Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Epilogue

1.9M 48.5K 17.5K
By iDangs

Ayu's Point of View


Graduation Day...

This is it. Gagraduate na kami. Alam mo 'yung pakiramdam na ang saya saya mo pero at the same time ang lungkot lungkot din. Ganum kasi ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions kumbaga.

"And now, let's call on this year's class valedictorian to give us his graduation speech. Mr. Kenneth Yu." Nagpalakpakan ang mga tao at syempre kasama ako sa mga pumapalakpak. Proud girlfriend ata 'to.

Tumayo na siya sa upuan niya na katabi ko lang since ako ang class salutotorian.

"Go, Ken," sabi ko pa sa kanya bago siya umakyat ng stage.

Inayos niya muna ang mic at saka ngumiti sa lahat. "Good evening, everyone. Bago ko 'to simulan, babalaan ko na kayo. Hindi ako magaling sa mga speech na ganito. Mas gusto kong nagsusulat o nagbabasa kaysa nagsasalita ng ganto sa harap ng maraming tao. Pero dahil sa ito ang unang beses kong gagawin ang bagay na 'to, hayaan niyo na akong magsalita ng medyo mahaba. Hindi ko alam kung mababagot kayo pero kung mabagot man kayo, 'wag niyo na lang ipahalata, please. Medyo nakakatense kasi." Nagtawanan ang mga tao sa loob ng hall. Nagawa pa kasing magpatawa nitong si Ken.

"Ano ba ang dapat sinasabi kapag graduation speech? Hindi ko rin kasi alam. Ang alam ko lang sa ngayon, dalawa lang ang nararamdaman ko. Masaya at malungkot. Masaya kasi ito na. Gagraduate na tayo. Apat na taon din tayong naghirap. Apat na taon tayong nag-aral at ngayon, ayan na. Ito na. Ito na ang bunga ng pinaghirapan natin. Kumabaga sa games, level completed na tayo at paakyat na tayo sa higher level. Pero syempre malungkot din. Malungkot kasi iiwanan mo na 'yung mga bagay na ayaw mo namang iwan. Iiwan mo na ang mga bagay na nakasanayan mo na. Sa totoo lang nung una, wala naman akong pakialam. Wala akong pakialam kung iiwan ko ang highschool. Ano ba namang paki ko sa mga tao dito? Pero ngayon nagbago ang lahat. Malay ko ba naman kasing may mga darating at magbabago ng nakasanayan ko – nang nakasanayan namin dito." Ngumiti ulit si Ken at tumingin sa direksyon namin.

Napangiti rin ako at napatingin kila Zoe, Yannie at Sab na nasa may gawing gitna.

"Alam kong kilala ng lahat kung sino ang mga tinutukoy ko. Salamat sa inyo. Salamat sa pagbabago sa eskwelahan na 'to. Salamat sa pagbabago sa nakagawian namin. Salamat sa pagbabago sa amin... sa akin. Ngayon, ito na. Ito na talaga. Nakamit na natin ang tagumpay. Naabot man natin ang dulo ng level na 'to, sana sa next level wala pa ring iwanan. Walang limutan. Kaya graduates... congratulations sa atin!"

Nagsigawan ang mga estudyante at napatayo.

Hindi ko alam pero di ko talaga mapigilan ang maiyak. Malay ko ba namang magiging ganto kadikit at kaimportante sa akin ang eskwelahan na 'to. Hay.



Nang matapos ang seremonya ay napagpasyahan naming magpunta sa No Name. Syempre. Saan pa ba kami pupunta? Dito lang naman di ba? Magcecelebrate kami kasama pa ang iba.

Nandito ang pamilya naming lahat pati sila Ate Cass, Manager, Ash at maski si Drake ay inimbitahan na rin ni Sab.

"Congratulations!" sigaw ni Manager.

Pareparehas pa kaming nagpasalamat sa kanya. Nagkwentuhan kami hanggang sa mapagpasyahan na ng mga magulang namin na umuwi kaya kami kami na lang ang naiwan.

"Miss, medyo matapang ata ang pabango mo. Masakit sa ilong."

"What?! Excuse me. Wala ka lang kasing taste, mister. Pati pabango ko pinapakialaman mo."

"Sinasabi ko lang ang naaamoy ko."

"Walang nanghihingi ng opinyon mo."

"We live in a democratic country. I can do what I want. And besides, ginagamit ko lang ang freedom of speech ko."

"Freedom of speech your face. Hindi mo ba alam na ginagamit ng mabuti ang freedom na 'yan kaya wag mo 'yang magamit gamit na dahilan."

Napatingin kami sa nag-aaway sa may gilid. Si Drake at Ashley pala.

"Ate Sab, why is your bestfriend like this? Napakarude," sumbong ni Ash kay Sab.

Natawa naman si Sab. "Ganyan talaga 'yan. Masungit sa lahat ng babae bukod sa aming apat."

"Feeling gwapo," sabi pa ni Ashley.

"Shut up," sagot naman ni Drake at lumipat ng upuan. Umupo siya sa tabi ko to be specific. Siya ang katabi ko sa kaliwa at si Ken naman sa kanan.

"Chill, Drakey," biro ko pa sa kanya.

"Arte kasi," kunot noo niyang sabi.

"Cute nga, e. Kailan nga pala balik mo ng States nyan?"

"I'll stay here for good, I guess."

"For real?" Tumango siya at ininom 'yung wine niya. "Third year ka na pagpasok di ba?"

"Yup." Actually dapat fourth year na 'yan. Mas matanda lang kasi kami ng isang taon sa kanya. Pero dahil sa nagmigrate sila, nagstop siya muna ng one year kaya nahuli.

Magsasalita pa sana ulit ako pero bigla akong napatingin kay Ate Cass kasi bigla siyang tumayo at pinalo palo ang basong hawak niya ng kutsara.

"Hey, guys. Listen! Since it's a very special day for the eight of you so why don't you get cheesy kahit ngayon lang. Speech naman dyan." Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Ate Cass.

Para na rin hindi masabihang KJ ay sumunod kami.

Tumayo si Ken at nagpasyang siya na ang magsimula. Umubo siya at inayos 'yung collar ng damit niya, "Nagspeech na ako kanina pero itutuloy ko na. Maraming salamat sa lahat sa inyo. Hindi ko inakalang magiging ganito kasaya ang taon ko. At lahat 'to ay dahil sa inyo. Kaya inuulit ko... salamat sa inyong lahat," sabay bow niya at umupo na ulit.

Nagtaas naman ako ng kamay para magsalita. "Ako naman. I know masyado ng gamit ang word na salamat ngayon pero seriously, salamat talaga sa inyo. Sa tulong niyo, nagawa kong ayusin ang problema ko sa sarili ko pati na rin sa pamilya ko. Sa paglipat ko dito, lumaki ang pamilya ko. Hindi lang dahil sa nagkaroon ako ng bagong kapatid at mommy pero dahil na rin nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad niyo. Kaya thank you talaga."

"Josh, ikaw na," siko ni Sab kay Josh.

"Ako agad? Bakit kaya hindi muna ikaw ang – "

"Ikaw na nga 'di ba?"

"Sabi ko nga ako na," kamot niya sa ulo niya. "Ano ba? Wala naman ako masyado sasabihin. Basta masaya lang ako kasi nangyari ang lahat nang nangyari nitong taon. Wala akong pinagsisisihan. Kasi nakilala ko kayo. Zoe, Yannie, Ayu. Lalo ka na Sab."

Bigla namang tumayo ang ngiting ngiti na si Sab. Time na niya. "Una sa lahat, masaya rin ako na nakilala kita Josh na bakulaw. Kahit na puro away at sakit ng ulo lang ang naibigay mo sa akin nung una, napasaya at napapasaya mo naman ako ngayon. Maraming salamat din sa lahat sa inyo kasi tanggap niyo ko. Na kahit ganito ako, sobrang ingay, hindi mapreno minsan ang bibig at magulo, tanggap niyo pa rin ako. Kaya salamat," sabay upo niya pero tumayo ulit. "Yannie, ikaw na."

Natawa si Yannie at tumayo naman. "Thanks. Sab. Uhh. Ano ba ang sasabihin ko? Siguro tulad ng lahat, salamat din. Salamat kasi pinagtyagaan niyo ang katarayan ko at tinulungan niyo akong iwanan na ang kahapon ko. Kasi seryoso, mas masaya ako ngayon." Pagkasabi niya niyan, bigla siyang lumingon kay Xander at ngumiti.

Bigla namang napangiti si Xander at niyakap si Yannie. Napakasweet talaga ng lalaking 'to.

"Thanks, Ma. Masaya rin talaga ako ngayon dahil sa 'yo. Salamat na lang nakilala kita. Buti na lang lumipat kayo ng school. Buti na lang dumating ka sa buhay ko kasi kung hindi baka hindi ako ang Xander na nasa harap niyo ngayon. I'm a mess before, you know that. But thanks to you. Kasi I managed to change."

"Salamat, Xander. Salamat sa speech mo exclusively for Yannie," sarkastikong sabi ni Ate Cass.

Natawa naman si Xander at umupo na sa upuan niya.

"Sino na mauna? Ikaw na?" Napalingon ako sa gilid ko. Nag-bubulungan kasi si Ice at Zoe.

"Ikaw? Gusto mo ba mauna?"

"Depende sa 'yo. Kung gusto mo, ikaw na. Kung ayaw mo, ako na."

"E ikaw ba? Gusto mo?"

"Ikaw – "

"Zoe, mauna ka na. Hindi tayo matatapos, e," singit ko sa usapan nila.

"Sabi ko nga ako na," kamot niya sa ulo niya, "Ano... gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ko kayo, guys. I'm so blessed to have a friend and a boyfriend like you. Feeling ko napakaswerte ko. Wala na kasi akong hihilingin pa kasi nandyan naman kayo. Parang kayo na ang kukumpleto sa pagkatao ko na kapag nawala kayo, hindi na ako buo. I super love you, guys. Thank you for coming into my life and making me feel this way. You're all the best."

Sobrang natouch ako sa sinabi niya kaya lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Sumunod naman ang iba sa ginawa ko. At nang matapos na ang yakapan namin ay excited si Manager na tinuro si Ice para magsalita.

"Anong sasabihin ko?" inosenteng tanong ni Ice. Bigla naman kaming nagtawanan sa naging reaksyon nya. "Salamat, ha. Laking tulong niyo."

"Magsalita ka na lang, pare para matapos na," pang-iinis pa ni Josh.

"Oo na. Tss." Nanahimik siya sandali at ganun din kami habang nakatingin sa kanya. "Nagbago ako."

"Ha? Ayun na – "

"Hindi pa ako tapos," inis na sagot niya kay Ken. "Nagbago ako dahil sa inyo. I've become a better man – a better person because of all of you. If I will be given a chance to choose my friends, I'll pick all of you over and over again. Masaya kasi ako sa inyo. Hindi ako sanay na sinasabi 'to pero seryoso... the best kayong lahat para sa akin."

Pagkatapos magsalita ni Ice ay natahimik kaming lahat. Hindi ko lang kasi ineexpect na sasabihin niya ang lahat ng 'yun. Of all people, sa kanya pa talaga nanggaling 'yun. Nakakatouch.

"Group hug!" sigaw ni Manager Ry. Nagtayuan naman kaming lahat at naggroup hug. Matapos 'yun ay nagtaas ng kamay si Ate Cass. "Pwedeng ako rin? Paspeech?" Nagtawanan kami at nagtanguan.

Pumalakpak siya at tumayo. "I'm so proud of you, guys. Hindi ko inakala na magiging ganyan kayo. Ni hindi ko nga inakala na magiging close tayong lahat ng ganito. Tumingin siya kay Xander at tinuro ito. "Mr. Playboy, nakakatuwa ka. Sa lahat sa kanila ikaw 'tong pinakababaero pero look at you now. Ikaw na ang pinakasweet at mukhang pinakaloyal sa lahat."

Nilipat naman niya ang tingin niya kay Yannie. "Ikaw naman, Ms. Mataray, dati rati kunot 'yang noo mo araw-araw. Minuminuto nga ata, e. Or permanent na. Pero tingnan mo ngayon. Lagi ka nang nakasmile. Halata na ang pagiging masayahin at energetic mo.

"Ikaw naman Sab. Well, wala naman masyadong nagbago sa 'yo except na lang siguro sa fact na nainlove ka sa kaaway mo. And mas nagbloom ka ngayon. Speaking of kaaway... ikaw, Josh, sino mag-aakalang ang taong hindi naman marunong magseryoso at puro panggugulo lang ng buhay ng ibang tao ang alam ay matututong magseryoso ng ganyan lalo na sa isang babae. Keep it up," sabay thumbs up pa niya.

"As for you, Ken, kung ikukumpara noon, mas nagmature ka na ngayon. Hindi ka na rin masungit. Mas masaya ka na rin ngayon. Ikaw naman, Ayu. Hindi ka na ganun katahimik. Nagagawa mo na makisalamuha sa iba at hindi ka na tutok at nakikipagbestfriend sa mga libro mo."

Humarap naman siya kay Zoe at ngumiti. "Zoe. Ikaw. My new sister. Please take care of my brother ha? Huwag mong sasaktan yan. Pero kung kailangan saktan, go na. Wala akong angal. Thank you for bringing happiness to my brother.

"At ikaw na magaling kong kapatid. Ang laki na ng pinagbago mo. Mula sa suplado at walang pakialam na Ice, iba ka na. Ayan ka na. Masayahin at puno ng pagmamahal na Ice.

"Looking back, makikita niyo na napakalaki na ng pagbabago niyong lahat. Pero lahat naman kayo ay nagbago for the better. At ang changes na nangyari ay epekto niyo na rin sa isa't isa. Alagaan niyo ang bawat isa at 'wag na 'wag kayong magsasakitan. You all look perfect for each other," sabay ngiti ni Ate Cass.

Hindi ko namalayan na naiyak na ko sa sinabi niya. Kababawan nga naman. Pinunasan ko lang ang luha ko at tumayo saka niyakap si Ate Cass. At sa ikalawang pagkakataon, naggroup hug na naman kami.

Tulad nga ng sinabi ni Zoe, siguro kami na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo hindi dahil sa mga materyal na bagay na mayroon kami kung hindi dahil sa pagkakaibigan na nabuo namin.

Sino ba mag-aakalang ang walong magkakaibang tao na magkakaaway noon ay magiging isa at mga nagmamahalan na ngayon?

Malaki ang pagbabago namin kung ikukumpara noon. Lahat ng iyakan, awayan, bangyan at sakitan noon ay napalitan naman ng tawanan, intindihan, kasiyahan at pagmamahalan ngayon.

Sino ba naman ang mag-aakalang sa Kingdom High kung saan dating magkakaaway ang babae at lalaki ay may nabuong pagsasamahan, pagkakaibigan at pagmamahalan? Ang dating boys versus girls, naging boys and girls na ngayon. At ang lahat ng ito ay nagsimula dahil lang sa isang bagay. Ang lahat ay nagsimula dahil sa tinatawag nilang

Teen Clash.


The end.

Continue Reading

You'll Also Like

206K 2.7K 15
Naniniwala ka ba sa paranormal entities? Takot ka ba sa kanila? Eh paaano kung iyong bahay na titirhan mo ay pinamumugaran pala ng isang di pang kara...
5.1M 177K 50
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Haz...
39.5M 929K 37
Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.