CHAPTER TWENTY

172K 2.7K 283
                                    

Sorry kung sobrang late na ng update. Naging busy lang ako. Enjoy reading.













Ikadalawampung Kabanata
Ruined Plan

"YOUNG MASTERS, it's time to bed. Let's go to your room upstair."

Sabay na nilingon ng kambal ang butler na si Yiorgos. Matapos ang sandaling pakikipag-usap at pakikipagyakapan nila sa kanilang ama kanina ay kinailangan na nilang muling bumalik sa kwarto nila.

Ngunit dahil dakilang makulit itong si Damon at palasama namang ang kambal niyang si Demon ay heto sila sa tabi ng pinto. Sinisilip ang mga nakatatanda at ang magulang nila na naghahapunan, mula sa maliit na salamin sa ilalim ng pinto ng dining area.

Binabantayan naman sila ni Yiorgos. At nasabihan niya rin ang mga katulong sa loob ng dining na magdahan-dahan sa pagbukas ng pintuan. Dahil baka masaktan ang kambal kapag binigla ang pagbukas.

"Mister, give us five minutes more. Malapit na matapos sila mommy and daddy. Isusurprise namin sila." wika ni Damon na parang nagniningning pa ang mata sa kanyang naisip.

Umiling si Yiorgos.

"It's too late for the both of you to stay awake. Let's go to your room." inalalayan niyang makatayo ang kambal. Ipinagpagpag niya rin ng damit ang mga ito.

"Thank you." pasasalamat ni Demon. Yiorgos smiled to him.

He reminds him a lot of Abigale when she was still young. A very quite one. It's so very rare to saw her smile when she was little. Like this little lad infront of him. A boy with a few words.

"Can we play pa sa room namin? Hindi ko pa tapos i-play yung new robot ko. Bigay 'yon ni dad."

The opposite version of Abigale. And the exact version of his master, Timothy, is this another little lad. A very noisy and the one who whines a lot, Damon.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng mga ito at iginiya niya na paitaas.

"Akala ko maganda magtira sa big house, pangit pala. Ang haba tas ang laki ng hagdan. Kakapagod!" angal ni Damon habang umaakyat sila sa hagdan. Lihim na napangiti si Yiorgos.

"I'd rather live to mom's condo unit than here. It's a very huge house? Is this really a mansion?" at nakiangal rin si Demon.

Mukhang nawala na nga ang pagka-excite ng mga ito na tumira sa malaking bahay.

"The house was renovated. The Vidales still calling this a mansion but we, the servants, call it the residential palace."

Tumango si Demon.

"Palasyo naman talaga 'to e! Tignan mo ang laki-laki masakit sa ulo. Tapos may mahaba pang ilaw doon sa taas. Ano bang tawag doon? Bumbilya?" angal na naman ni Damon na ang tinutukay ang ang mahaba at malaking chandelier sa sala.

"That's chandelier, young master." natatawang sambit ni Yiorgos.

Ang kulit talaga ng batang 'to.

Hindi naubusan ng napansin si Damon habang binabaybay nila ang nadadaanang nilang lugar patungo sa kwarto. Pati ang carpet at paintings ay hindi nito pinalagpas.

Nang makarating sila sa kwarto ay kaagad na nagtungo ang kambal sa mga laruan nila. The whole room was carpeted. Their room is two large guest room that was renovated and made as a child's room. Perfectly for a twin. Si Timothy na lang ang nag-paayos ng designs ng malaman niyang may anak pala sila ni Abigale. Their room was painted in blue. Cars at rocket ang naging desenyo nito.

May mini-playroom narin sa kwarto nila. But Timothy decided to have another playroom for his boys. Located infront of their room.

"Espadahan tayo Dee!" maligalig na wika ni Damon at dinampot ang laruang espada.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon