'yung mga story ng anak ni Tim and Abby. Especially 'yung kay Damon. May chapter five na akong nakahanda para sa story niya. Pero hindi ko pa siya pwedeng i-publish.

HULAAN NIYO MUNA KUNG ILAN ANG MAGIGING ANAK NILA ABIGALE AT TIMOTHY? AT KUNG ANU-ANO ANG GENDER NILA?

Actually nailagay ko na dito sa wattpad kung ilan sila. At ang mga titles ng story nila. Hanapin niyo na lang kung saan hahaha xD. THRILL!!!!

Ohcakes! Enjoy reading. Vote and Comment para sa ikasasaya ni author.















Ikatatlumpu't walong Kabanata
The real enemy



NAKATULALA si Abigale habang nagpapahangin sa rooftop. Ilang araw na siyang naka-confine rito sa hospital. Hindi pa siya pwedeng makalabas sabi ng doctor. Mas maganda kung mananatili muna siya rito dahil humihina ang kapit ng kambal sa kanyang sinapupunan.

Oo tama kayo ng basa. Kambal muli ang magiging anak nila. Sobrang saya ni Timothy ng malaman ito noong nakaraang araw. Proud na proud ito sa sarili. Paano ba namang hindi? Aba't makaka-apat na siya sa magiging pangalawang anak nila.

Hinawakan ni Abigale ang tiyan niyang may maliit na umbok. Hindi pa nila alam ang gender ng mga ito. Wala pa kasing five months ang kambal sa sinapupunan niya. Mag-dadalawang buwan pa nga lang ito eh.

"Agapí mou? Okay ka na ba?"

Napalingon siya sa kanyang likuran. Narito na pala si Timothy. Nakita niya kaagad ang ang hawak nitong paperbag. Pangalan pa lang ng restaurant ang nababasa niya ay nanunubig na kaagad ang bagang niya.

"I'm fine. Napaluto mo ba 'yung gusto ko?" tanong niya rito.

Ngumiti si Timothy ng malawak. "Yep. Creamy mushroom soup and Carnonara for my love."

Her eyes twinkled in happiness. Inutusan niya kay Timothy na magpaluto ito sa Deluxé ng carbonara at creamy mushroom soup. Kahit na puro greek cuisines ang niluluto roon.

Naupo si Tim sa tabi niya saka nito nilabas ang laman ng paperbag. Excited na siyang matikman ang carbonara at creamy mushroom na paborito niya.

Salamat naman. Hindi na puro pagkain sa hospital na ito ang matitikman niya. Sawang-sawa na siya sa mga ito.

"Here." inabot sa kanya ni Timothy ang plastic spoon at ang carbonara na binuksan nito.

Kaagad siyang sumalok roon at tinikman ito.

As the taste of it spread to her tongue. It's like she's floating in heaven. Oh god! Sa wakas nakakain din siya ng masarap.

Ang sarap-sarap!

Sumubo pa siya ng isa. At isa pa. Sabik na sabik siya sa pagkain.

"Hey may creamy mushroom pa dito. Gusto mo pa ba 'to?" tanong sa kanya ni Tim.

Tumango siya. She gestured him to feed her. Nakangiti itong pinagbigyan ang kahilingan niya. Nagpasubo pa siya rito hanggang sa maubos niya ang creamy mushroom at carbonara.

Grabe! Heaven ang lasa ng mga pagkaing iyon sa kanya.

"Solve na?" tanong ni Timothy sa kanya. Tumango siya at yumakap rito.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon