My Make-Believe Boyfriend ✔️

By GirlThatLovesWriting

79.8K 1.6K 41

Handsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yoursel... More

Welcome
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
This is not an update
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
For those who can't read the EPILOGUE

Chapter 16

1.2K 34 0
By GirlThatLovesWriting

Binigyan ko sya ng isang malakas na sampal sa mukha dahilan para matigilan sya.

"Kung ganyan naman pala ang tingin mo sakin, bakit in the first place nagawa mo pa akong hilain papunta dito at pagalitan ako?" naikuyom ko na ang kamao ko. Naiinis ako. Isa pang bitch ang tingin sakin ng isang 'to. Isa talagang pagkakamali na nagkagusto ako sa kanya dati.

Kung ang memories ay kagaya lang ng pictures na pwedeng burahin nagawa ko na pero hindi, welcome to reality hindi ko magagawa 'yun kahit gustong gusto ko.

Nanatili lang syang nakatingin sakin hanggang sa pagkatapos ng ilang segundo ay nacompose na nya ang sarili nya.

"Alam mo kung bakit ? Dahil tayo lang naman ang headlines sa radyo, tv, social media . Lahat na lahat na . Hindi mo ba alam 'yon ? and at that moment you're ruining my career." natigilan ako sa sinabi nya. Bakit hindi ko nalaman ?

"Hindi mo alam?" naiinis na tanong nya sakin. Napailing na lang ako dahilan para mapatampal nya ang noo nya. At pagkatapos ay sinamaan nya ako ng tingin.

"I thought gusto mo ang nangyayari--" hindi na natapos ang sinasabi nya ng bigla na lang nagring ang phone nya na nasa bulsa nya. Sinamaan nya lang ako ng tingin at pagkatapos ay kinuha na ang phone nya at sinagot na ang tawag.

Ano pa bang ginagawa ko rito ? Diba dapat umalis na ako dahil may kausap na sya sa phone , chance na 'to.Naglabas ako ng isang buntong hininga. Kaya ko 'to. Yosh ! Magagawa ko 'to , hindi na lang ako magpapahalatang aalis ako.Tumalikod na ako at akmang aalis na ng nagsalita sya na alam kong para sakin ang sinabi nya.

"Wag kang aalis" ma-awtoridad nyang utos. Napa-irap na lang ako at nagcross arms.

"Bakit?" naiirita akong humarap sa kanya . E, kase naman aalis na ako e.

"You're coming with me" itinago nya sa bulsa ang phone nya at pagkatapos ay hinila na naman ako hanggang sa makarating na kami kung nasaan ang kotse nya.

Tinaasan ko na lang sya ng kilay pero marahas nya lang nya akong ipinasok sa loob ng kotse nya kahit ayoko.

"Ano ba ! Ayoko nga sabi, e!" pagproprotesta ko pero bingi sya. Hindi nya ako niririnig. Wala syang pakialam sakin.

Buong byahe ay ganun. Walang kibuan . Bakit ko naman sya papansinin, ni hindi nga nya sinabi sakin kung saan kami pupunta o ano tapos itong ... nakakainis sya. Pangako, pag natapos itong pagtulong ko kay Reecee magpapakalayu layo na ako para hindi ko na makita pa si Ethan . Nakakasuya ang pagmumukha nya .

Nakasimangot lang ako at nakatingin lang dito sa may bintana ng biglang tumunog ng phone ko. Kinuha ko naman 'yon sa may bulsa ko at nakita kong may nagtext .

Binuksan ko ung message. Galing sa isang unregistered number pero nagpakilala naman 'yun sender.

Hello, Chiara , Ito nga pala si Darren. Sorry kung nag-away kayo ni Ethan dahil sakin.

Napangiti naman ako sandali. Mabuti pa itong si Darren kahit papaano may concern sa iba. Hindi katulad nitong si Ethan nakakainis. Sinabi ko na kaninang ayoko pero wala , hindi man lang ako pinansin ng loko. Mas inisip nya ang kagustuhan nya .

Nagreply naman ako sa message nya.

Nako . Okay lang 'yun . :)

At pagkatapos ay sinend ko 'yon . Hindi ko na rin natanggal sa mukha ko ang inis. Kaya siguro ay napansin na ito ng lalaking kasama ko na napakasama ng ugali .

"O, anong nginingiti ngiti mo dyan" masungit nyang tanong kaya unti unting nawala ang ngiti ko. Nakakainis sya . Ang galing manira ng araw.Ay, oo nga pala sirang sira na ang araw 'ko dahil sa kanya.

---

Nakarating kami sa labas ng isang hotel pero kagaya kanina ay hindi ko parin sya pinapansin. I treated him like he never existed .. well in my world. Nanatili lang akong nakaupo sa passanger seat ng sasakyan nya habang naka-cross arms. Hindi ako bababa ng sasakyan na 'to.

"Hoy,anong ginagawa mo dyan?" napalingon naman ako dun sa nagsalita. Hindi ko na lang pinahalata na nagulat ako. Pagkatapos ko syang lingunin ay muli kong binalik ang posisyon ko kanina.

"Gusto ko ng umalis" parang batang saad ko. Diretso lang ang tingin ko.

"Sige, gawin mo kung kaya mo" napangisi naman ako sa sinabi nya at agad ng pumuwesto sa driver seat at iistart ko na sana ang engine ng napansin kong wala ang susi dito.

"Looking for these?" napalingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya ng nakakaloko habang ipinapakita ang susi ng kotse nya. Lalo tuloy akong nainis sa kanya. Talaga bang inaasar ako ng isang 'to?

"Give me that back! I want to go home!" halos pasigaw kong sabi sa kanya pero nakatingin lang sya sakin ng diretso. Lalo tuloy akong naiinis sa kanya.

Pero imbis na lumapit ay mas pinili na lang nyang tumalikod at itago ang susi sa bulsa nya at nagsimula ng humakbang papaalis kaya napilitan na lang akong bumaba ng sasakyan ng lalaking 'to at lapitan sya.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko kanina, gusto ko ng umuwi." Hindi naman sya umimik sa sinabi ko pero narinig ko syang tumugon.

"You want to go home?" he paused at humarap sya sakin na nagpakaba sakin dahil straight face lang syang nakatingin sakin at wala kang mababakas na kahit anong emosyon dito.

Tumango na lang ako habang hindi parin inaalis ang aking mga mata sa kanya. Nananatili paring straight face ang mukha nya at saka kinuha nya ung susi na nilagay nya lang kanina sa may bulsa nya at saka inabot nya 'to sakin .

Bigla naman akong nanginig of all the sudden. Tatanggapin ko ba ung susi? Kaso pagtinanggap ko na ung susi paano ko patatakbuhin yung sasakyan nya ,e, hindi nga ako marunong magmaneho ,e,paano na 'to?

Hindi ko na sya pinaghintay pa ng ilang segundo at nanginginig na kamay ko itong tinanggap. Tumalikod na rin ako at bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng marinig ko syang nagsalita.

"You're really not a great actress. Halatang halata ka na hindi mo kayang umarte" napalingon naman ako sa kanya dahil aawayin ko na sana sya dun sa sinabi nya sakin pero malayo na sya sa kinaroroonan ko kaya naglabas na lang ako ng isang buntong hininga.

Ano na lang gagawin ko ngayon? Hindi naman ako marunong madrive.

Nananatili akong nakatayo dito ng may tumawag sa pangalan ko.

"Darren .." bigkas ko sa pangalan nya. Kitang kita mo ang mga ngiti nyang nagsasabing masaya sya. Nilapitan naman nya ako.

"Bakit ka nag-iisa dito? Diba dapat kasama mo si Ethan?" hindi ko na lang sya nilingon at nanatili na lang ang paningin ko sa mga taong papasok ng hotel. Mukhang may event dahil kanina pa maraming tao ang pumapasok.

"Kanina pero iniwanan na nya ako,e. Kaya heto ako gusto ko ng umuwi pero hindi ko magawa,hindi kasi ako marunong magdrive,e" nahihiyang ngiti ko. Nilingon naman ako ni Darren at nakita ko syang natawa.

"So,that's you're problem?" nananatili parin syang nakangiti habang tinatanong nya 'yon . Tumango na lang ako bilang tugon.

"You know what, I can give you a ride pero pwede bago tayo umalis magpaalam muna ako sa kambal? Sinabi ko kasing magpapahangin lang ako. Hindi kasi ako makahinga sa dami nila" nilingon ko naman sya at napangiti sa sinabi nya .

"Ano? Hindi ka makahinga? Bakit ano bang meron sa loob?" natatawa ko pang tanong sa kanya.

"Wala ka kasi dun kaya nandito ako sa labas" bigla naman akong natigilan sa sinabi nya. Teka, anong ibig sabihin ni Darren dun sa sinabi nya ? Anong kinalaman ko dun sa sinasabi nya ?




Nicholas Ethan's Point of View

Hindi ko pinahalata na naiinis ako sa planong ito ni Earl. Naiinis ako, bakit kasi ung babaeng 'yon pa,e. Alam kong iniwan ko na lang sya dito sa may parking lot dahil alam kong any minute ay susundan nya ako para magmakaawa na gusto na nyang umuwi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nangyayari. Lalo tuloy akong naiinis, nasaan na ba ung babaeng 'yon? Nasa kanya pa ang susi ng kotse ko.

"Nasaan si Chiara?" tanong sakin ni Earl. Hindi ko na lang sya pinansin at nilagpasanan ko na lang sya pero hindi pa ako nakakalayo ng tinabig nya ang balikat ko dahilan para humarap ako sa kanya.

"Ano bang problema mo,ha?" iritableng tanong ko dito?

"Nasaan si Chiara? Ethan,dapat kanina pa sya nandito para ipakilala na si Chiara ang girlfriend m--" hindi pa sya natatapos sa sinabi nya ng sumabat na ako.

"Ano? Anong sabi mo ? Ipapakilala ang babaeng 'yon na girlfriend ko? Hindi mo man lang ba naisip na hindi ko type ung babaeng 'yon? Hindi naman sya maganda. Hindi rin sexy."

"Are you done? Tapos ka na bang laitin sya?" iritable na lang akong nagiwas ng tingin.

"Bakit,hindi ba?"

"Ethan,watch your words dahil baka someday kainin mo lahat ng sinasabi mong 'yan" at pagkatapos ay tinalikuran nya ako. Hindi ko na lang pinansin ung sinabi nya at tumalikod na ako at aalis na dito sa hotel na 'to.

Isa kasi itong gathering para sa mga artista,manager at directors.

Aalis na lang ako sa hotel na 'to dahil alam kong wala namang magandang magyayari kung mananatili pa ako. At ung sinasabi ni Earl na ipapakilala si Chiara na girlfriend ko. Seryoso, nahihibang na ba sya? Ayoko sa babaeng 'yon at ni minsan ay hindi ko sya magugustuhan. At kagaya rin sya ng ibang babae na dumidikit sa lalaki dahil alam nilang may makukuha sila dito.

Nung nakalabas na ako ng hotel ay nakasalubong ko ung kambal at si Zian.

"Bro,nakita mo ba si Darren?" tanong ni Cloude.

Umiling iling na lang ako. Naaalala ko naman ung babaeng 'yon. Hindi ko maintindihan sa babaeng 'yon kung sino ba talaga ang gusto nyang maging make-believe boyfriend nya? Ako ba o si Darren.

Sa hindi inaasahan ay naikuyom ko ang kamao ko at hindi ko na lang 'yon pinahalata sa tatlo.

"Ganun ba? Jess,ikaw kasi bakit mo hinayaang makatakas?" tanong ni Cloude sa kakamba hindi ko na lang pinansin ung dalawa ng lumapit na sakin si Zian habang makasuot ng headset nya.

"Tara sa parking lot." walang emosyong saad nito. Kakaiba talaga 'tong si Zian pag nakainom bang ingay tapos naman pag hindi sobra namang tahimik.

Magpoprotesta pa sana ako sa sinabi nya dahil dun din naman ako papunta ng naisip kog magsasayang lang ako ng panahon kung gagayahin ko pa ung kambal na ngayon ay hindi ko alam kung mag-aaway na ba dahil matalim na ang tingin nila sa isa't isa.

Nang makarating na kami ng parking lot ay natagpuan lamang namin sina Darren at Chiara na masayang nagkukwentuhan habang si Darren ay naka-akbay na kay Chiara pero itong si Chiara ay tawa pa rin ng tawa, hindi na nya na pansin na nakaakbay na sa kanya si Darren.

May kung ano akong naramdaman dahilan para basta ko na lang sya hilain papasok sa kotse ko at agad inistart ang makina at pagkatapos ay pinaharurot ko na.


Continue Reading

You'll Also Like

427K 9.8K 46
Sandoval Series: Boys Crystal Scarlet Delagado, a girl who tries to make her life more meaningful was brought back to the memories she never wanted t...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...